( Monina's POV )
Tahimik na akong kumain. Habang siya inaabala ang sarili sa hawak nitong alak. Di yun makakabuti sa kanya. Ngunit sa mga taong may pinagdaraananan. Parang di mo sila masisi kung dito muna gusto nilang yumakap. Hangang sa makapag move on.
Makakapag move on ka din Cedrick, kung hahayaan mo lang sana ang sarili mo. Kung tutulungan mo lang ang sarili mo.
"Monina, follow me." tayo nito. Saka nilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman.
"Lasing ka na ba Cedrick."
"Di ako kagaya mo na mahina ang resistance sa alak."
"Pati yun alam mo."
"Mabilis kang pag-aralan Monina." habang naglalakad kami.
"You like flowers right?"
Napatango ako. Talaga bang napaka visible ko? Eh itong narraamdaman ko sayo… Nakikita mo din ba?
Nahihirapan na ako Cedrick. Ngunit kakayanin ko.
Gustong –gusto ko man umamin. Pero wala talaga. Di ko kayang bigla ka na lang maglaho sa buhay ko.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com