6:00 am pa lang ng umaga ay tumatawag na ang secretary ni Harry sa opisina dahil nagkaproblema na naman ang delivery vans.
"Hello po. Good morning Sir Harry", paunang bungad ng secretary ni Harry.
"Hello Ms. Rosario, ano po at parang ang aga pa lang ay nasa opisina ka na?", Harry answered.
"Tumawag po si Sir Gary kagabi but you were not answering the phone kagabi. He's asking about the issues na nangyayari sa company lalo na po at dumating ito sa mga colleagues niya na merong mga problema sa ating delivery vans."
Here comes again his dad. Wala namang ibang ginawa ang daddy niya kundi ang tanungin siya about what he's doing in the company na tila ba wala naman itong nagawang problema sa company nila before. He doesn't have any choice kundi ang sagutin ito because if he doesn't answer at all, his dad will directly go sa mansion nila sa Miarayon to let him answer everything.
"Okay po, Ms. Rosario. I will tell Dad about it. Do not worry about it. Ako na ang bahala", Harry assured the secretary na gagawin niya ang lahat upang ma-explain ito sa daddy niya.
"Ah, Sir, meron pa pala. Your dad knows about Jane leaving the country kaya pinapatanong niya if this has something to do with what's going on with the company", Miss Rosario added.
Damn it! Kailan pa naging interested ang dad niya about his personal life? Wala naman itong ibang ginagawa before kundi ang tanungin ang tungkol sa pag-aaral niya at sa kompanya nila. His dad is a lonely businessman and a politician who knows nothing but to torment his soul.
"Just don't tell anything about it. Ako na bahala mag-explain, Miss Rosario. Just leave it to me", Harry replied.
"Sige po. Salamat, Sir."
After the call, Harry prepared himself by simply doing his normal routine. Naaalala pa rin niya ang mga pinanggagawa niya kagabi. Nakipag-inuman lang naman siya sa kanyang mga empleyado na parang wala ng bukas. He did all his best just to forget about Jane pero parang wala talagang nangayayari. Mas lalo niya tuloy nami-miss si Jane sa araw-araw niyang pag-iwas nsa kanyang ex-girlfriend.
Pumanaog na siya matapos niyang maghanda para sa trabaho.
"Good morning, Harry! I prepared something for you already. Kumain ka na lang para busog ka naman pagpasok mo sa trabaho", maagang pagbati ni Alex sa kanya.
Those are the things that she wanted to hear from Jane kung sila sana ang nagkatuluyan. He wanted Jane to prepare everything before he goes to work. Kaso he was left broken by Jane.
"Salamat, Alex. Halika, sabay na lang tayong kumain nang inihanda mo para naman may makakausap ako."
"Sige, Harry. Kuha muna ako ng mga pagkakainan natin ha."
This is only the second day that this stranger stayed in Harry's mansion but he feels nothing about her. Hindi naman siiya mukhang kriminal na tumakas mula sa bilibid. She seems to be sophisticated and intelligent.
"Okay na rin siguro ito para naman di ako mabagot na ako lang ang nag-iisa sa bahay na ito", turan ni Harry sa sarili.
"Oh, ang sarap-sarap naman ng mga inihanda mo Alex. Saan ka ba natutong magluto ng mga Spanish dishes na ito? 'Yung iba nga ay hindi ko na alam kung ano ang mga pangalan ng mga pagkain na ito", natatawang tanong ni Harry sa kasama niyang kumakain sa lamesa.
"Ah, itong mga pagkain - I knew how to cook all of these because I studied Masters in International Relations sa Spain kaya ayon I easily learned how to cook all of these."
"Ganun pala. Thanks sa pagluluto araw-araw, ha. But please don't make yourself busy because you're my guest here. Darating na lang din naman siguro si Manang sa makalawa."
"No, Harry. This is the only thing I can do para 'di naman ako mahiya as I stay here. By the way, do you happen to know some job openings na available here kahit 'yung simpleng job lang? I want to make a living lang kasi, Harry, para 'di naman ako masyadong pabigat sa bahay mo."
"Job ba kamo? Maraming mga vacant positions sa company namin ngayon. Baka gusto mong mag-apply? I will apply you in", sagot naman ni Harry.
