webnovel

Chapter 3: New Style

Sol's POV

Ayan na... nadadama ko na malapit na si Calix sa pwesto ko! Wala na akong ibang choice!

Nagtago na lamang ako sa ilalam ng malaking table kung saan ko nilapag ang binili kong Eggs Benedict, at mabuti na lang ay may mahabang tela na magtatakip sa akin!

At sakto, pagdating ni Calix sa living room...

"What's this?" saad ni Calix pagkakita niya sa paperbag, "Hi Calix... bla bla bla!" dagdag niya pagkabasa niya sa sticky note at binuksan ang laman ng paperbag, "Uy! Eggs Benedict! Dumating na siguro Demi! Pero nasaan siya?"

Medyo nakikita ko ang mga pangyayari sa labas dahil see-through ang paningin ko habang nasa ilalim ng table dahil sa tela, at narinig ko na pasubo na si Calix sa Eggs Benedict na binigay ko sa kanya.

Door squeaking!

"Calix! Nandito na ko and dala ko na ang favorite breakfast mo!" saad ni Demi na kakapasok lang sa unit at tuwang tuwa pa siyang pinapakita ang paper bag.

"Huh? Anong dala? Eh ano 'to?" tanong ni Calix at bigla siyang nagtaka, "Hindi ba ikaw nagdala nitong Eggs Benedict na kakainin ko na dapat?"

"No! Kararating ko lang sa unit mo." sagot ni Demi.

"Eh sino nagbigay nito? May sticky note pa na nakalagay?" tanong ni Calix.

"Patingin!" saad ni Demi at lumapit siya sa kinatatayuan ni Calix, "Hi Calix, chu chu chu! Aaaaahh!" dagdag niya at bigla pa siyang tumili at binigay kay Calix ang sticky note, "Calix! May secret admirer ka na!"

"No! More like stalker! How the hell did this food get here? I won't eat this! Mamaya may gayuma pa 'to or any poisonous thing na nilagay dito!" saad ni Calix, "Good thing na sakto lang ang dating mo, Demi! Tsaka ako lang ang nandito sa loob ng unit ko. It means that someone barged in and placed this food here! Hindi safe talaga dito, Demi!"

"So who do you think placed this food on your table? Itatapon ko na 'to ah? I can't let you eat this one for your safety." saad ni Demi at nalungkot ako dahil ang pagkain na iyon sana ay para kay Calix.

"Yeah! Throw it! Burn it! Dispose it anyway you like!" saad ni Calix, "And I think I know who brought that trash here inside my unit!"

"Sino, Calix?" tanong ni Demi habang tinatapon niya na ang binili kong pagkain para kay Calix.

"Sino pa? Edi 'yang Sol na 'yan! Siya lang naman nakakaalam ng passcode ng pinto ko bukod sayo! Siya ang nagdala ng food na 'yan dito! And how did he knew that I wanted Eggs Benedict? For sure meron na talagang hidden mic or camera dito! I just have to find out kung saan niya tinatago!" saad ni Calix habang kinakain niya na ang Eggs Benedict na dala ni Demi.

"I doubt it would be Sol, Calix. Let's say na meron ditong hidden mic or camera mo sa unit, but I think Sol wouldn't even buy you a food! Ni-hindi nga kayo magkasundo eh! Bakit ka niya bibigyan ng food?" saad ni Demi.

"Demi, hindi 'yan bigay ni Sol as a gift! He gave it to me so that he can harm or kill me! May poison sa binigay niya sa akin!" saad ni Calix.

At kung alam lang ni Calix na wala akong balak ipahamak siya o kung ano pa man. Ang gusto ko lamang ay alagaan siya, dahil sapat na ang isang beses na ginawan ko siya ng kasalanan sa buong buhay ko—Iyon ang igapos ko siya sa kama at kinulong sa kwarto ko, at kailanman ay hindi ko na uulitin iyon.

"Wait for me, Demi, kakausapin ko lang 'yang Sol na 'yan!" saad ni Calix at lalabas na sana siya.

"No! I know what you're thinking, Calix! Ako na ang makikipag-usap kay Sol to straight things out! Mamaya kung ano pa gawin mo! Unstable pa naman 'yang utak mo!" saad ni Demi at lumabas siya ng unit ngunit naiwan na lamang si Calix.

"Kaasar na Sol 'yan! Balak pa ata akong lasunin! Humanda sa akin 'yan! Gigilitan ko sa leeg 'yan!" naiinis na saad ni Calix, "There's a hidden mic somewhere here in this unit and I think nakadikit 'yan sa mga lugar na hindi mahahalata! Maybe... it's on the side of my sofa?" dagdag niya pa at siniyasat niya ang kanyang sofa.

Ngunit, wala siyang makita pagkatapos niya itong iusog.

