@International_Pen
@International_Pen
((( Jeff POV's )))
"Di ito magagawa Jay ni Juan Carlos, alam mo yan."
"Yes. Ang akin lang Master Jeff, baka may nakapasok ng tauhan ang mga kalaban mo kaya agad nilang napasok ang system. Malaki ang naiwala ng kompanya dahil sa nangyari."
At napapahilot na nga ako ng sintido ko ngayon. Di mo aakalain na sa thirty minutes lang maaring bumagsak ang kompanya dahil nga sa pagiging modern ng lahat. Mabuti na lang nakahingi kaagad ako ng tulong kay Shin bago nga ito tuluyang matuyo.
Kumuha ako ng fund ulit sa kanya at malaki ding pera ang kaagad niyang ibinaba.
Tss. At sinabi pa nga niya sa akin, maagang pagbigay ng respeto sa magiging Elder ng pamilya namin.
Ngayon ang tanong ko sa sarili ko, talaga bang kaya ko maging isang Elder? Kung ganito ako mabilis na inaatake ng kalaban ko.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com