webnovel

Chapter 10

> CRISTY'S POV <

"WAG MO NGA siyang tingnan!" ako kay Nate. Nakakainis, nilingon niya pa yung babaeng yun! "Yun lang ba talaga ang reason ba't kayo magkasama?" iritang tanong ko. Nakakainis lang kasing isipin na magkasama sila!

"Oo." binitawan ko yung kamay niya sa sagot niya. Yan na naman kasi siya, ang tipid niya na naman magsalita. "Galit ka pa rin?" tanong niya.

Hello? Nagtanong pa? Inunahan ko nga siyang maglakad. Ni di man lang ako hinabol? May mga tao pa naman na nakatingin. Binagalan ko na nga yung lakad ko! Kainis siya! Lately talaga, napapansin ko na parang nawala na ang sweetness niya sa 'kin. Lagi niyang sinasabing love niya ako pero di ko maramdaman.

Tapos kanina, ang gift niya sa 'kin for Valentines, recycled? At galing pa sa loser na Chelsa na yun? At kanina, kasama niya at ka-holding hands? Imagine? So irritating! Excited pa naman ako for this day. Akala ko may bonggang surprise siya sa 'kin like last year? Kaya sino ba ang di magagalit nun?

~~~

***FLASHBACK

"Happy Heart's day, babe!" si Nate. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Akala ko nawala na ang pagiging sweet niya? "Special yan. Nagpaturo pa akong mag-bake para gawin yan." Lalo naman ako na-excite sa sinabi niyang yun, napaka-thoughtful niya talaga.

Pero nairita ako nang makita ko yung bigay niya. "Really, Nate? Ito yung gift mo sa 'kin for Valentines?" napanganga siya nang makita ang mga loli-cake na hawak ko. At isa dun ang bigay niya. "Bake niya daw? Hmmp!" at binato ko sa kanya yung mga loli-cake, at lumabas ako ng classroom.

Pagkalabas ko ng room nakita ko sina Edward, Kyle, Karl at Zab. Pinandilatan ko sila. Alam na nila ang ibig sabihin nun, na wag silang magsabi kay Nate kung saan ako pupunta. Kung hindi, lagot sila sa mga gf nila at tatamaan sila sa 'kin.

Naisip kong pumunta sa pinakadulo ng building. Alam kong di iisipin ni Nate na dun ako pupunta. Alam ko naman na hahanapin niya ako, gusto ko lang siyang pahirapan. Magpapasama sana ako kay Lhyn kaso di ko siya makita. Siguro binabaon na nun sa lupa ang pasaway na Jasper na yun?

Pagdating ko sa dulo ng building bumaba ako sa hagdan. Nakita ko si Kristan – ex bf ko, nakaupo siya sa hagdan. Nagkatitigan kami. Paalis na sana ako pero bigla niya akong tinawag.

"Cristy!" nilingon ko siya. Pero ewan ko ba kung ba't ko pa siya nilingon? "Pwede ba tayong mag-usap?"

At ewan ko kung ba't pa ako pumayag at lumapit? "May sasabihin ka?" tanong ako.

"Happy Valentines!" siya. Nakangiti siya pero malungkot ang mga mata niya.

"Thanks," napansin ko ang kanang kamay niya na nasa loob ng kanyang bulsa na may kung anong hawak. "Kung ano man yan? Wag mo nang ibigay. Thank you na lang." Sabi ko. Kilala ko si Kristan, alam kong may ibibigay siya sa 'kin. Tulad last year, binigyan niya ako ng bulaklak sa harap pa mismo ni Nate. At pinakita ko sa kanya ang pagtapon ko nun sa basurahan.

Napatitig siya sa 'kin. Tapos tumango-tango na lang siya at inalis ang kamay niya sa kanyang bulsa.

"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako?" tatalikod na sana ako kaso hinawakan niya ako sa kamay.

"Sandali," di ako sumagot. Tiningnan ko lang siya. "Kumusta ka na?" tanong niya.

Huminga ako nang malalim at inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. "I'm okay. Masaya ko. Masaya kami ni Nate. We're so much in love with each other." Confident na sagot ko.

"Mabuti naman." Tumango-tango siya at napayuko.

"Kristan," humarap siya sa 'kin. "Please, move on. It's about two years. Wag mong sayangin ang pagiging teens mo sa kakahabol sa 'kin. Gwapo ka naman, mayaman at maraming nagkakagusto sa 'yo. So please, tigilan mo na ako. Di na ako babalik sa 'yo. Dati kung sino-sino lang naman, di ba?"

"Pero, Cristy-"

"Please, Kristan. Pinapakonsensiya mo lang ako sa ginagawa mong yan sa buhay mo."

"Nakukonsensiya ka? So, importante pa rin ako sa 'yo?"

"Pwede ba! You're so irritating!"

Tumahimik kami nang may marinig kaming yapak ng mga paang papalapit sa 'min. Nagulat kami nang makita kung sino ang mga yun. Si Nate? At kasama si Chelsa, ang weird naming classmate? At magka-holding hands sila? Anong ibig sabihin nito? Parang gusto kong manakit!

Tiningnan ko sila ng masama. At binitawan ni Nate ang kamay ni Chelsa. Same sa 'kin ang reaction ni Nate, tiningnan niya rin kami nang masama. But I know, kay Kristan lang siya galit. Kaya ako naman, kay loser ako nakatingin. Parang gusto ko siyang iuntog sa pader!

***END OF FLASHBACK

