webnovel

Workplace Romantic [Tagalog]

[VOLUME ONE: COMPLETED] GENERAL AUDIENCE: ito ang novel na walang drama sa buhay. Pero may Warning! Sasakit ang tiyan at lalawlaw ang panga sa pagtawa. A love started in an office environment. ........ VOL 1: SI PECHAY AT SI BOSS "Sir, My boyfriend is a douchebag. I broke up with him because he cannot break up with his girlfriend." sabi ni Karissa sa isang gwapong estranghero.  "I feel lonely. Would you mind to be my boyfriend tonight?" sabi niya dito.  Nagising siya kinabukasan sa piling ng isang macho at poging lalaki.  "Ah!!!! Who are you?" tanong niya.  Iritableng tumayo ito, nagbihis at lumabas ng kwarto.  Hindi akalain ni Karissa na makikita muli ang lalaki bilang BOSS niya sa opisina. ...... ***** Photo NeONBRAND, unsplash

Feibulous · Urbano
Classificações insuficientes
7 Chs

First day, Malas Day

Sa isang condominium na matatagpuan sa Quezon City sila hinatid ng lalaking halata ni Karissa na nasa early forties ang edad. Hindi maiwasan na magtaka siya lalo at alam niyang sekretarya ang trabaho ng kaibigan.

Hindi naman kakayanin ng isang sekretarya na magbayad ng renta sa ganoon, tama?

"Tell me honestly, who is that?" tanong ni Karissa sa kaibigan na si Cathy habang nasa tapat ng elevator. Matapos silang ihatid ng lalaki, umalis din ito agad.

"M-my boyfriend." nahihiya na sabi.

"Wow! Boyfriend mo? Big time!" pagbibiro niya, natapik niya pa ang braso nito.

Halata niya na ngumiti ito ng mapait. Humugot ng malalim na hininga si Karissa.

"So tell me, kailan ka pa pumayag na maging kabet?" malakas ang loob na prangka niya dito. Alam niyang hindi magagalit si Cathy kahit prangkahin niya dahil matagal na silang magkaibigan.

Lumingon ito sa kanya at malungkot na sumagot. "May isang taon na"

Bumukas ang elevator saka sila sumakay doon. Pinindot ni Cathy ang numero ng floor kung saan ito tumutuloy.

"I can't help it, because I love him"

"But girl, kaka 22 mo lang!" hindi niya napigilan na pagalitan ito.

Nagsimulang lumuha ito. "Karissa… Hu Hu hu"

Inirapan niya ang kaibigan. "Hindi kita kakausapin ng dalawang linggo."

Humihikbi ito.

"Pero friend sigurado ka ba? Kailangan mo ng trabaho di ba? ng bahay, ng pera at ng kakilala dito sa Maynila?"

Napapangiwi siya habang iniisa-isa nito ang mga bagay. Muntik niya ng makalimutan na nasa Maynila na nga pala siya at kailangan niya ng trabaho.

"Okay, fine! friend muna tayo, saka na kita hindi kakausapin kapag nahuthutan na kita." pagbibiro niya.

=====

Pinahiram siya ng limang libo ni Cathy. Mag-isa lang siya sa condo kung saan siya nito dinala dahil napag-alaman niya na may sarili itong tirahan saka ang lalaking nobyo daw nito.

Pag-aari talaga ng nobyo ni Cathy ang condo unit na pinapagamit muna sa kanya sa mga araw na iyon.

Gustuhin man niyang magalit, parang kinukunsinti na rin niya ang kahibangan ng kaibigan dahil may benefits siyang nakukuha mula sa lalaki.

Unang araw ni Karissa sa trabaho…

Natanggap siya bilang receptionist sa opisina ng kaibigan niya. Ang nobyo nito ang tumulong para matanggap siya doon kahit under-grad lang siya, kaya aangal pa ba siya?

Isang pencil cut na palda at stripes na blusa ang suot niya. May black na pantyhose na suot, saka itim na sapatos na pinahiram din ni Cathy.

Bumili siya ng isa pang black na pantyhose sa 7-eleven bago tumuloy sa opisina.

Napapansin niya na pinagtitinginan siya ng mga tao kahit nang sumakay siya ng bus papuntang opisina na ilang kilometro lang ang layo.

'siguro nagagandahan sa 'kin. Hihi'

Hanggang sa makarating sa building kung saan siya magtatrabaho. May 30 minutes pa bago ang oras. Napansin niya na nakatitig din ang lady guard sa kanya.

'Oh my! Ang ganda ganda ko siguro!!!!' kinikilig na isip niya sa sarili.

"Ahh… mam, 'yung pantyhose niyo po butas-butas sa likod." hindi nakatiis na sabi nito.

Parang may nagdaan na itim na uwak sa pagitan ni Karissa at ng lady guard nang madinig iyon.

Nanlalaki ang mata ni Karissa na kinapa ang bandang likuran ng binti niya. "Shiiiit!!!"