"Hmmm? What are the chances? I think I know now! Maybe it's underneath the table!" saad ni Calix at biglang nanlaki na naman ang mga mata ko!

Naglakad na si Calix palapit muli sa table kung saan ako nagtatago at payuko na siya upang tingnan kung may nakadikit na mic sa ilalim ng table!

At nang akmang itataas niya na ang tela ng table at dahan-dahan niya na itong hinahawakan...

"Wala si Sol, Calix. Nandoon 'yung manager niya na si Georgette and kahit siya hindi niya rin alam kung nasaan daw si Sol. Anyway, ang ganda talaga ni Georgette, do you think that she's still single?" saad ni Demi.

"For sure pinagtatakpan lang siya ng manager niya! Banas din ako sa Georgette na 'yan eh! Kung magkakagusto ka lang sa isang babae, please sa iba na lang, Demi!" naiinis na saad ni Calix.

"You can't stop me, Calix! But anyway, I don't think na si Sol ang may gawa nito. Georgette even said that Sol doesn't give free food. And mapagbigay lang siya sa mga kaibigan niya. You and Sol aren't friends, therefore hindi siya ang nagbigay sayo ng Eggs Benedict." saad ni Demi.

"Then who did? There's only one way to find out! I want you to go over the security room and check the CCTV footage. Mahirap na if someone aside from you and Sol knows my password. Iibahin ko na nga rin ang passcode ng pinto ko! 'Yung mahirap-hirap na!" saad ni Calix.

Shoot! Nakalimutan ko ang CCTV! Kailangan maunahan ko rin si Demi bago niya pa makita ang footage na ako ang pumasok sa unit ni Calix!

"Sige, I'll talk to the security and the utility para i-check kung sino ang pumapasok sa unit mo. My gosh! I thought na very safe and secure dito! Gusto mo ba humanap ako ng ibang condo unit na lang?" tanong ni Demi.

"Yes! 'Yung malapit naman sa bar! Super boring dito! Wala akong magawa rito!" naiinis na sinabi ni Calix.

"Sige, I'll try to check for a better condo that will suit your taste and with a higher security. I guess I can't let you live alone here dahil may nakakapasok sa unit mo. Ang hirap naman kasi mag-alaga ng super famous na artist gaya mo!" sagot ni Demi.

"Well, I'm the 'Calix' so dapat sanay ka na." saad ni Calix.

"Oo nga pala, Calix, you have an interview for a talkshow later pero mamayang gabi pa naman 'yun. For now, magpahinga ka lang and don't go out and don' t do something stupid! Okay?" saad ni Demi.

"Yeah yeah! Wala rin naman mapupuntahan dito." sagot ni Calix.

"Aalis na muna ako, Calix. I have some important things to do. Later babalik ako dito para sunduin ka and dapat naka prepare ka na by 6:30 p.m." saad ni Demi.

"Sige na, I have to write a song. Thanks for the food, Demi." saad ni Calix.

"Welcome! Bibili ako ng groceries mo na rin and I'll drop it off later. Bye!" saad ni Demi at umalis na siya pagtapos.

"What would I do if Demi isn't here? Good thing that my manager is also my bestfriend. But, sino kaya 'yung nagbigay ng food sa akin? Though, the message on the sticky note sounds so friendly." saad ni Calix habang nakatayo lang siya.

Ilang saglit lamang ay biglang bumukas ang pinto at may isang lalake ang nakatayo, nakasuot ng magarang tuxedo, at mga alahas na mamahalin.

"Calix!" saad niya at tila siya ay galit.

"Dad? What are you doing here!" gulat na sinabi ni Calix, at ito pala ang dad niya. Isa siyang sikat na artista dati sa pagkakatanda ko. Siguro, kaya siya nawala bigla sa kasikatan dahil nalulong siya sa pagsusugal.

"You know already why I'm here? Give me money! Now!" galit na sinabi ng dad ni Calix.

"I'm not your money factory or money making machine, Dad! Tsaka I've given you already a large amount of money last week! Saan mo dinala? Sa pagsusugal na naman? I told you to stop it!" sagot ni Calix.

"Wag ka na makipagtalo! Ako ang tatay mo kaya sundin mo na lang ako! Kung hindi dahil sa akin, hindi ka sisikat at magkakaroon ng pangalan!" saad ng dad ni Calix.

"I'm grateful for that, Dad, but no, I won't give you anymore money if para lang sa gambling needs mo!" saad ni Calix, "You may get out now, Dad, wala na tayong pag-uusapan since you can't change my mind."

"Kaya ka ba umalis sa pamamahay ko para makapagsarili ka? Para magawa mo ang gusto mo? Para hindi na kita mahingan ng pera?" tanong ng dad ni Calix.

"Yes! I'm tired!" sagot ni Calix.

"Walang hiya ka! Wala kang utang na loob!" sigaw ng Dad ni Calix at bigla niyang nilapitan ito sinakal ng isang kamay!

