PAGKAGISING NI CASS, wala na si Ansel sa kabilang kama. Maghapon itong tulog kagabi kaya hindi na niya ginising. Sa halip, ipinagluto niya na lang ito nang makakain kung sakaling magising ito. Nagtataka siya kung papaano siya nakatulog kagabi gayong ninerbyos siya na baka may gawin ito sa kanya. Ngunit, mukha namang walang nangyari sa kanyang masama pagkagising niya.
Tumayo na siya at pinasadahan ng tingin ang cabin para tignan kung may iniwan ba ang binata para sa kanya. Isang note lang ang nakita niya na nakadikit gamit ang isang magnet sa ref. Hindi niya pa nakita ang handwriting ni Ansel noon at surprisingly, hindi naman ganoon kalala ang handwriting nito. Hindi maganda pero readable naman.
Ayon sa note, hindi marunong magluto ang binata kaya tumawag na lang ito ng staff para gawan siya ng breakfast. Nakalagay din doon na hindi siya masasamahan nito sa anumang aktibidades na plano niyang gawin ngayong araw dahil may pupuntahan daw ito. Napakunot siya ng noo. Akala ko ba sasamahan ako ng mokong? May sarili naman palang plano. Oh well.
Napailing na lang siya at sakto namang may narinig siyang kumakatok. Pinagbuksan niya ang pinto sa isang staff na dala dala ang breakfast niya. May complementary pa siyang Yakult na specifically ni-request daw ni Ansel na isama sa pagkain niya. Cute.
Umupo na siya at nagsimulang kumain habang inililipat ang pahina sa guide book, binilugan niya ang mga bagay na plano niyang gawin. Hindi siya mahilig sa kahit anong extreme kahit na maraming extreme activities sa guide book, kaya ang most na activities na binilugan niya ay kalmado lang.
Plano niyang pumunta sa Butterfly garden, sa Zoo, at sa Museo Abstracto na may kalayuan sa cabin niya. Malawak kasi ang Villa Montenuma na ang ibang destinasyon sa guidebook ay kailangang lakarin o kailangan ng transportation. In fact, may mga umiikot na mga minivan para sa mga gustong pumunta sa mga partikular na lugar. Kaso, like usual, may bayad rin ang mga iyon.
Ang libre lang kasi sa bakasyon na iyon ay ang cabin, ang entrance fee sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan, at limang rides lang sa minivan. Namamahalan siya sa presyo kaya kahit malayo ang huli niyang destinasyon, plano niyang lakarin na lang kaysa sumakay sa van.
Iwinaksi niya ulit sa isip na wala siyang kasama. Hindi naman sa hindi niya kayang mag-isa. Sadyang iba pa rin sa pakiramdam ang magbakasyon na may kasama. Nakaramdam tuloy siya ng inggit kay Greta na maari'y nasa isang romantic na getaway kasama ng boyfriend nito.
Stay positive, Cass. You are a strong and independent woman, okay? pag-aalo niya sa sarili. Sinabayan niya pa ng pag-inom ng Yakult para kunwari everyday, okay.
HINDI NA ALAM ni Cass kung bakit nga ba siya nagdesisyon na lakarin na lang ang papunta sa Museo Abstracto. Nanakit na ang kanyang mga hita sa paglalakad dahil hindi lang naman ang Museong iyon ang nilakad niya. Nagsisi na tuloy siya at gusto na niyang humilata na lang sa sidewalk.
Wala pang dumadaan na minivan kaya wala naman siyang mapara.
Binuksan niya ang phone, malapit na rin siyang ma-lowbat dahil sa dami ng litratong kinuha niya kanina. Napabuga siya ng hangin. Tawagan ko kaya ang mokong na iyon, naisaisip niya. Ngunit nang binuksan niya ang contacts niya, wala ang pangalan ng binata roon. Nga pala, neber ko nakuha ang number niya.
Padilim na rin at ilang oras na lang bago magsara ang museo kaya nagpasya na lang siyang manatili sa sidewalk. Maghihintay na lang siya ng pababang minivan at bukas na lang siya babalik. Ubos na rin kasi ang tubig niya at wala na siyang dalang energy bar na pantawid ng gutom.
"Ang malas ko naman," aniya sa sarili at napapikit na lang. Maganda ang simoy ng hangin sa Villa Montenuma, lalo na kung gabi. Malapit na rin kasi ang Disyembre, kaya randam na ang pagbaba ng temperatura. Parang katulad lang ng temperatura sa Baguio kung saan siya nakatira. Nanunuot ang lamig sa kanyang buto at maganda iyon sa pakiramdam. "Hmm..."
Buti na lang at walang tao dun kung hindi baka nawirduhan na sila kasi nakahiga na siya roon. Nagsimula na siyang mag-daydream at kasama doon ang malakas na preno ng sasakyan. Huwaw, ang real na ng imagination ko ngayon, ah?