~~~

OO, NADATNAN KO na dun si Kristan. Nagsinungaling ako kay Nate, baka kasi magalit siya kapag sinabi ko yung totoo at baka kung ano pa ang isipin niya. Baka sabihin niya pang lumalandi ako sa ex ko?

Pero nasaan na ba si Lhyn? Para makwento ko sa kanya yung nangyari kanina. Kanina pa ako rito sa classroom. Siguro wala na kaming first subject dahil wala pa kaming prof. Si Nate di ako sinundan, kainis talaga siya!

Kanina pagpasok ko rito sa room biglang tumahimik yung mga classmate ko. Pero alam kong may pinag-uusapan sila bago ako pumasok. At may idea ako kung ano yun. Umiba rin yung reaksyon nila pagdating ni Chelsa. Tiningnan ko lang siya at nag-smile ako na parang walang nangyari.

I'm thankful na di nagkasakitan sina Nate at Kristan kanina. Si Kristan, kilalang siga rito sa school, bully at pasaway. Si Nate, tahimik lang kung titingnan at wala sa hitsurang palaaway din. Ilang beses na silang nagkasuntukan. Minsan nagrambol na rin sila sa labas ng campus. Kasama ni Nate yung tropa namin at si Kristan naman yung tatlo niyang barkada na sina Awin, Arvin at Melcho. Ilang beses na rin silang pinatawag sa guidance at nasuspende na rin sila. Nung isang buwan lang sinuntok ni Nate si Kristan dahil din sa 'kin. Buti walang nakakita. At buti, sumusunod si Kristan sa lahat nang sinasabi ko.

Yung incident kanina, kung sakaling may nakakita nun at na-report na naman kami, for sure, di kami papayagan na maka-attend sa JS prom. Hindi ako papayag na mangyari yun. Matagal ko nang dream na maging Prom Queen, and of course, si Nate ang Prom King ko.

Si Kristan, naging kami 2nd year high school kami nun. Parang puppy love lang. Parang mag-bestfriend lang din. But I felt something for him. Pero siya, parang naglalaro lang. Maharot siya sa mga babae. Halos lahat ng classmate namin na girls ka-text at ka-chat niya. Even yung mga nasa higher level. Kaya syempre nagseselos ako. Kahit sino naman siguro, di ba? Kaya nakipag-break ako. Then I decided to transfer sa ibang school, di na niya kasi ako tinitigilan.

Dito ko nakilala si Lhyn sa Brilliant Mind Academy. Dati na niyang kaibigan sina Nate. Isang Subdivision lang kasi ang tinitirhan nila na malapit lang dito sa school. Nang maging close ako kay Lhyn, doon naman kami nagkakilala ni Nate.

I never thought na mahal na pala talaga ako ni Kristan. Sinundan niya ako rito sa school na 'to. Sinama niya pa sina Awin, Arvin at Melcho, na naging kabarkada ko rin nun sa dati naming school. Nagsimula ang away nila ni Nate nang malaman ni Kristan na nililigawan ako ni Nate. Agad kung sinagot si Nate dahil talagang nagustuhan ko siya nung una ko pa lang siyang makita.

