webnovel

Who's the Killer?

(KILLER SERIES 1) Date Started: June 15, 2019 BLURB/TEASER Napaikot ang tingin ni Ghoul sa kisame ng lumang bahay. Mag-isa't ramdan sa dibdib nito ang kakaibang kaba na dinadala sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Iniisip niya pa rin ang mga nakaraang kasong kaniyang binigyang solusiyon, ngunit lahat ng iyon ay napakadali lamang. Datapwat, ang kasalukuyan ay badyang nakalilito't mapanlinlang. Nang kalauna'y narating niya ang isang kuwartong puno ng mga imahe't mga papel na nakakalat. Gulantang s'yang nanlamig sa kinatatayuan, patak ng pawis na animo'y palakas na palakas na lagaslas ng gripo. Abaddon. Salitang minarka mula sa dugo, preskong ukit nito sa napakalapad na pader ng bahay. Kakabog na dibdib ang siyang kaniyang naririnig, bawat oras na dumadaan ay pawang buhay din na nalalagas. Bilis na lingo nito sa kabilang kuwarto, buong gulat niyang natanaw ang silyang tutumba-tumba. Agaran niyang nilapitan ang selya sa kuwarto nang namatay na matanda, ang kaniyang Lola. Wala siyang napansing tao na maaaring nagpagalaw sa selya, ngunit laking gulat niya nang mapatingin siya sa malaking salamin. Nakita niya, alam na niya, kilala na niya kung sino ang pumapatay. "Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" Huling alingawngaw nito sa buong bahay bago siya tuluyang himatayin.

HaresPratum · Terror
Classificações insuficientes
21 Chs

P A N G - A P A T

Madilim. Lahat nang matatanaw ng aking mga mata ay madilim. Bawat sulok ng nakikita'y may bahid ng lagim. Nasaan ako? Wala akong makita. Kadiliman.

"Lux?!" sigaw ko. Hindi ko alam pero iyon lang ang pangalan na sumagi sa isipan ko na dapat kong sambitin, na dapat kong hingan nang tulong.

"Guys? Nice? Lux? May tao ba rito? Chim!?" sigaw ko ulit sa gitna ng madilim na pasilyo. Pabalik-balik na ume-echo ang sigaw ko sa buong paligid. Kukurap-kurap kong iniikot ang buo kong paningin, nasaan na ba kasi sila? Nalilito na ang aking sistema kakahanap sa kanila.

Mabilis akong napalingon sa kanan ko nang mapansing may nakadungaw na uslit ng liwanag sa maliit singaw nito. "Hello? May tao ba diyan? Kung mayroon man, magpakita ka naman o'." Tanaw ko pa rin ang liwanag na nagmula sa maliit na butas, dahan-dahan akong lumapit rito. Ilang hakbang na lamang ang layo ko sa liwanag na iyon.

"Ghoul!" Lito akong napalingon. Ang boses niya. Tanda pa rin ng utak ko kung paano niya ako tawagin sa pangalan ko.

"Huwag kang pupunta diyan, apo!" Lola? Ikaw ba talaga 'yan?

"Lola? Nasaan ka po?" Giit ko.

"Huwag kang pupunta diyan, apo." Kunot-kilay ang tanging aking naging reaksiyon.

"Ghoul! Tulungan mo ako, apo! Ghoul! Apo ko." Isang matinis na sigaw ang nagpatigil sa akin, sa kinatatayuan ko. Natigilan akong saglit. Ang boses na iyon, kilala ko nga ang boses na iyon. Napakagat-labi naman ako habang nag-pipigil ng hikbi. I miss her.

"La? Lola ikaw ba 'yan? Lola, miss na miss na po kita, Lola. Magpakita ka naman po, gusto po kitang mayakap. Please po." Pagsusumamo ko habang nakatingin pa rin sa kawalan. Nanigas ang buo kong katawan nang makita ko si Lola sa kaliwang parte ng pasilyo. Ganitong-ganito rin ang itsura niya, ang huli niyang itsura habang nakahandusay siya sahig-naliligo sa sarili nitong dugo, wakwak ang dibdib, tirik na tirik ang mga mata, at nakalabas ang dila nito.

"Lola? Sino po ba kasi ang gumawa sa 'yo niyan? Bakit po ba nila ginawa ito sa 'yo? May atraso po ba kayo kaniya? Utang o ano? Please po, Lola. Sabihin niyo na po. Gulong-gulo na po talaga ako." Tumulo na rin ang mga luha ko. Parang ibinalik lang ng mga luhang ito ang sakit na dinaramdam ko noon pagkatapos mamatay ni Lola.

