Carlhei Andrew POV
Running away from your problem is not a good thing. It will only haunt you and you will only get tired from running.
Kumuha ako ng tubig dahil napagod na ako sa kakadisenyo ng building para sa Engineering firm na ipapatayo ko. Mag sasalin na sana ako ng tubig sa baso ng may marinig akong kalabog galing sa kwarto ni Geru.
Mabuti at nandito lang rin iyon sa first floor kaya agad akong nag tungo sa pinto nito. Kakatok na sana ako upang alamin kung ano iyon pero natigilan agad ako dahil sa hagulgol na narinig ko.
Katulad noong nakaraan, para bang hirap na hirap itong huminga dahil sa kakapigil ng hagulgol. Malamang ay tinatakpan muli nito ang bibig upang walang makarinig sa kaniya.
Tanging himig ng pag iyak ang pumuno sa kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit nanatili ako doon ng sobrang tagal. Ngayon lang ako nakatagpo ng taong katulad niya. Iyong tipo ng tao na sa umaga ay tumatawa at sa gabi ay umiiyak.
Matapos ang ilang saglit ay hindi ko na narinig ang tahimik na pag iyak. Akala ko ay nakatulog na ito sa kakaiyak. Laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto nito at bumungad siya.
"A-andrew…" utal na tawag nito sa akin.
Mabilis akong nag iwas ang tingin nang makita ko ang mugto nitong mata.
"I-I was j-just passing by. I-I did not hear anything." Utal utal rin na sabi ko
Sa loob looban ko ay gusto kong batukan ang sarili ko dahil nag sinungaling ako para lang sa simpleng bagay. Dagdag pa doon ang pagkautal ko. Naging halata tuloy ang pagiging sinungaling ko.
"S-sige," saad ni Geru
"S-sige rin," tugon ko.
Umikot ako upang mag punta sa kusina. Ang mas awkward lang doon ay dito rin pala siya mag pupunta.
"T-tubig?" Pang aalok ko dito
Bahagya itong ngumiti at tumango tango. Nag salin rin ako ng tubig sa panibagong baso at ibinigay iyon sa kaniya.
Mabahang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin hanggang sa nag salita siya bigla.
"K-kamusta na pala 'yung kamay mo? Nakakasulat ka na ba ng maigi? H-hindi na ba masakit?" Utal paring tanong nito
"M-medyo ayos na rin. Nakakapag drawing na ako kahit paano." Sagot ko
Sabay kaming napalingon ng tumunog sa ref. Mas nagulat ako nang makitang kapatid ko iyon.
"P-pwede b-ba a-akong h-humingi n-ng t-tubig?" Pang gagaya nito sa akin habang mag kadikit pa ang dalawang hintuturo
Naningkit ang mata ko dahil doon. Paniguradong aasarin na naman ako nito.
"Ano? May speech defect ba kayong dalawa?" Natatawang tanong niya
Hindi ko na ito pinansin bagkus ay kumuha ako ng bote upang mag salin doon ng inumin.
"Seryoso na nga. Bakit kayo nandito sa kusina? Siguro…"
"Wala kaming ginawa!" Nag kasabay ang pag kakasabi namin ni Geru
Nag katinginan tuloy kami dahil doon at nag iwas rin ng tingin.
"Luh. Hindi ako pinatapos! Baka siguro kumakain kayo ng hindi ako inaaya! Kung ano ano nasa isip niyong dalawa." Saad ni Neomi na may tonong nang aasar
Sinamaan ko ito ng tingin, "It's not what you think. She's not even my friend."
Sa inis ay nauna na akong umakyat. Napasandal ako sa pinto dahil sa biglaan kong pag alis doon. Nakakainis talaga!
Bumalik ako sa kama ko at humiga na. Pinatay ko ang lampshade at ipinikit na ang mata ko.
