webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · Urbano
Classificações insuficientes
47 Chs

The New Adventure

Makalipas ang isang linggo, nandito na kami sa adventure na sinasabi ni Tonton. Dinala niya ako sa Bonista Beach Resort dala-dala 'yong board for surfing.

Napakamot nga ako sa batok ko no'n nang makita ang boards kasi saan niya gagamitin 'yon, e, hindi naman malalaki ang alon ng dagat sa city namin. Ang sagot niya lang no'n ay maghintay daw ako kasi malalaman ko rin naman pagkarating sa pupuntahan namin.

Kaya nang makitang low tide ang dagat, mas lalo akong nagtaka. Anong kalokohan 'to, Tonton Lizares?

Sabay kaming bumaba sa kotse niya. Agad din naman niyang inatupag ang pagkuha ng surfboards at iilang gamit habang ako ay nakatingin lang sa low tide na low tide na dagat.

Kung doon siya mag-s-surfing sa may malalim na part ng dagat, imposible rin kasi hindi naman malalaki ang alon doon. Kalmado pa nga yata ang dagat sa tantiya ko.

"Tonton, bro, welcome!"

Napalingon ako sa bandang likuran ko nang may marinig na binati si Tonton. May isang lalaking balbas sarado ang bumati sa kaniya. Wala siyang damit pang-itaas pero naka-board shorts siya. Tadtad ng iba't-ibang tattoos ang katawan at braso niya. Nakipag-bro hug siya kay Tonton na malugod namang tinanggap no'ng huli.

"Mabuti nakapunta ka."

"Oo nga, e. Si Zetty nga pala, Sonette."

Itinuro ako ni Tonton kaya malawak akong ngumiti nang humarap na 'yong lalaking iyon sa akin.

"Girlfriend mo?" tanong niya nang i-abot ang kamay ko for shakehands.

Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi, ah. Kaibigan niya lang ako," agad na pagtanggi ko sa sinabi niya.

"Yeah, hindi. Pinsan siya ni Nicho at siya 'yong sinasabi kong gustong matuto ng skimboarding."

"Pinsan ni Nicho?" namanghang tanong niya sa sinabi ni Tonton. "Nicho Vaflor?" Tumango ako sa naging tanong naman niya sa akin. "Nice! Ikaw pala si Zetty Saratobias?"

"Tumpak!" malawak na ngiting sabi ko sa kaniya at dahil sa tuwa, nakipag-manly high five ulit ako sa kaniya. Gusto ko 'tong lalaking ito, mukhang makakasundo ko ito.

"Nakilala rin kita. Dati naririnig ko lang pangalan mo. Sonette nga pala. Arfien ka 'di ba?"

"Proud to be," mayabang pa na sabi ko. "Nice to meet you, Sonette."

Maipagyayabang naman kasi kapag belong kapag nasa Arfien ka. LCC lang sakalam!

"Gusto mo raw matutong mag-skimboard?"

"Oo? Ano nga pala 'yong skimboarding?"

Mahinang natawa si Sonette nang nakatingin kay Tonton kaya napatingin din tuloy ako kay Tonton na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin.

"Turuan mo na lang, Sonette."

Mas lalong natawa si Sonette dahil sa parang naiinis na sabi ni Tonton matapos siyang tingnan nito.

"You're in good hands, Zetty, don't worry."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Sonette kahit wala naman akong maintindihan. Nagtanong ako kung ano 'yong skimboarding tapos ganoon ang isasagot sa akin? High ba siya?

Matapos 'yon ay ipinakilala rin ako ni Sonette sa iba pa nilang kasamahan na nandito. Mix of babae and lalaki ang nandito pero mas marami ang population ng mga lalaki. Pito lang naman silang nandito tapos dumagdag kami ni Tonton kaya siyam na kami. Lahat sila ay naka-board shorts at walang damit pang-itaas. 'Yong mga babaeng kasama nila ay naka-swimsuit at parang mga girlfriend lang naman no'ng ibang lalaking nandito.

In-explain din naman sa akin nina Sonette kung ano 'yong skimboarding. Mayroon pa nga'ng nag-sample. Napapalakpak ako dahil sa galing nilang mag-skimboarding. Hindi siya 'yong tipong pareho no'ng surfboarding na sasagupain talaga ang malalaking alon.

