webnovel

Wildest Dreams (Charles De Witt's Obsession)

Charleston De Witt or better known as Charles De Witt was a poet, singer and composer. He has no choice when it comes to women. For him, women are just a pastime when he is bored and needs someone to make him happy But he met Mackenzie San Jose who was a famous model in the industry like him and also a very popular actress. They both do not know each other — they are like dogs and cats when they are together Which of the two would be the first to fall in love, Charles being so immodest? Or Mackenzie who is so mean to everyone in the world? Come read this story! Wildest Dreams: Charles De Witt's Obsession

Saki_Meager · Urbano
Classificações insuficientes
33 Chs

Obsession 1

"EVERYTHING you give I want

But I always take too much

Everything you need I'm not

'Cause I'll always be loveless"

Napamura na lang si Charles ng biglang pumasok sa kanyang condo ang kanyang kapatid na babae. Lima sila at ito lang talaga ang nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid

"What the fuck Aqueela!" Napapakamot sa sariling batok na naibulalas niya ng biglang pumasok sa kanyang kwarto si Aqueela

Napatakip naman sa sariling bibig ang kanyang kapatid na babae at nag peace sign sa kanya. Kasalukuyan kasi siyang gumagawa ng cover sa sikat na kantang Numb ni Declan Donovan

"Sorry Kuya Charles, hindi ko kasi alam na nagrerecord ka pala." Malambing ang boses na sagot naman nito at nagpacute sa kanya huwag niya lang pagalitan

Napabuntong hininga siya at pinalapit ang kapatid

"It's okay 'di mo naman sinadya eh." At inakbayan ito

Maayos na sana ang takbo ng record niya pero bigla na lang pumasok itong si Aqueela. Kahit kailan talaga ay wrong timing itong kapatid niya—kung kailan wala siyang ginagawa ay hindi ito dumadalaw para kumustahin siya

"I know why you're here Aqueela, anong kailangan mo." Diretsong tanong niya dito

Kaagad namang yumakap ang kanyang kapatid na babae sa kanyang bewang at isiniksik ang maliit nitong katawan sa kanya

"Kuya Charles, hindi ako binigyan ng pera ni Mommy at Daddy para pang shopping ko. Bigyan mo naman ako Kuya Charles" nakangusong sumbong nito sa kanya na ikinatawa niya

Lumaki kasi si Aqueela na ibinibigay lahat ang gusto, kung anong luho nito ay ibinibigay ng mga magulang niya dahil ito ang bunso sa kanila

Aqueela is a miracle baby

Kaya ganoon na lang kung alagaan at mahalin ng kanyang mga magulang si Aqueela; maski silang magkakapatid na lalaki ay inaalagaan din nila ito kagaya ng pag-aalalaga ng mga magulang nila sa kanila no'ng mga bata pa sila

"Wala ka na bang pera? Grabe ah, pang isang buwan mo 'yun pero ubos na?!" Tila gulat na gulat na asik ni Charles

"Kuya!" Nagpapadyak na lumayo si Aqueela sa kanya

Tumawa naman siya at inilabas ang wallet at dumukot ng limang libong peso

"Here, I'll give five thousand. Bilhin mo kung anong gusto mo o hindi kaya ay kumain ka para naman tumaba taba ka—" pang-iinis niya dito at ginulo ang buhok nitong maayos na nakalugay

"Kuya naman eh! Huwag mong guluhin ang buhok ko. It took me one hour to finish combing my hair!" Parang batang wika nito at inayos ang magulo na nitong buhok

"Oh sige na alis ka na, alis! I'm sure na may sobra pa ang perang 'yan kaya magpasalon ka. Doon mo na lang ipaayos ang buhok mo" pagpapaalis niya sa kapatid at ibinalik ang tingin sa monitor na patuloy pa ring nagrerecord ng kanta

Bago umalis si Aqueela ay humalik muna ito sa kanyang pisnge at tinalikuran na siya

Umabot din ng ilang minuto si Charles sa ginawang pag-aareglo niya sa sariling cover. May nagrequest kasi sa kanya na isang netizen at hindi lang isang netizen iyon kundi isang sikat na singer mula sa bansang America

Akalain mo 'yun? Unti-unti na din siyang nakikilala sa ibang bansa

Napatingin si Charles sa kanyang khaki pants na may bulsa ng maramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone

Nakalimutan niya palang nakasilent mode ito; mabuti na lang at naiset niya ito sa vibration

"Hello, who's this?" Walang kaemo emosyong bungad niya ng masagot ang tawag

Kung mabait siya kay Aqueela, puwes ibahin niyo siya. Dahil hinding hindi niya gagawin iyon sa ibang tao

"Is this Charles De Witt?" Balik tanong ng lalaki sa kabilang linya

Tumango naman siya kahit na alam niyang hindi siya nito nakikita

"Yes, this is me. Where did you get my number?"