"Ghoul, a-apo." Ngumiti siya, iba pa rin talaga 'yong ngiti niya, kahit na nakalabas ang dila nito ramdam ko ang sinserong ngiting sumisilay sa mukha niya. Pabasa na nang pabasa ang mga pisngi ko. "L-lola," iyak ko. Basang-basa na ang aking mga pisngi dahil sa walang humpay na pagtulo ng aking mga luha.

"Malalaman mo rin iyan Apo, may tamang panahon para diyan. Tandaan mo, palagi akong nakabantay sa 'yo. Hindi kita pababayaan, isipin mong ako ang magiging guardian angel mo. Babantayan kita, Ghoul." Dahan-dahan itong naglakad patungo sa direksiyon ko. "La! Huwag na po kayong umalis. Miss na miss na po kita, please po." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Kung ibang tao ang nakaharap sa kaniya ngayon, matatakot iyon sigurado. Nakangiti pa rin siya.

"Apo may tanong si Lola mo, sagutin mo ha." Napatango naman ako, lahat lola basta para sa 'yo.

"Sige po Lola, kahit ano. Kahit ano po," wika ko. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na humiling, hihilingin ko talaga bumalik siya. Iyong dati na masaya, simple.

"Maganda pa rin ba ako, apo? Kahit na nagkada-lasug-lasug ang katawan ko?" Nakangiti pa ring 'turan niya habang nasa harapan. Napangiti naman ako. Sabay na natawa sa reaksiyon ko sa itsura niya.

"La naman eh. Oo naman. Maganda ka pa rin po, ikaw pa rin ang pinakamagandang Lola sa buong mundo." Nakangiti pa rin siyang nasa harapan ko. Pinahid ko naman ang mga luha ko, ang pangit ko pa namang umiyak.

Natigilan ako nang mapansin kong hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ng aking mga paa. Anong nangyayari? Marahas kong iginalaw ang mga binti ko, ngunit ang tigas. Parang naging bato ang mga binti ko. Namanhid ito.

"La! Tulungan mo ako," habang iniikot ko pa rin ang katawan ko para mapalaya ang nanginginig na mga paa ko.

"La, hindi ako makagalaw! Lola, tulungan mo ako please. Waaah, Lola." Hindi ko na napansin na nasa harapan ko na siya.

"Tama ang ipinapakita nila sa 'yo Ghoul, pero may isang a-atake sa 'yo nang patago. Ihanda mo sarili mo Ghoul. Huwag kang magpapadala sa mga binibitawan nilang mga salita. Makikilala mo rin ang taong 'yon. Concealed. Paalam." Napalingon ako sa kinaroroonan ni Lola.

"Lola? Huwag naman po kayong magsalita nang ganiyan. Hindi po ba magkikita pa tayo? Sabihin niyo po, La, magkikita pa tayo hindi ba?" Ngiti lamang ang iginanti niya sa akin. Hindi. Mali itong iniisip ko. Huwag naman sana.

"Mag-iingat ka apo. Mahal na mahal kita,"

"Lolaaaa!!" Iyon ang mga huling katagang binitawan ni Lola nang bigla siyang nawala. Tulala akong napaluhod, ang sakit. Sobrang sakit. Wala na talagang humpay ang pasakit na darating sa buhay ko. Pero ano iyong sinabi niyang 'concealed'? May kinalaman ba iyon sa pagkamatay niya?

Isang malakas na tunog ang nakapagpawala sa pagmuni-muni ko. Biglang may bumukas na dalawang pinto. Isa na nasa harapan ko, inikot ko naman ang aking ulo, at bumungad sa akin ang isang pinto na nasa likuran ko. Ano na naman ba ito? Agad kong pinahid ang mga luha ko, at agarang tumayo. Sinubukan ko ulit na igalaw ang mga paa ko. Taka akong nakatingin sa mga paa ko, bakit bumalik na ito sa normal? Nag-ha-hallucinate ba ako kanina?

"Bhess!"

"Ghouly!"

Sabay na rinig ko ang mga sigaw na iyon, nanggagaling ito sa pinto na nasa harapan ko. Sila ba iyon? Ang mga kaibigan ko? Pero, wait lang. Kung ang pinto sa harapan ko ay may tao, so ibig sabihin ay may tao rin na lakabas rito? Nilingon ko naman ito, ngunit blanko. Liwanag lang ang nakadungaw sa parteng iyon. Itinuon ko muli ang aking paningin sa kanila.

