webnovel

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the authors imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Stories are not mine. There might be based from true stories or is completely fictional. You can send me your stories if you wanted tp share. Just message me.

great_sage00 · อื่นๆ
Not enough ratings
20 Chs

UNLOVE BY MY FIRST LOVE

UNLOVE BY MY FIRST LOVE

Written by: Lilaclily

Dedicated to: Gray Travis and Lucifęr

"Hoy demonyo, dito!" sigaw ko kay Lucifer habang nagdi dribble ng basketball.

"Maka demonyo ka ah! ganda ka?" asik n'ya habang papalapit sa akin.

"Oh bakit hindi ba?" I asked at mas lalong nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Hindi yucks!" sagot naman n'ya kaya mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

"Oh talaga ba, hindi ha? Hindi? Bakit sabi ni Bhea Crush mo daw ako ha! Ha! Oh ano-" naputol ang pagsisigaw ko nang bigla n'yang hinalikan ang labi ko ng mabilisan at agad tumakbo papalayo.

"HOY!" galit kong sigaw sa kanya at hinabol s'ya. Binato ko ang dala-dala kong bola ng basketball at ibinato ito sa kanya.

Because he is a Basketball Player nasalo n'ya ito at shinoot. Walang kupas si demonyo three pointer parin.

"BAKIT MO GINAWA YUN?!" pagalit kong tanong.

"Ang daldal mo eh kaya pinatahimik kita, sana ganon ka din pero oy 'wag kang abusado baka magdadadaldal ka buong magdamag para i kiss kita" mayabang n'yang saad na tila gustong gusto ko pa yung ginawa n'ya.

"Ang feeling mo ah! Mas hahalikan ko pa yung manok kesa sa'yo!"

"Oh syempre, kauri mo eh" pang-aasar n'ya ulit at tumakbo palayo kaya hinabol ko s'ya para pagsasapakin s'ya.

....

"Hoy Morgan! Kanina ka pa nakatulala d'yan mukha kang timang" pamumuna ni Sky habang niyuyogyog ang mga balikat ko.

"Panira ka talaga!" sigaw ko sa kanya pero wala lang s'yang paki.

"Nananaginip ka ba? May trabaho ka pa baka nakakalimutan mo" sabi n'ya habang dumudukot ng chichirya ko.

"Oh sa'yo na 'yan! Alam ko namang 'yan lang ang gusto mo eh kaya ka nanggugulo!" pagalit kong sabi sa kanya at ibinigay sa kanya ang chichiryang kinakain ko. Panira eh.

Ngumisi lang s'ya habang nag fa flying kiss pa. Kadiri.

Natahimik ang paligid kaya naalala ko na naman ang scenaryong naalala ko kanina. Hay good old days, we were teenagers back then and we're a victim of this so called puppy love. Well that's what my mom said pero hindi lang doon yun.

Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko na nasa center table kaya agad ko itong tiningnan.

'DEMONYO👿 is calling...'

'yan ang nakalagay kaya agad ko itong sinagot.

"Kumain kana?" tanong n'ya.

"Hindi pa, ikaw? How's work? Break time n'yo na ba?" sunod-sunod kong tanong.

"Kakain pa lang, ayos lang naman dito at medyo busy and yes break time namin" He answered.

Napangiti ako, this is what I like about him. He never miss a question, sinasagot n'ya lahat ng tanong ko kahit marami and he memorize every single details about me as well, it is so rare kaya I'm so lucky I have someone like him.

"Oh kain ka muna baka pumayat ka edi mas lalo kang papangit, eat well!" I said while laughing.

"Sus gwapong gwapo ka nga sa akin eh. Bye na nga baka maubos break time ko sa kadaldalan mo. Sunduin kita mamaya" he said.

"Saan tayo pupunta? Mag cocommute nalang ako kung saan man 'yan" I replied.

"Hindi pwede. Kahit gaano ka katapang, babae ka parin kaya hihintayin kita. You shouldn't go anywhere ng walang kasama lalo na kapag gabi, nauuso ang rape cases ngayong panahon Morgan" Mahaba n'yang saad kay napa tawa nalang ako at sumang-ayon sa gusto n'ya.

Well sa sobrang tagal n'yang ganito sa akin, hindi parin ako nasasanay.