Ang skimboarding daw ay isang type ng boardsport na ginagamitan ng skimboard o 'yong mas maliit na version ng surfboards. Ginagamit ang skimboard para i-glide sa water surface at salubungin ang maliit na alon ng dalampasigan, or more like that.

'Yong type ng skimboarding na ginagawa nila ngayon ay 'yong tinatawag na flatland skimboarding na sa flat surface lang ng beach ini-slide ang skimboard and ang tricks na ginagawa ay 'yong parang sa skateboarding lang. Slide, slide, and away, ganoon.

Ideal naman kasi talaga ang beach ng Bonista Beach Resort na gawing location ng skimboarding. Maganda ang beach front dahil sa flat surface nito lalo na kapag low tide. Now, I know, kung bakit kami nandito with boards kahit na low tide.

Maraming itinuro ang grupo nina Sonette sa akin. Dapat daw marunong kang mag-balance at control-in ang skimboard na sinasakyan mo. Madali siyang tingnan at nakaka-enjoy siya kaya mas lalo akong na-engganyong subukan ito. Kaya matapos ang explanation at iilang samples nila ay nagbihis agad ako ng rush guard at board short. Ayokong mag-swimsuit, hindi ako sanay do'n.

Sinuot ko ulit ang bandana para hindi na naman maging sagabal ang maliliit na hibla ng buhok ko.

Nang makabalik ako matapos kong magbihis, naabutan kong nagkakasiyahan silang lahat dahil may nag-s-skimboarding na rin sa may dagat at nagpapakita pa ng iilang tricks.

Whoa! Ebarg! Ang galing!

Napapalakpak ako nang biglang nagpakita ng tricks 'yong isang lalaki. Nag-glide siya tapos sa kalagitnaan ng pag-slide niya with the skimboard, bigla siyang nag-tumbling sa ere. Ang galing! He executed it well.

Everyone cheered for that guy. Napasabi na nga lang ako sa sarili ko na ang galing-galing niya.

"Psh. Mas magaling pa ako r'yan."

Napangisi ako sa narinig. Dahan-dahan akong lumingon sa katabi ko at mas pinakitaan pa siya ng isang nakakalokong ngiti.

"Talaga?" may panunuyang tanong ko pa.

Ngumisi lang siya sa akin kaya mas lalo akong natawa. Tinawag ko ang pansin no'ng lalaking nag-skimboard kanina. Tinanong ko siya kung sinong mas magaling sa kanila ni Tonton. Biglang naghiyawan ang lahat at china-chant na nila ngayon ang pangalan ni Tonton para siya naman ang magpakitang gilas. Siyempre, nakisabay ako. 'Yon naman talaga ang gusto kong mangyari, ang makita siyang gumawa ng tricks. Puro kasi kuwento kanina, it's time to show the real deal.

"Zettiana, talaga," bubulong-bulong pang sabi ni Tonton nang kunin niya ang skimboard sa tabi ko. Parang sinisisi ako kung bakit bigla siyang napasubo.

Tinawanan ko lang siya at mas inudyukan siyang ipakita sa amin ang tricks na alam niya or much better ay ganoong klase ring tricks para magka-alaman na kung sino ang magaling sa kanila.

Nakasuot ng dri-fit shirt na kulay itim at board shorts na may dominant color na orange si Tonton. Pero bigla niyang hinubad and shirt niya at pabatong ibinigay sa akin. Nataranta pa ako bigla dahil sa ginawa niya pero nasambot ko naman agad.

Wow, sana all mabango ang shirt.

Napa-whistle ang ibang lalaki nang ipangalandakan niya ang katawan niya sa lahat. Matangkad si Tonton at medyo malaki rin ang katawan niya, halatang nagji-gym. Proportionate naman ang tangkad niya at ang built ng katawan niya. Parang maraming time si Lord no'ng ginawa siya, ganoon.

Nag-cheer ang lahat ng pumuwesto na si Tonton para sa gagawin niya. Humigpit ang hawak ko sa shirt niya nang bigla akong dalawin ng kaba. Matangkad siya at kung susundin niya ang ginawang tricks no'ng lalaki kanina, 'yong biglang nag-tumbling, I highly doubt na mabubuhat niya ang sariling bigat para lang ma-execute ang ganoong klaseng tricks.

Huminga akong malalalim at pinagmasdan ang pagbagsak niya ng skimboard sa tubig at ang pagtapak niya rito para mag-balanse at gumawa ng kung ano-anong tricks.