"Sioney? Lux? Chim? Lena? Eunice? Paano kayo napunta dito? At saka nasaan ba tayo? Kanina pa kasi ako nalilito, kung bakit ako napunta rito? May idea ba kayo guys?" Nakatingin sila sa akin, nang nakangiti. Ngumiti na rin ako dahil sobrang nakahahawa ang kanilang mga ngiti, 'yong ngiti na malapit sa ngisi. Killer Smile kung baga. Naglakad ako papalapit sa kanila.

"Hey, guys? Paano pala kayo nakapunta rito?" Ngunit, bigo ako. Hindi sila tumugon sa tanong ko. Parang may mali rito, imbes na mahawa ako sa mga ngiti nila ay mas lalo akong nabigyang kilabot sa mga ito. Ano bang nangyayari? Ang mga hakbang ko ay ini-unti-unti ko na, parang may iba. Hanggang tuluyan na akong tumigil, na halos tatlong metro na lang ang agwat namin sa isa't isa.

"Ghoul!" Mabilis ako natauhan mula sa kaiisip. Napakapamilyar ng boses niya. Narinig ko na ba ang taong 'to?

"Huwag kang lilingon, Ghoul. Makikita mo siya, at kapag nangyari iyon, ikaw ang isusunod niya." Giit ni Eunice. Sinunod ko ito, at nagtatakang tinignan silang lima. Pero, wala pa ring nagbago sa ekspresyon nila. Nakangiti pa rin.

"Sila ang pumatay sa Lola mo, Ghoul. Tignan mo ang kanilang mga ngiti, sobrang nakakikilabot hindi ba. Hindi mo pa rin ba maintindihan, nasa harap mo na sila. Ang mga pumatay sa Lola mo!" Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang narinig iyon. Sino ba ang paniniwalaan ko? Pero akala ko ba, iisa lang ang pumapatay?

"Sila ang suspeks sa pagpatay sa Lola mo. Huwag kang magpaloko sa mga itinuturing mong kaibigan, matagal ka nilang pinaikot sa laro nila, at ngayon magpapaloko ka na naman?" Sigaw ng lalaking nasa kabilang pinto, hindi ko pa siya nakikita dahil sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko.

Tahimik akong nakikinig sa kanila. Naguguluhan ako, nalilito. O, baka naman pinaglalaruan lang nila ako?

"Please, Ghoul. Huwag kang lilingon. Itong mga nakikita mo, huwag paniniwalaan. Lahat nag naririnig mo, huwag mong pakikinggan. Paniwalaan mo kami Ghoul, kaibigan mo kami."

"Ghoul!" Panggugulo ng lalaki sa tahimik na kapaligiran. Inisip ko nang mabuti. Kung ano ang gagawin ko, kung ano ang susundin ko, at kung ano ang paniniwalaan ko.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko, nakangiti pa rin sila. But I have to do this. Kailangan kong malaman kung ano ang tama, kung sino ang tama.

"I'm sorry." At agad kong nilingon ang nasa kabilang pintuan. Ang liwanag kaagad ang bumungad sa bisyon ko, nakakasilaw ang kinang nito. Hindi ko maaninag ang itsura nito. Anino! Anino lamang ang natatanaw ko may sombrero, coat, at parang balabal na lumilipad na siyang nagbibigay galaw sa anino.

"Halika, Ghoul." Marahang sambit ng lalaking nasa pinto.

Dahan-dahan akong naglakad, at tinakpan ng kamay ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa pinto. Tama nga ba ang ginawa ko? Bahala na. Maglalakad pa sana ako nang biglang . . .

"Ahhh!" Bigla akong natumba. Ang sakit. Ramdam ko pa rin ang isang matalim na bagay na nakabaon sa likod ko. Nilingon ko ang nasa kabilang pinto, habang iniinda ang sakit. Nanghihina na ako, ramdam ko na ang dugo na umaagos sa bibig ko. Malansa ito. Natatanaw ng aking mga mata ang mga kaibigan kong nakangiti pa rin, at mukhang masaya.

"B-bakit?" Ngunit, bigla akong nagtaka nang mapansin ang mga luhang umaagos mula sa kanilang mga mata. Wala na, nanghihina na ang katawan ko. Hanggang ang aking mga paningin ay nilamon na ng kadiliman.

"Ghoul!!" Isang malakas na sigaw ang nakapagpamulat sa akin. Tinignan ko ang buong paligid, bakit nasa kuwarto ako? Akala ko ba, . . . panaginip lang pala. Hays, thank God. Tinignan ko ang orasan, mag-a-alas cinco na pala ng umaga. Mabuti na lang ay naka-leave ako ngayon sa trabaho, pinayagan din naman ako ng Boss ko. Well, I really need it.

