webnovel

YOUR GIRL

singlelee014 · Urbano
Classificações insuficientes
1 Chs

Chapter 1

Maingat ang mga hakbang na ginawa ko habang naglalakad sa hallway, nagi-eskandalo kasi ang suot kong takong parang gustong ipagsigawan na parating na ako. I just wear my casual clothes, a plain shirt and comfortable denim short pants then a black hat.

Mabuti na lang napa-aga ang dating ko sa venue ng meeting today halos kasabay ko lang iyong ibang staff. Napansin ko na ako ang pinaka-unang artist na dumating. Sinalubong ako ng bati ng mga staff sa loob ng conference room, kikilos sana yung isang staff para asikasuhn ako pero pinigilan ko na siya, I just said that its okay.

Ngayon ang unang meet up para sa script reading ng bago kong movie as a leading actress. Alam ko na kung sino yung ibang cast except sa leading man. They want it to be confidential until today, for advertisement purposes. I agreed on this project because of the story, it's very challenging at hindi naman mahalaga kung sino ang mga makakasama ko, I am fine with everyone.

I decided to take the seat near the window, gusto ko na lang muna umidlip kulang kasi ang tulog ko dahil pinag-aralan ko yung script kagabi. I plugged in my earphone and lisen to a slow music. Ayoko lang din istorbohin yung mga staff na nag-aayos ng place kaya mananahimik na lang ako dito.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko.

"Wake up sleepy head, mag-start na daw." It's Anna, dumating na pala siya. She's my cousin slash my manager. She quit her fancy lifestyle and decided to face all the stress as my manager. She's two years older than me but I don't call her 'ate' we just act like where same age.

Sinunod ko yung sinabi niya, nagretouch lang ako ng kaunti saka tumungo sa upuan na naka-reserve sa akin. Sakto naman ang pagdating ng iba pang mga artista. I greeted them lalo na yung mga kakilala ko na. Anna is sitting behind me and preparing my script. Pagkatapos niyang iabot sa akin yung scipt ay binasa ko ulit yun, ayoko kasing magkamali, nakakahiya kaya halos mga batikan pa man din ang mga makakatrabaho ko.

Nasa kalahati na ako ng binabasa ko ng biglang nagsalita yung isang staff.

"Parating na po si direk." Pag-aanunsyo ng staff.

We all stand and welcome her as she enters the room.

"Good morming, sorry to keep you waiting," she smiles while walking to her sit. She's Director Jennie, isang tanyag direktor at masasasbi kong passionate talaga sa paggawa ng pelikula.

We settled down, but direk Jennie remain standing. "I know you are all curious about our leading man, we choose to make it confidential because of the actor. He rarely accepts movie roles thats why I am so happy because he's going to work with us."

Grabe ha, ganoon kasikat ang magiging leading man ko? Hmm, baka magaling lang talaga. Napansin kong excited na halos lahat ng mga babae sa loob ng conference room. Nag – eexpect ba sila ng award winning actor? Well hindi naman imposible yun. I turned to Anna and ask for my tumblr, although my tubig na sa harap ko, nandoon kasi ang gamot ko para sa sore throat.

"I proudly introduce the leading man, Richard Vergara."

Parang nagslow-motion ang buong paligid ng pumasok ang isang confident na lalaki sa loob ng conference room. He plainly wore a white t-shirt but his oozing sex appeal shouts in every corner of the room. He is very manly, halata sa katawan niya na hindi nakakaligtaan ang mag-gym. He also has a fair skin, with a pointed noise and long eyelashes that will make every girl jealous.

Mabuti na lang at hindi ako umiinom ng dumating siya at baka naibuga ko na. I admit he is very attractive, I won't deny that. Halata iyon sa mga reaksyon ng bawat tao sa loob ng conference room. Hindi na din napigilan ng ilan na mapatili sa kilig dahil sa pagdating ng niya.

