webnovel

Young Billionaire's Possession

Lumaki si Elle sa isang bahay ampunan kung saan paglipas ng panahon ay siyang madalas niyang balikan. Sa lugar kung saan sya nagkaisip ay siyang lugar din kung saan nya makikilala ang lalaking mamahalin. Ngunit paano kung kailan hulog na hulog na sya tsaka naman magkakaroon ng hadlang sa relasyon nila?

Kore_Mikelle · Urbano
Classificações insuficientes
39 Chs

CHAPTER 27

Elle's POV

Dalawang araw na ang nakalipas ng pangyayari sa amin ni Aiden and ngayon araw na ang paglipad ko papuntang New York.

"Don't forget to call or message me when you board okay?" sabi ni Aiden

Sya kasi ang naghatid sa akin ngayon sa airport kahit sinabi ko namang hindi na kailangan dahil may maghahatid sakin pero nagpumilit sya dahil isang linggo daw akong mawawala para kahit makita man lang nya ako sa huling sandal bago ako umalis

"Yes love, I won't forget promise" sabi ko at nginitian sya

Niyakap naman nya ako

"God, I miss you already" sabi nya kaya natawa naman ako

"OA to, di pa nga ako nakakaalis e haha. But I'll miss you too love" sabi ko at niyakap din sya

"Pakasal na tayo pagbalik mo" seryosong sabi nito

"Pinaglololoko mo na naman ako" natatawa kong sabi kahit alam kong seryoso ang sinabi nya

"Do you think I'm joking? I'm serious here Elle. Let's get married" seryosong sabi nito

"Let's talk about that when I come back okay? I need to go, I'll be late" sabi ko habang pinipilit kong ngumiti

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hindi pa rin namin nahahanap kung sinong pumatay kina Mama at Papa. Pero sabi ko sa sarili ko handa na ako kaya nga binigay ko na ang sarili ko pero bakit hindi ako makasagot agad sa kanya?

"Promise, pagbalik ko, pag usapan natin yan, okay? Madami pa lang akong dapat tapusin love, pero promise magpapakasal ako sayo. I really need to go now, please take care of yourself while I'm away. I love you" sabi ko at binigyan sya ng smack kiss

"I'll wait for you love. Sorry if minamadali kita na magpakasal sakin, I understand. I love you too" sabi nito at ngumiti pero kita sa mata nya na malungkot sya dahil tinanggihan ko ang alok nya

Niyakap at hinalikan ko naman sya bago ako tuluyang umalis

.

.

.

Makalipas ang ilang oras na byahe papuntang New York ay nakalabas na ako ng airport at ngayon ay nakasakay na ako sa sumundo na sakin patungo sa bahay na tutuluyan namin

Habang nasa byahe naman ay nagmessage ako kay Aiden, sigurado akong gising na ito dahil umaga na doon at dito naman ay gabi

'Buti naman nakarating ka ng maayos, mag ingat ka dyan love. I love you' ~ from My Love Aiden

'You too love, eat your breakfast. I'll rest when I arrive in the house. I love you too' ~ sent to My Love Aiden

'Okay, rest well' ~ from My Love Aiden

Yun lang at hindi ko na ito nireplyan pa

Isang oras lang ay nakarating na kami sa isang malaking bahay na may malaking gate, eto nay un. I missed this place. It's been years since ng huling pumunta ako dito. Napangiti naman ako ng mapakla ng maalala ko ang mga alaala namin dito

Bumaba na ako ng kotse pagtapat nito sa main door ng mansion at tsaka ako pumasok na sa loob

"Goodevening young lady" sabi ng mga maids na nakahilera pagpasok ko

"Goodevening too, where's Sammy?" tanong ko sa kanila ng hindi ko makita ang babaeng iyon

"Looking for me?" sabi ng taong hinahanap ko ata nakita ko itong pababa ng hagdan kaya naman nginitian ko ito

Mabilis naman itong nakalapit sakin at niyakap ako

"Gosh gurl, I missed you so much. It's been a year ng huli tayong magkita, buti naman at naalala mo pa ako" nagtatampong sabi nito kaya naman natawa ako

"Sorry gurl, madami lang nangyari sa loob ng isang taon" nakangiti kong sabi

"yeah, I know, updated ako sayo no. From having a hot boyfriend, to being kidnapped, and being the long-lost heiress of Charles family. Gosh gurl, bigyan mo naman ako ng kayamanan mo, hindi pa ba sapat sayo ang Mirabelles? Isipin mo, ikaw ang may-ari Rank 1 company, then ikaw pa ang heiress ng Rank 2 and 4 tapos magiging asawa ng rank 3?! Ikaw na talaga!"

