webnovel

Chapter 2

Delio POV

Tiningnan ko agad kung sino ang humarang, Baka kasi Zombie na, Kaya kabado akong hinawakan ang aking palakol.

Ewan ko kung bakit...Pero parang umaasa ako sa loob-looban ko na sana...

Tunay nga ang hinala ko, Na merong Zombie Apocalypse.

Bakit...gusto ko na magkatotoo ito?

Hindi ko na inisip pa.

Kanina pang umaga ako naghilamos at hinampas ang aking mukha para maka sigurado kung nanaginip ba talaga ako.

At tunay naman ang mga nangyayari.

Na gising nga talaga ako.

"Tumabi ka dyan bata" Inis na sinabi ng tricycle driver na sinasakayan ko.

Nang tiningnan ko sino ang nakaharang ay isang bata lang pala na parang may minamasdan sa taas.

Nawala ang kaba ko.

Wew buti naman.

Ilang saglit pa ay biglang naghiyawan ang mga tao kaunting hakbang lang ang layo sa amin ni Tricycle driver.

"Nababaliw sya!" Sigaw ng isang ginang edad 40-45.

"Adik...ba yan? Saan ang pulis!"

"Bakit ang dami nilang nababaliw?!" Sigaw ng lalaki na handang lumaban gamit ang bangko galing sa karenderya.

Napalunok nalang ako ng aking laway sa kaba at sinabi ko agad sa tricycle driver "Manong! Dalian natin doblehin ko bayad, Triple na pala!"

Alala kong sinabi sa tricycle driver.

Pero umalis agad ang manong na binaliwala lang ang aking sinabi at sumigaw "Tunay nga Zombie sa balita kanina! Takbo!"

Tumakbo agad ang tricycle driver at iniwan nya ang kanyang tricycle na tumutunog pa ang makina.

Nataranta na din masyado sya upang hindi gamitin ang motor nya pang takas.

"Bwesit!" Lumabas na rin  ako tricycle para ako nalang sana magdrive ng motor ng napansin ko na...

May nagbabagsakan na mga bagay mula sa itaas.

Ano na naman ang nangyayari?

Napatingin ako sa taas at nakita ko ang ilang eroplano na malalaki, Walang tatak ito na binabagsak ang mga tao mula sa luggar area ng eroplano.

Mga tao?

Huwag mong sabihin na...

May hinala na ako.

Halos tatlong metro lang ang layo sa akin ng isa sa mga bumagsak, Natakot ako dahil sa oras na mabagsakan ako noon sigurado patay na ako.

Pero sa pagkakataong ito iba ang focus ng aking atensyon at nakita ko na ng malinaw kung ano ba ito nahulog na tao.

Isa talagang tao na bali ang mga paa na puti ang mga mata.

Hindi maari...Zombie nga talaga.

Malayo ang 'taong' iyun sa akin na gumagapang kahit hindi na maitindihan ang pagkakabaluktot ng kanyang mga kamay at paa dahil sa pagbagsak na nangyari sa kanya. Tiningnan ko ang paligid at nagbara na ang daanan dahilan para hindi ko na din mapakinabangan pa ang tricycle.

Kahit ata bisekleta ay mahihirapan ng dumaan dito.

Ibig sabihin hindi makakadaan ang tricylce na pwede kong gamitin ngayon dahil sa mga sasakyang nakaharang.

Delikado ang mga nahuhulog, Wala akong masisilungan na iba pa kaya bumalik nalang agad muli ako sa loob ng tricycle para hindi tamaan.

May ilan paring ''tao' na bumabagsak, Halos lampas sampu ang tumama sa sahig ng kalye at tumama pa nga sa bubung ng tricycle na sinasakyan ko ang isa.

BAM!

Yumanig ang tricycle na aking tinataguan, Sa sobrang lakas halos nayupi ang bubung nito.

Mabilis ang tibok ng aking puso ngayon at wala akong ibang ginawa pa ng nasa loob ako ng tricycle ay lagyan ng makapal na duct tape ang magkabila kong braso.

Sinigurado akong makapal ito suot-suot din ang makapal na gloves na gawa sa leather pero hindi naman ganoon kakapal para hindi ko maisarado ang aking palad at daliri.