He sits beside me after greeting everyone in the room. I quickly clear my throat and drink my water, feeling ko kasi may bumara sa lalamunan ko kakatitig sa kanya.

Alam kong maraming nagulat ng makita siya, kahit naman ako nagulat. He is a well-known actor but rarely gets a role, not because of his poor acting. He's not like that, he is indeed a great actor having a great acting skills. Halos pag-agawan siya ng ibang mga direktor pero pihikan siya pagdating sa storyline. Pinipili niya ang gagawing trabaho kaya swerte ng makakakuha sa kanya. He is a world class model that's why he is famous across the nation especially in Asia.

"Richard, I want you to meet your leading lady, Nicole Fuentes." Pagpapakilala ni direk Jennie.

"I know her," he said as we shake hands.

Everyone give a question look because of what he said. "I mean, she is the famous Nicole Fuentes, everybody knows her." He explained.

After the introduction we finally start. Direk Jennie first gives a thank you speech and while everyone is busy listening, I secretly went to Richard.

"What a grand entrance, Ricardo Vergara Jr." Asar ko sa kanya ng pabulong.

"Tsk, leave me alone bitch,"

Napatawa ako ng mahina dahil sa sagot niya.

***

Direk Jennie throws a party as a celebration for the success of the first meeting. Hindi na sana ako pupunta kaya lang nahila na ako ni Anna ang dahilan niya magiging busy na kami pareho sa shoot at mawawalan na siya ng time para magparty. Tama ba yun?

Naiwan kaming dalawa ni Richard sa isang VIP table, medyo marami yung tao mabuti na lang at na sa may dulo kami nakapwesto. Hindi agaw pansin at wala masyadong dumadaan. I got a battle of beer, hanggang beer lang ako since ayoko ng lasa ng ibang alak.

"Hey, grabe yung entrance mo kanina ah." I said, starting up a conversation. Ang tahimik niya kasi.

He chuckled, but didn't reach his eyes, "Small thing ..."

"Ba't di mo pala nabanggit sakin na ito pa la yung bago mong project?"

"To surprise you of course! Na-surprise ka ba?"

"Silly," react ko na lang sabay inom ng alak na hawaak ko. After that, tahimik na ulit. Ang maririnig lang ay ang malakas na tugtog sa loob ng bar.

I noticed Richard's deep breaths, he seems bothered, kanina ko pa napapansing balisa siya. Pagkatapos ay sunod-sunod na lagok ang ginawa niya sa hawak niyang alak. Compared sa hawak ko mas matapang naman yung iniinom niya.

"Do you want to get drunk?" I ask him, hindi malayo ang distansya ko sa kanya kaya sure akong narinig niya ako.

"Yeah,"

Napa-iling ako sa sagot niya, looking at his state made me remembered when we first met.

It was already past eleven o'clock and I can't sleep. I decided to drink some beer, pangpa-antok sana pero wala nang naka-stock sa ref ko kaya no choice ako kung hindi bumuli sa labas. I also think that walking can help me fall asleep. Hindi naman sobrang layo ng convenience store kaya hindi na ako tinamad.

Nang makapasok ako sa loob ng store bumungad sa akin ang mangilan-ngilang costumer ng tindahan. Natakam ako sa mga pagkaing naka-display kaya na-excite akong kumuha ng basket. Kukuha na sana ako ng chips nang mapansin ko ang isang lalaki na pinipilit tumayo mula sa pagkaka-upo sa sahig. Pero kapag binabalak niyang iangat yung sarili niya natutumba siya. I feel bad for him, mukhang malaki ang pinagdadaanan niya. Naka-ilang bote kaya siya ng alak? I don't know what came to me but I found myself helping this guy.

"Ahmm, Mister? Are you okay?"

"Okay?" nagulat ako ng bigla siyang tumawa, yung tawang nang-aasar. "Kung matatawag mong okay ang sitwasyon ko ngayon, then okay ako .." I felt bitterness in his words.

