(Dahlia POV)
Gaya ng dati marami ang namamalengke kahit maaga pa nga. Dahil isa lang Naman ang habol ng karamihan, mga sariwang paninda ang naghihintay sa amin. Di na sa akin makaktakas ang ilang tindera sa tuwing humihingi ako ng tawad sa mga presyo. Di nila ako mahindian sa ngiti at masigla kong bati sa kanila.
"Hay naku Dahlia, dinadaan mo na naman kami sa masisigla mong ngiting yan." Natawa na lamang ako.
"Maraming salamat po, pinagdarasal ko naman lagi na maubusan kayo kaagad."
"Sana nga."
Kahit nga paano Nakalimutan ko ang tungkol sa pag-paalala sa akin ni Carlo at wala pa nga akong tulog talaga. Di naman ata halata sa mukha ko.
Nang matapos ako mamalengke… at nagkasya ang lahat ng yun sa isang basket na libre nga ang isa kong kamay para sa bibihin ko pa sa aking madadaanan.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com