Medyo kumalma ang kinakabahan kong sistema nang makitang normal tricks lang naman ang ginawa niya. Nakipalakpak na rin ako nang tumalon siya palayo sa skimboard niya.

Pero akala ko tapos na. Bigla ba namang bumalik sa pinanggalingan sa pamamagitan ng pag-skim kaso sa sobrang bilis hindi agad naka-eksena ang kabang naramdaman ko kanina nang bigla siyang umikot sa ere. Parang nag-slow motion ang lahat hanggang sa bumalik siya sa skimboard niya at matagumpay niyang ginawa iyon.

Wow! Ebarg! Ang lakas ng tama ng apog!

Naghiyawan ang lahat pero nanatili akong tulala. Hindi pa rin ma-sink in ang ginawa niyang tricks kanina. Sa tangkad niyang iyon, nagawa niya talagang magpa-ikot-ikot sa ere? Walang hiya! Ang lakas ng apog!

Nakangisi siyang lumapit sa akin dala ang skimboard niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nasa harapan ko na siya at kinukuha na ang shirt niyang inihagis nga pala niya sa akin kanina.

"Ebarg! Ang galing. Paano mo nagawa 'yon? Turuan mo 'ko!"

"Tss. Delikado 'yon."

Napanguso na lang ako dahil sa sinagot niya. Hindi naman niya makikita kasi nagsusuot naman siya ng shirt ngayon.

"Ang galing pa rin, bro!"

Napalingon ako kay Sonette kasama ang iba pa nilang kasamahan. Sila siguro 'yong mga walang jowa na dala kasi 'yong may mga jowa, bigla na lang nawala, nagkakayaan daw na mag-swimming sa pool.

Pinuri nila si Tonton. Pinuri rin naman namin ni Tonton 'yong lalaking gumawa ng tricks kanina kasi kasama siya sa mga lumapit sa amin.

"Ano, Zetty, ready ka na ba?"

"Aba'y kanina pa!"

Agad akong tumayo nang sa wakas ay dumating na ang time para ako naman ang tuturuan sa skimboarding. Dahil dalawa ang skimboard na dala ni Tonton, he lend me the other one. It's just a plain white. Contrary to the design ng skimboard niya na may iba't-ibang tribal design.

Si Sonette ang unang nagturo sa akin ng basics. Eager naman akong matuto kaya nakinig talaga ako. Unti-unti akong natuto. Hanggang sa ipina-experience na talaga sa akin ang pagsakay sa skimboard.

Ang strategy kasi talaga no'n ay ihahagis mo ang skimboard tapos sasabayan mo iyon sa paggalaw hanggang sa makahanap ka ng tiyempo para masakyan ang skimboard. At kapag nakasakay ka na, balansehin mo lang ang sarili mo hanggang sa tumigil ang board. Parang skateboard lang talaga.

Easy, kung tutuusin, kasi parang skateboard lang. Ang kaso, hindi ko forte ang skateboarding. May skateboard dati si Nicho noong mga bata pa kami pero isang beses ko lang nasakyan, umayaw na ako. Sumemplang kasi ako no'ng sinubukan ko.

"Hahawakan na muna natin ang kamay mo, Zet, para maka-balanse ka," sabi pa ni Sonette.

Game naman ako sa sinabi niya. Unang subok ay siya pa ang naghagis muna ng skimboard tapos nasa kabilang side ko siya, handang umalalay nang tumakbo na ako para makapatong na sa skimboard.

Nang makuha ang tiyempo, agad akong tumalon para makapatong sa skimboard tapos ay hinawakan ang dalawang kamay ni Sonette para ma-guide niya ako. Mahina lang naman ang galaw ng skimboard kasi nga may nakaagapay sa akin pero tuwang-tuwa pa rin ako na naka-balanse ako kahit papaano.

I'm slowly getting the math of this boardsport. I'm slowly getting its language.

Naka-tatlong subok kami na hinahawakan ni Sonette ang kamay ko para maka-balanse ako. So far, so good. Kaya sa pang-apat na try, naglakas-loob na akong sabihin na gusto kong subukan mag-isa.

Suportado naman nila ang gusto ko at mas inudyukan pa nga ako na gawin iyon since sinasabi ko talaga na kayang-kaya ko. Sinabi pa nga ng iba na I'm a fast learner daw. Aba's siyempre, Zettiana Saratobias na 'yan, e.

