webnovel
avatar
altalt

Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog)

Author: Passion Honey

4.8
(2,848 ratings)

663 Secret Weapon

4yr Translator: | Editor:

Nang marinig ito, biglang napahalakhak si An Zihao, "Tinutukoy mo ba ang isang taong tulad ni Annie?"

"Ang 'The Savage Wars' ay magsasagawa na ng kanilang press conference. Totoo na si Annie ang umagaw ng iyong role, kaya patuloy ka munang magdusa ng konti."

Nagtaas ng kanyang ulo si Chen Xingyan at tumingin kay An Zihao. Sa panahong tulad nito, inunat ni An Zihao ang kanyang braso at hinaplos ang kanyang ulo.

"Hindi na magtatagal ito. Tutulungan kitang makapaghiganti sa lalong madaling panahon."

"Hindi na kailangan, maaari ko iyan gawin mag isa," matigas ang ulong tugon ni Chen Xingyan.

"Maghintay ka hanggang ikaw ay maging tanyag bago mo sabihin sa akin ang mga salitang iyan." Pagkatapos magsalita, iginiya ni an Zihao si Chen Xingyan palabas ng DK Agency at hinatid ito sa Hyatt Regency.

...

Nang muling makita ni Chen Xingyan si Tangning, ang kanyang ulo ay napayuko sa kahihiyan. Sa kinalabasan, ang insidente na nagawa niyang magalit at mag alala ay wala lamang kay Tangning. Na

Continue Reading

Latest Updates