webnovel

Chapter Thirteen

RAFAEL'S POV:

Tumakbo na nga kami papunta dun sa may subdivision.

Panay ang putukan ng baril ang naririnig namin.

Medyo nakalapit na nga kami.

"Bukas yung gate sa harap." Sabi ni Allison.

"Sa likod tayo dadaan para sigurado." Sabi ni Luke.

"May mga zombie yatang nakapasok kaya nag kakagulo sila." Sabi naman ni Noah.

"Kailangan na nating hanapin sila ate Drea." Sabi ni Kevin.

"Tara na." Si Greyson.

*

*

DREA'S POV:

Nakalabas na nga kami ni Caleb ng kwarto.

"Wag kang susunod samin." Sabi ni Derrick habang tinututukan ng baril si Lucius.

Nakalabas na din ng kwarto si Derrick.

Papunta na kami ng sala ng biglang may pumasok na lalaki at nagulat ito nung nakita nya kami nila Caleb at Derrick.

Agad nya kaming tinutukan ng baril.

**BANG!**

Tumumba naman yung lalaki dahil binaril agad ni Derrick ito sa ulo.

Agad namang lumapit dun si Derrick at kinuha yung baril, agad nya yung binigay sakin.

"Tara na." Sabi ni Derrick at palabas na kami ng bahay.

"Teka." Boses ni Lucius kaya agad namin syang nilingon.

Agad namang tinutukan ni Derrick ng baril si Lucius.

*

*

RAFAEL'S POV:

Sa likod nga kami dumaan at nakapasok na nga kami sa subdivision.

Nauna si Luke para silipin kung anong nangyayari dun at naghihintay kami dito, maya maya pa dumating na sya.

"Nagkakagulo dun, may mga zombie sa palagid, pwede tayong makisabay sa kanila." Sabi ni Luke.

"Felix, i-ready mo na yung mga smoke bomb." Sabi ni Greyson.

"Okay." Sabi naman ni Felix.

Nagtakbuhan na nga sila papunta dun.

Patuloy pa rin ang putukan ng baril sa paligid.

Nung medyo nakalayo na sila ay humiwalay na ako, hahanapin ko si Lucius.

"Hoy Rafael!" Pamilyar na boses kaya agad ko yung nilingon.

Si Zayne.

"Saan ka pupunta?" Pagtatanong nya.

"Ikaw?" Pagtatanong ko din sa kanya.

"Nakita kasi kitang hindi sumunod sa kanila, kaya hindi rin ako sumunod." Sagot ni Zayne.

"Hahanapin ko si Lucius." Sabi ko at tumakbo.

Alam ko namang sumunod si Zayne.

Papasok na sana ako sa isang bahay ng bigla yung sumabog na ikinagulat ko kaya napa atras ako.

Natamaan naman ako ng mga maliliit na debris sa mukha.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong ni Zayne.

"Oo, dito tayo." Sagot ko at tumakbo ulit kami.

Nakita ko namang umusok na sa paligid, gumamit na sila ng smoke bomb.

Nasaan na kaya yung Lucius na yun.

'RAWWR!"

**BANG!**

*

*

DREA'S POV:

Nakarinig kami ng pagsabog sa labas na ikinagulat namin.

Nagulat na lang kami ng biglang hilahin ni Lucius si Caleb papunta sa kanya.

Agad namang nag labas ng baril si Lucius at tinutok yun kay Caleb.

Agad naman naming tinutok yung hawak naming baril kay Lucius.

"Ibaba nyo yan." Sabi ni Lucius.

"Ano ba ang gusto mo Lucius?! Ako?! Sasama ako sayo, pakawalan mo lang sila." Sabi ni Derrick.

"Ibaba nyo yan!" Sigaw ni Lucius na ikinagulat ko.

Nagkatitigan pa kami ni Caleb.

Nagulat na lang kami ng biglang bumukas yung pinto.

Si Sylus.

Agad nyang tinutukan ng baril si Lucius.

"Sylus?" Nagtatakang sabi ko.