"Dad! I- I can't breathe!" naghihingalong saad ni Calix.

"Bibigyan mo ako ng pera o papatayin kita, Calix? Tandaan mo, ako ang nagbigay ng buhay sayo dito sa mundo, at kaya ko rin itong bawiin!" saad ng Dad ni Calix.

At dahil hindi ko magawang makita na sinasaktan si Calix, lalabas na sana ako sa table para pigilan ang Dad niya nang biglang nagsalita si Calix.

"Yes... I'll... give you... money..." saad ni Calix at doon na siya binitawan ng Dad niya at halos maubo siya.

"Ha! Gusto mo pa na sinasakal ka para lang magpalabas ng pera! Ten million ang gusto ko." saad ng Dad niya at pakiramdam ko ay gusto kong ibato itong malaking table sa taong 'to.

"Ten million? Ang laki naman!" sagot ni Calix.

"Wag ka na magtanong! Akin na ang cheque! Bilis! Nagmamadali ako!" saad ng Dad ni Calix.

Nakatayo lamang si Calix at tila hindi gumagalaw.

"Nasaan na! Wag kang umiyak! Naririndi ako sa pagiyak mo! Kalalaki mong tao at tumanda ka na iyakin ka pa rin!" saad ng Dad ni Calix.

Hindi ko kaya 'to! Hindi ko kayang makita na pinapahirapan si Calix at marinig na umiiyak siya!

Bubuhatin ko na sana ang table para ibato sa walang hiyang nilalang na ito nang biglang nagsalita muli si Calix.

"Here's the money, Dad. Just... get out of here." saad ni Calix.

"Pahirapan pa ang pagkuha ng pera! Mas mabuti pa noong bata bata ka pa! Dati madali lang kumuha ng pera sayo! Ngayon akala mo kung sino ka ng mapagmataas! Tatay mo ako kaya dapat hindi ka nagdadamot sa akin! Makaalis na nga! Wala kang utang na loob sa akin!" saad ni Dad ni Calix at lumabas na siya ng unit.

At pagkaalis ng walang hiyang tao na ito na sa unit, napaupo na lang si Calix sa sofa, nakatulala at lumuluha.

Gusto ko sana siyang lapitan at damayan ngunit hindi ko magagawa. Dahil kapag siguro lumabas pa ako dito, lalo ko lamang dadagdagan ang stress niya.

Ilang saglit lamang, umiyak na parang bata si Calix na labis na nagpakirot sa puso ko.

"Mom, I wish you were still alive. I don't know what to do with dad anymore. He can kill me just for the sake of money." saad ni Calix habang patuloy siyang lumuluha at napahiga na lamang siya sa kanyang sofa.

Ito siguro ang dahilan kaya sinabi niya na nakalaya na siya sa puder ng tatay niya. Ngayon, alam ko na kung bakit gusto niya mapag-isa.

At habang pinapanood ko siya na umiiyak, bigla niyang nilabas ang sticky note na binigay ko sa kanya at kinausap ito.

"Kung sino ka man na nagbigay sa akin ng food, sana hindi ka masamang tao. Tingin ko kung may masamang tao... ito ay si Dad at wala ng iba." saad ni Calix at pinunasan niya ang mga luha niya. Ilang saglit lang ay ngumiti siya at nagsalita muli, "Gusto ko naman ng cheesecake sa susunod, please?" dagdag niya pa habang hinahaplos ang sticky note at pumikit.

Cheesecake? Hmm...

Napailing na lamang ako sa hiling ni Calix, ngunit kung gusto niya ng cheesecake, bibilhan ko siya nito.

Hinintay ko na makatulog si Calix upang makalabas ako ng unit niya.

Pagkatapos ng 5 minuto, narinig ko na humihilik na si Calix kaya naman napagtanto ko na nakatulog na siya.

Doon na rin ako lumabas mula sa pagtatago sa ilalim ng table at tumayo sa harap niya upang pagmasdan siya.

Nakayakap siya sa katawan niya ngayon at tingin ko ay nilalamig siya dahil bukas ang aircon at nakasando and boxers lang si Calix.

Kaya naman kumuha ako ng kumot mula sa kwarto niya at marahan ko itong ipinatong sa katawan niya.

Pagkatapos ay hinaplos ko nang marahan ang malabot at makintab niyang buhok, gaya ng buhok  niya dati bilang si Luna.

"Wag ka na malungkot, Calix, nandito na ako." bulong ko at nakita ko ang pagngiti ni Calix na tipong makikita mo na gumaan na ang loob niya kahit natutulog siya.

Habang hawak at hinahaplos ko si Calix, nababasa ko rin ang kanyang isipan at nakikita ko na nananaginip na siya ngayon.

Kumakain siya ng maraming cheesecake at tuwang-tuwa siya sa panaginip niya.

