webnovel

Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog)

WISHING GIRL: THE RUNAWAY GROOM Novel written by: Han, Ji Mie (HanjMie) Three years ago, sinumpa ni Mazelyn Reyes na magreresign siya sa trabaho kapag ang magiging boss niya ay ang dragon ng Meili De Hua Group of Companies na si Shilo Chouzo Wang ngunit talagang pinaglaruan siya ng tadhana dahil ang binata nga ang naging boss niya at hindi na siya pwedeng magresign pa. Like a tropical secretary love story. She falls in love with her boss. But fates have it own twist. She found out that she was adapted and her real parents are the business partners of Wang family. Lalong naging mapaglaro ang tadhana ng hingin ni Shilo ang tulong niya para iwasan ang babaeng noon ay pinangakuan nito ng kasal. She needs to pretend as his fiancé and like a crazy fool she is, she helps him. But things become out of their hands because of one night. Pinagkaloob niya ang sarili sa binata at kailangan nilang magpakasal ng tutuhanan. Okay na sana ang lahat ngunit hindi sumipot si Shilo sa araw ng kasal nila. He runs away. Her groom runs away. He runs away with the girl he promises to marry. © 2020

HanjMie · Urbano
Classificações insuficientes
29 Chs

CHAPTER FOURTEEN

PARA silang criminal ni Shilo ng mga sandaling iyon. Magkatabi sila ni Shilo sa mahabang sofa at parehong nakayuko habang ang kanilang mga magulang ay nasa harap nila. Nakaupo sa pang-isahang sofa ang kanilang ina habang ang ama ni Shilo ay nakatayo sa tabi ni Tita Sheena.

Parehong gulat na gulat ang mga magulang nila ng makita si Shilo kanina. He was wearing a boxer short for crying out loud. Hindi naman pinanganak kahapon ang mga magulang nila para hindi mahulaan ang ginawa nila ni Shilo. Lumabas siya sa kwarto ng binata at si Shilo naman ay lumabas na ganoon ang ayos. Tumikhim ang ama ni Shilo para basagin ang katahimikan.

"Care to explain, Shilo. Bakit nandito si Maze sa penhouse mo? Lalo na at sa kwarto mo?"

Napalunok siya. Anong sasabihin ni Shilo? Lasing na lasing ito kagabi at wala itong alam kung bakit naruruon siya. This is getting out of their hand.

Napatingin siya kay Shilo ng gumalaw ito at hinawakan ang kamay niya. Ipinasok nito ang mga daliri sa pagitan ng mga daliri niya. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa ginawa ng binata. Ngumiti ito sa kanya ng magtagpo ang kanilang mga mata. May nakita siyang ningning sa mga mata nito. Humarap ito sa mga magulang nila pagkatapos siyang bigyan ng isang kindat.

"Mom, Dad... at Tita Aliya. May sasabihin po sana kami ni Maze. Noong isang araw sana kaso pareho pa kayong busy tapos ito pa po ang nangyari." Tumingin sa kanya si Shilo. "Maze and I are getting married."

Napasinghap ang kanilang mga magulang dahil sa sinabi ni Shilo. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito. Shock is written at their face. Inaasahan na din naman nila iyon ni Shilo mula sa mga ito. Unang nakabawi sa gulat ang ama ni Shilo.

"Sandali lang. Seryuso ba kayo dito?"

"Yes, Dad. Sa katunayan nasabi ko na ito kay Kuya Shan at Ate Carila. Gusto din namin sabihin ni Maze sa inyo ngunit hindi sa kaninong sitwasyon sana." Paliwanag ni Shilo.

Napatingin siya sa ina. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkagulat ngunit naroroon ang saya. Nagkatingin ang kanilang mga magulang ni Shilo. Napayuko na lang siya para itago ang lungkot at guilt na nararamdaman. They are fooling them around. Niluluko nila ang sarili nilang mga magulang at mabigat iyon sa dibdib.

"Kung ganoon ay may relasyon na kayo noon ba?" tanong iyon ng ina ni Shilo.

"Yes, ma. Noong sekretary ko pa si Maze."

Pinisil niya ang palad ni Shilo. Gusto niyang patigil ito sa mga kasinungalingan. Ayaw na niyang dagdagan ang bigat na nararamdaman ngunit binaliwala ni Shilo ang ginawa niya.

"Kung ganoon ay mahal mo na ang anak ko bago ko pa siya nakilala, Shilo." Hindi maitago ang saya sa boses ng ina.

