webnovel

Chapter Nine: Alexander Azen Redalgo

"Ikaw!" sigaw ko dahil sa magkahalong gulat at pagtataka. "Ikaw na naman?"

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napalingon at napatitig sa akin ang mga kaibigan ko. Hindi siguro nila inaasahan ang sigaw ko. Pero hindi ko na sila nagawang pansinin, dahil nanatili lamang ang mga mata ko sa lalaking ito na nasa 'king tabi.

Bakit ba lagi ko na lang siyang nakakasalubong? Una, sa sementeryo. Tapos sa parking lot. Ngayon naman, dito! At hindi lang basta-bastang nakasalubong, dahil ngayon ay talagang hinila niya pa ako at sinabing magkakilala kami kahit na hindi naman!

And how did he even know my real name?

Mas lumawak ang kanyang ngiti. 'Yong ngiti niya na nakakaloko. Pagkatapos ay natatawang sinabing, "I told you. I'm here to meet a friend."

Friend? Don't tell me he's referring to. . .

I turned to where Jc is and stared at him, intently. His eyes and expression were confused, just like how Nikka's, Lewis', and maybe mine, do too.

"Jc, tell me this isn't Red," I said to him.

Mas lalong nalukot ang mukha ng kaibigan ko. Para siyang sumasagot ng tanong sa isang exam na hindi niya na napag-aralan at napaghandaan. "Pero siya nga si Red. Akala ko ba magkakilala na kayo?"

Napahilamos na lang ako ng mukha.

Sabi na nga ba. Ang lalaking 'to nga si Red. Ang lalaking ito ang dapat na ipakikilala sa akin ni Jc, ang lalaking hinahangaan ni Lewis, at ang lalaking dapat ay makakasama ko sa plano ko.

Great! Napakalaking coincidence naman nito.

Or is it?

Nilingon ko muli si Red, ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay ko at masungit siyang tinititigan. Pero wala, wala pa ring epekto iyon sa kanya dahil hindi nawala ang mapaglaro niyang ngiti.

That frustratingly gorgeous smile! Ugh.

"Alam mo nang lahat 'to, 'no?" matapang kong tanong sa kanya.

Nagtaas siya bigla ng dalawang kamay, iyon bang parang sumusuko, at sabay iling. "Believe it or not, I don't, Serina. Nalaman ko lang na ikaw 'yong ipapakilala ni Jc pagdating ko rito."

"E paanong alam mo na 'yong pangalan ko?" madiin pero mahina kong sinabi sa kanya. "Imposible namang sinabi ni Jc sayo, dahil hindi gano'n ang kaibigan ko."

"No, no, he didn't. That's a big coincidence, too. Knowing your name, I mean."

"E paano nga?" mas madiin kong sinabi.

Halos matawa si Red sa reaksyon ko, pero pilit niyang pinigilan 'yon habang kagat-kagat ang kanyang mga labi. Pagkatapos ay binasa niya pa ang mga 'yon gamit ang dila niya, at sinabing, "That, my dear. . . Is a secret you'll soon find out."

Gusto kong magwala. Gusto kong lamutakin ang mukha niya dahil sa frustration. I've never met a guy as cocky as he is, and that's what frustrates me the most! Pwera pa 'yong itsura niya na ubod ng gwapo to the point na nakakaasar na!

Napahilot ako sa sentido ko habang pinakakalma ang isip ko. I don't want to lash out at him just because of this situation and all these coincidences, are getting on my nerves. I shouldn't. Dahil kahit nakakaasar ang ugali ng lalaking 'to, wala pa rin naman siyang kasalanan.

I just have to relax. And breathe.

"I think I need a drink."

* * *

Mataman akong nakatingin kay Red habang hawak ang isang bote ng Heineken. Ganoon din naman ang ginagawa niya— ang titigan ako. Pero hindi kagaya ko, naroon pa rin ang mapaglaro niyang ngiti, tila hindi nawala. Akala mo ay nanonood siya ng isang palabas na sobra niyang nagugustuhan.

"Red, these are my friends. . . Lewis and Nikka," Jc said while gesturing at them.

Red's eyes temporarily left mine and turned to my friends. "Hello, Lewis, Nikka," he said then reached out for a handshake.

Nakangiti namang tinatanggap iyon ng dalawa.