Nakipag-break ba siya sa girlfriend niya?

"Ah, come. Let me help you."

Tinulungan ko siyang maka-upo sa upuan na malapit sa kanya. Despite of being big I successfully made him sit.

Okay na siguro iyon ..

Pwede ko na siyang iwan diba?

Pero mukhang marami siyang nainom, amoy na amoy yung alak eh.

"Ahm, mister. Maiwan na kita dito ha:"

Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinawakan iyong kamay ko.

"Don't go. Please don't leave me."

"Naku ma'am! Mabuti po dumating na kayo. Kanina pa po yan dito si Sir eh. Malapit na nga po akong tumawag ng pulis baka po kasi magbasag si sir sa sobrang kalasingan. Mabuti pa po iuwe niyo na si sir."

"Ha?Ah, hindi-" Hindi na ako naka-singit sa sobrang bilis magsalita ng staff ng convenience store

"Ma'am, kung ano man po ang pinag-awayan niyong mag-asawa, ayusin niyo na po 'yan." Sabi ni manong sabay alis.

What?

Asawa?

Seryoso?

Mukha na ba akong may asawa? Eh kakagraduate ko lang ng college ah.

I sighed. Mukhang wala na akong magagawa. Ang sama na din ng tingin ng ibang costumer sa loob ng convenience store. Baka sabihin nila ang heartless ko dahil iniwan ko ang 'asawa' ko doon.

Nang makalabas kami ng convenience store, saka ko lang naramdaman ang pagsisisi. Grabe ang bigat niya, hirap na hirap akong akayin siya.

Haysh..

"Ba't ang bigat-bigat mo?" reklamo ko. Pero tawa lang ang isinagot niya.

Siguro iisipin ng mga makakakilala sakin na baliw na ako.

Oo baliw na ata ako. Pumupulot ako ng mga ligaw na pusa dahil sa naawa ako sa kanila. Pero iba na kapag tao ang iniuwe ko. For sure matutuktukan ako ng mama ko kapag nalaman niyang ang anak niyang hinayaan niyang maging independent ay nag-uuwi ng kung sino-sino. Ang malala pa doon, lalaki ito.

"Pasalamat ka talaga mabait ako," kausap ko sa lalaking akay ko kahit asa pa akong sumagot siya.

Nang makarating ako sa loob ng building ng condo na tinitirhan ko, nakahinga ako ng maluwag ng makita kong lumapit sa akin yung isang guard.

"Ma'am tulungan ko na po kayo."

"Naku salamat po Mang Celso." Sabi ko habang kinukuha niya sa akin ang 'asawa' ko kuno. Halos kilala ko na ang mga guard dito dahil madalas na madaling araw na ako nakaka-uwi dahil sa mga shoot ko. Mas mahigpit ang security sa gabi kaya they always check thoroughly.

"Mukhang naparami ng inom si sir."

"Ah, opo." ang naisagot ko na lang.

Nang makarating kami sa floor ko using elevator nagmadali na akong buksan yung pinto ng unit ko dahil kita kong nahihirapan na din si Mang Celso. Hanggang sa labas lang ng unit ko inakay ni Mang Celso itong kasama ko kaya ako na ang umakay sa kanya papasok ng unit ko.

Ngayon lang ako nagpapasalamat na may spare room ako sa loob ng unit ko. Nakalaan iyon sa mga pinsan kong nag-oovernight dito like Anna. Kadalasan kasi magrereklamo ako dahil sa dagdag lilinisin ko pa yun.

Kahit na binagsak ko siya sa kama hindi pa din siya nagising.

Woah, kakaiba din itong lalaking ito eh.

Iiwan ko na sana siya nang madali ko ang paa niya, his still wearing his shoes.

Haysh, eto ka na naman Nicole eh. Masyado ka kasing mabait.