"Yes po, Tita." Naramdaman niya na tumingin sa kanya si Shilo. "I fall to her even she is not Kaze."

"OH my god! Sabi ko naman sa iyo, Sheena. Tama ang hinala ko na magmamahalan ang dalawang ito. Sa kilos at galaw palang nila noong unang kita ko ay alam ko na agad."

Napaangat siya ng mukha ng marinig ang sinabi ng ina. Malapat ang ngiti sa labi nito at ganoon din sa ina ni Shilo. Hindi maitago ang saya sa mukha ng dalawang babae. Kung ganoon ay gusto ng mga ito na maging sila ni Shilo. They are supporting their relationship.

"Tama ka, Aliya. Magiging magbalae na din tayo. I'm so happy."

Nagyakapan pa ang dalawang babae. Tumayo naman si Tito Shawn at nakangiting lumapit sa kanila. Inilahad nito ang kamay kay Shilo.

"I'm so proud of you, anak." Tinanggap ni Shilo ang pakikipagkamay ng ama.

Hinatak naman ni Tito si Shilo para mayakap. Tumingin si Tito sa akin pagkatapos nitong yakapin ang anak. Ibinuka ni Tito ang braso nito. Tumayo siya at yumakap kay Tito Shawn.

"Welcome to the family, Kaze. Masaya ako at magiging bahagi ka ng pamilya namin."

"S-salamat po, Tito." Nauutal niyang sabi.

Sumunod na bumati sa kanya ay si Tita Sheena. Hindi maitago sa saya sa mukha nito. Niyakap siya ng mahigpit nito.

"Hindi ako makapaniwala na talagang magiging anak kita, Kaze. Masaya ako at minahal mo ang anak ko." Tumingin ito kay Shilo. "Ingatan mo si Kaze, Shilo. Alam mo naman ang pinagdaanan niya hindi ba."

Tumungo si Shilo at tumingin sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. May nakita siyang emosyon sa mga mata ng binata. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay ng hindi pinuputol ang kanilang pagtitinginan.

"I will treasure and protect you, Maze." Kinabig siya ni Shilo para yakapin.

Hindi niya alam kung bakit kumirot ang puso niya. Nararamdaman niya ang sensiredad sa mga salita nito ngunit tumatatak sa isipan niya na isang pagpapanggap lang ang lahat. Malakas ang sigaw ng bahagi ng kanyang isipan na hindi siya mamahalin ni Shilo. May babae na itong iniibig at hindi siya iyon.

"KAZE, bakit hindi ka pa nag-aayos?" tanong ni mommy ng pumasok siya ng kitchen.

Nalaman ng kanyang ina ang pagpapanggap nila ni Shilo ng mahuli siya sa penhouse ng lalaki. Iyong akala niya ay tututol ito sa relasyon nila ni Shilo ngunit hindi. Ito pa ang nagsabi na dapat ngayong taon ay ikasal na sila ni Shilo. Pati ang ama't ina ni Shilo ay nakisali na rin sa pagpaplano ng kasal nila. Suddenly, everything got out of their hands. Wala silang nagawa ni Shilo kung hindi sumunod sa agos ng pangyayari. Well, everything is on her favor. Gusto din naman niyang makasal kay Shilo. Sa tingin din naman niya ay walang pagtutol sa binata. Naruruon ito ng pinaplano ang kasal nila at wala itong sinasabi kahit isang salita ng pagtutol.

"Mamaya na po, mommy. Ano pong pwede kong maitulong?" lumapit siya sa isa sa mga katulong ng mommy niya.

Lumapit sa kanya ang ina at pinigilan ang kamay niya sa pagdampot ng kutsilyo. "Kaze, wag ka ng tumulong anak. Mag-ayos ka na doon at parating na ang nobyo mo. Kailangan maganda ka sa harap niya."

Lumukso ang puso niya ng marinig na tinawag ni Mommy si Shilo na nobyo niya. She hopefully it will come true soon. Ayaw na niyang magpanggap sa harap ng ina. "Mommy, hindi ko naman kailangan magpaganda. Si Shilo lang po iyon."

"Kahit na." Tinulak siya ng ina palabas ng kusina. "Go and change now."

