Palaisipan sa akin kung sino ba ang tumulong...
Natapos na ang operasyon at nasa mamahaling silid pa inilagay si kuya... Ayon na rin daw sa nais ng bumayad.
Ilang araw ang lumipas...
Biglang may dumating sa bahay... Isang agency na tumatayo ng mga subdivision... May bahay daw na nakapangalan sa aking ama. Fully paid.
Napilitan kaming lumipat dun ng magkaroon ng demolish sa skinitang yun. O sinadya talaga upang lumipat kami sa bahay na yun.
Binigay sa akin iyong titulo...
Namangha kami sa ganda ng bahay.
Nagmadaling pumasok sina Amy,at Nadine At naiwan ako... Sa labas ng bahay... Na halos takang -taka na.
Pumasok ako... May maliit na gate... At pagpasok mo may mga halamanan. Secondfloor ang bahay... Malaki... Para sa akin ang bahay na yun...
Pinagtataka ko... Bakit nakapangalan yun sa aking ama... O nagkakamali lang sila.
" Akin yung sa kanang silid."si Amy.
May katamtamang laki ng sala... At sa kanan... Kusina.., may silid libangan... At sa itaas silid halos lAhat.
" Clarita.. Iyo yata yung silid na yun. May pangalan mo. Ayos ah... Parang ideya 'to ng manliligaw mo."
Si Derick.
Si Derick ba talaga ang nasa likuran nitong lahat.
Possible.
Ngunit dapat di niya ito ginagawa.
... Nang mapasok ko ang silid na tinutukoy nila... Halos doblehin ang silid namin ni Amy.
... Kung si Derick man ang nasa likuran nitong lahat... Seryoso talaga siya tungkol sa akin. Pero nakakaramdam ako ng takot... Takot na balang araw singilin ako tungkol dito... Ayokong mangyari yun.
Napapailing na ako ng husto.
Lumabas ako...
"Amy, si Ma... ??."
" Ay... Oo pala ate. Kanina may dumating sa bahay... Hmmm mga specialistang doctor... May papel silang hawak na ipinasok daw sa Hope Charity project si Tatay... Kaya si Ma yung sumama ng idinala si tatay sa pinakasosyal na hospital akalain mo... Zel Cantheliz Hospital!.. Bibisita ako dun balang araw... Kasama rin kasi ako sa project nilang Hope Charity."
Napanganga ako. Kaya pala wala si Tatay
" ...Alam mo Ate ... Simula ng umapak si Kuya Derick sa bahay natin... Biglang nagsipasok yung swerte sa atin... O hindi kaya siya yung swerte..."
"...ah... Eh. Siguro. Sige kailangan ko ng puntahan si Kuya Dexter ... Gustong -gusto na nun umuwi..."
" magugulat yun kapag dito na siya umuwi."
Napatango na lamang ako.
Habang papunta ako sa hospital... Biglang may humila sa braso ko.