webnovel

Your Stranger

A man who really hated woman, needing one to save his family hierarchy. This book composed of its Sequel. * Your Stranger ( Completed ) * Your Lucky Charm ( Complete d) Thank you! Your Stranger was already translated in English, you may now search it to Search Bar! Dearly Possessive Sweet Love Thank you po ulit sa supporta! @International_Pen The Cover is not Mine. Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · Urbano
Classificações insuficientes
1140 Chs

Chapter 4 I want to be Alone

< Zhio >********************************

Mula sa Private Area ng hospital...pagkalabas ko agad akong sinalubong ng mga taga-media...na kaagad naman pinigilan ng mga tauhan ko.

Hindi sinisekreto ng gobyerno ang mga nangyayari sa pamilya namin. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay namin... lalo na ako ngayon. Gusto nilang may butas na matagpuan sa pamilya namin..at simula ng lumabas ang mukha ko sa publiko ... ako ang paborito nilang pinupuntirya. Matapos macoma ang aking ama... saan man ako magpunta.. di ako nakakaligtas sa camera ng mga taga media.

Kaya nga maraming bodyguards ang nakapaligid sa akin...saan man ako naroroon andun ang presensya nila .

Ngunit sa ngayon ....

kailangan ko ng tahimik na lugar.

Dumating si Deo , ang secretarya ko.

"Deo.."

"Sir.."

"Susi ng sasakyan mo"

tinignan niya ako...at agad naman niya sa akin inabot ng walang tanong..

Hindi ko gusto masundan ako ng mga media dahil lahat ng sasakyan ko kilala nila.

Dumaan kami sa back exit ng hospital.

Itinuro ni Deo Sa akin ang sasakyan niya

...

Bago ako sumakay...

" Walang susunod sa akin."

Sumakay ako at pinaharurot ang sasakyan. Namalayan ko na lang...

tumigil ako sa tapat nang isang lumang kapilya.

Tahimik ang lugar...

Napasubsub ako sa Manibela...

Ang gibat ng pakiramdam ko....

Gustuhin ko man umiyak.. ngunit walang luha na lumalabas..

ganito na ba talaga ako kamanhid?.

Hindi ko namalayan... bigla kong nabuksan ang bintana ng sasakyan.

The time I want to be alone when the world was against to me

International_Pencreators' thoughts