"Sige, Calix, bibilhan kita ng cheesecake. Hintayin mo." saad ko at doon na ako tuluyang lumabas sa unit niya upang bumili ng inaasam niya na cheesecake.

...

...

...

Pagtapos ko makabili ng cheesecake, nilapag ko ito sa tapat ng pinto ng unit ni Calix at kumatok ako nang malakas para magising siya.

"Sandali! Ito na!" sigaw ni Calix na narinig ko mula sa loob ng unit niya at mukhang gising na din pala siya.

Kaya naman agad akong pumasok sa unit ko upang hindi ako makita ni Calix, at pinakinggan ko ang mga susunod na pangyayari.

"Wala naman tao pero may kumatok?" saad ni Calix, "Uy? Ano 'to?" dagdag niya, "Your wish is my command. Ito na po ang cheesecake na gusto mo, Mr. Calix. Wala itong lason at malaya mo itong makakain... Teka! Hindi ko alam kung maaamaze ako o matatakot! How did that person knew? Anyway... Thank you kung sino ka man! Sobrang thank you! Hindi mo alam na napagaan mo ang loob ko ng sobra." natutuwang saad ni Calix at mukhang masaya siya sa cheesecake na binigay ko.

Bagamat hindi niya alam na ako ang nagbigay noon, pero masaya pa rin ako na natuwa siya.

"Hoy! Bakit may pangiti-ngiti ka pa dyan, Sol? Kanina pa kita hinihintay! Saan ka nanggaling? Ha?" sigaw ni Georgette sa akin at bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko.

"Lumabas lang ako saglit para magpahangin at mangalap ng mga ideas sa pagsusulat." sagot ko kay Georgette.

"Kanina hinahanap ka ng manager ni Calix, si Demi ba 'yun? 'Yung parang boyish manamit since laging naka coat and tie pero maganda and mukhang princess ang face?" saad ni Georgette.

"Ah, oo, nakausap ko si Demi kahapon noong naglilipat sila ng gamit. Bakit? Anong meron sa kanya? Bakit ako hinahanap daw?" tanong ko kahit alam ko ang buong pangyayari.

"Sabi niya lang kung ikaw daw ba 'yung nagbigay ng Eggs Benedict kay Calix. Sabi ko with a very high pitched tone na 'No!' at wala kang balak ever. Ako na ang sumagot para sayo since I know for a fact na hindi mo naman gagawin 'yun, right, Sol?" tanong ni Georgette.

Ngunit, naririnig ko si Calix na masayang kumakain ng Cheesecake at mas natutuon ang pansin ko sa kanya.

"Yummm! Sarap! Isa talaga tong cheesecake sa mga comfort food ko! Paano mo ba nalalaman mga gusto kong pagkain? Sino ka ba talaga? Nararamdaman ko talaga na may mic dito sa unit ko eh. Kung may tinatago ka talagang mic dito, bukas, gusto ko ng pancakes! Tandaan mo ah? Pancakes for breakfast!" saad ni Calix habang masaya siyang kumakain.

"Okay, bibigyan kita ng pancakes bukas." saad ko sa sarili ko habang nakangiti ako.

"Ha? May kausap ka ba, Sol? Sinong bibigyan mo ng pancakes? Okay ka lang?" tanong ni Georgette habang winawasiwas niya ang kanang kamay niya sa harap ko kaya doon na rin ako natauhan.

"Oo, tara, mag grocery tayo, Georgette. Bibili lang ako ng pancake mix." saad ko.

"Huh? Naglilihi ka ba, Sol? Pancake? May paguusapan tayo about sa ongoing novel mo huy! Mamaya na kita sasamahan bumili ng pancake mix." saad ni Georgette.

"Tsk! Ano ba gusto mong pag-usapan pa natin about sa book na ginagawa ko?" tanong ko at gusto ko na matapos ang meeting namin para makabili na ako ng pancake mix at paghahandaan ko ang pancake na gagawin ko para kay Calix.

"Aba aba aba! Bakit mag pag 'Tsk' ka Sol? Ha? What's the meaning of this? What's happening? Ang Sol na kilala ko ay hindi nagmamadali at care-free lang! How come na parang may gusto kang gawin?" paghihinala ni Georgette at nakapamewang pa siya.

Napabuntong hininga na lang ako at sinabing, "Tara, ano gusto mong pag-usapan natin, Georgette? Hindi ako nagmamadali. Marami akong oras at hindi ako nagmamadali." sagot ko sa kanya at inakbayan ko na siya patungo sa living room.

At dahil akbay ko si Georgette, doon ko nabasa ang nasa isip niya.