Hawak-hawak ko ang skimboard, naghihintay ng tamang tantiya kung kailan ko maihahagis itong hawak ko. Ang sabi kasi nila kanina na dapat ding naka-timing ka sa alon ng dagat. Parang surfboard lang, ganoon.

Huminga akong malalim at nang makakita ng right timing, gl-in-ide ko ang skimboard. Pagka-glide niya, agad akong sumampa. Pero dahil sa excitement yata, hindi ko alam na masiyadong maaga ang pagsampa ko kaya biglang umurong ang skimboard dahilan para ako'y biglang napatigil at hindi agad na-balanse ang sarili na para matumba paharap. Nangudngod ang mukha ko sa buhangin.

Semplang ka, Zettiana.

Agad kong sinapo ang bibig ko nang marinig ko ang sigaw ng pag-aalala nila. Naramdaman ko nga rin agad ang presensiya ni Tonton.

"Okay ka lang, Zettiana?" natatarantang tanong niya.

Ini-angat ko ang sarili ko para makaupo. Sapo-sapo ko pa rin ang bandang bibig ko, pinipigilan pa rin ang sarili. Nagtama ang tingin naming dalawa at doon ko nakitang nag-alala siya sa nangyari sa akin. Pero naging trigger 'yon para mas matawa sa nangyari sa akin.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko at sumigaw ng "Gusto ko pa!"

Agad akong tumayo para kunin ang skimboard ko. Nag-alala rin naman ang iba pero nang makitang nakangiti na ako at hindi na ginawang big deal ang nangyari sa akin kanina, agad din naman silang nagtawanan at nag-cheer pa sa akin.

Tinapik ko ang balikat ni Tonton at patakbong pinuntahan ang starting point. Nakipag-apir na rin sa iba nang madaanan ko. Si Sonette naman ay tawa lang nang tawa.

Sumubok ulit ako. Pero semplang. Hindi ko pa rin kayang balansehin ang sarili ko. Pero go pa rin, sige pa rin. Kailangan ng practice kung gusto mong matuto sa isang bagay.

Maka-ilang beses akong nagpaulit-ulit at patient enough ang team ni Sonette para i-guide at alalayan ako sa bawat semplang at pagkakamali ng stance ko.

Hanggang sa na-balanse ko sa wakas ang sarili ko at nagawa ko ng maayos ang pag-s-skimboarding. Akala ko isang beses lang mangyayari iyon pero no'ng inulit-ulit ko, nagtuloy-tuloy na ang pag-execute ko ng tama.

Tuwang-tuwa ako no'n. Sobrang laki ng pasasalamat ko kina Sonette no'ng sa wakas ay nagawa ko ng tama ang skimboarding. Para bang board exam na sobrang laki ng achievement.

Matapos ang matiyaga nilang paghihintay kung kailan ako matututo ay nagkakayaan na maligo na sa wakas. Pero hindi sa pool kundi sa dagat mismo. At dahil low tide pa rin, naglakad pa kami ng ilang metro para marating ang malalim na parte ng dagat.

Masaya naman silang kasama. Isa pala silang organization. Once in a while na nagkikita-kita para lang mag-skimboarding. Aside din sa skimboarding, marunong din silang mag-surfing. Nakarating na rin sila sa iba't-ibang panig ng Pilipinas para lang um-attend ng mga competition involving surfing at skimboarding. 'Yong iba kasi sa kanila, talagang sumasali sa mga competition. 'Yong iba naman, for fun lang talaga, katulad ni Tonton.

Matapos makipagsabayan sa kakulitan nila sa pagligo sa dagat, naisipan kong umupo muna sa malapit na bato at tanawin ang malawak na dagat. Sinamahan na rin ako ni Tonton na mukhang napagod na rin kakalangoy.

"'Di ko alam na puwede pa lang mag-skimboarding sa beach front ng Bonista," pagbasag ko sa katahimikan, nakatingin pa rin sa malawak na dagat.

"Ilang taon pa lang naman mula no'ng magsimula 'yan dito. Wala naman kasing may nagka-interes sa skimboarding until Sonette came and built this organization. Dati nagtuturo lang 'yan pero ngayon, nakakasama na niya sa pagtuturo ang mga taong tinulungan lang niya rati."

Mahina akong natawa dahil sa kinuwento ni Tonton. "Founder pala 'tong si Sonette, e."

