"Lady in black! Babaeng naka-itim! Babaeng manghuhula! Lumabas ka na please. Kailangang-kailangan kita. Hindi ako matatahimik dito eh. Please lumabas ka na!"
Kanina pa ako palakad-lakad sa may tapat ng mga narra tree.
Naiiyak-iyak na rin ako sa kaba at inis. Ba't hindi pa siya nagpapakita sa akin? Palubog na ang araw pero wala pa rin siya.
Ni hindi man lang niya sinabi kung saan ko siya pwedeng hanapin. Wala akong pwedeng mahingan ng tulong kundi siya lang.
Napaupo ako sa sidewalk at ipinatong ko ang ulo ko sa mga braso ko. Nanginginig pa rin ako at nanlalambot ang mga tuhod ko.
Ano ba naman kasing kapalpakan ang nangyari sa akin? Akala ko pa naman uuwi ako ngayong masaya. Pero heto ako ngayon, nasa sidewalk, nag e-emo at problemado.
Nasaan na ba kasi ang babaeng naka-itim?!
"Hinahanap mo 'ko?"
Napa-angat bigla ang ulo ko at ayun, nakita ko siya sa harapan ko. Nakatingin sa akin at naka-ngiti. Dali-dali akong tumayo at nilapitan siya,
"kanina pa kita hinahanap!"
"Hmm, mukhang nagtagumpay ka sa pagkuha ng pana ni Cupid. Nakita ko rin na nagamit mo na ito."
"Ayun nga! Tulungan mo ako. I-ibang tao ang tinamaan ng pana. May pangontra k aba diyan or something? Doon sa potion na binigay mo sa'kin, may antidote ba 'yun para mawalan ng bisa?!"
"Jillian, bawat pana ni Cupid ay may naka-ukit na pangalan. Kung kaninong pangalan ang nakalagay sa bala ng pana ni Cupid ay siyang taong nakatadhanang papanain gamit ang panang 'yun. Kaya ko sinabing ibuhos moa ng potion na 'yun sa pana ay para mabura ang pangalan at gumana ito sa taong papanain mo."
"Teka, i-ibig sabihin hindi gumana 'yung potion?"
"Mali. Gumana ito Jillian. Sadyang nagkamali ka lang ng tinamaan at iyon ay kasalanan mo."
"Pero may paraan pa 'di ba? I know there's still a way para maayos 'to! Hindi pwedeng ma-inlove sa akin si Sir West! At paano na si Luke? Please I'll do anything! Tulungan mo lang ako!"
"Pero Jillian, pag tinamaan ka na ng pana ni Cupid, na sealed na ang kapalaran mo sa isang tao. Ipagpatawad mo pero ang tanging may kakayahan lang na baguhin 'yun ay si Cupid mismo." napa-iling ako bigla.
"hindi pwede! Hindi ko siya pwedeng hingan ng tulong kasi nakagawa ako ng kasalanan sa kanya! Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Please, help me!" maluha-luha kong sabi sa kanya.
Hindi pwedeng hindi maayos ang gulong 'to. Sir West's fate is already sealed with mine? Hindi ako makakapayag!
Pag siya ang makakasama ko habang buhay, walang pinagkaiba 'yun sa pag tira ko sa impyerno!
"Patawarin mo ako Jillian pero wala akong magagawa."
Hinawakan ko ng mahigpit ang pana ni Cupid.
"then hindi mo makukuha ang pana na 'to hangga't hindi mo ako tinutulungan!"
"Ganoon ba?"
Bigla siyang ngumiti. Yung nakakakilabot na ngiti.
Ikinumpas niya ang kamay niya at sa isang iglap lang, nakita kong hawak-hawak na niya ang bow at quiver na ngayon ay wala nang arrow na laman. Maging ang compass ay nasa kanya na rin.
"Hindi mo na suot ang compass. Wala ka nang proteksyon. Maari ka nang mahanap ni Cupid."
"T-teka! Ibalik mo 'yan! Ang daya mo naman eh! Wala namang gamitan ng hocus pocus!"
"Tapos na ang ating kasunduan, Jillian. Ikaw ang gumawa ng sarili mong kapalpakan kaya patawad kung hindi kita matutulungan. Paalam."
"Sandali lang---!!"
Bigla na lang nag laho sa harapan ko ang babaeng naka-itim. I can't believe this! She refused to help me! Paano na ako? Ano na ang gagawin ko?!
Nangangatog ako na naglakad papunta sa apartment na tinutuluyan ko.
Ayoko nang paniwalaan ang mga nangyayari. Sana nag ha-hallucinate lang ako. Sana epekto lang 'to ng pagbabasa ng mga manuscripts o ng stress na dulot ng deadlines at ni Sir West.
Pinaka maganda, sana masamang panaginip lang ang lahat. Pero kung sakali mang totoo ang lahat nang 'to, kailangan kong magtago kay Cupid!
Kinuha na sa akin nung babaeng naka-itim ang compass! Nakakaramdam ako na any minute now, mahahanap na ako ni Cupid. Mamaya kung ano ang gawin nun sa akin.
Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng apartment ko.
Kaya lang nang makapasok ako sa loob, hindi ko pa man nabubuksan ang ilaw, may narinig na akong nag-salita.
"Alam ko ang ginawa mo."
Dali-dali kong in-on ang switch ng ilaw at ayun, may nakita akong isang lalaking naka-sandal sa pader ng apartment ko.
Naka-ngisi siya sa akin na para bang naaliw siyang makita ang takot na takot kong expression sa mukha.
"S-sino ka?! Magnanakaw ka 'no! Wala kang makukuha sa apartment ko! Magpapatawag ako ng s-security!"