Ang nakakainis dito ay hindi ako makatulog. Binubulabog ako ng narinig ko kanina. There's something in me that want to help her, but I'm not what I'm used to be. I know that my ego increased.
Curious lang ako kung paano niya namamanage ang emosyon niya. Iyon lang 'yon. Wala nang iba, Carlhei. Wala.
…
Kinabukasan ay naiwan na naman kaming dalawa sa bahay dahil may pasok si Neomi. Geru was just cleaning the house and I'm watching t.v in sala. I don't know what to do. I don't know why it feel so awkward.
My phone suddenly rang so pick it up and answer the call. It's Reinest.
"Bro! Next month na release ng nakapasa sa board exam! Nakakaexcite!" Masayang sabi ni Renren
Nailayo ko ang cellphone ko dahil sa paunang bati nito.
"I know, Ren. Sinabi naman iyon noong nag take tayo ng exam. What exactly do you want?" Saad ko
Kilala ko na kasi ito. Alam kong kailangan niya lang ng unang statement para tanungin ko siya kung anong kailangan niya. Tsk.
"Sama kayo ni Geru ngayon. 'Di ba kayong dalawa lang d'yan sa bahay? Sayang itong isang ticket sa amusement park kung hindi mo siya isasama eh." Saad ni Reinest
No way. I really hate amusement parks. No.
"Ren alam mong ayaw ko d'yan. Tyaka, ako? Mag aaya? Nahihilo ka ba?" Inis kong tugon
Bumuntong hininga ito, "Nakalimutan mo na ba kung araw ngayon? Hindi ka talaga tunay na kaibigan."
Matapos sabihin iyon ay ibinaba niya ang tawag. Naalarma naman ako dahil sa tono ng boses nito. Pilit kong tinandaan kung anong mayroon sa araw na ito pero hindi ko maisip ng matino dahil nga sa tono ni Reinest.
Nag mamadali akong nag punta sa storage room kung saan nag babalik ng gamit si Geru. Gulat na gulat ako nitong tinignan dahil sa biglaang pag bukas ko ng pinto.
"M-may kailangan ka?" Gulat parin tanong niya
Napatitig pa ako dito ng matagal dahil nag aalangan talaga akong mag aya. Hindi ko siya kaclose para mag aya ng gala.
'Wag na kaya? Pero inaya siya mismo ni Renren. Tsk!
"Reinest want you to come with me. We will go to amusement park. I think, it's his birthday." Saad ko
Nanlaki ang mata ni Geru at kaagad na ngumiti.
"Talaga?! Gusto ko doon! Sige, mag aayos na ako!" Masaya niyang sabi
Napaatras ako nang nauna na itong lumabas ng storage room. Iiling iling ko nalang sinara ang pinto doon. Umakyat rin ako sa kwarto upang mag ayos ng sarili. I took a shower then dress up. I'm wearing a white tshirt with denim jacket and maong pants with white shoes.
Nang maayos ko ang sarili ay bumaba na ako. Habang nag aantay sa garahe ay napag paysahan kong mag text kay Neomi na gabi na kami makakauwi. Knowing Reinest, he will not let go of us if we want to go home at the afternoon.
To: Siz
You will go straight at home because I can't fetch you. Geru and I are going to amusement park. No gala, Neomi. Your class will end at 6 pm so it will be too late if you hang out with your friends. I'm giving you a warning, Neomi.
I was about to go inside my car but then I saw Geru. Suprisingly, she's wearing an outfit same as mine. With a little twist because she's wearing a white shirt with a denim dress on it.
"Did you just copy my outfit? You're annoying!" Inis na sabi ko
She turn around so I hissed.
"Where are you going?! Get in the car! Malalate na tayo sa call time!" Inis kong sabi
Muli ay umikot ito papunta sa passenger seat. Pag kaupo ko naman sa drivers seat ay tumunog ang cellphone ko. Neomi text back.
From: Siz
Omo. A date?!
Kaagad na yatang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa hiya!