After saying our good-byes, we ended our call and I continued living in my fantasy again. May childhood life was happy, I met Lucifer at the age of 12 dahil sa s'ya ay dayo sa aming lugar noon. We became friends and they keep teasing us kasi lagi kaming magkasama, mapa basketball, bicycling pati sa pag gala. Noon, hindi ako katulad ng ibang babae na girly, who loves to play doll, who loves wearing heels, dresses and other girly things. Tinutukso akong tomboy lalo na ni Luci kasi para daw akong hindi babae kung maka asta. Naging matagal ang pagkakaibigan namin noon hanggang sa nagustuhan ko na s'ya at the age of 15 kaya umamin ako syempre wala akong hiya eh but gladly we have mutual feelings pala. Hindi naging kami pero we acted like we're a couple before. Ang landi ko pala kahit bata pa lang ako. Naaalala ko pa noon kung paano s'ya maging over protective.

"Hoy Tomboy ang burara mo. Tandaan mo babae ka parin kaya ibaba mo yan isa mong paa" pagalit n'yang sabi sa akin.

Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa basketball court habang naka taas ang isang paa. I am wearing a jersey na binigay n'ya sa akin.

"Ang Oa mo naman demonyo. Komportable ako dito eh bakit ba"

"Baka masilipan ka d'yan. Tandaan mo basketball court 'to hindi bahay n'yo" sagot n'ya uli.

"Wala nga yan!" pagsuway na sigaw ko.

Pinalo n'ya yung tuhod ko kaya agad kong naibaba ito, akala siguro niya magaan yung kamay n'ya.

"Aray ko naman! Ang bigat ng kamay mo!" asik ko.

"Tigas ng bungo mo eh. Sige na bye na maglalaro na kami, kayo daw sunod" he said.

"Alam ko sige ingat" saad ko.

Nginitian n'ya ako at tumakbo na s'ya sa mga ka teammates n'ya.

Liga 'to sa baranggay namin kaya maraming tao.

Sobrang nakaka excite ng laro nila dahil tie ang scores at ilang minutes nalang bago matapos ang laro.

"GOOOO LOVEEE WOOOOOOHHHH!!" I shouted, cheering him up.

Napatingin ang mga tao sa akin pero naka focus lang ako sa kanya na napatingin din sa akin.

He smiled and shoot the ball kaya napasigaw ako at tumalon talon dahil three points yun kaya naka lamang na sila.

I kept shouting and cheering for their team, nayugyog ko na nga yung katabi kong babae na di ko kilala kaya nag sorry nalang ako.

"YOWWNNNNN!" I shouted again ng ma shoot ng isang teammates n'ya before pa magtapos ang game.

Agad s'yang tumakbo papalapit sa akin kaya inabot ko sa kanya yung towel tsaka tubig. Ipinagyayabang n'ya pa sarili n'ya sa'kin.

When it is my turn to play lagi n'yang pinapaalala sa'kin na mag ingat ako at s'ya pa naging coach ko dahil sa kakaremind n'ya kung ano ang dapat kung gawin sa loob ng laro.

"INGATAN N'YO YAN! GIRLFRIEND KO 'YAN!" He shouted.

Kanina pa 'yan nakakarindi pero hindi ko mapigilang kiligin sa pinapakita n'ya. Hindi na s'ya nahihiyang isigaw yan kahit pinagtitinginan na s'ya ng maraming tao.

Napatigil ako sa pagbabalik ng mga ala-ala ng biglang tumunog ang phone ko. Nag text si Lucifer na mag prepare na daw agad ako kasi alam n'yang matagal akong maligo. After replying 'okay' to his text, ngumiti ako ng bigla kong makita sa aparador ko ang Jersey na ginagamit ko noon sa liga ng baranggay. I was 17 that time while he's 18. We aren't official that time, parang MU lang ganon. Hindi pa kasi ako pinapayagan magka boyfriend pag hindi pa 18.

So much for that, after kong mag reminisce, I took a bath and change my clothes. Saktong sakto, pagkatapos kong ma satisfy sa sarili ko ay lumabas na ako at nakita ko si Luci na nag aantay sa sofa habang dinadaldal ni Sky.

"Ay may date" panunukso ni Sky.

I look at her with a warning stare but she just laugh. Hindi parin natinag jusko.

