webnovel

Chapter Eleven

CESSA'S POV:

Sinusubukan nang tumayo ni Xavier pero agad syang dinambahan nung zombie sa likod.

Napadapa ulit si Xavier at naka dagan yung zombie sa likod nya, gusto na syang kagatin nung zombie pero nakaharang yung bag niya sa likod nya, kaya hindi sya makagat nito.

"Rawrr!"

Agad kong pinulot yung isang bag at inihagis dun sa isang zombie kaya natumba sya.

"Rawrr!"

Agad ko namang tinaga sa leeg yung zombie na nasa likod ni Xavier at napugot yung ulo nun, nagsiritan naman yung dugo nung zombie sa ulo at leeg ni Xavier.

Gumulong pa yung ulo nung zombie sa tapat ng mukha ni Xavier.

"Rawrr!"

Buhay pa rin sya.

Agad ko namang tinaga yung ulo nung zombie.

Tumayo na nga si Xavier, agad nyang kinuha yung kutsilyo sa bewang nya na nakalagay sa knife pouch nya, agad naman nyang sinaksak sa ulo yung zombie.

Kinuha na ulit ni Xavier yung bag.

"Tara na." Sabi ni Xavier.

"Okay ka lang?" Pagtatanong ko.

"Oo, salamat, akala ko iiwan mo ako." Sabi naman ni Xavier.

"Gaga anong iiwan, baka lamunin ako ng kunsensya ko kung namatay ka." Sabi ko at natawa naman si Xavier.

"Tara na." Sabi ni Xavier at tumakbo na kami papunta sa may bus.

Sa bus.

"Bilisan mo na, baka naghihintay na sila dun." Sabi ko at umupo na nga si Xavier sa driver's seat.

"Shit." Sambit ni Xavier.

"Bakit?" Pagtatanong ko.

"Wala yung susi." Sagot ni Xavier.

"Ha? Panong wala? Hindi kaya nadala ni Greyson?" Pagtatanong ko ulit.

"Siguro." Sabi ni Xavier.

Bwiset.

*

*

ZAYNE'S POV:

Nakatakas ako sa mga zombies at nakatago ako ngayon, pagdating nila Cessa at Xavier saka ako lalabas dito sa pinagtataguan ko at sasalubungin ko sila.

Kita ko mula dito sila Greyson at Noah, nakakuha na sila ng gas, hinihintay na lang nila sila Cessa at Xavier.

Ano na kayang nangyari dun, bakit ang tagal nila.

Maya maya pa tumakbo si Greyson paalis sa gas station, pupuntahan yata nya sila Xavier at Cessa.

*

*

GREYSON'S POV:

"Gago." Sambit ko.

"Bakit?" Pagtatanong ni Noah.

"Nasa akin pala yung susi, nakalimutan kong iwan, pupuntahan ko lang sila, hintayin mo si Zayne." Sabi ko at napatango na lang si Noah.

Tumakbo na nga ako para balikan sila Xavier at Cessa.

*

*

CESSA'S POV:

Nagulat na lang kami ng biglang may kumatok sa pintuan ng school bus.

Si Greyson.

Agad naman yung binuksan ni Xavier.

"Yung susi." Si Xavier.

"Ito, sorry nakalimutan kong iwanan." Sabi ni Greyson.

"Okay lang." Sabi naman ni Xavier.

"Tara na." Sabi ko at pinaandar na nga ni Xavier yung school bus.

-

-

-

Andito na nga kami sa may gas station at sumakay na si Noah.

Nagtatakbuhan na din yung mga zombie papalapit samin.

"Wala pa si Zayne, nasaan na sya?" Pagtatanong ko.

"Ayun sya." Sabi ni Greyson kaya napatingin kami dun, nag sign si Zayne na paandarin na yung sasakyan at tumakbo sya paderetso. Ang dami na kasing zombie sa paligid.

*BAANNGG!*

*BAAANNG!*

Binabaril ni Zayne yung mga zombie sa daraanan nya.

"Tulungan nyo sya, bawasan nyo yung mga zombie na humahabol sa kanya." Sabi ko kaya agad namang pinagbabaril nila Greyson at Noah yung mga zombie.

*BAAANNG!*

*BAAANNG!*

*BAANNGG!*

Hanggang sa makalapit na at naka sakay si Zayne ng bus.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong ni Greyson.

"Oo, salamat." Sagot ni Zayne.

"Bilisan na natin, bumalik na agad tayo sa school." Sabi ni Noah at binilisan naman ni Xavier ang pagmamaneho sa school bus.

