Carlhei Andrew POV
Nakangiti akong bumangon ng kama ko. Dati-rati ay naiinis ako tuwing nasisinagan ng araw ang mukha ko pero ngayon ay nakangiti kong nilingon ang balcony ko.
Nag unat unat pa ako ng katawan bago pumasok sa banyo at naligo. Nakakatawa rin dahil kumakanta ako kahit wala naman talaga akong talento sa pag kanta. Ganoon naman talaga yata ang nagagawa ng pag-ibig. It can surpass your abilities in the name of love.
Matapos maligo ay kaagad akong bumaba para mag umagahan. Dahil may pasok ang kapatid ko, si Mama lang ang naabutan kong nag babasa sa ipad nito.
Ngumiti ako dito ng malapad tyaka nag umpisang mag almusal.
"Bagay kayo ni Karen, 'nak. Sana siya na talaga ang huli kasi ayaw na kitang makita na nasasaktan." Saad ni Mama tyaka ngumiti
Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Mabuting malaman na payag siya kahit na hindi ganoon kaganda ang past ni Karen.
"Thank you, Ma. Don't worry, hindi niya ako sasaktan." Proud na sabi ko
Tumango tango si Mama at halata ang saya dito. Mas excited pa ito sa akin dahil ang totoo niyan, tatlo dapat kaming mag kakapatid. Sa kasamaang palad, nasa tiyan palang siya ni Mama ay kinuha na siya. Kasunod ko sana siya kung hindi siya nawala. Sobra pa naman ang tuwa ni Mama dahil babae siya. Hindi rin naman sila binigo ng Diyos dahil babae rin ang naging kapalit. Kaya napakaimportante kay Mama ang mga babae na pumapasok sa pamilya namin.
"Karl texted me pala. Pinagpapaalam ka nila kung pwede ka daw pumunta ng mall kasama nila? Hang out lang daw." Saad ni Mama
"Talaga po? Can I come, Mama?" Tanong ko
Tumango tango ito at ngumiti, "Sure. Alam kong magiging busy na rin kayo once na nakuha niyo na ang mga lisensya niyo. Fetch your sister because your Papa will come home late." Utos ni Mama
"Opo. Ingat rin kayo mamaya, Mama. I love you." Saad ko
Umakto si Mama na parang kinikilig kaya naman iiling iling ko nalang itong tinignan. Matapos ang umagahan ay nag ayos ako ng sarili. Biglang sumagi sa isip ko na ayain mag lunch si Karen para makita ko ito.
Since busy si Papa ay alam kong late na rin ito uuwi. Pinaplano ko rin tuloy siyang ihatid sa apartment niya pagkatapos ng trabaho.
Nang makatanggap ng text galing kay Karl ay dumiretso na ako sa mall dala dala ang kotse ko. Sa mukha nilang tatlo ay mukha itong mga problemado.
"Anong meron?" Tanong ko agad
Sabay sabay nilang tinignan si Reinest na kakamot kamot ng batok.
"Ito kasing kaibigan natin, nakalimutan na anniversary nila ni Dannica. Kung hindi ko pa naalala ay mazezero ito bukas." Saad ni Steven
Napangiwi ako dahil doon. Sino ba naman kasi ang makakalimot ng anniversary? Iyon ang highlight ng relationship eh.
"Nabusy lang talaga ako dahil nga doon sa board exam. Mabuti nga at hindi niya nahalata na nakalimutan ko. Salamat talaga kay Steven at may panahon pa akong mag handa. Ang kaso lang ay hindi ko alam ang gagawin ko." Saad ni Reinest
"Tara na muna sa loob ng mall. Tatakbo nalang agad ang creativity natin kapag nakapasok na tayo dyan." Suhestiyon ko
Sa madaling sabi ay pumasok nga kami sa mall. Mula sa gitna kung saan ang kinatatayuan namin ay tinanaw namin ang bawat shop.
"Flowers." Saad ni Steven
"Jewelry, bigyan mo na agad ng singsing parang engagement ring." Nag bibirong sabi ni Karl
"Iyong puso mo." Sagot ko
Napalingon ang lahat sa akin ng may nag tatakang tingin.
"What? Tama naman ako ah. Anong gagawin ni Dannica sa lahat ng material gifts na 'yan kung wala naman sa kaniya 'yung puso ni Renren? Tyaka hindi naman masyadong maluho si Daca. Mag date lang kayo sa isang romantic restaurant, kung ayaw mo doon edi mag date kayo sa garden nila. Kantahan mo siya, gawan ng tula o sulatan ng mga pangakong tutuparin mo rin. Sa tingin ko mas memorable iyon." Saad ko
Napalapit si Reinest sa akin ng may namamanghang tingin pa. Napangiwi ako ng ipulupot nito ang braso niya sa braso ko, dagdag pa doon ay isinandal niya ang ulo niya sa braso ko.
"Bro, ibang level na 'yang pagka-in love mo. Mas nagiging creative ang utak mo. Ang galing galing mo, bro." Saad ni Reinest
Nag tawanan pa kami sa mga pinagsasasabi ni Reinest. Matapos mag plano ay binili ni Reinest ang mga kakailanganin para sa set up. Tinulungan lang namin ito sa pag pili ng mga kakailanganin tulad ng bulaklak, table clothing, candle, at marami pang iba.
Nang makalabas kami sa mall ay inihatid namin ang mga pinamili sa kotse ni Reinest. Halos mapuno ang compartment nito dahil sa dami ng nabili niya.