"Hi, Red! Grabe ang gwapo mo pala talaga sa malapitan!" sabi pa ni Lewis na ikinatawa ni Red.

"Madilim lang kaya mo siguro nasabi 'yan," sagot niya naman kay Lewis.

Quite humble now, huh? Samantalang noong nagkita kami sa sementeryo, abot langit ang confidence niya sa sarili.

Ako naman ang sumunod na iminuwestra ni Jc kaya nabalik muli sa akin ang tingin ni Red.

"And of course, si Zenna," he said, then scratch the back of his neck. "Though, I don't think this is necessary, since you already know her. Anyway, siya 'yong naikwento ko sayo na kaibigan ko na kailangan ng tulong."

Red's smile grew wider, more amused as Jc continues to speak. Tuwang tuwa yata talaga siya, hindi ko nga lang alam kung sa anong dahilan na.

"May pagkamasungit siya, pero mabait 'yan."

I shifted my eyes to Jc when he said that, and gave him a cold glare. Natawa naman siya at sabay pisil sa pisngi ko. He even mouthed 'chill' while pinching me. So in the end, I let him off.

"I don't mind," biglaang sinabi ni Red kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya. "In fact, that's what makes Serina so interesting."

Narinig ko ang impit na tili ni Lewis sa aking tabi. Nang hindi siya nililingon, kinapa ko ang tagiliran niya at mahina ko siyang kinurot doon. Napatigil naman siya sa pagtili, pero kita ko sa gilid ng aking mga mata na hindi nawala ang mga ngiti niya.

Really, why are my friends ganging up on me? It's like they're purposely teasing me in front of Red.

I cleared my throat. "Zenna," I said in a serious tone while looking straight into Red's eyes. "Call me Zenna."

"Why?" he answered. A grin plastered on his face. "Serina sounds so much better."

I took a deep breath. Bakit ba napaka-flirt ng lalaking 'to? Gan'yan ba ang gawain niya sa lahat ng babaeng matipuhan niya? Ano 'yan, hobby niya? Nakakaasar na talaga.

"I'm not asking for your opinion, Red. Ang gusto ko, Zenna ang itawag mo sa 'kin, dahil ayaw kong marinig ng iba ang totoong pangalan ko."

Tinitigan niya ako nang diretso, hindi man lang kumukurap. Hindi ko maintindihan pero para bang walang katanong-tanong ang mga mata niya kahit pa matapos kong sabihin ang sinabi ko.

Noong kina Jc, Lewis at Nikka ko sinabi 'yon, hindi sila naubusan ng tanong sa akin. Hindi nila ako tinantanan hanggat hindi ko naikwento ang dahilan kung bakit 'Zenna' ang gamit kong pangalan, at kung bakit ayaw kong magpatawag sa totoo kong pangalan.

Pero kay Red, wala. Wala man lang, kahit isang patak ng kuryosidad. Iyon bang tipong hindi niya na kailangang malaman, hindi dahil hindi siya interesado, pero dahil may alam na siya. Hindi ko nga lang alam kung tama ba ang nararamdaman kong ito, o talaga ngang wala lang siyang pakialam.

Ilang sandali pa ay tumango-tango si Red. Kinuha niya ang isang shot ng tequila na nasa mesa, ininom iyon nang isang inuman at nang walang asin o lemon man lang, pagkatapos ay humalukipkip at muling ibinalik sa akin ang kanyang tingin.

"Okay, I understand. Zenna it is," he said, playfully. "So, Zenna. . . Anong maipaglilingkod ko? Jc said you needed help, but didn't go to full details. So please, enlighten me."

Nakita kong tinapik ni Jc si Red sa balikat pagkatapos ay itinuro ang dancefloor. Parang sumisenyas na aalis na muna siya, sila nila Lewis at Nikka, kung hindi ako nagkakamali ng iniisip. Tiningala naman ni Red ang ngayon ay nakatayong si Jc, pagkatapos ay tumango at ngumiti.

Maya-maya pa ay tumayo na rin sina Lewis at Nikka.

Kahit pa alam ko nang sasama sila kay Jc, parang nagulat pa rin ako at napatingala nang mabilis sa kanila.

"Ano, iiwan niyo rin ako?" sarkastiko kong tanong, na tinawanan naman nila.