Muli kaming natahimik. Ang namumutawing ingay lang ay ang tawanan ng iba, hampas ng alon sa aking katawan, at ang mahinang ihip ng hangin.

Ang sarap talaga ng pakiramdam ko kapag nakababad ako sa dagat. Para bang ang kalmado ng lahat kapag inilulublob ko ang sarili sa dagat. Lalo na kapag malakas ang alon at naririnig ko ang bawat paghampas nito sa dalampasigan. Minsan nga napapa-isip ako, is there any chance na umabot sa langit ang alon? Kasi you know, the sea and the sky are like identical twins. Kung anong kulay ng langit, ganoon din ang kulay ng dagat. Para bang nananalamin sila sa isa't-isa. Noong bata nga ako, akala ko noon na extension ng dagat ang sky. Pareho kasi sila ng kulay, umaga man o gabi. O, 'di ba, anong klaseng pag-iisip 'yan? Am I making any sense here?

"Nagustuhan mo ba?"

Napatigil ako sa pagtingin sa line kung saan nag-meet ang langit at ang dagat. Napatingin ako kay Tonton, napangiti sa naging tanong niya.

"Ang skimboarding? Oo naman. Sobrang saya kaya. All my life kasi, basketball lang ang kaya kong laruin. Hindi ko alam na puwede ko pa lang subukan ang ibang sports."

"Anong gusto mong subukan next week?"

"Puwede ito pa rin? Gusto kong i-master 'to."

"Puwede sana kaso hindi na sila magkikita-kita next week. Bukod sa high tide, once a month lang talaga sila nagkikita-kita. Next month na ulit 'yong susunod."

Napa-iwas ako ng tingin kay Tonton, medyo nanghinayang sa sinabi niya.

"Edi, tayo na lang!" muli akong lumingon sa kaniya. "Balik tayo rito kung kailan low tide at saka free time natin. Tayong dalawa 'yong mag-praktis."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at muling sinalubong ang malamig na simoy ng hangin. Ilang segundo matapos kong sabihin iyon ay hindi pa rin nakasagot si Tonton sa sinabi ko kaya lumingon ako sa kaniya pabalik.

"Ah- eh- ano, sige- sige."

"Ano bang gagawin natin next week?"

"Hindi ko pa alam. Next week mo na lang alamin."

"Okay. Mas maganda 'yong hindi ko alam. Mas lalong nakaka-excite."

Muli akong lumangoy at iniwan si Tonton para lapitan ang iba pa. Mukha silang nag-uusap-usap kaya nakisali ako.

Ang pinag-uusapan lang pala nila ay ang tungkol sa isang surfing competition daw sa Siargao yata 'yon for next year's summer. Hindi ako masiyadong maka-relate pero nakikinig naman ako. Patango-tango na nga lang ako para masabihang may naintindihan talaga.

Nang unti-unting lumalim ang parte ng dagat na kinalulugaran namin, nagkayayaan na umahon na. At dahil hapon na, nagkayayaan na rin na magsi-uwian na.

Naligo muna ako bago nagbihis. Sa sobrang tagal ko yata sa banyo, pagkalabas ko ay kotse na lang ni Tonton ang nakita kong naka-park sa parking area ng resort. Tapos na rin siyang magbihis nang makalapit ako sa kaniya. Iginala ko ang tingin sa paligid pero mukhang tahimik na at wala ng tao.

"Umuwi na sila?"

"Oo. 'Yong iba kasi malayo pa ang uuwian, sa kabilang city pa."

Napa-ah na lang ako. Mukhang narinig ko nga'ng napag-usapan din ang tungkol doon.

Isa-isa rin namang isinakay ni Tonton ang skimboards na ginamit namin kanina sa kaha ng pick-up niya. Ipinasok ko na rin sa back seat ang back pack ko na may laman no'ng basang mga damit na pinaghubaran ko.

Mas nauna akong sumakay sa kotse. Tiningnan ko ang sarili kong mukha sa rear view mirror ng kotse. Mas lalo akong umitim at halata na rin ang pamumula ng mukha ko.

Saktong pumasok si Tonton sa driver's side pero hindi ko pa rin nilulubayan ang salamin.

"Ang hapdi ng mukha ko. Pero ang saya," sabi ko na lang.