Ahm, I'm just taking it off para hindi madumihan ang kumot ko. Okay?

Nothing more, nothing less.

"Tama, I'm just taking this because you might feel uncomfortable."

After taking off his shoes, napansin ko ang long sleeve na suot niya.

Hmm? What's this? Galing ba siyang formal party? I slowly untie his necktie.

"Tatanggalin ko lang 'to kasi- kasi –"

Wait, ano nga bang reason ko? I suddenly stop, tsk. Wala akong maisip na dahilan.

"Aaaaghh!"

Isang irit ang kumawala sa akin dahil sa gulat ko ng bigla siyang gumalaw. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang pwesto namin. He's still lying down, pero kung kanina malayo ang distance namin sa isa't isa ngayon I am leaning down to him because of his hand that's place around me. Sa sobrang lapit namin I could see the features of his face.

Feeling ko nagkaroon ng sweet background music dahil sa pagkakatingin ko sa kanya. I never imagine he could be this good looking.

matangos na ilong,

makapal na kilay,

mahabang pilik-mata,

pinkish lips,

At ang puti niya, sobra.

Sinubukan kong maghanap ng pores or kahit blackheads pero wala akong nakita. Feeling ko mababaliw ako dahil sa sunod niyang ginawa.

He suddenly parted his lips and make it half-open.

I felt like it is calling me, kaya hindi ko na namamalayan na mas lumalapit pa ako sa kanya.

"If I were you, I wouldn't dare."

Para akong natamaan ako ng kidlat dahil sa bigla niyang pagsasalita. Pero naka-pikit pa din ang mga mata niya.

"G-Gising ka??!"

Gash, nakakahiya!

"I know I am irresistable, kaya lang ayoko na magsisi ka." Nakabukas na ang mga mata niya but still holding me. Hindi ako makawala sa kamay niya kaya malapit padin ang mga mukha namin.

But his last word caught me, magsisi?

"Bakit?" I managed to ask.

"Because i'm gay ..."

I was dumb-founded that night. I mean, how come he is gay? Sa gwapo niyang yon at isa pa wala sa hitsura niya na bakla siya.

Hay naku, i can't explain the world.

After that night, I've learned that he is also an actor and model. We were both rookies that time kaya hindi ko siya agad nakilala. Becuase of that incident we became best buddies. Walang nakakaalam ng connection namen sa isat isa, kahit si Anna ay hindi alam na close ako kay Richard. For sure puro sabunot ang matatanggap ko doon kapag nalaman niya.

Everyone that could see him must say he is really a guy. He has the good looks and good built. Talagang walang chance na mababakas na bakla siya. Sa pananalita niya lalaki pa rin yung tone ng boses niya. Siguro kasi wala naman siyang mga kaibigang bakla kaya hindi siya natuto ng mga gay-lingo. Malalaman mo lang talaga na bakla siya kapag sa kanya na mismo nanggaling at kapag nagtiwala na siya sayo, like me. Dahil he trusts me, he could easily acts like a beauty queen in front of me and uses a thin voice that really irritates me, nagpapabebe na din siya. Pero promise hindi bagay kasi ang laki-laki ng katawan niya tapos puro muscle pa.

Pero ang gumulat talaga sa akin ay nung malaman kong may naging ex na siyang guy. Grabe, dinaig niya pa ako. During college days daw iyon. Hindi na naman ako nagtanong pa kasi matagal na naman yun.

Naging takbuhan namin ang isat isa lalo na kapag stress na kami sa buhay showbiz. Minsan we will go on a vacation just the two of us in a place that no one will notice us. Minsan naman ay para kaming sira na magdidisguise at magtatakbo sa mataong lugar and eventually no one will spot who we are.

Sa loob ng pitong taon ay naging palagay na akong kasama si Richard, siguro dahil alam kong pareho ang lang taste namen at alam kong ligtas ako sa tuwing kasama ko siya.

©2020 – Paige Lee