"Something's fishy sa kinikilos ni Sol ha! He's hiding something! He doesn't even eat pancakes yet bibili siya? What more is that narinig ko na may pagbibigyan siya ng pancake bukas! Who's that person! I need to know kung sino ang nakabihag sa puso ng nag-iisang mailap na si Sol na walang ibang hilig kung hindi magsulat! I think it's time na mahanap na ni Sol ang the one for him! And I'll help him out para hindi siya puro work work work! At para naman makaranas siya ng love love love!" saad ni Georgette sa isipan niya at natawa na lamang ako.

"Bakit ka natawa bigla, Sol? Are you crazy?" tanong ni Georgette at bigla siyang humiwalay mula sa akbay ko sa kanya.

Hindi niya alam na kaya ko magbasa ng isipan ng isang tao, kaya iba ang sinagot ko sa kanya.

"Wala, may naalala lang ako na nakakatawa." saad ko.

"You know what, Sol, sige sasamahan kita bumili ng pancake mix sa grocery! Tara! Then let's talk while we are on our way." nakangiting saad ni Georgette sa akin.

"Bakit nagbago isip mo, Georgette?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Nothing! I think it's time for a change!" nakangiting sagot ni Georgette, "Let's go dali! Then we'll talk outside with regards to work concerns!"

At doon na kami lumabas ni Georgette sa condo at tumungo sa grocery para bumili ng pancake mix.

"Wala ka pang girlfriend ever since na nakilala kita ano, Sol?" biglang tanong sa akin ni Georgette.

"Akala ko ba work concerns ang pag-uusapan natin, Georgette? Bakit biglang tungkol sa girlfriend ang usapan?" tanong ko sa kanya.

"Work related concern 'tong tanong ko, Sol, wag ka nga! Anyway, wala pa no? Are you single? Kasi kahit manager mo ako, never ko nabalitaan na may girlfriend ka." tanong ni Georgette.

"Bakit mo tinatanong, Georgette? Siguro... may gusto ka sa akin no?" natatawa kong tanong.

"Ugh! Excuse me, Sol? Yes, I admit na you are so drop dead gorgeous and yummy, but sorry hindi ikaw ang type ko. So, enough about me and let's get back to you, para kanino ang pancake mix na ito, ha? You are hiding something from me, Sol!" saad ni Georgette habang nanliliit ang mga mata niya at nakatingin sa akin.

"It's for someone who's craving for pancakes, but hindi mo na kailangan tanungin. Para ito sa isang bata na makulit." sagot ko.

"My God! Don't tell me, Sol, na ang trip mo ay bata? You are a pedo?" nag-aalalang tanong ni Georgette.

"Hindi, basta, wag ka na maraming tanong, Georgette." saad ko.

"Malalaman ko rin kung sino 'yang pagbibigyan mo ng pancake! Nagsesecret ka na sa akin ha, Sol! Nagtatampo ako!" naiinis na saad ni Georgette.

"Hindi ko naman isisikreto sayo. Hindi ko lang pwede pang sabihin sa ngayon, pero sa susunod, ikukwento ko sayo." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Hmmp! Or baka may anak ka na at tinatago mo lang, Sol! O.M.G.! Isa ka ng daddy? Though bagay naman sayo since you look like one! Hihi!" natatawang saad ni Georgette.

"Mukha na ba akong 'Daddy'?" tanong ko kay Georgette dahil naaalala ko na tingin sa akin ni Calix ay isang 'tatay' at ayaw ko isipin niya na gano'n ako.

"Hot daddy to be exact!" natatawang sagot ni Georgette, "Eh kasi naman ang laki ng katawan mo, tapos 'yung pagiging balbas sarado mo nakakadagdag sa pagiging daddy look mo."

"Ganoon ba? Ano sa tingin mo ang mas maganda at mas magugustuhan?" tanong ko kay Georgette.

"I haven't seen you with a very clean look since the first time I saw you, hindi na nagbago itsura mo. You haven't shaved your beard though bagay naman siya. Why? Do you want to try a new look?" nakangiting tanong ni Georgette.

"Wala lang, naisip ko lang na ayusin ang sarili ko. Hindi naman masama di ba?" tanong ko.

"No hindi siya masama! Samahan kita! Ipapamake-over kita sa kakilala kong stylist! Then, when everybody sees you with your new and improved look, ay tiyak na mas maraming bibili ng libro mo!" sagot ni Georgette.

"Tingin mo, anong bagay na itsura para sa akin?" tanong ko muli.

"Ikaw ha! Nakakahalata na ako, Sol! May pinopormahan ka ba? All of a sudden bigla ka nagka-interest na mag change ng style! Tell me, who's this girl?" tanong ni Georgette habang kinikiliti niya ang tagiliran ko.

Napailing na lamang ako at hindi ko na sinabi sa kanya na para sa isang lalake ako nagpapagwapo at hindi sa isang babae.

"Basta, kailan mo ako sasamahan? Hindi kasi ako maalam sa mga ganyan, Georgette." tanong ko.