"Wow! Sige ba. I'll be excited to work with your company. Kahit papaano naman ay may natutunan ako sa masters ko sa Spain."
Marami pang mga bagay ang napag-usapan nina Harry at Alex sa umagang iyon. Kung hindi pa nga sana ma-la-late na si Harry sa office ay hindi na siya aalis pa. Tila nga ay nakalimutan na ni Harry ang mga problema nila sa kompanya.
Alex is amazing. She's fun to be with.
Sa mansion nina Governor Emman.
"Dad, Alex is nowhere to be found. Aren't you worried about it?", tanong ni Althea sa ama niya because she's so worried of their bunso.
"Palagi na lang, Alex. Ginusto niyang maglayas kaya hayaan niyo siya para matuto siya at magtanda. 'Di na alam kung paano ang sumunod sa akin", pasigaw na sagot ni Don Emman sa kanyang eldest.
"Emman, naman! Andyan ka na naman? Can't you just forgive, Alex? You're not helping actually", pagtatangol naman ni Elma sa kanyang bunsong anak.
"Ano ba? Tumigil na nga kayo sa kakatanong niyo sa akin tungkol kay Alex. Ano ba gusto niyong gawin ko, ha? Libutin buong Pilipinas para hanapin siya? Alam niyo ang taong nagtatago ay hindi iyan magpapahanap kahit ano pa ang gawin mo para mahanap siya", mahabang litanya ni Governor Emman.
"Dad! But you're not trying at all. Hindi mo pa nga pinapahanap si Alex, eh. You have all the connections to do it, Dad. Noon nga pinahanap mo ang kalaban mo sa politika para malaman mo kung ano ang ginagawa niya, yung anak mo pa kaya", pasigaw na pagtatanggol ni Althea sa kapatid niya.
"H'wag mo akong masigaw-sigawan, Althea. Baka ano pang magawa ko sa'yo."
"Sige, Dad. Do it. Ganyan naman kayo, eh. You always considered women in your family as inferior than you. You think na walang kaming nagagawang tama because you think na mas magaling kayo", halos maluha-luhang saad ni Althea.
"Tama na nga. Tumigil na kayo", Elma raised her voice and leave the table.
"Gosh, this family sucks", bulong ni Althea.
"May sinasabi ka, Althea?", tanong ng daddy niya.
"Wala", patapos na saad ni Althea.
Her dad is damn bullshit. Althea is freaking worried about Alex dahil dalawang linggo na siyang nawawala. Hindi na nga niya nakita ang kapatid niyang si Alex mula nang makuwi ito galing sa Spain because her dad won't allow her para raw 'di malaman ng mga tao na nakauwi na si Alex.
Althea could not understand this family but she only understands Alex kaya gagawin niya ang lahat upang mahanap ito.
Alam niyang mahihirapan siya sa paghahanap ng kapatid niya dahil ang akala ni Alex ay ikinakahiya niya ito but she understands more than anyone else iyon nga lang ay hindi sila nakapag-usap nang masinsinan ni Alex bago ito naglayas.
Alex, after two weeks of being far from home, was able to adjust. Nakapagtrabaho na siya as the assistant receptionist ng kompyanya ni Harry. Everything seems to be okay now lalo na at enjoy na siya at free naman siya no matter what she does as long as hindi niya napapabayaan ang trabaho niya sa kompanya. But she's not that close sa mga kasama niyang empleyado lalo na at may sekreto siyang pinangangalagaan. Pero kahit ganun pa man ay wala namang problema siya until this day.
"Anna, ano bang nangyayari at tila lahat ng tao sa kompanya ay nagmamadali?", she asked Anna, the main receptionist of the company.
Since Anna is the main receptionist of the company ay ang trabaho lang niya ay to check the records ng mga empleyado at stuffs na related dito. Si Anna na lahat ang bahala sa mga tao na kailangan ng assistance lalo na at farm tourism ang business ng mga dela Vega.
"Ah, nakalimutan ko palang sabihin sa iyo na darating ngayon si Governor dela Vega sa kompanya to check on the things here in the company. Siguro this is already your chance to meet the governor of the province", Anna answered her in a rush tone.
"Wait, Anna, governor pala ang dad ni Harry?", Alex curiously asked.
"Oo naman. Ngayon mo lang alam?"
"Ah, oo eh. Salamat sa info ha."