Kahit kailan talaga napakadaldal ng babaeng to

And yes, ako ang nag iisang Mirabelles, ang Sam na tinutukoy ko sa mga kwento ko kila Mom, ang taong matagal ng gustong makita ng mga tao sa mundo ng business. Let me introduce myself, my real name is Shanelle Akira Mirabelles, but you can call me Elle or Sam for those part of my family.

And the truth is, this woman I'm with right now is Samantha Santos, but I call her Sammy and she calls me Sam. That's why we treat each other like sisters.

The story I told Mom is quite true, the thing that untrue was the character of mine and the Sam in the story. Mama and Papa really made Sammy's graduate, and Papa also trained Sammy. She's also an orphan like me and we grew both in Guardian's Home together with Candice, we're best friends. That's why tinulungan siya nina Mama at papa na makapagtapos, and just like what I told to Mom, the couple died together with Mama and Papa was the foster parents of Sammy.

I used their surname to hide my real name and parents because enemies might use me against my foster parents as we are the wealthiest family in the world. And as we have same nickname of Sammy, sometimes she pretends as me when the CEO really need to show up in a private meeting but when the person is really trustworthy, I introduce myself.

"Sam to earth! Hello?!" sabi ni Sammy habang kumakaway sa mukha ko kaya natauhan naman ako

"Ohh sorry, you don't need my money duh, you're also rich but you just don't have it at the mean time" nakangisi kong sabi kaya naman bumagsak ang balikat nito

"So ano bang plano mo?" parang naiinip na sabi nito

"You can come with me now" nakangiti kong sabi at bigla namang lumiwanag ang mukha nito

"Really?! Wahhhh thank you Sam, sa wakas makakalayas na ako na palasyong ito" sabi nya at tinaas ang dalawang braso na kapantay lang ng balikat at umikot

Napailing naman ako sa ginawa nito

"Ano ka? Prinsesang ikinulong sa isang palasyo? Haha" natatawa kong sabi

"Like duh, ikulong mo ba naman ako dito sa palasyo for 2 years?!" sabi nito

"OA mo gurl haha, hindi palasyo ang mansion tsaka nakakalabas ka naman ah? Lagi mo nga winawalgas ang pera ko" sabi ko napa facepalm

"Oy, grabe ka sakin, hindi naman ako malakas gumastos tsaka barya lang yun sa sobrang yaman mo no!" sabi nito kaya natawa ako sa reaksyon nya

"Just kidding Sammy. We'll stay here for one month then tsaka tayo babalik na sa Pinas. I need to do some business here. So, if may mga kailangan ka pang gawin, feel free to do it and magpaalam ka na sa mga kaibigan mo"

"Hmmm how about my work?" tanong nito kaya napakunot ang noo ko

"Wag kang feeling nagtatrabaho sa isang company, you're working as a freelancer duh" sabi ko at natawa naman sya

"Oo nga pala hahaha, oh sya sige na magpahinga na tayo, lalo ka na alam kong pagod ka sa mahabang byahe" sabi nya kaya naman tumango na lang ako sa kanya at dumeretso na sa kwarto ko at ganun din sya

Pagkahiga ko naman sa kama ko ay kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Aiden

'I'll sleep now. Goodmorning there and goodnight to me. I love you' ~ sent to My Love Aiden

Pagkasend ko ay hindi ko na hinintay ang reply nito at nakatulog na ako

Kris Aiden's POV

"Anong balita sa taong pinapahanap ko sayo?"

"Man, wala kaming makitang leads and besides matagal na syang walang paramdam and I don't know if that's good or bad thing" sagot ni Spencer

"Huwag tayong magpakampante dahil lang sa wala syang ginagawang moves laban sakin, wag kayong titigil na hanapin pa rin sya. Maliwanag ba?" seryosong sabi ko

"Yeah, got it. Pero mukhang wala ka sa mood ah, nag away ba kayo?" pag-uusisa ni Spencer

"Kahit kailan napaka chismoso mo Spencer" sabi ko at sinamaan sya ng tingin

"Kalma haha, c'mon baka makatulong ako" sabi nito

"Nasa New York sya ngayon, and before her flight, I said that we should get married when she returns, but she indirectly turned down my proposal. She said we'll talk about it when she returns." Frustrated na sabi ko