"Para makapag-usap kayo nang maayos ni Red. Syempre ayaw naman naming makaistorbo," nangingiting sagot ni Lewis, at sinegundahan pa ni Nikka.

"Behave, Zenna. H'wag kang maging masyadong masungit kay Red. He seems like a good guy," she said.

I made a face. Halos lahat sila ay naloko na yata ng Red na 'to gamit ang mga charms niya. Grabe. Ngayon, ako pa tuloy ang lumalabas na masama.

"Mag-usap lang kayo d'yan, 'kay!" Si Jc, pagkatapos ay kumaway at inakbayan na sina Lewis at Nikka bago niya tinangay ang dalawa papunta sa dancefloor.

Pinapanood ko lang ang mga kaibigan ko habang papalayo sila. Agad din silang nakakita ng ibang kakilala roon sa dancefloor, kaya hindi rin nagtagal ay nawala na sila sa paningin ko at tuluyan nang nilamon ng tumpok ng mga tao.

Napabuntong-hininga ako, bago binalik ang mga mata ko kay Red. Hanggang ngayon ay pinapanood niya ako. Ang mga braso niya ay nakahalukipkip pa rin, ang ngiti niya ay naroon pa rin, maging ang kakaibang pagkatuwa sa mga mata niya ay nanatili. Tila nag-aabang ng sagot mula sa akin.

This guy really is so damn hot, I must admit. He's like a picture cut off straight from a magazine for models, then miraculously came to life.

It would have been better if his personality is as good as his looks, though.

"I need a fake boyfriend," deretsahan ko nang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ni Red. He was clearly taken aback, probably because he wasn't expecting this was the problem I needed some help with. But it didn't took him too long to recover. His eyes returned to their normal sexy state, but now full with more amusement and curiosity.

"I didn't see that coming," he said, laughingly. "Okay. Sure. But how do we do it, and for what reason?"

"Reason? Sa tingin ko sa akin na lang 'yon, Red."

"No," he quickly said. "If you want me to help you out, you have to tell me the whole story. Every single detail there is, Zenna."

Mabilis na tumaas ang kaliwang kilay ko.

Tama ba ang naririnig ko? Inuustusan niya 'ko? No, more like tinatakot niya ako para sumunod. Paano niya naman kaya naisip na pwede niyang gawin 'yon sa 'kin?

"Are you telling me what to do?" hindi makapaniwalang sinabi ko. "Red, I'm not that desperate for your help. Marami pa 'kong pwedeng alukin na lalaki d'yan. And they'd gladly do it for me, without asking questions."

He shrugged. "You're right. I'm sure there are so many guys out there who are willing to be your fake boyfriend. I have no doubts about that. But. . . How can you make sure that they'd settle for just being fake? Hmm?"

Doon na ako natigilan. Binuksan ko ang bibig ko para magsalita, pero bandang huli ay wala akong naisip kaya't isinara ko na lang ulit 'yon. Para bang biglang naglaho ang dila ko at nablangko ang utak ko dahil sa sinabi ni Red.

Nakakainis mang aminin, pero tama siya. Maaaring may mahanap pa nga akong iba na willing gawin ang mga gusto ko, pero hindi naman ako sigurado kung papayag sila na hanggang doon lang kami. Hindi ako siguradong hindi sila magiging clingy, at hindi ako peperwisyuhin.

Unlike Red, who Lewis have said is a sport. Sa kanya, sigurado akong hindi siya maghahabol, hindi siya gagawa ng mga bagay na ikapapahamak ko, at hindi ako mahihirapan na makipaghiwalay sa kanya kahit kailan ko gusto.

Sigurado akong para sa kanya, isang laro lang itong gagawin namin. Kaya kahit matapos na itong magiging deal namin, hindi siya manghihinayang. 'Coz I'm definitely just one of his girls. Hindi naman na 'yon nakapagtataka, dahil na rin sa itsura niya.

And not to mention, he's a friend of Ethan Co. The Ethan Co of Ashton University's basketball team. The ace player of Raging Phoenix, and the king of the court. Kaya imposibleng hindi kilala itong si Red.

He's a safe choice.

No, scratch that. He's the safest choice and the most perfect one.

Hindi lang dahil kilala siya, kundi dahil na rin alam kong hindi siya ma-a-attach sa akin.