To: Siz
Stupid. I'm not gonna date someone like her. In her dreams.
From: Siz
Awts defensive. Awts gege.
Inis kong ibinulsa ang cellphone ko at nag umpisa nang mag drive. Dumaan pa kami sa cake shop para bumili ng cake for Reinest. Mabuti at sakto parin kami sa call time. Nang maiparada ang kotse sa parking lot ay dumiretso kami sa tagpuan. Nandoon na sila.
Kita ko na agad ang ngising aso ni Reinest at Karl. Alam ko na agad ang nasa isip nilang dalawa.
"Tigilan niyo 'yang gan'yang titig!" Inis na sabi ko
Nag tawanan kaagad iyong dalawa. Naningkit ang mata ko sa dalawa at iniabot kay Reinest ang cake. Nag tataka pa itong tinignan iyon.
"What's this? Hindi ko naman birthday!" Natatawang sabi nito, "Ang sinasabi kong araw ay iyong araw kung kailan kami nag kakilala ni Dannica! 'Di ba taon taon naming ipinagdiriwang 'yon kasama kayo? Naiba lang ngayon kasi wala na tayong pasok. Nyaaay."
Gusto kong tampalin ang sarili ko dahil nalimutan ko iyon. Kung nalaman ko agad sa una ay hindi talaga ako sasama.
"Bothered si Carlhei lately, Ren. Tigilan mo na nga ang pang aasar!" Pananaway ni Dannica
Laking pasasalamat ko na umawat si Dannica. Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko kay Renren kung sakali.
Wala akong choice kung hindi ang sumamasa kanila sa loob ng amusement park. Ipon daw ni Reinest at Dannica ang gastos nila sa amin ngayon, nakakahiyang tumanggi.
Itong kasama ko ay kanina pa linga ng linga. Parang first time lang dito. Todo ngiti pa. Nakakainis.
"Para kang bata. Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" Nanunuya kong sabi
Nagulat ako nang mag kakasunod itong tumango, "Oo. 'Di ba nga galing ako sa ampunan? Sa mga perya dinadala kami, pero sa ganito kalaking lugar? Hindi pa," sagot niya ngunit nakangiti parin.
Bakit ko pa ba tinanong?! Stupid, Carlhei!
Muli kong sinilip ang mukha nito kung naoffend ba pero tanging kislap ng mata at ngiti lang ang nakita ko doon. Hinayaan ko nalang itong ilibot ang tingin sa buong paligid.
To her everything has color, but for me, it's all dark.
Nag aya na sumakay ng ride sina Steven. Doon pa sa rollercoaster. Sa loob looban ko ay kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay gusto ko nang umatras pero nandito sa likod ko si Geru. Damn it.
Katapat ko si Karl ngayon. Naalarma ako nang tumingin ito sa akin ng biglaan.
"Ay 'di ba takot ka sa mataa--"
Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Karl at sinamaan ito ng tingin. Nang bitawan ko naman ito ay malakas itong tumawa. Sinilip niya pa ang nasa likod ko at ngumisi.
"Ikaw talaga. Sabi naman namin sa'yo pahinga ka muna eh. Pero sige, si Geru naman 'yan." Saad ni Karl
Sinamaan ko ito ng tingin dahil kanina pa ito namumuro.
"Tigilan mo nga ako, Karlito. Baka gusto mong sabihin ko doon sa babaeng matalino sa review center na gusto mo siya? Sino nga iyon? Nella ba?" Pang aasar ko rin dito
Ngumiwi ito at tumingin nalang sa harapan niya.
Nang turn na namin ay halos pag pawisan ako ng malamig. First reason why I hate amusement parks is the rides.
"Namumutla ka, Andrew. Ayos ka lang ba?" Pamumuna ni Geru
Nag iwas ako ng tingin dito, "Ayos ako."