"Now na! Mamaya na tayo bumili ng pancake mix! Wait! Tatawagan ko 'yung friend kong stylist!" saad ni Georgette at tinawagan niya na ang kaibigan niya na mag-aayos ng itsura ko na mukha ng hot-daddy, "Besh! Free ka today? I have a new client for you! Si Sol! Ano G ka ba?"

Pinapanood ko lang si Georgette na makipag-usap sa phone at bigla niya nilagay sa loudspeaker.

"Si Sol? 'Yung minamanage mo na writer? Daliiii! Go! Punta na kayo! Binura ko na lahat ng appointments ko for today! Alam mo naman na crush na crush ko 'yan!" saad ng kaibigan ni Georgette na isang gay.

"Oh sige, wait mo kami ah? Byers!" saad ni Georgette at binaba niya na ang call, "Let's go, Sol, and we'll give you a total make-over! Sana makita ka ng pinopormahan mo after ng make-over mo! Hihi!"

"Wala naman akong pinopormahan, Georgette." natatawa kong sinabi.

"Deny deny pa! Tara na! Naalala ko na may interview ka later pala! So maganda 'tong chance for your make-over at makita ng lahat ang kagwapuhan mong taglay!" saad ni Georgette at hinila niya na ako papunta sa parking lot.

...

...

...

Pagdating naming dalawa sa venue kung nasaan ang stylist na kaibigan ni Georgette, agad akong pinagtinginan mg mga customers nila at biglang nilapitan.

"Uy! Si Sol!" saad ng isang babae, "Pa-autograph ako sa braso! Huhu!"

"Ako sa likod!" sigaw pa ng isang babae.

"Ako sa kili-kili! Hihi!" dagdag pa ng isang babae.

"Girls, kahit mga customer namin kayo, pumila kayo okay? Mahaba ang pila! Ugh!" saad ng isang lalake habang naglalakad patungo sa akin na akala mo isang model.

"Jimmy!" sigaw ni Georgette na may napakataas na tono na pakiramdam ko mabibingi ako.

"Georgette!" pasigaw na sinabi rin ng kaibigan niya at nagyakapan silang dalawa.

"Ngayon na lang ako nakadalaw! Alam mo naman super busy and sobrang daming important matters na kailangan puntahan. Wala eh, sikat ang minamamage ko kaya kailangan tutok ako." natatawang saad ni Georgette kay Jimmy na kaibigan niyang stylist.

"Hmmp! Nagtatampo na nga ako sayo! But now, hindi na! Dahil dala mo si Daddy Sol!" kinikilig na saad ni Jimmy at tiningnan niya ang suot ko, "Ang gwapo gwapo mo but hindi ko gusto ang style mo. Medyo makaluma and it's not neat. And your beard, we'll need to shave it para mas maaliwalas tingnan ang mukha mo. Okay?"

"Okay lang ba kung magtira ka ng kaunti? Hindi kasi ako sanay ng walang bigote." saad ko.

"We'll check kung ano ang babagayan nito. Then, I'll also give you a haircut! Hot and pogi ka na, but I'll make you more handsome than ever!" saad ni Jimmy at pinaupo niya na ako sa isang chair kaharap ng isang malaking salamin kung saan niya ako bibigyan ng make-over.

"Saktong sakto talaga 'to para sa interview mo mamaya, Sol, since i-aannounce mo ang new book mo kaya sakto na magkaroon ka ng make-over! Makikita nila kung gaano kagwapo si Sol! And we'll make sure na hahabulin ka ng taong pinopormahan mo!" saad ni Georgette habang nakangiti siya sa akin.

"May pinopormahan ka? Nako! Papapangitin kita, Sol! Nagseselos na ko!" pabirong sinabi ni Jimmy.

"Hoy! Jimmy! Tumigil ka nga! May sarili ka na ngang daddy tapos inaangkin mo pa si Sol! Give chance to others ka naman!" saad ni Georgette.

"Hay! Sige na nga! Bakit kasi hindi pa ikaw 'yung una kong nakilala, Sol, ako na sana ang baby mo! Bibigay ko lahat ng gusto mo! House and lot, car, motor, expensive shoes, gadgets, everything! Name it!" saad ni Jimmy habang sinisimulan niya nang gupitan ang buhok ko.

"Wag mo na nga i-temp 'yan si Sol! Pero, ako na lang, Jimmy! Bibigay mo sa akin lahat kapag ako 'yung nagustuhan mo?" natatawang tanong ni Georgette kay Jimmy.

"Ewe! I don't eat tahong! 'Yuck!" saad ni Jimmy at biglang napa eye-roll na tipong nasusuka pa siya.

"Grabe ka sa akin, Jimmy! Ingungudngod ko 'tong tahong ko sa mukha mo!" pang-aasar ni Georgette.