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya magawang maging masaya sa mga nangyayari. May mga tao kasi silang niluluko, hindi lang basta ibang tao, magulang pa nila ni Shilo. She feels guilty when she saw her mother smile. Ang alam nito ay nagmamahalan sila ni Shilo. Nais niya sanang sabihin dito na hindi totoo ang relasyon nila ngunit hindi niya magawa dahil baka magkaroon ng lamat ang relasyon ng mga Wang at Lu. Ang balak lang naman nila ay magpanggap lang at walang mangyayaring kasalan. Hihintayin lang nila na makabalik ng China si Andria at tatapusin nila ang pagpapanggap. Iyon ang unang plano nila ni Shilo ngunit nagbago ang lahat dahil lang sa isang gabing namagitan sa kanila. Kailangan nilang magpakasal dalawa ng tutuhanan. At pahanggang ngayon ay hindi pa nila napag-usapan ni Shilo ang gagawin pagkatapos.

Nang makapagbihis ay agad siyang bumaba. Sakto naman na nasa sala na ang mga Wang. Lumapit siya sa ina at tumingin kay Shilo na seryoso ang tingin sa kanya. Inilahad nito ang kamay na pinagtaka niya. Ng hindi niya iniabot ang kamay dito ay tumayo ito; lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"You should seat next to me." Sabi ni Shilo na ikinapula ng mukha niya.

"I never thought you are sweet, Shilo." Sabi ni Tito.

Napayuko na lang siya at hinayaan si Shilo na hilahin siya pa-upo sa tabi nito. Nakita niya na ngumiti ang kanyang ina sa nakita. Napayuko na lang siya para itago ang nararamdamang pagka-guilty dahil sa pagsisinungaling sa ina.

"We should eat now before we talk about the other detail of the wedding." Sabi ng kanyang ina at tumayo.

Magkahawak kamay silang sumunod sa kanyang ina. Malapit na sila sa dining room ng may taong hindi nila inaasahan na darating.

"Hello, Tita." Masayang bati ni China sa kanyang ina. Humalik ito sa ina bago siya naman ang hinarap. "Ate Kaze, I miss you."

Yumakap sa kanya si China. Gumanti naman siya nang yakap sa kapatid. Ilang linggo din silang hindi nagkita ng kapatid. Busy kasi ito sa pag-aaral at pakikisama sa totoong ama nito. Ang sabi ni China ay nahihirapan itong mag-adjust sa pamilya ng ama ngunit ginagawa naman nito ang lahat para matanggap ito. Pinalitan na din naman ang apelyido nito at may karapatan ito sa buhay ng ama. She wanted to be with her sister but China seems to be wanted to do it alone. Alam naman niyang kaya ng kapatid niya. Matapang ito at kakayanin ang lahat ng pagsubok sa buhay.

"I miss you too, China."

Inilayo ni China ang sarili at tumingin sa may pinto. Napatingin din siya doon at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang dating kaibigan. Ngumiti ito sa kanya at lumapit.

"Christian..." hindi makapaniwalang banggit niya sa pangalan nito.

Hindi na sila nakapag-usap ulit pagkatapos niya itong iwan sa cafe. Kahit na simpleng text o tawag ay hindi niya nagawa dahil sa nangyari sa kanila ni Shilo. Nakalimutan niyang nangako nga pala siya dito na kakain sila ng sabay kasama si China.

"Hello Maze. Kamusta ka na?" hindi maitago ang saya sa mukha ni Christian.

"Okay lang naman ang fiancé ko." Inakbayan siya ni Shilo. Hindi maitago ang iritasyon sa mukha nito.

"Fiancé? Ikakasal ka na?" gulat na tanong ni Christian.

Hindi naman agad siya nakasagot. Panic got her. Pero agad din siyang nakalma ng pinisil ni Shilo ang balikat niya. Ngumisi ito kay Christian. "Yes. She will marry me. Gusto mo bang maging bestman ko?"

Napatingin siya kay Shilo. May kasamang insulto ang boses nito. "Shilo!"

Matalim ang mga mata na binalingan siya ni Shilo. "What? He is your friend, hindi naman masamang isama siya sa kasal natin."

"Wow!!! You are really going to marry him, ate?" agaw ni China sa atensyon niya.

Tumingin si Shilo kay China. Lalong nainis si Shilo sa tanong na iyon ni China. Namumula na kasi ang tainga at leeg ni Shilo. Halata na rin na nagtitimpi lang ito. Ano ba kasi ang problema nito? Kanina lang ay ang sweet nito tapos biglang nainis ng dumating si China at Christian.

"May problema ba kung ako ang pakakasalan ng ate mo, China?"