*

*

YVONNE'S POV:

Nag aaway away na naman sila at nagkakagulo gulo na.

"Teka nga, wag nga kayong mag away away, kumalma muna kayo." Sabi ni Allison.

"Tumahimik ka na lang kasi Sylus kung wala ka namang magandang sasabihin." Sabi ni Rafael.

"Gaya nga ng sabi nyo kasamahan yan nung Lucius, eh ano pang ginagawa nyan dito? Baka patayin pa tayo nyan, kung gusto nyong mamatay kayo na lang." Sabi ni Sylus.

"Tama, paalisin nyo na yang Luke na yan." Sabi naman ni Vivian.

"Pwede ba Vivian manahimik ka na lang." Pagtatanong ni Calista.

"At saka ikaw Sylus, wag ka nang mangealam dito." Dugtong pa ni Calista at umalis naman si Sylus.

"Nagtiwala agad kayo sa lalaking yan? Paano pag pinatay tayo nyan? Sige nga." Sabi ni Vivian.

"Manahimik ka nga!" Sigaw ni Calista kay Vivian.

"Bahala nga kayo!" Sigaw din ni Vivian at umalis.

Nakarinig naman kami bigla ng busina ng sasakyan.

Sila Cessa pala pati yung iba, agad naman kaming nagpuntahan dun para salubungin sila.

Nagbabaan na sila sa school bus.

Puro dugo naman si Xavier.

"Anong nangyari? Okay lang ba kayo?" Pagtatanong ni Rafael.

"Oo, nakakuha kami ng mga pagkain at gas, kailangan na nating sunugin yung mga patay." Sabi ni Noah.

"May sasabihin pala sila." Sabi naman ni Josephine.

"Ano yun?" Pagtatanong ni Noah.

"Yung about kay Luke." Sabi ni Kevin.

"Sinong Luke?" Pagtatanong ulit ni Noah.

"Ako." Sabi ni Luke kaya napatingin kami sa kanya.

"Kasamahan sya ni Lucius, pero hindi sya masamang tao." Sabi ni Felix.

"Hindi sya kasamahan o tauhan ni Lucius, galing siya sa subdivision kung saan andun sila Lucius, tumakas sya dun at sumakay sa isa sa mga sasakyang dala ni Lucius kagabi, kaya nakapunta sya dito, planong patayin lahat ni Lucius yung mga taong andun at sigurado akong andun din sila Drea, Caleb at Derrick. Pwede natin silang iligtas." Sabi ni Kevin.

"Alam mo kung saan papunta dun sa subdivision?" Pagtatanong ni Noah kay Luke.

"Oo." Sagot ni Luke.

*

*

SYLUS'S POV:

Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, gusto ko lang naman malaman lahat. Ang huling naaalala ko ay kausap ko yung Thomas, pero paggising ko patay na sya, at andito na kami sa school? Kasama tong mga taong hindi ko naman kilala.

Ang alam ko ay pupunta kami sa kabilang city dahil andun yung mga rescuer, pero hindi ko na alam, ang dami ko nang nasabi sa kanila na masama, gusto kong magtanong pero, hayssst.

Naiinis ako sa kanila, lalo na sa Calista na yun.

"Hoy Sylus?!" Pagtawag nung Vivian.

"Bakit?" Patatanong ko.

"Nakakainis sila no?" Sabi nya.

"Anong nangyari dito? Paano kami napunta dito?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Ahh ikaw nga pala yung may dalang sakit kaya nahawaan mo si Xavier, dinala kayo nila Rafael at Thomas, kasama sila Noah, Josephine, Caleb at Calista dito." Sabi ni Vivian.

"Pero ayun nga, nahawaan mo nga si Xavier nagsuka sya ng dugo pati yung ilong nya dumudugo, ganun din yung nangyari dun kay Allison, pero inasikaso naman kayo nila Calista at Caleb, kahit masama ang ugali nung babaeng yun, mabait naman sya." Pagpapatuloy pa ni Vivian.

"Sino ba yung Caleb? Anong nangyari kay na Drea?" Pagtatanong ko.

"Si Caleb ay nakababatang kapatid ni Calista, tapos sila Drea at Derrick kasama si Caleb, kinuha nila Lucius, pero bago yun, nagsinungaling sila Noah at Josephine, hindi naman pala talaga sila mga pulis, tapos ayun iniwan nila kami nung gabing pinagpapatay nila Lucius at nung mga tauhan nya yung mga tao dito, wala akong malay nun, nasa loob ako ng school bus. Nalaman ko na lang rin nitong umaga yung about dun sa Lucius." Sabi ni Vivian.