Naging bully at siga-siga rito sina Kristan, nag-feeling F4 sila. Malakas ang loob nila kasi member sila ng isang gang sa lugar nila. Pero sorry nalang sila kasi may F6 dito, sina Nate. At may dalawa pa silang magagandang muse – kami ni Lhny. May muse nga rin pala sina Kristan, sina Carly at Evy.

Mag-bestfriend sina Carly at Evy. May gusto si Carly kay Nate, nagpapatulong pa siya kay Lhyn. Pero ako ang gusto ni Nate. At si Lhyn, di niya bet si Carly. Si Evy naman malaki ang galit kay Lhyn, type kasi ni Evy si Jasper. Eh, si Jasper, sinasabi niyang si Lhyn ang like niya. Pero di naman alam ni Lhyn kung true yun. Nang malaman nina Carly na galit sina Kristan kina Nate nakipag-close sila kina Kristan para kalabanin ang group namin. Kung may dog fight between Nate, Edward, Kyle, Karl, Zab, and Jasper, versus Kristan, Awin, Arvin, Melcho and their gang. May cat fight naman between me and Lhyn, versus Carly and Evy.

Knowing Kristan, alam kong di siya titigil hangga't di nakukuha ang gusto niya. Alam kung may binabalak siya. Pero kanina, parang may pitik sa puso ko nang mapagmasdan ko siya? Pero naaawa lang siguro ako sa kanya?

At knowing Nate, alam kong di siya patatalo kay Kristan. Mas nakakatakot magalit si Nate. Ilang beses ko nang na witnessed yun. And knowing him, alam kong gagawa siya nang paraan para bumawi sa 'kin. So excited! At si Edward ang ginamit niya? Papasok si Edward, alam kong may ibibigay siya sa 'kin.

"Wala kang ibibigay sa 'kin?" ako kay Edward nang di niya ako pinansin at naupo lang sa likod ko.

"Wala? Bakit?" sagot niya. Tinalikuran ko na lang at di na ako sumagot.

Baka itong kambal? Papalapit sila sa 'kin, eh.

Asar! Wala silang binigay? Nag-smile lang sa 'kin?

Baka naman kay Zab?

Pero naupo lang din si Zab sa kabilang row sa tapat ko. Tiningnan ko siya ng ano-na-look.

"Bakit?" pagtataka ni Zab. Umiling na lang ako.

Humanda ka talaga sa 'kin Nate!

Umayos ako ng upo nang magsipasok yung iba naming classmate na nasa labas. Narinig kong parating na si Sir. So, kaya pala pumasok na 'tong mga to? But where is Nate?

Pagpasok ni sir, kinabahan naman ako. Ba't ang sama ng tingin sa 'kin ni sir? Inangat ni sir ang kamay niya hawak ang maliit na card.

"For my Star, see you tonight, pm is the key! From your handsome babe." Lalong sumimangot si sir. "Smiley!" nang basahin ni Sir yung letter alam ko na kung kanino galing yun. Ba't si Sir? Nakakahiya. Binasa pa talaga sa unahan? Naghiyawan mga classmate namin. "Quiet!" sigaw ni sir at tumahimik ang lahat. "I can't believe this. Ginawa akong messenger ng isa kong pasaway na student." Tiningnan ako ni Sir. "Miss Ruiz!"

"Sir?"

"May sulat ka!" at kinuha ko kay sir yung card. Naiinis ako pero kinikilig ako! Pagkakuha ko ng card agad akong naupo.

Sumulpot si Nate sa pinto na kamot-ulo, bitbit niya ang mga gamit ni sir. Siguro yun ang kapalit. Naghiyawan ang mga classmate namin. Ewan ko, pero talagang kinikilig ako! Nakatingin lang ako kay Nate. Tapos naupo na siya sa tabi ko.

"Quiet!" sigaw ni sir at pinalo-palo ang blackboard ng stick.

"Sabi ko ibigay lang sa 'yo. Di ko sinabing basahin." Pabulong na sabi sa 'kin ni Nate. I smiled at him and hold his hand, halatang na-awkward din siya sa nangyari.

"Kayong love birds sa unahan! Maghiwalay kayo. Mr. Hernandez, dun ka sa hulihan. Nakaka-distract kayo." Si sir. Sinenyasan ko si Nate na tumayo na at pumunta na sa hulihan. Buti pumayag at lumipat ng upuan.

ตอนถัดไป