Sigurado ako na hindi ito basta-basta makakagat lalo nat wala naman pangil ang mga tao.

Nang handa na ako ay bigla akong lumabas ng tricycle at hinawakan kong mabuti ang palakol na aking binili na halos tatlong kilo ang bigat at may habang isang metro.

Mahirap hawakan sa simula dahil sa gloves buti nalang di-gomma ang hawakan kaya hindi madulas.

Mabilis parin ang tibok ng puso ko kasi...

Natatakot akong makagat....at takot din akong pumatay.

Oo Zombie na sila pero itsura parin silang tao. Kaya mahirap para sa akin kung kakayanin ko ba agad sa simula ang ganito tibay ng loob sa pag-atake.

Ni hindi nga ako nakapatay ng manok, Tao pa kaya.

Kaya pinili ko ang maging brutal at matibay ang loob sa oras na ito.

Inihanda ko na ang aking sarili ng biglang nasaksihan ko ang isang lalaking bali ang mga parte ng katawan na papunta sa isang direksyon kung saan nagsisigawan ang mga tao.

Medyo kabado pa din talaga ako.

"Bumalik na kayo sa mga bahay nyo! Bilisan nyo!" Sigaw ng isang lalaki edad 50.

Muka syang barangay tanod dahil sa hawak nyang batuta.

Tama, Pagkakataon ko na ito para makabalik ako sa aking apartment habang nakukuha nya pa ang atensyon ng mga halimaw.

Hinayaan ko lang ang mga Zombie na puro bali ang mga katawan na gumagapang dahil mabagal sila sa ngayon, pwera lang sa isang ginang na nakatayo na sa tinginn ko ay...isa ng Zombie.

Nag-aalala ako sa Zombie na ito dahil papalapit sya sa barangay Tanod na nagbababala sa mga tao na umuwi na, Kaya sumigaw ako para balaan naman sya.

"Kuya may-"

Bigla ko agad pinigil ang aking pagsigaw.

At napatanong ako sa aking sarili, Bakit ko pa aalahanin ang iba?

Pero kaya ko syang iligtas ito ang dahilan ko. Gamit ang sandata meron ako ngayon.

Tulungan ko?

Buti nalang napansin nya na ang papalapit na 'Zombie' na ginang at doon na sya umatras papalayo na halatang hindi din masyado alam gagawin kung aatakihin nya dahil na din sa kaba.

Tulad nga ng inaasahan ko ay kahit sino kakabahan lalo nat pagwalang sandata na bagay pang patay.

Mukang marami ng may hinala na tunay nga ang Zombie dito sa lugar namin. Parang kanina lang ay ordinaryo pa ang pamumuhay dito at ngayon...

Nagkakagulo na.

Deretso parin ang paglakad ko at nililibot kong mabuti ang aking paningin sa paligid. Tumitingin din ako sa likod ko ng saglit paminsan-minsan para walang makakalapit sa akin ng hindi ko namamalayan.

Tumatahimik na ang lugar dahil nagsisi-uwian na ang lahat tao sa labas..

Pwera lang sa ilang nakagat o nabagsakan ng zombie mula sa eroplano kanina.

Isa, Dalawa, Tatlo binilang ko ang mga nakatayong tahimik na Zombie na nakaharang sa dadaanan ko papunta sa aking apartment.

Mahigit walo sila, Ang iba ay naglalakad ng walang direksyon. Ang mga nakatayo na ito ang nakagat sigurado ako.

Lima dito nasa lupa na gumagapang, Sila ang mga Zombie na bumagsak kanina.

Kita ko din ang ibang laman na nagkalat daan, Mga dugo lalo na ang isang lalaki na nabagsakan ng Zombie kanina. Bali ang ulo at dilat ang mga mata na hindi makapaniwala ang kanyang mukha na namatay lang sya ng ganito.

"Burrrp...-" Nasusuka na talaga ako kanina pa dahil sa mga nakita kong mga laman at dugo pati mga nakalabas na buto sa katawan ng mga Zombie.

At narinig ito ng mga halimaw ang aking pagpigil na pagsuka.