"Pulis? Si Noah?" Pagtatanong ko.

"Sabi nila nung una, pero hindi naman pala talaga, at yung about pala dun sa sakit, kahit hindi ka nakagat ng zombie magiging zombie ka, pag weak yang katawan mo pwede ka maging zombie at pag nagpatuloy lang na mahina yang katawan mo, hindi mo na makokontrol yang pagsusuka mo hanggang maging zombie ka na." Pagpapaliwanag ni Vivian.

"Sino nagsabi?" Pagtatanong ko.

"Si Noah, pero hindi ako naniniwala, matapos nyang magsinungaling, papaniwalaan ko pa ba sya." Sagot nya.

"Sa tingin ko nagsasabi sya ng totoo." Sabi ko.

"Nako, bahala ka nga dyan, naniniwala ka sa mga yun, akala ko kakampi kita." Sabi ni Vivian at naglakad papalayo.

Nakita ko naman yung iba na papasok dun sa room.

*

*

YVONNE'S POV:

Sa room.

"Kailangan nating magbago ng plano." Sabi ni Noah.

"Nasaan sila Vivian at Sylus?" Pagtatanong ni Felix.

"Hayaan mo sila, wala naman silang pakealam dito." Sabi ni Calista.

"Ano, para lang alam nila." Sabi ni Felix.

"Hayaan mo na sila." Sabi naman ni Noah.

"Siguraduhin mo lang yang mga pinaplano mo, baka iwan mo na naman kami sa kalagitnaan ng kaguluhan, kung hindi dahil kay Caleb hindi sana ako makikiisa sa inyo." Sabi ni Calista.

"Oh, para ka rin palang sila Vivian at Sylus." Sabi ni Cessa.

"Gusto ko lang iligtas yung kapatid ko." Sabi naman ni Calista.

"Alam ko, gusto rin namin iligtas sila Drea at Derrick, ang laki ng pinagbago mo Calista." Sabi ni Cessa.

"Tama na yan, kailangan na nating mag plano agad at makapag handa." Pagsingit ni Josephine.

"Ikaw Greyson? May plano ka ba?" Pagtatanong ni Noah kay Greyson.

"Ha? Bakit ako?" Pagtatanong naman ni Greyson.

"Saglit lang." Sabi ni Noah at niyayang lumabas si Greyson.

Mayamaya pa pumasok na ulit si Greyson, hindi na nya kasama si Noah.

"Uhm, hindi ko alam kung sasang ayon kayo sa plano ko, pero sana oo." Sabi ni Greyson.

"Teka, nasaan si Noah?" Pagtatanong ni Zayne.

"Magsusunog ng mga patay, ako na daw yung bahala dito, sabihan ko na lang daw sya kung kailangan nya ng tulong, kaya sana makiisa kayo sakin." Sabi ni Greyson.

Napatingin naman ako kay Calista at napayuko sya.

Na guilty yata sya sa sinabi nya kay Noah, pinasa na lang siguro ni Noah kay Greyson kung anong dapat i-plano namin.

"Ano? Sinabi ba ni Noah kung anong plano?" Pagtatanong ni Josephine.

"Hindi, kaya dapat makiisa kayo sa plano ko." Sagot ni Greyson.

"Si Luke, yung magtuturo ng daan satin papunta dun sa subdivision." Sabi ni Greyson.

"Hindi tayo lahat pupunta dun, pero kailangan nyong mapakinggan yung plano para alam nyo." Dugtong pa ni Greyson.

"Ako, si Noah, Zayne, Felix, Kevin, Xavier at si Luke ang pupunta dun." Sabi ni Greyson.

"Iwan na naman ako dito? Pwede akong makatulong sainyo, papatayin ko si Lucius." Sabi ni Rafael.

"Hindi na, mas mabuting dito ka na lang." Sabi naman ni Greyson.

"Hayssst okay." Sabi ni Rafael.

"Si Xavier yung maiiwan sa school bus, yun yung dadalhin naming sasakyan, at yung iba kasama ko namang papasok sa loob, at si Luke yung magtuturo ng daan satin." Pagpapaliwanag ni Greyson.

"Mahihirapan tayong dumaan sa harap, may gate at may mga bantay dun, pero pwede tayong makadaan sa likod, may mga bahay na wala ng nakatira dun." Sabi ni Luke.