Natawa lang si Tonton pero hindi na sumagot pa. Nag-drive na lang siya sa kotse. At siguro dahil sa pagod, pareho kaming natahimik na dalawa hanggang sa ihatid niya ako sa bahay.

Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya sa araw na ito kaya malawak ang naging ngiti ko nang magpaalam na ako sa kaniya.

Pagkarating sa bahay, dumiretso ako ng kuwarto matapos batiin sina Lola at Tita Crestine. Gusto ko lang ipahinga muna ang hapdi ng mukha ko. Expose na expose sa araw kanina, e.

Pero imbes na matulog, hindi ko alam ba't kinalikot ko ang cell phone ko. Isinalampak ko ang earphones para hindi makarinig ng ingay mula sa labas. Nag-online ako at isa-isang in-accept ang friend requests ng accounts ng mga pamilyar na mukha kanina. In-add na rin nila ako sa group chat nila. Nakakatuwa lang.

Pati 'yong pictures kanina, na-upload na rin at 'yong iba ay naka-tag pa sa akin. Ang ganda ng kuha pero mayroon talaga roon na na-capture ang epic kong mukha, seconds before akong mangudngod sa buhangin. Natawa na lang ako sa sariling kagagahan.

Mayroon ding group picture kung saan naka-tag kaming lahat na nandoon. Isa-isa kong ch-in-eck ang accounts ng tagged people. Familiar 'yong iba kasi kaka-friend request lang sa akin. Nandoon din naman ang pangalan ko. Kay Tonton, nandito rin. Pero imbes na Tonton Lizares ang nakalagay, Newton Lizares ang nabasa ko.

Cl-in-ick ko ang account na iyon to check it further. Matapos ma-direct sa account na iyon, agad kong ch-in-eck ang profile picture.

Oh? Si Tonton nga. Pamilyar sa akin 'yong profile picture niya. Ito 'yong shot ko sa kaniya no'ng nasa tuktok na siya ng malaking krus ng Mt. Lunay. Nakangiti siyang nakatingin sa camera.

Account niya pala 'to? Newton pala ang pangalan niya?

In-exit ko ang pagtingin sa profile picture. Ini-stalk ko ng very, very light lang naman ang account niya. Ch-in-eck ko muna ang status ng friendship namin sa Facebook bago ako nagpatuloy sa pag-stalk kasi friends naman kami sa account na ito pero bakit hindi ko makita ang account niyang nag-appear sa news feed ko.

Pagkakita ko, doon tumumbad sa akin na hindi pala ako naka-follow sa account niya. Walang hiya! Kaya pala hindi ko makita ang posts niya. Friends nga kami pero naka-unfollow pala ako sa kaniya!

Ch-in-ange ko na lang ang status no'n. Ginawa kong follow para follower na niya ako.

Nag-post siya ng isang group picture from kanina nang hindi kami naka-tag. Ilang minutes pa lang ang nagdaan, ang dami ng likes. Tapos ang sunod niyang status ay 'yong malaking krus ng Mt. Lunay. Wala siyang shared posts ng kung ano-anong posts. Wala rin siyang status na p-in-ost. Ang tanging laman ng timeline niya ay ang mga uploaded photos niya, 'yong siya mismo ang nag-upload. Lahat 'yon sobrang ganda na aakalain mong kinuha niya lang sa Pinterest ang pictures na iyon.

Ch-in-eck ko na rin 'yong album ng profile pictures niya. 'Yong current profile picture niya ay uploaded a week ago. 'Yong previos profile picture niya was uploaded a year ago. Ebarg! Isang taon bago naka-change ng profile picture? Ebarg?

Nang magsawa kakatingin sa mga magaganda niyang kuha, um-exit na lang ako sa account niya at nag-random scrolling na lang. Nakakairita kasi. Oo na, magaling na siyang kumuha ng litrato. Hindi na puwedeng ipangalandakan pa.

Sa kaka-scroll ko, bigla siyang nag-text.

Tonton Lizares: Send your email account. I'll send there your photos from last week and today.

Napa-ismid ako sa naging text niya. Noong isang araw ko pa siyang kinukulit no'ng pictures ko from Mt. Lunay. Mabuti naman at naisipan niyang bigyan na ako ng kopya ngayon nang may ma-i-upload na ako sa Instagram account ko.

Ini-reply ko ang email account ko sa kaniya pero hindi na naghintay kung kailang dadating iyong pictures. Nag-offline na lang ako at tuluyang natulog.

~