"Andito din yung iba, pakawalan mo si Caleb." Sabi ni Sylus.

"Ibaba nyo yang baril nyo, hindi ako mag dadalawang isip na barilin si Caleb sa ulo." Sabi ni Lucius.

"Itigil mo na to Lucius!" Sigaw ni Derrick.

"Ibaba nyo yang baril!" Sigaw ni Lucius.

Dahan dahan ko namang binaba sa sahig yung baril na hawak ko.

"Drea..." Si Derrick.

"Kayong dalawa, ilapag nyo yan sa sahig." Sabi ni Lucius kay na Sylus at Derrick.

*

*

SYLUS'S POV:

Agad akong humiwalay sa kanila nung tinitingnan pa ni Luke kung anong nangyayari dun.

"RAWRR!"

"GRAWRR!'

**BANG!**

**BANG!**

Agad ko namang binabaril sa ulo yung mga zombieng lalapit sa direksyon ko.

"T-tulong! T-tulunga mo koo!" Sigaw nung lalaki habang kinakagat sya ng zombie pero hindi ko na sya pinansin.

Maya maya pa nakarinig ako ng pag sabog at nakita kong nasusunog na yung isang bahay.

Agad naman akong pumasok dito sa isang bahay at laking gulat ko ng makita ko sila Drea, kasama nung Lucius si Caleb at nakatutok yung baril nya sa ulo ni Caleb.

Tinututukan naman nitong Derrick at ni Drea ng baril yung Lucius.

Nagulat pa sila nung pumasok ako, agad ko namang tinutukan ng baril yung Lucius.

"Sylus?" Si Drea.

"Andito din yung iba, pakawalan mo si Caleb." Sabi ko at tumingin naman sakin yung Lucius.

"Ibaba nyo yang baril nyo, hindi ako mag dadalawang isip na barilin si Caleb sa ulo." Sabi ni Lucius.

"Itigil mo na to Lucius!" Sigaw ni Derrick.

"Ibaba nyo yang baril!" Sigaw din ni Lucius.

Dahan dahan namang ibinaba sa sahig ni Drea yung baril na hawak nya sa sahig.

"Drea..." Si Derrick.

"Kayong dalawa, ilapag nyo yan sa sahig." Sabi ni Lucius samin ni Derrick.

*

*

GREYSON'S POV:

'GRAWRR!'

'RAWR!'

**BANG!**

"RAWRR!"

**BANG!**

'URGHH!'

Puro putukan ng baril ang naririnig ko sa buong paligid.

Maya maya pa nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog at bigla nalang nasunog yung isang bahay.

"Ang dami na nila!" Sigaw ni Allison.

**BANG!**

'RAWR!'

"Si kuya Zayne!" Sigaw ni Kevin kaya napatingin ako sa kanya.

**BANG!**

**BANG!**

"Si kuya Zayne nawawala!" Sigaw ulit ni Kevin.

'RAWR!'

**BANG!**

"Ha!? Si Rafael at Sylus wala din." Sabi ni Felix.

**BANG!**

"Sigurado akong humiwalay sila kanina." Sabi ni Noah.

Naka pwesto kami pabilog ngayon at panay ang pag sugod ng mga zombie sa amin.

Si Noah, Allison, Kevin, Felix, Luke at ako ang andito.

Hindi namin kaya ng anim lang kami dito.

"Dumadami na sila!" Sigaw ulit ni Allison.

**BANG!**

'RAWR!'

'GRAWRR!'

"Umalis na muna tayo dito, hindi natin sila mahahanap, ang dami ng mga zombie!" Sigaw ni Luke.

"Bigyan mo na ng signal si Xavier." Sabi ni Noah.

Nilabas ko na nga yung flare gun at itinutok yun sa itaas, agad ko naman yung pinaputok para makita ni Xavier.

Nasaan na kaya yung tatlong yun.

*

*

XAVIER'S POV:

Kinakabahan na ako, hindi ko alam ang nangyayari dun, puro putukan ng baril ang naririnig ko.