Napabuntong-hininga ako dahil sa mga naisip. Humalukipkip din ako kagaya ni Red, at nagpakawala muli ng isa pang buntong-hininga bago nagsalita. "Okay. I give up. Panalo ka na. Tama ka."

Muling lumawak ang ngiti niya, siguro ay bilib na bilib sa sarili dahil napasuko niya ako. Kaya naman bago pa man siya makapagsalita at maipagbayabang ang kagalingan niya, inunahan ko na siya.

"But I won't tell you every detail, if that's what you're thinking. You'll only know those that I think are necessary for you to know."

Sandali siyang natahimik. Akala ko pa ay hindi siya papayag, pero maya-maya pa ay tumango na siya.

"Okay. Accepted," sabi niya, bago siya lumapit sa lamesa at ipatong doon ang magkabila niyang braso. "So, what's the reason? And how do we this. . . Pretend thing."

Pinagsalikop niya ang mga kamay niyang nasa lamesa, kaya naman agad na nakuha ng silver bracelet niya ang pansin ko.

Para 'yong baller, na makapal at simple lang ang itsura, pero gawa sa silver. May nakaukit doon na mga salita, pero hindi ko na nagawang mabasa dahil madilim at lilikot ang mga ilaw.

Maybe it's a gift from his girlfriend? Probably.

"The reason, is a guy at my school," I said, fixing my eyes at him again. "He treated me like shit, so I want to make him fall for me."

Biglang kumunot ang noo niya, na para bang nagsalita ako sa ibang lenggwahe. "Wait— What? You're words are very contracting, Zenna. At isa pa. . ." Natigilan siya at sandaling natawa. "Parang hindi mo naman na kailangan ang tulong ko d'yan sa sinabi mo e. I'm pretty sure you can make any guy fall for you."

Umirap ako. "You don't understand, Red. I want this asshole to fall madly and deeply in love with me. I want him to get jealous. I want him to go mad, because I'm with someone else. I want him to really love me, like I'm his whole world. So when I leave him, which is my way of revenge, he'll be devastated as hell."

Red let out a low whistle, as if my words surprised him. Impressed him, even. If the amused grin on his face isn't any indication.

"I never thought you're this heartless. . . And interesting," he said, laughing. "Okay. Count me in."

I suppressed a smile while shaking my head. "I'm not heartless. Sobrang laki lang kasi ng atraso niya sa 'kin, lalo na ng girlfriend niya. It's a plan for hitting two birds with one stone, and I want it to work."

"Oh, it will. Lalo na ako ang tutulong sayo."

That's it. The moment Red said those words, I couldn't keep myself from smiling anymore. Unti-unti nang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ko, at ganoon din siya.

Para bang bigla kong nakalimutan na kanina lang ay inis na inis ako sa kanya, dahil lang sa nagkasundo kami sa iisang bagay.

Pero mabilis na naputol ang titigan namin ni Red nang may biglang magsalita.

"Redalgo?" sabi ng isang boses ng lalaki. "Alexander Azen Redalgo?"

Agad na napatingin si Red sa lalaki na nakatayo sa gilid ng booth namin, at nanlaki ang mga mata. Gulat na gulat siya, pero para bang 'yong gulat na masaya. Pagkatapos ay natawa siya nang malakas.

"Holy shit! It is you!" biglang sigaw ng lalaki na ikinagulat ko. "The great Alexander Azen Villamor Redalgo!"

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa inis. Paano, napakalakas ng boses ng lalaki na muntik pang madaig ang tugtog ng buong club. Si Red naman ay matuwa-tuwang tumayo at nakipag-bro hug doon sa lalaki.

As I've thought, they are friends.

Kinuha ko ang bote ng Heineken ko at uminom. Nag-uusap na si Red at 'yong lalaki, at wala akong balak makisawsaw sa kanila.

Pero nang magsalitang muli ang lalaki ay hindi ko na napigilang tumingala.

"And Serina Espejo Luiz," he said.

Nanlaki ang mga mata ko, dahil ito na ang pangalawang beses na may tumawag sa totoo kong pangalan. Mabilis kong hinanap ang mukha ng lalaki sa gitna ng may kadiliman na club, at nang mamukhaan ko siya, ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko, nalaglag na lamang ang panga ko.

No way!