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya sa'kin.
"Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako sa pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw."
Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin sa'kin.
"You broke into my lair and you stole my bow and arrow."
Para akong nawalan ng dugo sa katawan dahil sa sinabi niya. Nanlamig ang pakiramdam ko at ramdam ko ang malalagit na pawis na namumuo sa noo ko. Napalunok ako bigla.
Oo kilala ko siya. Siya 'yung lalaking nakita ko doon sa malaking bahay sa Tagaytay. At hindi siya caretaker ni Cupid. Siya mismo si Cupid. Please, sana hallucination lang lahat nang ito.
"You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga nangyayari sa'yo," sabi sa'kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke, tama ba?"
Hindi ako sumagot instead tinitigan ko lang siya habang nag sa-somersault na ang puso ko. Hindi dahil sa gwapo siya kundi dahil nakakatakot talaga ang aura niya.
"Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko, limang tao ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila, at mauudlot na naman ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil kailangan kong ayusin ang gulong ginawa mo."
He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong braso. Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin ako sa puso dahil sa sobrang kaba ko sa kanya.
"At ngayon binibining Jillian, magbabayad ka..."
"S-sorry!" sigaw ko sa kanya.
"Sorry hindi ko sinasadya! Hindi talaga! Desperada lang ako at-at-feeling ko talaga na hypnotized ako ng babaeng 'yun kaya sumunod ako sa pinapagawa niya! Sorry talaga!"
"Walang mararating ang sorry mo," seryoso pa rin niyang sabi.
"Paano na lang yung limang kawawang tao na nadamay dahil sa ginawa mo?"
"Teka, bakit ba lima eh isa lang naman ang napahamak ko?"
"Hindi mo gets? Okay ipapaliwanag ko sa'yo. Pero bago ang lahat, may kape ka ba? Para naman masarap ang kwentuhan natin!"
Nag tungo si Cupid sa sofa ko at dumekwatro na siya doon ng upo. Pinanliitan ko siya ng mata. Medyo feel at home rin siya ano?
"May gusto kang sabihin, binibining magnanakaw?" tanong niya sa'kin habang naka-ngisi.
"W-wala. Sabi ko nga mag titimpla na ako ng kape."
Tinalikuran ko siya at nagtungo ako sa mini-kitchen ko. Hindi naman siguro masama si Cupid 'di ba? Hindi naman niya siguro ako sasaktan o aalilain o pagbabayarin ng malaki?
Sana naman. Gusto ko pang mabuhay sa mundong ito. Mag papakabait na lang ako kay Cupid para tulungan niya ako.
Tutal sabi nung babaeng naka-itim siya lang makakatulong sa akin. Inabutan ko si Cupid ng kape at masayang-masaya niya naman itong kinuha.
Hindi naman siya mukhang problemado. Ibig sabihin, baka hindi ganoong ka big deal ang ginawa ko?
"Anong hindi big deal! Ang laki kayang gulo nang ginawa mo!" bulalas niya sa akin.
At talaga nga naman! Pareho pa sila ng babaeng 'yon na nakakabasa ng isipan.
"Sinu-sino ba kasi ang mga napahamak ko?"
"Okay, iisa-isahin natin. Una, yung kawawang lalaking walang kamuwang-muwang na pinana mo."
"You mean si Sir West. Ang boss kong terror."
"Oo siya nga. You sealed his fate with yours. At dahil iba ang laman ng puso mo at isang side lang ang napana mo, siya lang ang nahulog sa'yo at ikaw, hindi ka nagkagusto sa kanya. Meaning, habang buhay na niyang mararanasan ang magmahal sa isang taong hinding-hindi siya ma-mahalin." Napatahimik ako.
Kahit ganoon kasama si Sir West, parang ang lupit naman ng ginawa kong kaparusahan sa kanya. Tsaka isa pa, ayoko naman habul-habulin ng taong 'yun sa tanang buhay ko!
"Pangalawa, 'yung babaeng nakatadhana kay West. Paano pa sila magkakaroon ng connection kung inagaw mo na ang tadhana ng soulmate niya?" Sumimangot ako
"well, I think I did that girl a favor!"
"Pangatlo at pang-apat!" pagpapatuloy ni Cupid.
"Yung panang ginamit mo sa kalokohan mo ay naka-laan para sa ibang tao. At dahil nagamit mo 'yun, na messed-up ang timeline ko at hindi ko sila nagawang panain pa. Paano na ngayon sila magkakaroon ng connection?"
Napa-yuko na lang ako. Oo na. Ako na. Ang dami ko nang naapektuhan.
"At pang-lima, yung soulmate mo." Napa-angat ulit ang ulo ko at tinignan ko siya.
"T-teka! Paano nadamay ang soulmate ko rito?!"
"Dahil wala akong planong gawan kayo ng connection kung hindi mo aayusin ang gulong 'to."
Ay anak ng--! Ibig sabihin pati lovelife ko dito ay damay?!
Tinignan ko si Cupid na naka-ngisi na naman sa akin ng nakakaloko. Mukhang tuwang-tuwa siya na nakakapang-blackmail ng mortal ano? Napa-pikit na lang ako at napa-buntong hininga.
"Okay fine. Tell me what to do."
"Dahil nagamit mo na ang pana na sana ay para sa ibang tao, ikaw ngayon ang gagawa ng paraan para magkaroon sila ng connection."
"At paano ko naman gagawin 'yun?!"
"Wag kang mag-alala. I will guide you."
"Okay, then tell me. Sino ang dalawang taong 'yun?"
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Cupid.
"Si Luke. . . . . . . . . . at si Elise."