"Alam n'yo kayo lang ang nakikita kong mag ex na naghaharutan parin, bakit hindi nalang kaya kayo mag comeback edi sana hindi na malito ang mga tao sa status n'yo diba?" panenermon n'ya sa akin.

"Ayaw n'ya eh" sagot naman ni Luci at tinuro ako.

Hindi nalang ako nagsalita at inaya na si Lucifer lumabas.

Pero gusto ko talagang sabihin kanina na I know it'll be painful again. I think it is better this way.

Pagkarating namin sa restaurant agad kaming nag order ng pagkain. At ang ganda ng seat na pina reserve ni Luci, kitang kita ang bilog at magandang buwan.

Nakatingin ako sa buwan ng may bigla kaming narinig na hiyawan kaya napalingon ako doon.

May nag popropose pala, sana all.

"Hey do you remember back then?" pagkuha ni Luci sa atensiyon ko.

"Yes" I said and smiled.

....

"So Miss Travis' escort wants to say his message infront of us. Let's give him a chance to express his feelings. Welcome him everyone, Mister Lucifer Gray" saad ng MC kaya pumalakpak lahat at nagsimulang maglakas si Luci palapit sa akin at tumayo sa harap ng Mic.

"Good evening everyone and it is an honor for me to say this infront of you. Happiest birthday to the gorgeous celebrant here. Since nasa harap na ako ng karamihan, Morgan Travis, will you be my girl?" He asked kaya naghiyawan halos lahat ng nanonood.

Nagulat ako at agad namula. Nakangiti s'yang nakatingin sa akin at nilalahad ang isang bouquet ng bulaklak sa akin. I accepted it at napatingin sa parents ko at kay sky na nasa tabi nila.

My parents is smiling at me, mukhang may alam ata sila. Sky is holding a DSLR cam and I think she's filming us.

I look back at Luci again at ngumiti sa kanya.

"Yes" I answered.

Nagulat ako ng bigla n'ya akong niyakap at sinakop ang aking mukha. Hinalikan n'ya ang aking noo.

I can feel that he is really happy. Today is my 18th birthday and we're officially together. My first love, my first boyfriend.

....

"You're smiling, anong iniisip mo?" he asked.

"Naalala ko lang noong debut ko" I answered.

"Until now kinikilig ka parin" pang aasar n'ya.

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating ang order namin.

We ate and talked about our day.

The night ended peacefully at inihatid n'ya na ako sa apartment namin.

"Hoy Morgan! Nakita ko sa isang article. May kasama si Luci, party ata 'yon" biglang salubong sa akin ni Sky pagkatapos kong lumabas sa banyo.

"Nabanggit n'ya nga, may event daw sa company nila. Partner n'ya ata 'yan." I answered habang tinitingnan ang picture na nasa social media.

"Bakit hindi ikaw ang partner n'ya?" Sky asked.

"Bakit naman ako? Hindi naman kami, we're friends" I said.

"Friends? Hoy mag ex kayo. Exes can't be friends unless kung may feelings pa kayo sa isa't-isa or never naman talaga kayo nagmahalan noon" she replied.

I was stunned and can't utter a word. She's right. But I'm sure minahal ko s'ya noon at hanggang ngayon.....

"Oh natahimik ka?" tanong n'ya.

"Wala. Wala naman akong karapatang magreklamo Sky, hindi kami" I answered.

"Oh eh bakit ayaw mong mag comeback kayo? Para may karapatan kana"

"It'll be painful again. Mas mabuti na sana na ganito, walang expectations at walang disappointment kasi if ever na kami madami akong i expect sa kanya but he's a human too nagkakamali pero hindi ko parin maiwasan madisappoint pag ganon. I am just protecting myself Sky" I answered.

"Protecting yourself? O takot ka lang uli mag risk kasi iniisip mo na baka mangyari na naman uli ang nangyari noon?" she asked.

Wala akong naisagot, pumasok nalang ako sa kwarto ko at humiga.

I stared at the ceiling. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Pagod na, pagod na ako sa ganitong set up. Gusto ko namang sumaya uli ng walang what ifs, gusto kong magmahal ng iba pero tama sila First love never die. S'ya parin talaga sa kabila ng lahat.

Lumipas ang araw. Naging busy kaming dalawa sa trabaho kaya hindi n'ya na ako nasusundo. Sabi n'ya sa akin lagi na nag o over time s'ya kaya nauuna ako. It is disappointing a bit pero may thought sa isip ko na laging sumisiksik. Bakit ako madidisappoint, kami ba?

