"Tok...tok...! May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
Nakahiga na ko sa kama ko at pinatay ko narin yung ilaw. Sinigurado ko ring naka lock yung pinto para walang makapasok kasi di ko sure mamaya umakyat pa si Martin.
Punong-puno na yung tenga ko sa kanya kaya kung maari ayaw ko muna siyang makita.
"Nak di ka kakain?" Tawag ni Mama.
"Busog ako Ma, Gusto ko ng matulog."
"Nasa baba pa si Martin hinihintay ka!"
"Pauwiin mo na muna Ma, saka nalang muna kami mag-usap! Pagod po ako." Paki-usap ko kay Mama at sana mapauwi na niya kasi wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kanya.
"Sige!" Pag-sang ayon ni Mama at tuluyan ng bumaba.
Di ko namalayan na nakatulog na ko.
Nagising na lang ako umaga na at may kumakatok uli sa pintuan ko.
"Nak tanghali na di ka ba papasok?" Boses ni Mama na tumatawag sa kabilang pintuan.
Sinipat ko yung relo sa may side table ko at nakita kong six na ng umaga pero nanatili parin akong nakahiga. Iniisip ko kung papasok ako o aabsent.
"Di ako papasok Ma!" Sigaw ko.
Napag desisyunan kong magpahinga nalang muna kasi mukang di parin ako okey kaya naisip kong wag ng pumasok.
"Sige sabihan ko si Papa mo!"
Sabi ni Mama at tuluuyan ng umalis. Pag alis niya kinuha ko yung phone ko sa may bag ko lowbat na kaya isinaksak ko muna sa charger para mabuksan ko.
Pagbukas ko sa phone ko bumungad sakin yung thirty miss call ni Martin at twenty
text messages. Wala parin ako sa mood basahin ang mga text niya kaya ini-skip ko lang iyon.
Nag-compose ako ng text para kay Sir John para sabihing di ako papasok and I'm not feeling well di literal na may sakit ako sadyang matamlay lang ako na parang wala ako sa mood na pumasok.
Makalipas ng ilang minuto sumagot siya ng okey. Nung mabasa ko yug text niya muli kong pinatay yung cellphone ko at bumalik ako sa higaan para matulog uli.
Nagising ako uli mag nine na ng umaga kaya bumangon na ko. Kumakalam narin kasi yung sikmura ko. Pagbaba ko wala dun si Mama, malamang nakikipagkwentuhan nanaman yun sa labas ng bahay. May pagkain naman sa lamesa na natatakpan pero di ko muna yun sinilip ay dumiretso na ko sa banyo para maligo.
Natapos narin ako maligo at magbihis pero wala parin si Mama, "Mukang nawili nanaman sa labas." Sabi ko sa sarili ko habang nagtitimpla ako ng aking kape.
Scramble egg at sinangag na kanin yung natatakpan na pagkain sa lamesa. Nag-uumpisa na akong kumain ng maalala ko yung phone ko na naka patay parin kaya muli akong bumalik sa kwarto ko para kunin yun habang bumaba binuksan ko ito at doon uli bumungad sa akin yung madaming text ni Martin.
"Hon please call me once na mabasa mo ito!" Unang laman ng message na nabasa ko. Eight ng umaga niya yun tinext sa akin.
Halos ganun lang laman ng text niya kaya ini-scroll ko lang yun. Sunod na nagtext sa akin si Dina.
"Girl pumunta jowa mo dito hinahanap ka. Missing ka nanaman ba?" Laman ng text.
Pinili ko nalang din na di muna replyan si Dina. Wala pa kasi ako sa mood ipaliwanag sa kanya yung sitwasyon. Muli kong binalikan yung message ni Martin at pinindot ko yung reply button.
"Kagigising ko lang, pasensya na. Nasa bahay ako di ako pumasok. Usap nalang tayo bukas." Message ko. Pipindutin ko na sana yung send button ng may marinig akong pumasok kaya nag-angat ako ng tingin.
"Oh gising na pala siya!" Sabi ni Mama. Kasunod niya si Martin na agad pumunta sa akin at yumakap.
"Hon!" Tawag niya sa akin.
"Hmmm!" Tanging nasabi ko.
"Bakit di mo sinasagot yung text ko?" Tanong niya sa akin.
Marahil nakita niyang hawak-hawak ko yung phone ko pero wala parin siyang nakukuhang text mula sa akin.
"Patext na ko sayo!" Sabi ko sa kanya sabay pakita ng compose message ko. Na binura ko narin sa harap niya kasi nga ano pang silbi nun eh andito na siya.
"Bakit di ka kaya maupo?" Sambit ko paano nakaupo ako at para mayakap ako need niyang yumuko para magawa iyon. Nahihirapan akong tingnan yung sitwasyon niya.
Dahil sa sinabi ko wala siyang nagawa kundi hilahin yung upuan sa gilid at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya yung kanang kamay ko at sa naka harap sa akin na parang iiyak na di mo malaman.
"Kumain ka muna iho, bago kayo mag-usap. Mukang okey naman na yan si Michelle. Maayos niyo yan." Sabi ni Mama sabay abot sa kanya ng pinggan at kutsara't tinidor.
"Thank you 'Ma." Sabi ni Martin nung abutin niya ang mga ito.
Buti na lang din at binitawan na niya yung kamay ko kaya nagsimula na uli akong kumain. Dahil nga feeling at home na siya sa bahay namin nagsandok narin siya ng sarili niya.
"Gusto mong kape?" Offer ko.
"Please!" Sagot niya sa akin habang naka ngiti.
Agad naman akong tumayo at pinagtimpla siya. Natapos yung pagkain namin ng tahimik habang si Mama ay busy sa panunuod niya ng TV.
"Ako na maghuhugas niyan!" Sabi ni Mama ng mapansin niyang tapos na kami kumain.
"Ako na 'Ma at kunti lang naman ito." Offer ko.
"Sa taas na kayo mag-usap at ng matapos yang tampuhan niyo." Utos ni Mama sa amin.
Bigla akong napatingin sa direksiyon ni Martin na kanina pa naka tingin sa akin na parang may gustong sabihin pero di niya alam kung paano magsisimula.
"Tuyuin ko buhok mo Hon." Sabi niya sa akin nung matagal na walang nagsasalita sa amin.
Napansin niya marahil na basa pa yung buhok ko kasi naka balot parin iyon sa tuwalya.
"Tara!" Yaya ko sa kanya.
Actually wala pa sana akong balak na kausapin siya pero dahil nga nahuli na niya ako wala na kong choice kundi makipag-usap na lang.
Pag-pasok namin sa kwarto ko agad akong umupo sa harap ng maliit kong tokador samantalang siya agad naman niyang dinampot yung bloower sa lamesa at agad sinaksak.
Hinayaan ko lang siyang tanggalin yung tuwalya sa ulo ko para matuyo niya yung buhok ko. Nanatili lang akong naka tingin sa kanya sa harap ng salamin habang naka cross sa dibdib ko yung dalawa kong braso.