"Galingan mo ha. Mamili ka na ng kakantahin mo." Nag bibirong sabi ko
Tinapik nito ang balikat ko at tumango, "Salamat talaga bro. Enjoy your dinner with Karen." Saad ni Reinest
"Congrats, bro! Stay strong! Inom ka ng bear brand kapag nanghihina ka." Biro ni Karl
Iiling iling ko nalang itong tinignan dahil sa biro nito.
"Congrats, Carlhei. Ingat kayo." Saad ni Steven at kumaway na
Nang makapagpaalam sa kanila ay nag tungo na ako sa kotse ko. Nag maneho ako papunta sa company ni Papa. Nag park ako sa harapan at hindi ko inaasahang makita si Karen sa labas. Lalabas na sana ako ng kotse ng makita kong may lumapit dito na lalaki. Si Jourland.
Binuksan ko ng kaunti ang bintana ko upang marinig ang pinag uusapan nila.
"Asan ba 'yung hulog mo?! Porke dito ka na nag tatrabaho sa magarang kumpanya ay hindi mo na ako kinikita!" Sigaw ni Jourland
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. May kung ano sa isip ko na sinasabing mawalan ng tiwala kay Karen dahil nakikipagkita pala ito ng hindi ko alam.
"Malapit nang maputol ang ugnayan natin. Hindi mo na kailangang pumunta dito dahil babayaran kita." Saad ni Karen, halatang nag titimpi lang
"Sigurado ka ba dyan? Dapat sigurado iyan dahil alam ko ang bawat galaw mo. Alam ko ang bago mong tirahan. Kayang kaya kitang isunod sa mga may utang sa akin na hindi nag bayad." Sagot ni Jourland
Masamang tinignan ni Karen si Jourland. Makikitang mawawalan na ito ng pasensya pero huminga ito ng malalim bago ulit nag salita.
"Umalis ka na. Baka ituro pa kita sa mga pulis." Saad ni Karen
Nag iwan ng tapik si Jourland sa balikat ni Karen bago ito umalis. Nang masigurado kong umalis na ito ay doon palang ako bumaba ng kotse. Nanlaki pa ang mata ni Karen ng makita ako.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Karen
Tumango tango ako bilang tugon.
"Wala lang iyon. Hindi ko siya kaano ano." Pag depensa agad ni Karen
Napangiti ako at hinaplos ang buhok nito bago nag salita.
"Alam ko. Nangako ka kasi sakin na mag babago ka. Let's have a lunch?" Saad ko
Tumingin ito sa kaniyang relo at bumakas ang pang hihinayang dito.
"Hindi ako pwede kung sa malayo pa. Dito nalang tayo sa loob kasi may canteen naman." Saad ni Karen
Hinapit ko ang bewang nito at nag lakad kami patungo sa canteen. Agaw atensyon pa marahil dahil ngayon lang nila nakita ang anak ng may-ari ng kumpanya na may kasamang babae at staff pa. Hindi ko hiniwalayan ng kapit ang kamay ni Karen hanggang makaorder kami at makuha ang order namin. Kinalas ko lang iyon dahil hawak namin ang tray ng isa't isa.
"Pasensya na at dito lang. Inilipat na ako ng department ni Mr. De Beñi--Tito dahil nakabalik na si Secretary Ametys. Nandoon na ako sa Accounting Department. Unang araw ko kaya masaya ako. Ang kaso.ay dumating na naman iyong si Jourland." Saad ni Karen
Napangiti ako dahil sa ikinuwento niya. Nakakatuwa rin na kung paanong nag iba ang mood niya dahil doon kay Jourland.
"Kaunti nalang naman pero hindi pa makapagintay. Nakakairita talaga." Dagdag pa niya
"Bayaran ko na kasi ng buo." Pag pupumilit ko
Kaagad na tumalim ang tingin niya sa akin na ikinagulat ko agad. Ayaw na ayaw niya kasing nakikialam ako sa utang niya kay Jourland.
"Tigilan mo nga. Mamaya isipin na talaga ng mga tao dito na piniperahan lang kita." Sagot ni Karen
Nag umpisa na itong kumain ng nakasimangot. Bahagya tuloy akong natawa dahil sa salubong niyang kilay.
"H'wag mo na kasing pansinin. Ang mahalaga hindi totoo iyong sinasabi nila. Mas kilala mo naman ang sarili mo kaysa sa kanila 'di ba?" Saad ko
Nag iwas ito ng tingin pero nakakunot parin ang noo, "Paano kasi, palagi nalang akong may naririnig kapag nasa cr ako. Palagi nalang akong laman ng kwentuhan nila. Parang pulutuan sa inuman ang tingin nila sa akin. May mga pinag-aralan nga sila kaysa sa akin pero mas naiintindihan kong hindi dapat pinagbibintangan ang tao ng ganoon lalo na at hindi nila alam ang buong istorya."
Pupunasan sana nito ang luha niya ngunit ako na ang gumawa noon gamit ang hinlalaki ko.
"Shh, tahan na. 'Wag mo na silang pansinin. Proud ako sa'yo dahil nakikita ko ang good changes mo. Napipigilan mo na ang galit mo. Mas lalo tuloy kitang minamahal." Saad ko at ngumiti
Pinunasan nito ang luha niya at masamang tingin ang binato. Pero matapos noon ay ngumiti rin ito.
"Napakabolero mo!" Bulyaw nito sa akin
Natawa naman ako dahil tumatawa na ito habang umiiyak. Bigla ay parang hinaplos ang puso ko dahil umiiyak ito dahil sa tears of joy. Ipinapangako ko na kung papaiyakin man kita ay tears of joy lang iyon. Others see her a strong person but for me, you're too fragile.