Makalipas ang limang buwan. Nagbukas na si Scarlet ng kanyang bagong kumpanya. Ang La Fuente chocolatier. Isinunod niya ang pangalan ng kanyang kompanya sa pangalan ng kanyang hotel. Ngaun sisimulan na niyang ipakilala ang brand ng kanilang chocolate sa publiko.
Isang masamang balita naman ang ipinaabot ni Nathalie para kay James. Sa hindi inaasahang pagkakataon, namatay si Jasper sa kadahilanang may nakitang butas sa puso at kung sakaling ooperahin pa ito ay mas lalong mapapadali ang buhay ng bata. Subalit dahil sa hina ng resistensya bumigay na ang katawan ni Jasper. Kaagad naman nagtungo sa ospital si James para damayan si Nathalie
"Jamesssss.... ang anak ko..." ani ni Nathalie
Inakap ng mahigpit ni James si Nathalie sa labas ng bintana kung nasaan si Baby Jasper. Maitim na ang mga nguso at paa ng bata, kitang-kita na hirap na hirap na ito, kung kaya't ipinagpasa diyos na lamang ni James ang lahat.
Subalit hirap si Nathalie na tanggapin ang katotohanan, minahal niya ang bata habang nasa kanyang sinapupunan ito at kahit na nabuo siya sa isang pagkakamali.
"Sssh.... tama na Babe.. makakapagpahinga na si Jasper.. ginawa naman natin ang lahat." Tugon ni James
Sinisi ni Nathalie ang lahat ng kamalasan niya simula ng dumating sa buhay nila si Scarlet. Nagtanim siya ng galit at poot sa kanyang puso at isipan. Isinumpa na ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng kanyang anak na si Jasper.
"'Magbabayad ka Scarlet sa lahat!!! Ikaw ang rason ng lahat ng ito.. isinusumpa ko!" Sambit ni Nathalie sa kanyang sarili
Pinapasok na sila ng doctor sa loob, nagmadali naman si Nathalie na akapin ang bata. Punong puno ng pighati ang buong kwarto at isang malakas na palahaw ng nagluluksang ina ang tanging maririnig sa loob nito.
"Ang anak ang dapat na maglilibing sa magulang hindi dapat ang anak ang ililibing ng sarili niyang mga magulang" ani ni Nathalie
"Babe magpakatatag ka..." tugon ni James
"Wala na siya.. wala na si Jasper Babe..." ani ni Nathalie
"Alam kong masakit.. pero kailangan nating tanggapin ng buo ang nangyari kay Jasper." Tugon ni James
Kinarga ni Nathalie si Jasper, hinalikan sa noo at muling inakap ng napakahigpit..
"Itinakwil man kita noong una, subalit pinagsisihan ko iyon,, anak mahal na mahal ka ni Mama.. sana mapatawad mo ako..." ani ni Nathalie
Makailang saglit pa ay dumating na si Lorena kasama si Jasmine. Kaagad siyang lumapit kay Nathalie at nakiramay.
"Bestie..." ani ni Lorena
Yumakap sa kanya si Nathalie, galit na galit ang kanyang mga kamay, habang mahigpit ang pagkakaakap sa kanya. Kaya sinubukan niya itong pakalmahin..
"Bestie... nandito si Jasmine...ikalma mo muna ang sarili mo.." ani ni Lorena
"Wala na ang anak ko... wala na si Japer...." hagulhol ni Nathalie
Napaluhod si Nathalie dala ng sobrang lumbay, itinayo siya ni Lorena at iniupo sa hospital bed. Tumingin siyang muli sa kanyang anak, at mga luha na lamang ang kusang bumabagsak sa kanyang mga mata.
Mayamaya pa ay dumating na ang mga nurse upang kuhanin na ang bata. Sinanggahan ni Nathalie si Jasper upang hindi ito makuha sa kanya.
"Hindiii.... hindi niyo pwedeng kunin ang anak ko... hindi..." sigaw ni Nathalie habang umiiyak
Pinigilan siya ni James, hinila paatras at inakap ng mahigpit habang nagpupumiglas. Umiiyak na si Jasmine kung kaya kinuha siya ni Lorena at inilabas sa kwarto.