"Eh yun naman pala, pag uusapan nyo naman pala pagbalik ano pa ineemote mo dyan, alam mo namang maraming nangyari kay Elle these past few months. I'm sure madami pang iniintindi yun"

"Argh bahala na, bat nga sinabi ko pa sayo" sabi ko at ginulo ang buhok ko

"Wag mo munang itali kasi agad, hindi ka naman iiwan nun haha. Alam kong mahal ka ni Elle. Just wait a little longer man" sabi nito at tinap ang balikat ko bago tumayo at lumabas ng office ko

Paglabas naman nya ay biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito

'I'll sleep now. Goodmorning there and goodnight to me. I love you' ~ from My Love Elle

Napangiti naman ako, siguro nga hindi ko sya madaliin dapat. Nadala lang din naman ako sa nangyari samin. I thought she's fully ready now to settle because she gave me her virginity the other night.

'Okay love, sleep well, call me when you wake up. I love you too' ~ sent

Naghintay naman ako ng reply nito pero wala ako nareceive na siguro ay nakatulog na agad ito kaya naman nagfocus na lang ako sa trabaho ko.

Natapos na pala ang hotel resort na partnership project namin sa Batangas, siguro ay mabisita na lang iyon pagbalik ni Elle.

Ngayon ko lang narealize na talagang maganda ang naging idea ni Ms. Mirabelles sa Hotel Resort dahil pwede kong dalhin si Elle doon lalo na kapag nagka-anak na kami. Napangiti naman ako sa naisip ko. Masaya kaming mamumuhay kasama ang mga anak namin. At tuwing bakasyon ay magpupunta sa Hotel Resort na iyon.

Naalala ko naman ang nangyari samin noong isang gabi. May mabuo kaya? Magiging Daddy kaya ako agad? Iniisip ko pa lang na mabuntis si Elle ay natutuwa na ako dahil sigurado kapag nabuntis ito ay wala na itong magiging dahilan para tanggihan pa ang alok kong magpakasal.

Siguro ay kailangan ko mag propose ng maayos sa kanya. Ang tanga ko bat ko nga ba naisip na sabihin sa kanya yun sa araw ng pag-alis nya

Kung anong kinaganda ng proposal ko sa kanya para girlfriend sya tapos ganun lang sa marriage proposal. Napasapo naman ako sa noo ko dahil sa katangahan ko.

Kailangan kong pagplanuhan kung paano ako magpopropose sa kanya, hindi pwedeng basta basta lang. Gusto ko ibigay sa kanya ang magarbong proposal at sa kasal naman ay ang gusto nya ang masusunod.

Iniisip ko pa lang ang kasal namin ay napapangiti na ako, naiimagine ko kung gaano sya kaganda sa puting gown habang dahan dahang papalapit sa akin.

Ring… ring… ring…

Bigla naman naputol ang imahinasyon ko dahil sa tawag kaya napatingin ako dito ng masama

Pagtingin ko dito ay unregistered number kaya naman napakunot ang noo ko, sinagot ko naman ito

'Hello?' walang sa mood na sagot ko

'Kampante ka atang walang nangyayari sa kompanya mo' sabi ng tao sa kabilang linya

'Anong kailangan mo? Bakit mo ba pinupuntirya ang company ko?! Anong ginawa ko sayo?!' inis na tanong ko

'Ikaw wala, pero ang pamilya mo meron! But don't worry, hindi ko na gagalawin ang kumpanya mo huwag lang may mangyaring masama na naman sa kahit sinong parte ng pamilya ko, tandaan mo yan Kris. Ikaw ang babalikan ko once may gawin pa ang pamilya mo against mine. Bantayan mo ang taong mahalaga sayo dahil anytime ay pwede kong kuhanin ang taong yun" sabi nito at pinaba na ang call

Anong sinasabi nya? Anong ginawa ng pamilya ko?

Mom? Dad?

Anong hindi ko alam?

Tinawagan ko si Spencer mula sa telephone

'Go to my office, now!'

Ilang saglit lang ay dumating na si Spencer

"What happened?" tanong nito

"Investigate what happened to my family, what they did in the past. Everything about them and their circle of friends. And when I said everything, as in everything even when they're still studying, or even when they're born" cold na sabi ko

Mukha namang nagulat si Spencer pero hindi na ito nagtanong pa at lumabas na ng opisina ko

I need to figure out everything before they do something again and I don't want to involve Elle here. I don't why that b*stard targeting my love. What does he want from Elle?

But no matter what, I'll protect Elle. I won't let happens bad to her again, never. Even fighting my family, I will do it for Elle.