Nilingon ko naman ang side kung nasaan ang bintana. Tumayo ako, at marahan na pinuntahan ang lugar na kung nasaan ang bintana. Sa pagkakaalala ko sinarhan ko naman ito kagabi ah. Tinignan ko ang nasa labas, at taimtim na nag-o-obserba.

Huminga ako nang malalim, at bumuntong-hininga. Panaginip lang pala ang isang iyon. Pero, ang pinagtataka ko lang bakit gano'n ang panaginip ko, sobrang kakaiba. Na isa sa mga suspeks ay ang mga kaibigan ko, or baka silang lahat. Hindi natin masasabi. Pero, sino nga ba ang lalaking iyon? 'Yong anino sa may pintuan. Naka-sombrero, naka-coat, at parang may balabal.

I heaved a sigh.

Bumalik ako sa pagkakahiga, bakit ba kasi sa akin 'to nangyayari. Hay.

"Ghoul!" Nagising ako mula sa pag-iisip nang malalim, nang marinig ko ang isang malakas na sigaw ni Eunice mula sa ibaba. Agad akong napatalon mula sa higaan, at mabilis na tinungo kung saan nagmumula ang sigaw 'yon.

Nang makababa ako ay natunton ko kaagad kung nasaan sila. Tinungo ko ang mga ingay na iyon. Nakatagpo ko si Lena sa labas ng kuwarto ni Sioney, at mabilis ko siyang itinulak papuntang loob.

"Aaaaaaaaaaaahhhhh!" isang napakalakas na tili ni Lena ang bumungad sa akin nang mapasok ko ang kuwarto ni Sioney. Napatakip ako ng bibig. Nakabitay si Sioney gamit ang manipis na kumot nito, na nakatali sa kaniyang leeg. Nakatitig siya sa akin ngayon, kota sa mukha niyang nahihirapan sa posisyon.

"Sioney, kayanin mo please." Rinig kong umiiyak na sambit ni Eunice.

"Guys, tulungan niyo siya bilis." Sigaw ko, habang nakatunganga pa rin sa kaniya. Namumuo naman ang mga luha ko sa aking mga mata.

"Kunin mo sa drawer ang gunting Lena. Bilis." Saad ni Chim sa kaniyang kasintahan.

Mabilis na naputol ni Chim ang kumot, at nasalo naman ni Lux ang namumuting katawan ni Sioney. Tirik na tirik ang kaniyang mga mata.

"Hey, bhess? Sioney, naririnig mo ba kami? Hey." Giit ko habang hinahaplos ko ang kaniyang mga pisngi. Basang-basa na ng mga luha ang mukha ko. Hindi ko talaga kakayanin kapag mawala pa ang kaisa-isang best friend ko.

"Guys, tumawag kayo ng ambulansiya. Bilis! Wah, kayanin mo Sioney. Please, kayanin mo." Dahan-dahan na itinaas ni Sioney ang kaniyang kanang kamay, at hinaplos ang kaliwang pisngi ko.

"Bakit bhess? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka ba? Please, bhess sabihin mo, kahit ano basta kayanin mo bhess ha. Kayanin mo, Sion. Malapit na ang ambulansiya."

Inilapit ni Sioney ang ulo ko malapit sa bibig niya.

"C . . . c-co . . . con-ce . . aled." Bulong nito, at tuluyan' na siyang nawalan ng malay.

"Sssssiiinnnooeeeeyyyyy!!" Sigaw ko.

* * *

"She's still unconscious for the meantime, pero stable na ang kalagayan niya. Hinimatay siya dahil sa kakulangan ng supply ng oxygen sa utak niya kaya siya nawalan ng malay. Well, magiging okay din siya, soon. But I have to tell you this. . ." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabi ng Doctor.

"Ano 'yon Doc.?" Tanong ni Lux.

"She'll experience some traumatic behavior, maari siyang maging mas tahimik, at mas magiging emos'yonal, pero-" nanlumo ako nang narinig ko ang sabi niya.

"-pero may good news din naman. Nawala na nang tuluyan ang sakit niyang Multiple Personalities Disorder dahil sa traumang tinamo." Ngiti ang dumungaw sa aking mga labi. Nawala na ang sakit niya, good for her. Babalik na sa normal ang buhay niya.

"Salamat, Doc." Pagpapasalamat ni Lux sa Doctor. May isinulat ang Doctor sa papel. At tinignan ko lang ito, nang mapadako ang titig ko sa kamay niya. Isang bracelet, simpling bracelet na may magagandang palamuti, saganang mga kulay, at ang mas nakapangilabot sa akin ay ang tatak nito na . . .

'C O N C E A L E D'?

---

HeartHarl101