Maya maya pa bigla akong nakakita ng kulay pulang liwanag sa itaas, signal na yun na pupunta na ako dun.

Agad ko na ngang pinaandar yung school bus, papunta na ako dun.

*

*

DREA'S POV:

Nailapag ko na nga yung baril sa sahig, maliban kay na Sylus at Derrick.

Anong ginagawa ni Sylus dito? Bakit sya andito? Sinong kasama nya?

"Lucius itigil mo na to." Sabi ni Derrick.

"Sumama ka na lang samin." Dugtong pa ni Derrick.

"Ha? Sumama? Matapos kong patayin yung mga tao dun, pati yung Thomas sa tingin mo matutuwa sila? Papatayin nila ako." Sabi ni Lucius.

"P-pwede naman yung pag-usapan, pakawalan mo muna si Caleb." Sabi ni Derrick.

"Hindi ako tanga Derrick, kilala kita." Sabi nya.

"Kahit pakawalan mo lang si Caleb, hinihintay na sya ng ate nya, sasama ako sayo." Sabi ni Derrick.

Naiiyak na ako, kahit anong segundo pwedeng may masamang mangyari.

*

*

GREYSON'S POV:

Maya maya pa may biglang pumasok na school bus sa gate, si Xavier.

Nasagasaan pa nya yung ibang mga zombie.

"Sumakay na kayo!" Sigaw ni Xavier.

"Paano si na kuya?" Pagtatanong ni Felix.

"Babalikan na lang natin sila, sumakay na kayo." Sabi ni Noah.

**BANG!**

'RAWRR!'

**BANG!**

**BANG!**

'URGHH!'

'RAWR!'

**BANG!**

Hanggang sa nakasakay na kaming lahat sa school bus, agad namang pinaandar ni Xavier yung school bus palabas ng subdivision.

"Sana maging okay lang sila kuya Zayne." Sabi ni Kevin.

"Wag kang mag alala." Sabi ni Felix.

"Babalikan natin sila, pag kaunti na lang yung mga zombie dun." Sabi naman ni Luke.

"Hindi, babalik muna tayo sa school bago natin sila balikan, at hindi na lahat tayo yung babalik dun sa subdivision, Ako si Xavier, Noah at Luke na lang ang babalik dun sa subdivision." Sabi ko.

*

*

KEVIN'S POV:

Babalik pa sa school?

"Huh? Bakit? So hahayaan lang natin sila dun? Napakaraming zombie yung andun tapos babalik pa tayo sa school bago sila balikan." Sabi ni Allison.

"Wala ka bang tiwala sa kanila? Hindi naman sila tanga para magpakagat sa mga zombie, syempre mag tatago sila." Sagot naman agad ni Greyson.

"Ano bang sinasabi mo? Pumunta tayo dun sa subdivision para iligtas sila Drea hindi patayin yung mga zombie, ni hindi nga natin nakita si Lucius dun, ibig sabihin nun buhay pa sya, sigurado akong hinahanap nila Zayne sila Drea, gaya nga ng sabi mo hindi tanga sila Zayne, paano kung mahanap nila sila Drea dun tapos wala tayo dun?" Si Allison.

"Hindi ganun kadali yun Allison, gusto mo mag hintay tayo dun, hindi mo ba nakita kung gaano kadami yung mga zombie na andun?" Si Greyson.

"Ang gusto ko lang malaman, bakit kailangan pa nating bumalik sa school? Like para saan? Andun pa sila? Ang dami na nga ng zombie dun tapos wala pa tayo dun, pwede naman tayong tumigil muna dito tas saka sila balikan, bakit kailangan pa nating bumalik sa school? Anong nangyayari sayo Greyson?" Si Allison.

Tahimik lang naman kaming nakikinig sa sagutan nila Greyson at Allison, tama naman si Allsion.

"Masyadong mapanganib." Sabi ni Greyson.