"Sir, gusto ko lang sanang ipaalala sa inyo na may meeting kayo sa Moshé Restaurant together with Director Joey. Mukhang nakalimutan niyo po yata na ngayon ang schedule ng inyong pag-uusap"

Nang marinig ni Charles kung anong sinabi ng lalaki sa kanya ngayon ngayon lang ay malutong siyang napamura—alam niyang naririnig siya nito pero wala siyang paki-alam dito: sa dami dami ng kanyang ginawa these past few days ay nakalimutan niyang pumayag pala siya sa kasunduan ng director na iyon

"Oh, I forgot about that. Kindly tell Director Joey that I'm coming—" bilin niya dito na kaagad namang sinagot ng lalaki at binabaan siya

Napapailing na iniwan ni Charles ang nagkalat na mga wires sa sahig at dumiretso sa kanyang walk in closet para pumili ng damit na susuotin

NAKAUPO sa upuan si Mackenzie katabi ang kanyang manager na si Giovanni, ayaw na niya sana itong sumama pero nagpumilit ito para ipagtanggol siya kung sakaling may reporter na manggiit sa kanya

"Ms Mackenzie, totoo po ba na hindi niyo nilandi ang kasama niyong modelo?" Tanong ng isang press sa kanya na may kasamang camera man

Sa totoo lang ay gustong gusto niyang umirap sa harapan ng mga ito. Unang tanong pa nga lang, panlalandi kaagad?! For their information mataray lang siya pero hindi siya malandi hindi siya kagaya ng ibang babae na makati pa sa dikya!

Bago siya sumagot ay pasimple niya munang tiningnan ang apat na kasulok sulokan ng grand hall ng nasabing hotel

Madaming tao at lahat ng mga 'yun ay puro mga reporters, journalists, mga camera man at iba pa. Kinuha niya ang mikropono na nasa kanyang gilid at ngumiti muna sa mga nakararami

Sinigurado niyang tunay iyon at hindi mahahalatang peke

"Hindi totoo ang nasabing issue tungkol sa'kin, iyong lalaki na tinutukoy niyo ay kasamahan ko sa trabaho. Isa din siyang modelo kagaya ko at nag-uusap lang kami tungkol sa gaganapin naming photoshoot next week" pagpapahayag ni Mackenzie na ikinaingay ng mga tao sa kanyang harapan

Totoo naman talaga ang sinabi niya, walang halong biro at galing iyon sa kanyang puso

May isang netizen na nagtaas ng kamay at binigyan niya naman ito ng pag-asa para makatanong sa kanya

"Ms Mackenzie, totoo ba na may relasyon kayo ni Luke Illot?" Tanong nito sa kanya na ikinatingin ng kanyang manager sa kanya

Tiningnan naman niya si Giovanni at marahang nginitian. May pag-aalala sa mga mata ni Giovanni na parang takot na naman na baka madulas siya sa pagsabi ng totoo kagaya no'ng dating pakikipagpanayam sa kanya

Nasabi niya lang naman ang bagay na iyon dahil stress na stress siya ng mga panahong naglaan ang kanyang dating manager na magpa press con. Saktong wala siyang tamang tulog at hindi pa siya nakakakain no'n—

"Wala kaming relasyon ni Luke, uulitin ko magkatrabaho lang kami at hanggang doon lang ang takbo ng relasyon namin bilang magkaibigan." Sagot niya naman sa tanong nito

Pansin niyang puro take note naman ang mga ito sa kanyang mga sinasabi. Alam na niya kung bakit, dahil iyon ang gagamitin nila para maipaliwanag na sa lahat na wala siyang nilalandi at walang siyang karelasyon

"Salamat po Ms Mackenzie sa paglalaan ng oras para mainterview ka namin." Pagpapasalamat ng isang journalist na kaagad niyang nginitian at tinanguan