"Bitawan mo ako! Babe... ang anak ko.... bitawan mo ako!!!!!" Pagmamamakaawa ni Nathalie
"Babe... please tama na..." ani ni James
"Hindi mo ako naiintindahan...." tugon ni Nathalie
Sumenyas si James, at kinuha na ng mga nurse ang bangkay ni Jasper. Dinala ito sa morge habang naghihintay ng ipapadalang funeral service. Hindi naman ipinabalsamo ni James ang bata. Pinalinisan na lamang niya iyo at pinabihisan.
Nang medyo kalma na si Nathalie, sumunod na sila sa funeraria, nang makarating doon pinagmasdan muli ang sanggol habang hindi pa naiilagay sa kanyang kabaong.
"Babe magpatawag ka ng Pari" ani ni Nathalie
Tumawag nga ng Pari si James, makailang minuto ay dumating na ito. Pinamisahan nila ang sanggol, matapos ang misa ay pinabendisyunan nila ang bata. Habang nag bebendisyon ang Pari, hindi mapigil ni Nathalie ang kanyang pagluluksa at pag-iyak.
"Jasper... baby koo"hagulhol ni Nathalie
Sumubsob siya sa mga balikat ni James, at kaagad naman siyang niyakap nito.. hinaplos niya ang likuran at may ilang sandali pa ay nahimasmasan na ito. Ibuburol ang sanggol ng 1 araw, hiniling ito ni James upang makasama pa nila si Jasper kahit isang araw man lang.
Nabalitaan ito ni Scaret at River kung kaya't nagpunta sila. Kasama nila si Ace, dumaan sila sa flower shop at nagorder ng boquet. Nang makarating sila. Naunang pumasok ang dalawang lalaki, sapagkat may sinagot pang tawag si Scarlet.
"Condolences" ani nina River at Ace
Makailang saglit, naglingunan ang mga tao sa likuran, dumating si Scarlet suot ang itim na damit. Nakita naman siya kaagad ni Lorena, nang akmang pupuntahan niya ito pinigilan siya ni Nathalie.
"Ako na!" Ani ni Nathalie
Habang naglalagay ng bulaklak si Scarlet, lumakad naman patungo sa kanya si Nathalie. Pagharap ni Scarlet nakita niya kaagad si Nathalie.
"Nakikiramay ako.." ani ni Scarlet
Slaaaap!!!! Isang sampal ang ibinalik ni Nathalie para kay Scarlet. Nagulat ang lahat sa ginawang ito ni Nathalie, kaya dali daling nagpunta sina James at Ace sa kanilang dalawa.
"Pinatay mo ang anak ko!" Ani ni Nathalie
Malakas ang pagkakasampal ni Nathalie kay Scarlet. Nanginginig ang mga kamay nito nais niyang gumanti subalit pinigilan niya ang kanyang sarili.
"Hindi ako ang pumatay sa anak mo! Ikaw!" Tugon ni Scarlet
"Sinira mo ang pamilya ko!! Kinuha mo na ang anak ko.. inaagaw mo pa si James! Ano pa ba ang gusto mo!" Ani ni Nathalie
Pagdating ng dalawa kanya-kanya sila ng pag awat.
"Babe tama na ano ka ba!" Ani ni James
Dinuro ni Scarlet si Nathalie habang hawak hawak siya ni Ace.
"Wala akong kinukuha sayo! Kung gusto kong agawin si James matagal na! Yan ang itatak mo sa makitid mong utak!" Tugon ni Scarlet
Napatingin si James kay Scarlet. May ibang dating sa kanya ang pagkakasabing ito ni Scarlet. Mayamayapa ay umalis na sina Ace at Scarlet. Winasak naman ni Nathalie ang bulaklak na dala ni Scarlet at itinapon sa basurahan.
Paglabas ni Scarlet, lumingon siyang muli at nagwika
"May kabayaran ang sampal na ito Nathalie.."
Salitang nasambit ni Scarlet sa kanyang isipan. Sumakay na siya sa kotse at umalis na sila, dagil sa tensyon na nararamdaman pinagkikiskis na uli niya ang kanyang mga palad habang nasa loob ng sasakyan. Tanging sa labas lamang siya nakatingin habang iniisip ang nangyari.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.