"Morgan sama ka? Bar tayo. Nakaka stress ang week na 'to" pang aaya sa akin ng isa kong katrabaho.

I look at my watch at ng makita kong maaga pa naman ay sumama narin ako.

I was about to message Luci, magpapaalam lang sana dahil nakagawian na namin iyon ng biglang mag notif yung instagram ko.

'Luci.fer posted a new photo. Click here to view.'

I clicked it and saw him with a girl on a bar too. Hindi man lang nagpaalam.

Dahil sa irita ay pinatay ko na ang cellphone ko at isiniksik sa bag ko. Hindi na ako nagpaalam at agad ng sumama sa kanila.

"Oh shot mo Morgan!" Sigaw sa akin ni Caddy pero hilong hilo na ako at nasusuka na.

Ilang baso na ng tequila ang nainom ko, enough for me to be like this.

"Uy may sundo!" rinig kong hiyaw ni Chanell.

Hindi ko na sila pinakialaman. Nakapikit lang ako at naka sandal sa sofa. I'm really wasted.

"Morgan Let's go home" bulong sa akin ng pamilyar na boses.

"Tara na. You're drunk, hindi ka manlang nagpaalam" he whispered again.

Binuksan ko ng konti ang aking mga mata at tumingin sa kanya. Luci..

"Baby! What took you so long?" I said in a baby tone.

"Let's go home na, you're drunk" he whispered again.

Dinilat ko na ng tuluyan ang aking mata at yumakap sa kanya.

"I miss you" bulong ko.

"Lucifer, is your cousin okay?" tanong ng isang babaeng nasa likod n'ya.

"Uh yeah Cia" He answered.

Sinong pinsan, may pinsan ba s'ya dito?

Magsasalita sana ako ng bigla n'ya na akong kinarga palabas.

Nang maipasok n'ya ako sa kotse ay agad nalang akong nag pass out.

When I woke up sobrang sakit ng ulo ko at ang dry pa ng lalamunan ko. Shit hindi na talaga ako iinom ng grabe sa susunod.

Tumunog ang doorknob kaya napalingon agad ako sa pintuan at bumungad si Sky sakin na may daldalang tray ng macaroni soup, tubig at sliced oranges.

"Oh senyorita kain na. Magpaka lasing kapa ha sarap kasi ng buhay ano?" Sermon n'ya saka nilapag ang tray sa side table ko.

"Teka bakit ikaw?" I asked.

"Anong bakit ako? Gusto mo ba yung aso ng kapit bahay natin ang maghatid ng pagkain sa'yo?" sarkastiko n'yang tanong.

"Asan si Lucifer?" I asked again, ignoring her sarcastic question.

"Ahhh umuwi na kagabi, nagmamadali nga eh" She answered.

Bigla akong nakaramdam ng disappointment at napatitig nalang sa kawalan. He was used to take care of me when I'm drunk. Lagi s'yang natutulog dito sa apartment kapag alam n'yang lasing ako at ipinagluluto ako kinaumagahan. He was used to do that before, anong nangyari? Bakit hindi na.

Days passed by at napapansin kong hindi na kami tulad ng dati. The things we used to do before ay hindi na namin nagagawa. Hindi ko din s'ya makausap sa call dahil laging busy ang line n'ya.

"Hoy bruha kaaa! Look at this!" Sky shouted from the living room kaya agad akong nagpunta sa kanya.

"Bakit? Anong meron?" I asked.

"Look" she said and points at her laptop.

I saw an article with Lucifer on it and he's with a girl.

"The rising CEO Mr. Lucifer Gray and the highest paid model Cianna Amer announced that they are officially in a relationship..click for more info." pagbasa ko sa article.

Nang ma proseso ko ang lahat ng nabasa ko ay agad akong napaupo sa sofa. Agad tumulo ang luha sa aking mga mata at nadurog ang aking puso.

Eto ang ikinakakatakutan ko. Ang makahanap s'ya ng iba at matatawag n'yang kanya.