Nagmamadali na naglakad si Karissa na nagtatago ng mukha at napadpad siya sa carparking sa ikalawang palapag. Sa Isang makintab na kotse siya nagtago na parang magnanakaw at nilingon ang paligid.

Sinilip niya ang binti mula sa salamin ng makintab na kotse. Madaming butas ang itim na pantyhose.

Naisip niya ang binili niyang pantyhose bago pumasok sa opisina.

Lumingon siya sa paligid. Mukhang wala namang tao kaya agad niyang tinanggal ang sirang panty hose at sinuot ang bago.

Sa Iisang binti pa lang ang nasusuot niya nang may marinig siyang ring ng telepono.

Nanlalaki ang mata na nilingon niya ang makintab na kotse. Parang tanga na sinilip niya ang loob nito. Dikit na dikit ang mukha niya sa salamin na halos ma-flat na ang ilong niya dahil tinted ang kotse na iyon at halos wala siyang maaninag sa loob.

Hanggang sa unti-unting bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan.

Nanlalaki ang mata ni Karissa lalo at sa iisang binti pa lang ang nasusuot niyang pantyhose at nakaangat pa ang palda niya. Kitang kita ang kulay orange niyang panty.

Hanggang sa mamukhaan niya ang lalaking seryoso na laman ng kotse.

====

"Ahhhh!!!!" tili ni Karissa at hindi alam kung paano itatago ang sarili nang bumungad sa kanya ang lalaking mas matigas pa sa yelo ang mukha at walang kangiti-ngiti ang labi.

Naisip niyang kunin ang shoulder bag at ipantakip sa kanyang tatsulok na panty na kulay orange.

"W-why are you here?! Sinusundan mo ko noh! Stalker! Stalker!" pambibintang niya dito tapos sumigaw sa paligid.

He hissed at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Sige, sumigaw ka pa! para makita ng lahat ang orange mong underwear"

Namula ang pisngi ni Karissa sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam kung paano ang gagawin. Isusuot niya ba ung kalahati ng itim na pantyhose o tatakpan na lang ng shoulder bag?

"Tumalikod ka kung ayaw mong isipin ko na manyak ka! Manyak!" singhal niya dito.

Nagsalubong ang kilay nito na halatang nagalit ito sa pinagsasasabi niya.

"S-susuotin ko ang pantyhose kaya talikod na kung a-ayaw mong ipangalandakan ko na ni-rape mo ako!"

Lalong nagdilim ang paningin nito, kaya binuksan nito ang pintuan at lumabas sa sasakyan. Napaurong si Karissa.

May taas na anim na talampakan at isang pulgada ang lalaki. Mas matangkad sa kanya ng bonggang-bongga dahil five-two lang ang height niya. Medium built, matitigas na panga at matangos ang ilong. May manipis na labi si Kuya at matang tila maglalabas ng red light lazer dahil sa talim ng titig sa kanya na sinamahan ng makakapal na kilay na nakasalubong.

Sa unang tingin, aakalain mo na nakita mo si Chris Pratt sa totoong buhay. Binaba niya pa ang paningin sa dibdib nito hanggang sa… tiyan! At tapos na! ayaw niya nang i-describe pa lalo at nakita niya ang bagay na iyon nang nakaraan.

Mapapaawit ka na lang ng 'Lupang Hinirang' sa kagwapuhan ni kuya lalo na sa bagay na iyon.

Nag-init ang pisngi at napalunok si Karissa nang maalala ang hitsura ng armas ni Kuya. Kaya iniwasan niyang tumingin dito.

Nakita naman niya ang lalaki nang nakaraan sa hotel na nakasama niya nang gabing broken hearted siya, ang lalaking nag-snatch ng perlas ng silanganan. Pero mas nasuri at mas napagmasdan niya ito ngayon sa malapitan.

Ngumisi ito makalipas ang ilang saglit.

"Hmp! Rape? May I remind you what happened that night..?"

"...Sir, My boyfriend is a douchebag. I broke up with him because he cannot break up with his girlfriend..." pinaalala nito sa kanya ang mga sinabi niya nang gabing langong-lango siya sa pagkalasing.

"...I feel lonely. Would you mind to be my boyfriend tonight?" tapos ay tinitigan siya ng pailalim.

"If there is someone na dapat magreklamo, ako 'yon!" sabi nito saka siya tinalikuran.

Natigilan si Karissa dahilan para mabitawan niya ang bag nang maalala ang mga nangyari.

"Ssshhhhhhit!" napasabunot na lang siya sa buhok.

Lumingon sa huling pagkakataon ang lalaki. "By the way, you are late! And your Hello kitty design in the back of your underwear is showing!" saka ito umalis.

Nanlaki ang mata ni Karissa saka nagmamadaling sinuot ang kalahati pang pantyhose sa isang binti niya.

Napapamura si Karissa at napapatanong kung galit ba sa kanya si Lord at kung bakit ang malas-malas niya sa araw na iyon?!