Tumingin sila sa direksyon ko at naglakad papunta sa akin.

Bwesit.

Nilunok ko agad ang muntik ko ng isuka na pagkain at nainis ako sa aking sarili.

Bakit ngayon pa!?

Kanina pa ako nandidiri sa mga kalat na katawang laman o mga dugo kaya medyo hanga ako sa sarili ko na nakatagal ako ng ganito.

Pero bakit ngayon pa ako nasusuka?

Kainis.

Dahan-dahan akong umalis sa pwesto ko para hindi nila ako mamalayan at marinig pero...

Sinusunda parin nila ako papunta sa nilalakaran kong lokasyon. Kahit sobrang tahimik ng aking mga yapak sa paglakad.

Bakit?

Pagnarinig na ako ibig sabihin nakatuon na ang pansin nila sa akin?

Hindi ko sigurado pero maaring dalawa o tatlong beses na ang talas ng pandinig nila kapalit ng wala na silang paningin, pang amoy, pang lasa at pakiramdam.

Labanan ko? Pero tatlo sila.

Mapapalibutan nila ako. Kung mag-isa lang ay may lakas pa ako ng loob labanan pero...

Hindi ako pwedeng magkamali sayang din ang limitado kong lakas.

May baluti at sandata man ako ay hindi naman mabilis ang aking paggalaw lalo nat taong bahay lang ako.

Meaning hindi pala ehersisyo na maiksi lang ang stamina.

Hindi ako tatagal sa laban.

Kailangan kong tumakas.

Kaya tumakbo agad ako ng mabilis habang buhat-buhat ko ang aking palakol gamit ang dalawa kong kamay malapit sa aking dibdib na para akong may kargang sanggol pero handa ang porma ko humataw kung kinakailangan.

Sumunod sila agad pero normal na lakad lang ng tao ang pinaka mabilis nilang nagawa sa paghabol.

Buti naman, Buti nalang talaga mabagal sila.

Kung katulad sa movie na 'Train to Busan' ang mga bilis nito...

Sigurado kanina pa ako lumalaban para sa aking buhay.

Masaya ako na madali lang pala.

Iniwasan ko ang mga Zombie na nadadaanan ko at nakita ko din sa wakas ang gate ng compound kung nasaan ang apartment ko.

Mabilis akong pumunta doon para buksan ito.

Kaso...

Sarado.

Mabilis tumibok ang puso ko sa nerbyos kung bakit sarado ito gate sa pagkakataong ito?

Huwag mong sabihin na...

Isinara ng Landlord para hindi makapasok ang mga Zombie?

Mukang iyun nga ang ginawa nya.

Gusto kong tawagin ang may-ari ng inuupahan ko pero hindi ako pwedeng magsalita ng malakas.

Maririnig ako ng ilang Zombie dito sa paligid.

Paano ako papasok?

Sirain ang gate gamit ang palakol? Pero maririnig nila ang pag hampas ko at isa pa bakal ito hindi kahoy. Pag ginawa ko din yun paano ako mapoprotektahan ng gate pag nasa loob na ako kung sinira ko naman ito?

Aakyat sa gate?

Wala akong kakapitan para akyatin ito at may taas itong apat na metro.

Bwesit!

Putang ina!

Napamura nalang ako sa galit sa aking isipan.

Hindi pumasok sa utak ko na magkakaganito sa bandang huli.

At lalong hindi pumasok sa kokote ko na...

BAM!

BAM!

BAM!

BAM!

"Tatay Ben! Tulong po paki buksan ang gate!" Sigaw ng isang magandang dalaga habang hinahampas ang gate na may parteng flat na bakal.

"Tatay Ben! Paki buksan po ang gate!"

Na...Tatawagin ng isang babae ang pangalan ng may-ari ng inuupahan namin ng napakalakas.

Napatingin nalang ako sa dalagang biglang sumulpot sa aking kanan at hindi akong makapaniwalang tinitigan sya...

Ang tangang babae na ito.

Gusto ko syang suntukin sa mukha para tumahimik.

Kaso...

Dito ko na naririnig ang mga ungol ng mga Zombie na naiipon sa aming paligid dahil sa ginawa nyang ingay.

To be Continue...