Sky hugged me kaya agad akong napahagulhol sa sakit. Iniisip ko na kay Cianna n'ya na ginagawa ang ginagawa n'ya sa aking noon. We will never be the same again, lahat ng mga ginagawa namin noon ay hindi na pwede kasi may girlfriend na s'ya and it hurts. It fucking hurts. Mas masakit pala 'to, I expected this naman but I am not ready. I'm not ready to let him go. Ayaw ko..masakit..

"Sabi ko naman kasi sa'yo eh, things last. You should've savored the moment, edi sana ikaw ang nasa pwesto ni Cianna ngayon" Sky said.

"Sinabi mo sa akin noon diba, exes can't be in a relationship unless mahal pa nila ang isa't-isa or hindi naman talaga sila nagmahalan noon. I was stunned kasi ako sigurado akong mahal na mahal ko s'ya dati pero I don't think na ganon din s'ya. Maybe... maybe hindi n'ya nga talaga ako minahal" I said while sobbing.

"Hindi mangyayari ang nangyari dati kung minahal ka n'ya Morgan pero hindi ka nakinig sakin eh. Naging marupok ka parin sa kabila ng lahat" she replied, that is when memories started coming back again.

.....

"Bakit mo nagawa sa akin 'to Lucifer?!" I asked furiously through phone call.

Naka uwi na s'ya sa Cebu kaya naging LDR kami ng 5 buwan. But I found out na nagka girlfriend s'ya sa Cebu while we're still together and it is fucking painful.

"Sorry baby! I'm so sorry, hindi ko kaya na nasa malayo ka. I've been craving for tight hugs, warm kisses and cuddles but you can't give it to me kasi nasa malayo ka" he said.

I sobbed and tears continued steaming down again.

"Ako din naman Luci eh, ako din pero tiniis ko kasi naka commit ako sayo. Tiniis ko kasi mahal kita, ikaw? Minahal mo ba talaga ako kasi mahal mo 'ko o minahal ko ako kasi mahal kita?" I asked.

Hinang hina na ako, I expected a lot but end up being disappointed.

Hindi s'ya naka sagot at binaba ang kanyang telepono. Pagod na ako kaka tanong kaya hindi na uli ako tumawag pa.

That's how we ended and I was 20 years d that time.

....

Nakatulog ako kakaiyak sa shoulders ni Sky.

Ilang araw ang lumipas ay inabala ko ang aking sarili sa trabaho, wala kaming komunikasyon ni Luci. Ganon nalang yun, natapos nalang bigla pero hindi ako papayag.

I texted him na magkita kami sa resto na pinupuntahan namin before and he agreed.

Nag ayos ako. Red lipstick, a fitted dress and a high heels. I look stunning and I am confident to say that pero ano ba ang laban ko sa isang highest paid model diba.

When I entered the resto nakita ko na agad s'ya sa paborito naming upuan. Malapit sa bintana kung saan makikita ang bilog na buwan.

"Hi, you look gorgeous Morgan" He said.

"Always" I replied at umupo na.

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa. Sorry, nakita mo yun without any words from me" He said.

Napatigil ako at nawala ang poise ko. I don't want to take this any longer too.

"Bakit? Bakit mo ginawa 'yon. I gave you a second chance Lucifer pero sinayang mo" I said.

"Second Chance Morgan? Second chance? But you put a wall around you. Hanggang ex nalang ako na pwede mong puntahan kapag namimimiss mong may sumusuyo sa'yo o lumalambing sa'yo but you never let me in. Chance ba yon? I don't think I earned your trust again. We're not getting any younger Morgan. I wanna marry someone na sigurado sa akin, hindi yung hanggang ex with benefits lang" he answered.

Napatulala ako kasi kasalanan ko pala lahat wow.

"Minahal mo ba talaga ako?" I asked.

"Minahal kita Morgan pero noon 'yon. Hindi na ngayon I'm sorry, napagod na ako sa set up natin eh sorry" He answered at bigla nalang umalis habang sinasagot ang tawag.

Tumingin ako sa labas, kasabay ng pagtakip ng mga ulap sa buwan ay ang pagdurog ng puso ko. Kasabay ng pag patak ng ulan ay agad ding nag unahan ang mga luha ko.

Ang sakit sakit, sobrang sakit. Ako pala ang may pagkukulang at wala akong karapatang mag sumbat kasi walang kami but is it my fault dahil natakot na ako? He gave me the trauma. Hindi ko na alam... Ang sakit lang kasi hindi na kami yung dati, I am unloved by my first love.