Ang galing niya talaga sa harap ng camera! Hindi na nakakapagtaka kung bakit palagi na lang siyang nakakatanggap ng award at halos wala ng bakante ang kanyang divider na puro trophy lang ang nakalagay

"Nga pala Mackenzie, nakalimutan ko. Nagpa sched pala si Director Joey ngayon na puntahan mo daw siya sa isang restaurant." Biglaang pang-iimporma ni Giovanni sa kanya na ikinalingon niya sa manager

Kakalabas lang nila sa grand hall hotel at hinihintay ang sariling service na hihinto sa kanilang harapan

"Huh? Ba't hindi ko iyon nalaman, at bakit ngayon mo lang sinabi?" Nababahalang tanong ni Mackenzie sa kanyang manager

Eh kasi naman! Hindi siya nakapaghanda. Akala niya ay isang interview lang ang kanyang haharapin; ano ito't may pakikipagtagpo pa sa kilalang direktor sa isang restaurant

"Haler! Ang dami mo kayang problema no'ng nakaraang araw na hindi ka lumabas sa telebisyon, tapos dadagdag pa ako? Shunga ka din eh 'no?" Parang nanay na sagot naman nito sa kanya at bahagyang itinulak ang kanyang ulo gamit ang hintuturo nito

Napahawak naman si Mackenzie sa kanyang ulo kung saan itinulak at idinikit ni Giovanni ang hintuturo nito pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin

"Ewan ko talaga sa'yong bakla ka! Hindi ko alam kung bakit ikaw ang inassign ng agency na pinasukan ko!" Mataray na sagot naman niya dito at maarteng tinalikuran ito sabay lagay ng dalawang braso sa kanyang may kalakihang dibdib

Yeah right, hindi naman sa pagmamayabang pero medyo malaman laman din ang kanyang dalawang boobs kaya hindi na nakakapagtaka kung lagpas langit na ang kanyang confidence sa pagmomodel ng mga halos hubo't hubad niyang mga photoshoot

"Asus! May pa echos echos ka pang bruha ka! Akala ko ba ay mabait ka—ang taray mo pala sa personal dear!!" Hindi nagpapatalong sagot naman nito at nagfli flip hair pa kahit hindi naman mahaba ang buhok

Kung hindi niyo naitatanong. Giovanni is gay, at sobrang close sila nito. Magbest friends silang dalawa at halos ang mga personal na bagay bagay at issues ay alam na nila sa isa't-isa

They're both open to those things—

Hindi maiwasan ni Mackenzie na mapailing ng biglang pumasok sa isip niya ang senaryong halos lumubog na siya sa kahihiyan

No'ng ipinakilala kasi ng ahensiyang pinagtatrabahohan niya itong si Giovanni ay halos malaglag ang kanyang panga sa sobrang gwapo nito

Hindi niya inakalang binabae pala itong si Giovanni Pialago! Hindi lang niya nahalata dahil sa lalaki itong pumurma at manamit maging sa baritonong boses nito

Kung straight lang ito, siya na talaga ang mangligaw dito

Naramdaman niyang kinalabit siya ni Giovanni sa kanyang expose na maputing balikat—nagtatampo pa din siya dito dahil hindi nito sinabi kaagad sa kanya na may meeting pa pala siyang dadaluhan

Kinalabit na naman siya ni Giovanni

"Ano!!" Sigaw niya dito na ikinagulat ni Giovanni, siguro ay hindi lang nito inasahan ang kanyang pagsigaw

"Hoy ghorl! Nandito na ang sasakyan natin papuntang Moshé Restaurant. Don't tell me na diyan ka lang hanggang sa maging grilled meat na ang iyong mala crystal glass na balat?" Nakataas ang isang kilay na bulalas ng kanyang manager na papasakay na sa sinasakyan nilang van kanina

Nagdadabog naman na dali dali din siyang pumasok at pasalampak na inupo ang sarili sa upuan. Ramdam niyang nanghahapdi na din ang kanyang mukha dahil sa init; parang sinampal siya ng paulit-ulit at parang hinihila ang kanyang balat pahiwalay sa kanyang maliit at baby face na mukha

"Kung ako talaga mapapahiya doon kay Director Joey, lagot ka talaga sa'kin Giovanni." Sabay pakita ng kanyang mabutong kamao