"Kadiri ka, Georgette! Maghunos-dili ka nga! Magfo-focus na nga lang ako sa pag papagwapo kay Daddy  Sol!" saad ni Jimmy at nagpatuloy na siya sa pag-gugupit sa akin habang si Georgette naman ay nanonood lang.

"Alam mo, curious na talaga ako, Sol, kasi never ka pumayag na magpamake-over. Dati niyaya kita kaso sabi mo na ayaw mo kasi waste of time. Pero ngayon pumayag ka ah? Tell me, who's that girl? Siya din ba 'yung bibigyan mo ng pancake?" tanong ni Georgette.

Nginitian ko na lang si Georgette at hindi ko na siya sinagot.

"Hindi mo talaga aaminin ano, Sol?" tanong ni Georgette.

"Hindi." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Sooner or later malalaman ko rin kung sino ang lucky girl na ito. Because if you are trying to improve yourself and may ginagawa ka for her, it means that she's very special. Am I right?" tanong ni Georgette.

"Hindi ko alam." sagot ko habang nakangisi ako at nakatingin sa reflection niya sa salamin na nasa harapan namin.

"As expected, mahirap kang paaminin, Sol. I mean napaka-mysterious mo pa rin talaga kahit matagal na kitang kilala. Ang hirap basahin ng utak mo, pero ang dali mo nababasa ang utak ko. I mean alam mo ang gusto at ayaw ko." saad ni Georgette.

"Iniintindi ko lang ang bawat sitwasyon, Georgette." sagot ko.

"Super swerte ng magiging girlfriend mo since napaka-understanding mo pa naman. I guess isang tanong mo pa lang sa kanya oo na agad sagot niya." saad ni Georgette.

Napabuntong hininga na lamang ako at sa isip ko... sana ganoon nga kadali. Na tipong isang beses lang eh tatanggapin na ni Calix ang lahat. But, alam ko hindi magiging madali ang lahat para sa aming dalawa.

"Anyway, Sol, ang sabi ng editor-in-chief ng publishing company na pinagtatrabahuhan mo, hinihintay niya ang updates sa manuscript na ginagawa mo." saad ni Georgette.

"Sinisimulan ko na. May mga bagay lang na sagabal pero I can manage it." nakangiti kong sagot.

"Nakakainis ka, Sol!" biglang saad ni Jimmy na patuloy na gumugupit sa buhok ko.

"Bakit naman, Jimmy? Naaasar ka ba sa akin? May hindi ba ako nasabing maganda?" tanong ko.

"Hindi! Ang sarap mo halikan! Asar! Ang ganda kasi ng lips mo! Very pinkish and kissable! Huhu!" mangiyak-ngiyak na sinabi ni Jimmy na may kasamang panghihinayang.

"Tumigil ka nga, Jimmy! Wag si Sol! He won't be available anymore! But sana, 'yung magiging girlfriend mo won't be very irritating for me! 'Yung tipong magkakasundo dapat kami! If she' s a monster, sinasabi ko sayo, Sol, wag na lang siya!" saad ni Georgette.

Kapag nalaman niya siguro na si Calix ang taong iyon, tiyak ko hindi niya magugustuhan ito.

Ilang saglit lamang ay pinalabas sa TV ang isang pre-recorded live performance ni Calix sa isang show.

"Nakita ko na naman si Calix! Kapag nakikita ko siya, naaalala ko talaga 'yang mabaho niyang ugali! Kumukulo dugo ko!" naiinis na saad ni Georgette.

"Kahit pangit ang ugali niya, at least super hot din niya no!" sagot ni Jimmy kay Georgette.

"Basta! Kahit hottie siya, still, I don't like him! Para siyang anak ng demonyo dahil sa ugali niya! Isa pa, sa dinami-dami ng condo na lilipatan niya, sa harap pa ng unit ni Sol? The nerve!" naiinis na saad ni Georgette habang napapa-eye roll na lamang siya.

"Hindi naman niya rin sinasadya. Tsaka, malay mo may dahilan kaya ganoon na lang ang pinapakitang ugali ni Calix sa lahat ng tao." sagot ko nang maalala ko kung paano itrato si Calix ng dad niya at hinihingan ng pera para sa pangsugal.

"Kahit na! If may pinagdadaanan siya personally, it doesn't mean na dapat pinapakita niya sa public 'yang isda niyang ugali! Kung ibang artist siguro ang nakasalamuha niya last time doon sa hall, malamang nireport na 'yan si Calix. Ikaw kasi ayaw mo pa siya ireport! Pinunit niya pa nga 'yung nga books mo sa harapan mo mismo! Doesn't that insult you? That's too much to be honest, Sol." saad ni Georgette.

"Intindihin na lang natin si Calix. May pinagdadaanan lang siya." nakangiti kong sagot.