"At saka madami yung mga tauhan ni Lucius, nakita nyo naman siguro, kailangan magdagdag ka pa ng mga kasama." Dugtong pa ni Luke.

"Ako na." Agad na sabi ni Rafael.

"Rafael at Allison, kayong dalawa." Sabi ni Greyson.

"Ako isama nyo din!" Sambit ni Cessa.

"Dito ka na lang, mas mabuti magbantay kayo dito." Sabi ni Greyson.

"Sasama ako." Boses ni Sylus na ikinagulat namin at napatingin kami sa kanya.

"Kanina ka pa ba dyan?" Pagtatanong ni Greyson.

"Oo." Sagot ni Sylus.

"Sigurado ka ba? Sasama ka?" Pagtatanong ni Greyson at tumango naman si Sylus.

"Himala..." Sabi ni Calista.

"Kung magsisimula na naman kayo ng away, lumabas na lang kayo." Sabi ni Cessa at tumahimik muna saglit ang lahat.

"Okay, Si Noah, Zayne, Kevin, Felix, Xavier, Luke, Allison, Rafael at Sylus ang sasama samin bukas ng gabi." Sabi ni Greyson.

"Rafael at Sylus, kumuha kayo bukas ng mga baril at mga bala sa police station, si Xavier at Zayne yung kukuha ng gasolina para sa school bus bukas, gamitin nyo na lang muna yung kotse bukas pag alis nyo." Dugtong ni Greyson.

"Paano kung may mangyaring masama sainyo at hindi na kayo makabalik?" Pagtatanong ni Calista.

"Magtiwala ka lang sa kanila." Sabi ni Cessa.

"Sa ngayon, mag pahinga muna kayo, kumain at uminom ng tubig, uminom ng gamot pag masakit ang ulo, magsabi kung may nararamdamang kakaiba." Sabi ni Greyson.

"Sasabihin ko lang kay Noah yung plano." Dugtong pa ni Greyson at lumabas ng room.

Naglabasan na rin yung iba.

*

*

DREA'S POV:

Nagulat na lang kami ng biglang bumukas yung pinto.

Si Lucius.

"Gising na pala yang isa nyong kasama." Sabi ni Lucius.

Tahimik lang naman kaming nakaupo sa gilid.

"Sumama ka sakin Derrick." Sabi ni Lucius.

"Ayoko." Sabi naman ni Derrick.

"Yung babae na lang kung ayaw mo." Sabi ni Lucius.

"Ako na lang isama mo." Sabi ni Caleb kaya napatingin kami sa kanya.

"Oh, ikaw nga pala yung kapatid nung babae." Sabi ni Lucius.

"Teka." Sabi naman ni Derrick, kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit? Nagbago ba isip mo? Pero hindi naman kita pinipilit." Sabi ni Lucius.

Tumayo naman si Derrick.

"Sumunod ka sakin." Sabi ni Lucius at sumunod naman sa kanya si Derrick at lumabas na sila ng kwarto.

"Ano kayang gagawin nya kay Derrick?" Pagtatanong ni Caleb.

"Magkakilala sila, sana kausapin ni Derrick ng maayos si Lucius para hindi na magkagulo." Sabi ko naman.

"Magkakilala sila?" Pagtatanong ni Caleb.

"Ex boyfriend ni Derrick si Lucius, naghiwalay sila dahil pinatay ni Lucius yung kapatid ni Derrick, matagal na yun, sa tingin ko nabaliw si Lucius sa kulungan kaya ganyan sya ngayon, pinatay nya yung mga tao na andun sa school." Pagpapaliwanag ko.

"Kailangan nating tumakas dito, gusto ko nang makita si ate Calista, alam kong nag aalala na yun ng sobra." Sabi ni Caleb.

"Ibabalik naman nila tayo sa kanila, kaya sana wag gumawa si Derrick ng ikakapahamak nating tatlo at saka pag sinubukan nating tumakas baka mapahamak pa tayo, wag kang mag alala okay lang si Calista dun." Sabi ko.

*

*

DERRICK'S POV:

Dinala ako dito ni Lucius sa isang bahay dito yata sya nag stay at natutulog.

"Tanggalin mo yung tali sa mga kamay ko." Sabi ko.

"Bakit? Papatayin mo ako? HAHAHAHAHAHA." Pagtatanong ni Lucius at napakunot naman ang noo ko.

"Kung ako lang naman yung pakay mo pakawalan mo na sila." Sabi ko.

