webnovel

Chapter 218

"Sorry!" Sabi niya habang naka yuko.

Mahina niya lang iyon sinabi pero kahit ma-ingay yung blower rinig ko iyon.

"Bakit ka nag so-sorry?" Tanong ko naman habang tinitingnan ko yung reaksiyon ng muka niya.

"Kasi naging OA yung reaksyon ko." Sagot niya habang naka tingin na rin sa akin.

Di ako sumagot at nanatiling naka tingin sa kanya.

"Di lang ba yun yung kasalanan ko?" Tanong niya sa akin.

Pero nanatiling tikom yung labi ko.

"Hon, alam ko OA yung reaksyon ko kahapon and di rin maganda yung ginawa ko ang I'm sorry about it."

Dahil di parin ako sumasagot binitawan niya yung blower at ipinatong sa lamesa. Inikot niya yung upuan ko paharap sa kanya at lumuhod siya sa harap ko habang hawak yung dalawa kong kamay.

"I'm sorry... sabihin mo yung fault ko at pipilitin kong di na mauulit. Wag lang ganito na di mo ko kakausapin kasi natatakot ako."

"Hon please sabihin mo!" Muli niyang sabi ng di parin ako sumasagot.

"Tumayo ka na, di na ko galit!" Sabay hila sakanya patayo pero ayaw parin niya kumilos kaya napilitan akong tumayo sa upuan at hilain siya.

Buti na lang di na niya ako pinahirapan at agad naman siyang tumayo pero nanatiling nakayakap sa akin. Ipinatong pa yung baba niya sa may balikad ko habang naka subsob sa leeg ko yung labi niya.

"I love you!" Bulong niya sabay halik na maliliit sa aking leeg.

"Wag mong dadamay yung Boss ko sa katigasan ng ulo ko. Alam ko namang may mali ako pero sana satin dalawa na lang yung don't involve other people."

"I know yun ang mali ko, di na mauulit. Sobrang nag-aalala lang ako sayo. Ayaw kong maulit yung nangyari sayo."

"Alam ko naman yun pero isipin mo din two years ko na yung ginagawa di naman siguro mangyayari sakin yun always isa pa very safe naman sa Oasis. Isa pa nagkaroon lang ng emergency yung isang kasama ko kaya ako nagpresenta para palitan siya kaya wala kang dapat sisishin kundi ako lang."

"Hon!" Bulong niya sa akin.

"Sorry din!" Sabi ko sa kanya.

"Please pag galit ka sakin sabihin mo o kaya saktan mo ko wag mo lang ako silent treatment kasi natatakot ako kapag ganun yung pinapakita mo sa akin." Sabi niya sa akin habang niyakap ako ng mas mahigpit.

"Okey di na mauulit." Pag-sang ayon ko. Para kasi sakin mas pinili ko nalang manahimik para wala akong masabi na mas magdadala sa mas malalang away. Minsan kasi kapag galit ka kung ano-ano nasasabi mo kaya minsan napapasama pa.

"Promise mo yun ah! Kahit anong di natin pag iintindihan dapat natin pag-usapan." Sabi niya sa akin habang hinawakan yung dalawang pisngi ko at naka titig sa akin.

"Opo!" Sagot ko.

Agad siyang ngumiti ng marinig ang sagot ko. Akala ko dadampian niya lan ako ng halik pero di na niya binitawan yung labi ko hanggang dalhin niya ko sa kama ko.

"Toink! Aray!" Sabay na tunog na narinig ko na labis kong ikinabigla.

"Haha... haha..!" Di ko napigilang pagtawa. Paano nauntog si Martin sa pader kung saan naka dikit yung kama ko.

Bigla ba naman siyang humiga habang hali-halik ako di niya ata na anticipate na sa tangkad niya di siya pweding humiga ng pahalang sa kama ko kaya inabot niya yung pader. Ang ending tumama yung ulo niya.

"Tinatawanan mo pa ko kahit alam mong nasaktan ako!" Pagmamaktol niya habang hawak-hawak yung parte ng ulo niyang tumama.

"Feeling mo kasi kasing laki ng kama mo yung kama ko! Yan bukulan ka tuloy! Haha...haha...!"

"Ikaw tuwang-tuwa ka talaga!" Sabay kurot sa tagiliran ko.

"Aray!" Reklamo ko sabay pitik sa noo niya. Bumaba na rin ako sa pagkakapatong sa kanya para maka ayos siya ng higa.

"Dapat talaga palitan na itong kamo mo eh!"

"Tigilan mo yung kama ko! Ano nalang magiging itsura ng kwarto ko kung papalitan mo!" Reglamo ko.

Di naman kasi kalakihan yung kwarto ko halos sakop na nga ng kama ko yung kalahati ng space ng kwarto ko so kung papalitan niya pa iyon malamang sa kama nalang ako dadaan.

"Bakit nga pala di ka pumasok?" Tanong ko kay Martin nung naka ayos na kami ng higa. Naka tihaya ako habang naka unan sa braso niya samantalang siya naka tagilig habang naka harap sa akin at nakapulupot ang isang kamay sa baywang ko.

"Paano ako papasok kung galit ka malamang wala din ako magagawa kasi iisipin lang kita."

"Sabihin ng mga empleyado mo naging President ka lang naging lazy ka na!"

"Wala akong paki sa sasabihin nila mas importante pa ba sila sa magiging asawa ko."

"Ano ka ba naman alam mo naman madaming taong umaasa sayo!"

"Kaya naman na yun ni Lucas wala naman akong importanteng meeting or gagawin ngayon, kaya wag ka ng mag-alala!" Sagot niya sa akin sabay piga sa ilong ko.

"Parang ang lalim ng eyebag mo ah!" Puna ko sa muka niya.

"Di kasi ako naka tulog kagabi kasi iniisip kita!"

"Ang drama mo kaya!"

"Yun nga ang masaklap ako iniisip kita samantalang ikaw mukang sarap ng tulog mo ah!"

"Naman! Tutubuan lang ako ng pimples kapag nagpuyat ako!"

"Ah ganun! Habang ako di makatulog ikaw sarap ng hilik mo!"

"Bakit sinabi ko bang magpuyat ka?"

"Oo nga naman wala kang sinabing magpuyat ako paano mo nga naman yun sasabihin kung di mo ko kinakausap!" Reklamo niya.

"Bakit nagrereklamo ka, ikaw naman may gusto nun!"

"Ah ganun!" Sabay kiliti sa akin.

"Martin tigilan mo ko!" Sigaw ko habang umiiwas sa pangingiliti niya.

Dahil nga hawak-hawak niya ko di ako maka alis.

"Haha...haha... Ayaw ko na!" Sigaw ko habang naluluha na yung mata ko sa katatawa.

Buti naman tinigilan na niya yung pangingiliti pero di ko naka limutang hampasin siya sa braso bilang ganti sa ginawa niya.

"Pasok ka na bukas?" Tanong niya sa akin.

"Parang ayaw ko na ngang pumasok nakaka hiya ka kasi!" Sabay irap ko sa kanya.

"Di wag ka ng pumasok! Dito ka nalang sa bahay niyo o kaya dun ka nalang sa Pad ko! Sasahuran na lang kita!" Offer niya.

"Nag-uumpisa ka nanaman!" Singhal ko sa kanya.

ตอนถัดไป