"I don't like you for Ate." Prankang sabi ni China. Sinalubong nito ang galit na titig ni Shilo. "You are no good for nothing for my Ate."

Gumalaw ang panga ni Shilo. Humigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso niya. He is mad. At anumang oras ay maaring sumabog ang galit nito. Napalunok siya. Susuwayin na sana niya ito ng may naunang sumuway.

"Guys, can you stop that? Mahiya naman kayo kay Tita kung dito pa kayo mag-aaway." Sabi ni Carila. "China, kahit ayaw mo kay Shilo para kay Kaze ay wala ka ng magagawa pa. Kaze is going to marry Shilo next month."

Nakita niya ang sakit sa mga mata ni Christian. Mukhang nasaktan ito sa narinig. Umiwas naman siya ng tingin. Hindi niya mapigilan na maawa sa kaibigan. Alam niyang matagal siya nitong hinintay at heto nga mapupunta na siya sa iba. Kahit siya ay nasasaktan dito.

Umiling si China. Hinawakan nito si Christian sa braso at galit na tumingin sa kanya. Noon pa man ay gusto na kasi ni China si Christian para sa kanya. Minsan pa nga ay ito ang gumagawa ng paraan para magkasolo sila ni Christian. China was very supportive to Christian when it comes to courting her. Mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin ito.

"I hope you don't regret it, Ate. Let's go Kuya Christian." Hinila nito si Christian paalis doon.

Humabol pa ng tingin sa kanya si Christian. Nais niya sana sundan ang dalawa para magpaliwanag ay hindi na niya nagawa. Mahigpit siyang hinawakan ni Shilo sa braso para pigilan. Wala siyang nagawa ng sabihin ng ina na hayaan na muna si China at kailangan na nilang pag-usapan ang kanyang kasal kay Shilo.

"Mamaya ka na magpaliwanag kay China." Bulong sa kanya ni Carila ng bahagya itong lumapit sa kanila.

Malungkot siyang tumungo dito. Sana nga ay makinig si China sa paliwanag niya. Ayaw niyang nagagalit ito sa kanya. Hindi man sila totoong magkapatid, tinuring niyang totoong kapatid ito at para sa kanya si China lang ang nag-iisa niyang kapatid. Sana ay maayos niya ang gusot na ito sa buhay niya.

HUMINGA NG MALALIM si Maze bago nakangiting lumapit kay Christian. Nagulat siya ng makatanggap ng tawag dito at nakiki-usap na magkita sila. Pumayag siya dahil nais din naman niyang magpaliwanag dito. Gusto niyang itama ang maling akala nito. Ayaw niyang madamay ito at si China sa pagpapanggap nila ni Shilo. She wants to be honest to them. Kahit sa dalawang tao lang ito.

"Hi." Bati niya kay Christian ng makalapit dito.

Agad na tumayo si Christian at ngumiti sa kanya. "Hi, Maze."

Ngumiti din siya sa binata. Inalalayan siya nitong maka-upo bago ito bumalik sa kina-uupuan nito. Inilagay niya ang bag sa isang upuan. Nakita niyang tensyonado si Christian. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito.

"Order na tayo?" tanong niya.

"Y-ya." Nauutal na sabi nito. Suminyas ito sa isang waiter.

Ngumiti siya dito ng tumingin ito sa kanya. Christian order mango juice at isang slice ng Hawaiian pizza habang siya ay isang watermelon milk tea at isang slice ng strawberry cake. Naging tahimik ang mesa nila ng maka-alis ang waiter. Parehi silang nakiramdaman ni Christain hanggang basagin niya iyon.

"Chris, about doon sa nangyari sa bahay. I'm sorry for what Shilo did."

Tumungo si Christian. "Okay lang iyon. Naramdaman niya siguro na may gusto ako sa iyo."

"Pero hindi pa rin kasi tama ang ginawa niya. Pasensya na talaga."

Ngumiti si Christian pero alam niyang hindi totoo ang ngiting iyon. Napayuko siya. Ayaw niyang manakit ng damdamin ng ibang tao pero heto siya at sinasaktan niya si Christain. Uminum siya ng milk tea para kumuha ng lakas. Nais niyang sabihin dito ang totoo pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Talaga bang pakakasalan mo siya?" malungkot na tanong ni Christian.