This information made Alex' bones chill. There is really a possibility that her dad and Harry's dad know each other. They are all governors in their respective provinces so there is a great responsibility of her speculations. If that is true, manganganib ang buhay niya if her dad knows that she is here in another province.
With that, she has to escape the office bago pa dumating ang mga tauhan ni governor and the governor himself.
"Anna, pwede ba akong mag-undertime? May kailangan kasi akong gawin ngayong alas tres eh. Okay lang ba? Tapos ko na rin naman ang mga trabaho ko", Alex asks permission lalo na at si Anna ang boss niya.
"Ikaw bahala, Alex. Sayang lang talaga at hindi mo ma-meet si Governor dela Vega. Ang gwapo niya kahit may edad na at kahawig na kahawig niya si Harry", kinikilig na turan ni Anna.
After the permission ay nagmadali nang umuwi si Alex para makapagtago muna. Before kasi siya umalis sa opisina ay tinanong niya pa si Anna if umuuwi ba sa bahay nila rito si Governor dela Vega at ang sabi ni Anna ay hindi na raw at deretsong uwi lang ito sa Malaybalay City.
She has to hide away from the governor kasi alam niyang kilala nito ang dad niya at all cost.
She runs faster para 'di na magtagal pa sa kalsada at malapit lang din naman ang mansion nina Harry kaya deretso lang siyang nakauwi.
Pagbukas pa lang niya sa gate ay maraming taong nakaabang sa labas pero hindi na niya ito pinansin bagkus ay pumasok lang siya sa mansion na pagmamay-ari ng governor. Mula sa living room ay amoy pa niyang may nagluluto sa kusina pero hindi na niya ito pinansin at deretsong pumasok sa silid niya.
When she's closing the door ay biglang tumunog ang phone niya at tumatawag si Harry. Patay ano na lang ang gagawin niyang excuse para paniwalaan siya ng lalaki. Nakalimutan niya pa lang magpaalam kanina at magkasabay pa naman silang uuwi mamayang hapon para sana mamalengke kasi magluluto siya ng paboritong pagkain ni Harry bukas kasi weekends na.
Kinuha niya ang phone mula sa bag niya at sinagot ang binatang tumulong sa kanya.
"Hello Harry! Sorry talaga hindi na ako nakapagpaalam kasi masakit ang tiyan ko. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain ko."
"Ah, ganun ba. Akala ko pa naman ay may iba kang inaatupag diyan kasi sabi ni Anna ay may gagawin ka raw na mahalaga ngayong hapon."
"Sorry talaga, Harry. Hayaan mo magluluto talaga ako bukas. Promise ko yan", Alex reassures Harry about it.
"Ano ka ba? That's okay. Pagalingin mo yang masakit mong tiyan."
"Ah, sus. 'Di mo nga mapagaling ang puso mo. Char lang", tumatawang sambit niya.
"Ikaw talaga, Alex. Masyado kang mapagbiro."
Matapos ang tawag na iyon ay nagtalukbong na lang ng kumot si Alex kasi wala na siyang ibang gagawin ngayong hapon lalo na at si Manang Edna na ang mamalengke para sa kanila ni Harry.
Manang Edna knows that she is staying here kaya hindi na raw ito magugulat if makikita siya na nasa guest rooms sa taas.
Alex realized how helpful Harry is. Patay na siguro siyas noong gabing mapulot siya nito if he never decides to help her. Utang niya lahat ito sa kay Harry.
She experienced a lot after her masters in Spain and being here in Bukidnon means a lot to her lalo na at it made her realize how beautiful life is.
Naiiyak na lamang siya habang naaalala lahat ng mga nangyari sa buhay niya and how miserable she is because of her dad. Despite of the bad things that her dad has done to her, she still loves him no matter what. She misses home lalo na ang kanyang Ate Althea. Hindi na sila nakapag-usap pa dahil dali-dali na siyang naglayas mula sa bahay nila.
She just hopes na matapos na lahat ng ito.
"Sir Harry, tumawag na po ang daddy niyo at malapit na siya rito at may inaasikaso lang siya sa mga dinaanan niyang mga constituents sa mga karatig na barangay", Anna told her about his dad's whereabouts.