Nagpreno ulit ang sasakyan. Hindi niya pa rin iyon pinansin. Nang nagpreno na naman iyon sa pangtalong beses doon niya lang iminulat ang kanyang mata at nakita niya ang sasakyan ni Ansel. Nakabukas na ang pinto ng passenger's seat at tila na-amuse na nakatingin sa kanya ang binata. Agad agad siyang tumaya at namula, "A-Anong ginagawa mo rito?"
"Nakita ko ang note mo at nagtataka ako kung bakit wala ka pa," sagot nito. "Hintayin na sana kita kasi magsasara naman na ang museum maya-maya lang pero mukhang tama ako na mag-double check. Hop in?"
Hindi naman siya nagdalawang isip na sumakay. "Thanks."
"No problem," nagsimula na itong bagtasin ang natitira pang lalakbayin sana ni Cass kung hindi siya tumigil. "Bakit hindi ka nag-minivan? Marami namang minivan mula sa last destination mo."
Hindi niya alam ang tungkol doon kaya napatingin siya rito. "Minemorize mo ba yung guidebook?"
Saglit siyang tinapunan nito ng tingin bago ito napabuga ng hangin. "This is why you should never skim things, Caz. You should always read the fineprint."
"Cassidy," hindi napigilang pagtatama niya. That nickname held a lot of memories and it's better to never hear him utter that again. Especially, ngayon na nagbabago ang judgment niya sa binata. Dahil kung wala itong pakialam, hindi dapat siya nito hinanap ngayon. Mukha namang tinubuan din ito ng care sa paligid nito.
Natahimik lang ang binata at wala na naman silang pinagusapan hanggang sa makarating na sila sa Museo Abstracto. "Thanks. Hintayin mo na lang ako, okay?" aniya sabay baba ng sasakyan, ngunit base pa lang sa narinig niyang pagbukas ng isa pang pinto, sasama ito sa kanya.
"Check ko na rin, nakakabagot mag-isa," sagot nito sa tanong na gusto niyang itanong rito. Then, without saying anything, mas nauna pa itong pumasok kaysa sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin bago napapailing na sumunod na lang.
Sinundan niya ito ng tingin bago napapailing na sumunod na lang.
PABALIK NA SILA sa cabin at mukhang hindi naman nag-enjoy si Ansel, samantalang siya ay parang isang batang inimbitahang lumibot sa chocolate factory. Hindi niya alam kung bakit pero naramdaman niya ang lahat ng damdaming gustong iparamdam ng mga art pieces sa Museo Abstracto. Nagawa niya ngang ikutin ang buong lugar ng wala sa oras. Kinailangan pa siyang huntingin ni Ansel dahil naabot niya ang pinakadulo ng museo.
"Bakit parang di ka nag-enjoy?" tanong niya nang itigil nito ang sasakyan sa tapat ng 7-eleven. Dito kasi nila napagusapang kumuha ng dinner. Nagkibit-balikat lang ito. "Um, translation please? Di ako makaintindi ng body language."
"Huh," komento nito. "Okay. It's not my thing. Atsaka, hindi ba mas importante sa'yo na nag-enjoy ka? Why worry if I enjoyed it or not?"
Pinagtaasan niya ito ng kilay. Mukhang hindi naman ito galit o iritable, pero sa pagka-flat ng tono nito parang kumati naman ang kamay niya. Saglit niya itong tinignan bago casually niyang pinitik ang tungki ng ilong nito. Something na hindi niya magagawa noon kahit iyon naman lagi ang tono sa kanya ng binata ng College pa lang sila. Ngayong nagawa niya na, medyo hindi siya impressed. Ang dali lang naman palang gawing iyon.
"Damn, what was that for, woman?" tanong nito habang defensively na tinatakpan ang ilong nito.
"Huwag kang brat," reklamo niya sabay labas ng sasakyan. Nagtatanong lang naman siya at alam niya kung sarkastiko lang ang isang tao, ang ayaw niya ay ang pinagbubuntungan siya inis kapag pagod ang isang tao. Understandable but it doesn't mean na kailangan niyang palampasin.
Nauna na siya sa 7-eleven at dumiretso sa kung saan naroroon ang mga cold drinks para hindi rin naman siya mag-explode. Pati naman siya'y pagod na rin pero hindi naman siya nag-iba ng attitude, kalma pa rin siya.
Napapailing na dinampot niya ang isang bote ng Dutch Maid Chocolate Drink. Hindi niya pa nasusubukan iyon kaya iyon na ang kinuha niya. At dahil medyo nakonsensya siya, kumuha pa siya ng isa pang Dutch Maid para sa binata.
Lumingon siya at inaasahang naroroon rin ang binata. Ngunit, wala ni anino nito sa loob kaya minabuti niyang bumili na rin ng dinner nila. Siya na rin ang nagdesisyong magbabayad at tutal di naman siya sinundan ng magaling na lalaki.
"Nag-away po ba kayo ng boyfriend niyo, Miss?" tanong ng kahera matapos nitong i-cash-in ang mga binili niya.