"Ha? Mapanganib? Kaya iiwan natin sila dun? Anong sasabihin mo kay na Calista? 'Iniwan namin sila dun dahil masyadong mapanganib, babalikan na lang namin sila pag okay na lahat.' Seryoso ka ba Greyson?" Si Allison.

"Makinig ka na lang kay Greyson, hindi natin alam yung mga pwedeng mangyari dun." Sabi ni Noah.

"Hay nako, hindi talaga natin alam ang mangyayari, bakit nasaan ba tayo? Andito sa school bus at babalik sa school, nagpapatawa ba kayo? Wala ka namang alam kundi mag sinungaling at matakot." Sabi ni Allison na ikinagulat namin.

"Anong sinabi mo?" Si Noah.

"Tumigil ka na Allison." Sabi ni Greyson.

"Ha? Bakit? Totoo naman ah." Sabi naman ni Allison.

"Ikaw yung bumalik dun at puntahan sila." Sabi ni Greyson na ikinagulat ko.

"Okay! Buti sinabi mo yan, dapat kanina mo pa sinabi yan at hindi kayo nag sayang ng oras makipag sagutan sakin na wala namang kakwenta kwenta! Xavier itigil mo tong bus!" Sambit ni Allison.

"H-ha?" Si Xavier.

"Itigil mo tong bus!" Sigaw ni Allison.

"Itigil mo!" Sigaw din ni Noah.

Shit!

Seryoso sila.

Agad namang tinigil ni Xavier yung bus sa gilid.

"Teka lang, seryoso ba kayo?" Pagtatanong ni Luke.

"Hayaan mo sya, yan yung gusto nya." Sagot ni Greyson.

Kinuha naman ni Allison yung baril nya.

"Sasama ako." Sabi ko, kaya napatingin sila sakin.

"Sasama din ako." Sabi din ni kuya Felix.

"Tara, kayo lang yung nakakaintindi sakin dito." Sabi ni Allison.

Agad naman akong tumayo at kinuha yung baril ko, ganun din ang ginawa ni kuya Felix.

Bumaba na si Allison ng school bus.

"Mag ingat kayo." Sabi ni Xavier at humawak sa braso ko, tumango naman ako. Bumaba na rin kami ni kuya Felix ng bus at tuluyan nang umalis sila Greyson.

"Nakakainis sila!" Sigaw ni Allison.

"Hindi ba nila maintindihan yung sinasabi ko?" Pagtatanong Allison.

"Hayaan mo na sila, pupuntahan pa natin si na kuya Zayne, malayo layo pa lalakarin natin." Sabi ko.

*

*

DERRICK'S POV:

Wala na kaming nagawa ni Sulus kundi ibaba yung mga baril namin.

"Bitawan mo na si Caleb." Sabi ko.

"Kailangan na nating makaalis lahat dito, nasusunog na yung mga bahay sa labas, may mga zombie na rin sa labas. Mamatay tayong lahat dito kung hindi tayo aalis." Sabi ni Drea.

Nagulat naman kami ng biglang bumukas yung pinto.

Si Rafael at Zayne.

Gulat na gulat kami ng pumasok sila. Agad nilang tinutukan ng baril si Lucius.

"Teka Rafael, Zayne, ibaba nyo yang baril nyo." Sabi ko.

Hinead lock naman ni Lucius si Caleb at tinutok nya yung baril sa sintido ni Caleb.

"Jusko." Sambit ni Drea at napahawak sa dibdib nya dahil kaba.

"Ibaba nyo yang mga baril nyo, hindi ako magdadalawang isip na barilin tong si Caleb." Sabi ni Lucius.

Wala na ding nagawa sila Zayne at Rafael, nilapag na nila sa sahig yung baril na hawak nila.

"Tumigil ka na Lucius, bitawan mo na si Caleb at aalis na kami dito, umalis ka na rin dito. Kailangan na nating lahat na makaalis dito." Sabi ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Lucius ngayon.

*

*

DREA'S POV:

"Ibaba mo na yan Lucius." Sabi ni Derrick.