"Hindi, sino ka para utusan ako." Sabi ni Lucius habang nilalagyan ng bala yung baril nya.

"Kumakain ka pa ba? Ang payat mo ah." Dugtong nya.

"Tanggalin mo yung tali sa kamay ko." Sabi ko.

"Eh kung yang sinturon mo yung tanggalin ko?" Sabi ni Lucius at nginitian ako, napakunot naman ako.

"Biro lang, dito ka lang, babalikan kita." Sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Kailangan kong matanggal yung tali sa mga kamay ko, nakatali kasi yung mga kamay ko sa likod ko. Kailangan kong makahanap ng matulis na bagay.

*

*

RAFAEL'S POV:

Gabi na, nakatambay ako dito at nakaupo sa tabi ni Thomas kung saan sya nakalibing.

"Thomas? Tulog ka ba?" Pagtatanong ko, pero huni lang ng mga insekto ang naririnig ko.

"I'm sorry kung iniwan kita dun nung gabing yun, babalikan sana kita kinabukasan, pero dinala ka na ni Noah dito, uhmm, hindi pa rin ako makapaniwalang wala ka na, i'm sorry talaga." Sabi ko habang nakatingin sa mga bituwin.

"Ako mismo ang papatay kay Lucius para sayo." Sabi ko pa.

*

*

DREA'S POV:

Gabi na pero hindi parin binabalik ni Lucius si Derrick dito.

Bigla namang bumukas yung pinto at may pumasok na dalawang lalaki.

"Nasaan si Derrick?" Pagtatanong ni Caleb sa kanila.

"Hoy ikaw babae, sumama ka samin." Yung isang lalaki at lumapit sakin, hinawakan nya ako at hinila patayo.

Tumayo naman si Caleb.

"Bitawan nyo sya!" Sigaw ni Caleb.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko at umatras sa kanila, hinila naman ako ni Caleb papalapit sa kanya.

"Wag ka nang makulit." Sabi nung lalaki, pero agad sinugod ni Caleb at tinulak yung isang lalaki.

"Umalis kayo dito!" Sigaw ni Caleb sa kanila.

"Aba." Yung lalaki at agad lumapit kay Caleb, inuntog nya yung mukha nya sa mukha ni Caleb na ikinagulat ko.

"Caleb!" Sigaw ko at napa atras naman si Caleb, dumudugo yung ilong nya.

Nanginginig na ako sa takot.

"U-umalis na kayo dito!" Sigaw ko sa kanila at lumapit ako kay Caleb.

"Tumabi ka dyan!" Sigaw nung lalaki at hinila ako papalayo kay Caleb at tinulak ako, agad naman akong natumba paupo.

Agad namang sinuntok nung isang lalaki si Caleb sa mukha at agad sinundan ng suntok sa tyan. Napadaing naman si Caleb sa sakit.

"Caleb!" Sigaw ko pa, pero sinama nila palabas si Caleb at sinarado ulit yung pinto.

Anong gagawin ko.

Baka kung anong gawin nila kay Caleb.

*

*

CALEB'S POV:

Pinasok nila ako sa isang kwarto at agad tinulak kaya naman natumba ako.

"Itali mo yung kamay nyan para hindi makalaban." Sabi nung isang lalaki, kaya naman agad nyang tinali yung mga kamay ko sa likod.

Agad naman akong sinipa sa tyan nung isang lalaki kaya napadaing ako sa sakit.

Ini-angat naman ako nung isang lalaki patayo at pinaupo dyn sa isang upuan.

Nakayuko naman ako.

"I-angat mo yang ulo mo." Sabi nung isang lalaki, pero hindi ko sila sinunod.

"Ayaw mo ha." Sabi nung lalaki at agad akong sinuntok sa mukha.

Napadaing naman ako sa sakit.

*

*

DERRICK'S POV:

Natanggal ko na yung tali sa mga kamay ko, pero hindi parin ako makakalabas ng pinto dahil naka lock, ano na kayang nangyari kay na Drea at Caleb sana okay lang sila.

*

*

DREA'S POV:

Hindi parin nila binabalik dito si Caleb simula kanina, ano na kayang nangyari sa kanya, sana okay lang sya.

Hindi na nakatali yung mga kamay ko, dinalhan kasi ako ng pagkain nung lalaki kanina, tinanggal nya yung tali ng kamay ko para makakain ako, pero hindi parin ako kumakain, hinihintay ko sila Derrick at Caleb.

Nasaan na kaya sila.