"Salamat Anna for informing me. Do not worry about him at ako na ang bahalang mag-explain sa aking dad about the company. Just sit down and relax ka lang."
"Thanks Sir. Bakit po ngayon ay ngumingiti ka na compare noong nakaraang linggo after the news spread na aalis na si Ma'am Jane sa Pilipinas?", curious na tanong ni Anna sa kanyang Sir Harry.
Napailing na lamang si Harry kasi hindi niya alam kung ano ang sagot kung bakit natutunan niya na ngayong ngumiti. Instead of answering the question ay pinili na lamang ni Harry na manahimik na lamang at talikuran si Anna.
"Just continue your work, Anna. Do not mind others' business", he said while smiling crazily.
Harry went straight to his office after that para naman makapaghanda na siya for the presentation para sa kanyang dad. He knows na this would take time bago niyia ma-convince niya ang daddy niya na ang company ay still in good hands.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay dumating na nga si Governor Gary sa office ni Harry and he starts his presentation with and for his dad.
Harry and Governor Gary are not in good terms that's why they seem to talk in a manner na parang hindi sila magkakilala. Governor Gary gives his son around of applause after the presentation.
"I was impressed, my son", Governor Gary congratulated his son matapos ang napakagandang presentation nito.
"Thanks Dad! I already told you that I am doing fine now with the company."
"Aba, siguraduhan mo lang lalo na at marami ang balita ngayo that Jane, your girlfriend, left for some opportunities over you. Ayokong malugmok ulit ang kompanya", makahulugang saad ni Governor Gary sa anak niya.
"Dad, bakit na naman ba naipasok ang personal life ko rito? We're here to discuss personal matters and not to discuss my life. I have my own now."
"I'm just checking on you, son."
"At ngayon pa talaga na I have my own mind to decide what's good for me?", nagpipigil na saad ni Harry sa kanyang daddy na wala ng ibang inisip sa tanang buhay nito kundi ang politika.
After that heated conversation between the two of them ay umalis na si Governor Gary to check his constituents around the vicinity.
"I'll go ahead, son. You take care", paalam nito.
"No one's stopping you, Dad. You better hurry baka late ka na naman sa mga meetings mo with your politically inclined friends", Harry sarcastically answered his dad.
Wala nang naisagot pa si Governor Gary at umalis na lamang.
No one can blame Harry why he is acting that way lalo na at simula noong bata pa ito ay he never experienced how it is to be given ample time by his parents. Governor Gary is known to be so good for people he works with but he's very different when he's with his family. He's a monster to Harry.
Harry is the only son of Governor Gary and Mrs. Helda dela Vega. Bata pa lang siya ay palagi na lamang siyang inaaruga ng kanyang mga yaya. His parents would hire the best nannies if they could para lamang may mag-alaga sa unico hijo nila because they can't do it.
This is the very reason why Harry is not that close with his parents even when he is still a child. Manang Edna becomes his go-to-person when he's sad.
After graduating with the degree in Business Administration ay umuwi na siya sa kanilang mansion sa Barangay Miarayon to set his goals there and para na rin mapalayo siya sa kanyang mga magulang na wala ng ibang inatupag kundi ang business and politics.
He was left alone until Jane happens to his life kaso just like his parents, she left him also because of fucking opportunities.
Harry is always left as a second option by people around him if being compared to opportunities.
Before going home, Harry called his best friend, Jeff, to have someone he can talk to.
Jeff invited him to a birthday celebration sa karatig nilang barangay.
"Dude, bakit ang daming bakla rito at dinala mo pa talaga ako rito? Alam mo namang ayaw ko sa mga bakla", Harry asked.
"Ay sorry, Dude. Hindi ko na sinabi kasi alam kong hindi ka naman sasama kung sasabihin ko dahil may bakla allergy ka talaga. Napapaisip na nga ako kung bakla ka ba?", natatawang tanong ni Jeff kay Harry.
"Dude, 'di naman sa hinuhusgahan ko sila ha pero I don't like it how they act like life is too easy and too good for them. Kung mag-ingay, akala mo wala ng bukas. Kung tumawa, akala mo walang problema ang buhay. Those were the things I hate about them", explain naman ni Harry sa kanyang nangungutyang kaibigan kung bakit ayaw niya talaga sa mga bakla.