Dahan dahan namang binababa ni Lucius yung baril nya.

Nginitian naman ako ni Caleb.

"I'm sorry." Sabi ni Lucius at tinutok ulit yung baril sa sintido ni Caleb.

"Caleb!" Sigaw ko pa.

**BANG!**

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko at nakita ko na lang na bumagsak yung katawan ni Caleb sa sahig.

*

*

RAFAEL'S POV:

Nagulat na lang ako nang biglang barilin ni Lucius si Caleb.

Agad ko namang pinulot yung baril ko at tinutok yun sa ulo ni Lucius.

**BANG!**

**BANG!**

**BANG!**

*

*

DERRICK'S POV:

Naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa ni Lucius.

*

*

DREA'S POV:

Agad namang pinulot ni Rafael yung baril nya at tinutok yun kay Lucius.

**BANG!**

**BANG!**

**BANG!**

Natamaan sa ulo si Lucius at dalawang bala sa dibdib.

Agad naman akong lumapit kay Caleb habang umiiyak.

"Kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Sylus.

Agad namang binuhat ni Zayne yung katawan ni Caleb.

"Derrick?! Derrick!" Sabi ni Rafael habang inaalog si Derrick.

Nakatulala lang kasi si Derrick.

"Kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Rafael.

Agad na nga kaming lumabas ng bahay na to.

"Kailangan natin ng sasakyan!" Sabi ni Sylus.

Ang dami ng zombie sa paligid, nasusunog na rin yung mga bahay.

**BANG!**

**BANG!**

'RAWR!'

**BANG!**

'URGHH'

**BANG!**

'RAWR!'

"Dito tayo!" Sabi ni Sylys at binuksan yung pinto ng isang van.

"Sumakay na kayo!" Sigaw ni Rafael habang binabaril yung mga zombie.

Agad namang sinakay ni Zayne yung katawan ni Caleb sa loob, sumakay na din si Derrick at sumunod na ako. Sumakay na din si Sylys. Si Zayne yung mag dadrive.

Nung nakasakay na kaming lahat ay sumakay na din si Rafael.

Agad namang pinaandar ni Zayne yung van.

*

*

KEVIN'S POV:

Malapit na kami nila kuya Felix at Allison sa subdivision at nakarinig kami ng putok ng mga baril, nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makakita kami ng sasakyan.

"May sasakyan." Sabi ni Allison.

Agad kaming hinila ni Allison at nagtago kami sa likod ng mga puno.

Hanggang sa tuluyan nang nakadaan yung van.

"Galing yun sa subdivision, baka mga tauhan ni Lucius yun na tumakas, tara na." Sabi ni Allison.

*

*

DREA'S POV:

Tahimik lang kaming lahat habang nakasakay sa van.

Hindi ko na alam, ano na lang yung magiging reaksyon ni Calista. Sabi ni Caleb, kung may mangyari daw masama sa kanya, wag ko daw hahayaang makita sya ni Calista, pero i'm sorry Caleb, kailangan kang makita ng ate mo.

-FLASHBACK-

"Kailan ba tayo makakaalis dito?" Pagtatanong ni Caleb.

"Gagawa tayo ng paraan, kailangan mo munang mag palakas, tingnan mo yang itsura mo, binugbog ka nila." Sagot ko.

"Kung may mangyari mang masama sakin at patayin nila ako dito, wag mo akong hahayaang makita ni ate Calista, masasaktan sya ng sobra, kaya please." Sabi ni Caleb.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, aalis tayo dito at magkikita kayo ng ate mo." Sabi ko naman.

"Thank you." Sabi ni Caleb.

"Thank you saan?" Pagtatanong ko at tumingin kay Caleb.

"Na andito ka para sakin kahit wala si ate, kahit hindi tayo masyadong magkakilala ang bait mo/nyo sakin." Sabi ni Caleb.

"Wala yun, tayo tayo lang rin naman ang magtutulungan, wag kang mag alala, aalis tayo dito ng ligtas." Sabi ko at nginitian si Caleb.