Napa-angat siya ng tingin at pinagmasdan ang mukha ni Christian. Hindi maitatago ang lungkot at sakit sa mga mata nito. She broke a good friend and a good man. Hindi siya ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay nito. Yumuko siya. Nasasaktan ang puso niya para sa binata. Wala itong ibang ginusto kung hindi ang mahalin siya at heto siya, sinasaktan ito. How could love so cruel?

"I'm sorry." Tanging nasabi niya.

"Mahal mo ba siya?"

Doon tuluyan pumatak ang mga luha niya. Tumungo siya kay Christain bilang tugon. Mahal na mahal niya si Shilo na kahit na sasaktan siya ay patuloy pa rin siyang nagmamahal. Wala siyang magawa kung hindi mahalin ito.

"Sigurado ka na ba sa kanya, Maze? Sinabi sa akin ni China ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon. At kagaya niya, sa tingin ko ay hindi siya ang nararapat na lalaki para sa iyo. Sasaktan ka lang niya." May pagsusumamong sabi ni Christian.

Umangat siya ng mukha. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mukha ni Christian ng makita ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Mahal ko siya, Chris. Mahal ko siya kagaya ng pagmamahal mo sa akin. Alam kong naiintidihan mo ako ng mga sandaling ito. Alam mo din kung bakit gusto ko siyang pakasalan kahit alam kong masasaktan lang ako. I want to be with him. Kahit sa isang huwad lang na pagsasama."

"Maze." Tumayo si Christian at umupo sa katabing upuan niya. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya.

"Aaminin ko sa iyo, Chris. Hindi kami magpapakasal dahil sa mahal naming ang isa't-isa kung hindi dahil sa isang kasunduan. Isang kasunduan na hindi ko alam kung kailan matatapos." Umiling siya. "Alam kong mahal mo ako at nasasaktan ka dahil hindi ko iyon matumbasan kaya himihingi ako ng tawad sa iyo. Nakiki-usap ako sa iyo Christian. Love someone else. Kalimutan mo na ako. Find someone better that me. Hindi ako ang nararapat sa iyo."

Umiling si Christian. "Alam mo din na hindi ganoon kadaling kalimutan ka, Maze. Hindi ganoon kabilis makalimot ang puso ng isang tao."

Lalo siyang napa-iyak dahil sa sinabi nito. Alam niya iyon dahil ganoon na ganoon ang puso niya pagdating kay Shilo. Kinabig siya ni Christian para yakapin. Gumanti naman siya at sa dibdib nito siya umiyak. Her heart is aching. Ilang beses ba dapat madurog ang puso niya dahil sa pagmamahal? Tapos nandamay pa siya sa sakit nadarama niya ng isang tao na hindi naman dapat nasasaktan ng mga sandaling iyon.

"I love you Chris..." humikbi siya ng ilang beses. "I love you as a friend. At ayaw kong matulad ka sa akin na hindi maka-ahon sa pagmamahal na nadarama. Alam kong kaya mo pa. Kaya mo pa akong kalimutan. Ituon mo ang atensyon mo sa ibang bagay. Mas mahalin mo ang sarili mo. Iyon na nais ko sa iyo. Wag mong hintayin na maging kagaya ko. Hindi na ako buo, Chris kaya mas hindi ako nararapat sa iyo."

"Maze..." mas humigpit ang yakap sa kanya ni Christian. "I love you. Ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito kaya sana hayaan mo ako."

"Pero ikakasal na ako sa kanya." Bulong niya at kumalas sa pagkakayakap kay Christian. "Kahit isang pagpapanggap lang ang lahat. Mahal ko pa din siya. Nais ko pa din siyang makasama."

"Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Nandito naman ako." Hinawakan siya ni Christian sa balikat at marahang niyugyog.

Umiling siya. "Baon na baon na ako sa pag-ibig ko sa kanya at hindi ko alam kung paano maka-ahon. Gustuhin ko man na kalimutan siya pero hindi ko kaya, Christ. Malalim na ang pag-ibig na nadarama ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Shilo. I'm so sorry."

Pinakawalan ni Christian ang kanyang balikat. Napayuko siya, inilagay ang kamay sa mukha at doon umiyak ng umiyak. She crying her heart. She cried for her pain. She cried for the lost friendship she have for Chris. Mahina nga talaga siya. Masyado siyang nagmahal kay Shilo na hindi na talaga siya makakalangoy palayo dito. Dahil oras na lumayo siya kay Shilo ay kamatayan ng puso niya ang sasalubong sa kanya. Ito ang buhay niya. Ito ang lahat-lahat sa kanya.