"Ano ka ba, Dude? H'wag mo naman silang idamay sa lungkot ng buhay mo. Malungkot ka lang kaya nagkakaganyan ka."
"No! I am not sad", pagtatanggol ni Harry sa sarili niya.
"Ay, sus, h'wag ka nang magkaila. Alam na kita, Harry. Miss mo lang si Jane. Halika na nga at pumasok na tayo dahil sigurado akong nag-aantay na ang mga kaibigan natn sa loob."
Harry and Jeff until they were very drunk. Hindi na halos makatayo si Harry dahil sa lasing at umiiyak na ito dahil sa kalasingan.
"No, Dude, I need to find Jane to ease this pain."
"Harry, you have to listen to me. Jane is searching for what's best for her. Hayaan mo na siya at maging masaya ka na lang", Jeff explains the situation to Harry.
Harry just continues crying hanggang sa umuwi na lang halos lahat ng bisita at sila na lang ang natira.
"Harry, we need to go", pang-aaya ni Jeff na umuwi sa lasing na lasing na kaibigan.
"Ako pa talaga pinapauwi mo? Pauwiin mo kaya 'yang mga baklang ang iingay sa labas", Harry answered.
"Dude, naman. Mas mabuti pang umuwi na lang tayo", Jeff added.
Lasing na lasing na si Harry at hindi na nito kontrolado ang sarili. Jeff knows that the best thing to do ay pauwiin ito kaso ayaw talaga.
He tried to call Manang Edna many times pero walang sumasagot. Jeff decided to call Manang Edna through the landline sa mansion ng mga dela Vega baka kasi may ginagawa ito at iniwan sa silid nito ang cellphone kaya hindi sumasagot.
After three attempts ay may sumagot na babae sa telepono.
"Hello! Sino po sila?", sagot at tanong ng babae sa linya.
"Ah, hello, sino po sila? Andyan ba s Manang Edna?", tanong ni Jeff sa babaeng sumagot sa linya.
"Ah, si Manang Edna? Natutulog na siya, eh? Bakit nga po pala kayo napatawag? May problema ba?"
"Si Harry kasi ay lasing na masyado at ayaw umuwi, eh."
"Ha? Lasing siya? Sige hayaan mo akong kausapin siya. Just give the phone to him. Makikinig 'yan sa akin."
Jeff just followed the girl on the line because he thinks na baka kamag-anak ito ni Harry kaya hinayaan na lang niya at hindi na nagtanong ng pangalan niya.
Alas dos na nang makapagdesisyon na umuwi si Harry.
"Dude, let's go. I need to go home now because this whole shit is making me fucking sad", pang-aaya ni Harry sa kaibigan nitong si Jeff.
"Alright, Dude. Kanina lang ako naghihintay na mang-aya ka na. Look at yourself you're so wasted and damn broken."
Dahil malayo-layo pa ang barangay na iyon sa Miarayon ay kinailangan ng magkaibigan na maghiwalay ng masasakyan kasi pareho naman silang may dala na sasakyan.
Harry could not fathom how drunk he is. Hindi na nga niya maayos na namamaneho ang sasakyan but he keeps going hanggang sa dumating na siya sa kanilang garahe where he found Alex waiting for him.
Matapos ang ilang subok na ma-i-garahe ang sasakyan ay dali-dali na siyang bumaba sa sasakyan upang puntuhan ang giniginaw na dalaga.
"Oh, thank God."
Mahinang turan ng dalaga nang makita siyang bumaba sa sasakyan niya. He knows from that scenario na matagal nang nag-aantay ang dalaga sa kanya.
"Sorry, Alex, for making you wait like this. Sa susunod, h'wag mo na akong antayin nang ganito katagal lalo na at maginaw pa naman sa labas sa ganitong oras", paumanhin ni Harry sa dalaga.
"Thats fine. Ano ba kasi ang problema mo at tila palagi ka nang ganito kung umuwi sa bahay? I have open ears, Harry. You can share it to me."
Harry knows na she needs to know about his situation especially na napalapit na ang loob niya sa dalaga matapos ang mahigit dalawang linggong pananatili nito sa bahay nila.
Before the night ends, alam na lahat ni Alex ang tungkol kay Jane and Harry. At least, maiibsan na ang pasanin ni Harry after he shared everything to her.