"Hah? Anong boyfriend?" nagtatakang tanong niya.
"Andyan po kasi siya sa labas, Miss. Kanina ka pa po niya tinitignan. Ang galing nga ng powers mo at hindi mo siya nararamdamang tumitingin sa'yo," na-amuse na sabi ng kahera.
Sa halip na sumagot, napatango na lang siya at kinuha ang binili. Naroroon nga sa labas si Ansel. Nakahalukipkip ito at nakatambay sa sasakyan. "O, may bayad 'to, ha?" sabi niya sabay pasa ng pinamili sa binata. Kinuha naman nito iyon.
"Bakit ka raw tumitig sa akin?" itinuro niya ang kahera na kumaway sa kanila. "Sabi niya."
"Baka kasi kung pumasok ako baka suntukin mo ako. Naninigurado lang," komento naman ni Ansel.
"Sus, para lang sa pitik, ano namang laban ko sa'yo?"
"Marami."
Pinaningkitan niya ito ng mata. Hamak na mas matangkad ito sa kanya at mas nag-exercise. Paano siya makakalaban rito kung maghiganti ito? Lasing ba ito?
"Ewan ko sa'yo, Ansel. Uwi na nga tayo."
"AY TANGA," WALA sa sariling napamura si Cass nang nilabas na niya ang mga bote ng Dutch Maid. Hindi kasi iyon katulad ng ibang bote na madali lang buksan. Kailangan niya pa ng can opener para lang buksan ang mga iyon. Napabuga siya ng hangin. Minsan talaga, Cass... Minsan talaga... kastigo niya sa sarili.
Tumayo siya at plano niya sanang lumabas para manghingi ng can opener nang lumabas naman ang binata mula sa banyo. Napatigil siya at napatitig dito. He was half-naked, revealing his upper body to her. Ang ganda ng pagkaputi ng katawan at ang pagka-taut ng muscles nito. He is definitely going to the gym. Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa pangbaba nito at buti na lang nakatwalyo ito at...
Dali-daling nag-iwas siya ng tingin. Damn it, Cassidy! May sabing tumingin ka.
"Sabi ko na nga ba, tititig ka," tila amused na wika nito. "May bayad yun 'ah, wala pang nakakafree viewing."
"S-Sino bang may sabing magburles ka? Mahiya ka nga," kastigo niya rito sabay ngali-ngaling aalis sana pero pinigilan siya nito. Napatulala na naman siya sa magandang katawan ng lalaki. Kung asa anime lang siya ay kanina pa siya naubusan ng dugo dahil sa nosebleed. "Gabi na, saan ka pupunta?"
"Bakit? Tatay ba kita, tabi ka nga diyan."
He narrowed his eyes at her. "Stop being sarcastic. Just tell me why you need to head out."
To get away from sinning because you're flashing your body to me without remorse, naisaisip niya. Sa halip na iyon ang sabihin, itinuro niya na lang ang dalawang bote ng Dutch Maid na asa lamesa. "Na-Nakalimutan kong ipa-open kaya lalabas sana ako para kumuha ng can opener, okay na?"
He snorted. Aba. Ano bang gusto nito?
"Ako na ang bahala, diyan ka na lang," sabi nito at nilampasan na siya.
"Pwede po bang magdamit muna sila?" tanong niya. "Mahirap na baka may iba pa akong makita. Idedemanda na kita kung sakali."
"Ano namang ikakaso mo sa akin?" nayayamot na tanong nito ngunit sinundan pa rin nito ang payo niya at akay-akay ang damit, bumalik ito sa banyo. Doon lang siya nakahinga nang maluwag at pakiramdam niya na either mamatay siya dahil sa natural occurences or dahil lang sa presensya ni Ansel Dela Cruz.
Mabilis namang nakapagpalit si Ansel at pagbalik nito may hawak hawak na itong stapler. "O, san mo gagamitin yan?" tanong niya.
"Pambukas ng bote," simpleng sagot nito.
Gusto niyang kwestiyonin kung posible ba iyon pero nanahimik na lang siya. Dumiretso naman ang binata sa lamesa at gamit ang stapler, inipit nito ang ibaba ng stapler sa cap ng bote at nag-stapler. Himala namang nabuksan ang bote. "Pwede yun?" manghang manghang tanong niya.
"What do you think?" sarkastikong sabi nito at iniabot na sa kanya ang Dutch Maid.
Hindi na lang niya pinansin ang pagkasarkastiko nito at ininom na lang ang Dutch Maid. In fairness, masarap iyon. "Ah, yung isa pala para sa iyo."
"I don't like sweet drinks..." wika nito habang nilalantakan naman ang hotdog sandwich na dinner nila.
"Edi, sa akin na lang," sabi niya at akmang kukunin sana ang Dutch Maid ngunit pinigilan siya nito.
"Hindi ko naman sinabing ayaw ko," and as if to prove his point, uminom na rin siya sa bote.
Talaga lang, ha?