Hindi na siya nakapag salita dahil umandar na ang rollercoaster. Ako rin ay hindi na makapag salita dahil natatakot na ako. Nang marating ang tuktok ay itinakip ko ang kamay ko sa mata ko. Para akong kinuhaan ng puso ng bumulusok ito pababa.
Kung itong katabi ko ay tumitili at nakataad pa ang kamay, ako ay sinasapo ko ang suka ko. Nakadalawang balik iyon at hindi ko alam kung paano ko nasurvive iyon.
Pag kababang pag kababa ay dumiretso ako sa CR. Naisuka ko ang lahat ng kinain ko ng umagahan.
Nakakahiya.
Nang makalabas ng C.R ay nakaabang silang lahat sa akin.
"Ayaw ko na. Hindi ako sasakay ulit. Kayo nalang lahat mag rides. Uupo lang ako dito." Saad ko at umupo sa isang bench
Kaagad na nag hagikhikan sina Renren at Karl. Si Steven naman sy parang nadismaya.
"Ganun ba? Sige, bro. Tawagan mo kami if may kailangan ka ha?" Saad ni Steven
Tumango tango ako dito bilang tugon. Nakaalis silang apat pero napansin kong wala pala si Geru. Kahit nahihilo pa ay tumayo ako sa bench at nilibot ang mata ko sa paligid.
Nag lakad lakad ako upang hanapin ito at hindi rin naman ako nabigo. Iyon nga lang, mukhang may gulo doon sa kung saan nandoon siya.
Ano na naman ba ito, Geru?!
Kaagad akong napalapit doon nang makita kong dinakot ng babae ang damit ni Geru.
"Do you know how much is my jacket?! I bet you can't afford this!" Galit na sabi ng babae
Natapunan ng tubig iyong jacket niyang unang tingin palang naman ay peke na. Hindi ko alam kung ano bang sinasabi niyang hindi afford.
"Ma'am, sorry po talaga." Saad ni Geru
Kumuha ito ng panyo at pinunas punasan pa iyong jacket ng babae. Ngunit hindi parin iyon sapat sa babae, bagkus ay itinulak niya ng malakas si Geru dahilan para bumagsak ito sa sahig.
Nilapitan ko naman iyong babae at gamit ang kuko ay ikinuskos ko iyon sa leather jacket niya. Narinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid nito.
"Wala namang original na leather jacket na mabilis mag bakbak. Mas maganda siguro kung 'wag ka na bumili ng original, bumili ka nalang ng manners." Saad ko
Pag kasabi noon ay hinigit ko patayo si Geru. Kinaladkad ko ito paalis doon sa gulo at iniupo sa isa bench.
"Ano na namang gulo 'yun?! Hindi ka ba titigil kakagawa ng gulo?!" Inis kong tanong
Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng 'to! Lahat palpak!
"Hindi ko naman sinasadya 'yun. Nag mamadali lang talaga akong makaalis sa pinag bilhan ko ng tubig para maibigay agad sa'yo." Paliwanag niya at yumuko pa
Naipikit ko ang mata ko at bumuntong hininga.
"You said that para hindi kita pagalitan 'no? Bakit mo ako bibilhan ng tubig eh hindi ko naman iniutos?" Inis kong sabi
Mabilis itong tumunghay at umiling iling.
"Ginawa ko 'yun para malaman mong may pakialam ako sa'yo. Gusto kitang maging kaibigan. Gusto kong bigyan ng kulay 'yang madilim mong mundo. Dahil sa totoo lang, hindi bagay sa'yo ang pagiging miserable at masungit. Hindi bagay ang malungkot na mata sa'yo. Ngayon kung iniisip mong pinaplastik kita dahil nga mapag panggap akong tao, hindi ganoon, Andrew. Gusto kitang tulungan," seryosong sabi ni Geru.
Natahimik ako dahil doon. Pinoproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya.
For the first time, someone recognize the feelings behind my eyes. Is she my amusement park? A temporary comfort?