"Ewan ko sayo, Sol! Kung makakampi ka kay Calix akala mo may ginawa siyang tama para sayo! Mamaya mabalitaan ko na baka si Calix pala 'yang pinopormahan mo... sinasabi ko sayo! I will disapprove it right away! Kahit pa I'm okay if you are into guys, anyone will do... wag lang si Calix! Utang na loob, Sol!" saad ni Georgette.

"Tingin mo ba magkakasundo kami ni Calix?" tanong ko.

"No! Hindi kayo magkakasundo, ever! At kapag nakita ko na naging friendship kayo, kakain ako ng bato!" naiinis na saad ni Georgette.

"Witness ako, Georgette! Aabangan kita kumain ng bato!" pabirong sinabi ni Jimmy.

"Well, it won't happen at kumpyansa ako. Sol wouldn't even dare to like Calix in the first place." saad ni Georgette.

"Wag magsasalita ng tapos, Georgette Jennelyn Dela Cruz." saad ni Jimmy.

"Wow! Buong buo, Jeremiah Roberto Sandoval Junior, ha?" pang-aasar ni Georgette na may kasamang panlalaki ng mga mata habang nakatingin kay Jimmy.

"Yuck! Ano ba, Georgette! Wag mo ko tawagin sa real name ko! Masyadong panlalaki! May Junior pa! Ewe!" nandidiring saad ni Jimmy at natawa na lamang ako sa kanilang dalawa, "Wag ka tumawa, Sol! Mamaya magkamali ako ng gupit sayo!" dagdag ni Jimmy.

"Ako ay lalabas muna at bibili ng food and drinks! Dito ka muna, Sol, and behave, Jimmy, okay? Taken ka na!" saad ni Georgette at umalis na siya.

...

...

...

At pagkatapos ng 30 minutes na paggupit sa buhok ko, pagshave sa bigote ko, at pati na rin pag-aayos ng iba ko pang facial hair sa mukha...

"O.M.G.!" gulat na sinabi ni Georgette pagtayo niya sa harap ko at labis na nanlalaki ang mga mata niya, "Is that you, Sol? Para kang ibang tao!"

"Oh diba? Super pogi na ng Daddy mong Sol! Di na siya mukhang Daddy now but mukha na siyang very hot and seductive mafia lord! Haha!" pabirong saad ni Jimmy, "Inayos ko ang buhok niya na medyo shaggy look ang ginawa kong faded undercut. Then, binawasan ko 'yung bigote niya but nilagyan ko siya ng goatee to make it more manly since magmumukhang baby si Sol and hindi 'yun ang signature look niya. Pagkatapos, inayos ko din ang kilay niya at pinantay ko. What do you think?"

"Paglabas mo dito, Sol, get ready dahil baka dumugin ka ng mga fans mo! Grabe! Feeling ko attracted na tuloy ako sa sobrang kagwapuhan mo ngayon!" saad ni Georgette.

"Gusto ko na nga hiwalayan 'yung daddy ko ngayon para lang kay Sol! Nakakainis talaga!" nalulungkot na saad ni Jimmy.

"Pasensya ka na Jimmy, pero salamat sa pag-style mo sa akin." saad ko.

"Ops! We are not done yet! Siempre, hindi kumpleto ang iyong make-over if walang outfit of the day!" saad ni Jimmy, "Gertrude! Get the wardrobe!" sigaw niya pa at agad na dumating ang isa sa mga assistant niya na may dalang mga damit.

"Aba! Talagang magaganda ang damit ah, Jimmy! I mean kahit ano bagay kay Sol!" saad ni Georgette habang tinitingnan niya ang mga nakasabit na damit sa wardrobe.

"I bet mas maganda ang navy blue sayo, Sol, since maputi ka naman. Bet mo?" tanong ni Jimmy.

"Kung anong tingin niyo ang babagay sa akin, kahit ano pipiliin ko." sagot ko.

"Ako, bagay ako sayo, pipiliin mo na ba ako?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Jimmy sa akin.

"Tumigil ka mga, Jimmy! Mamaya dumating bigla 'yang daddy mo at sabihin naghahanap ka pa ng kinakalantari!" saad ni Georgette, "Anyway, tama si Jimmy, the navy blue tuxedo suits your skin tone, Sol." dagdag pa niya at inabot sa aking ang tuxedo.

"Okay, sige ito na lang ang susuutin ko. Magpapalit lang ako ng damit. Saan ang fitting room?" tanong ko.

"Wala kaming fitting room, Sol. Dito ka na sa harap namin magbihis. We're all hungry! Rawr!" saad ni Jimmy.

"Jimmy! Baliw ka talaga!" natatawang saad ni Georgette, "Halika, sasamahan kita, Sol! Baka kung saan ka pa dalhin ni Jimmy!"

...

...

...

Pagkatapos ko magbihis sa fitting room at nakita na ni Georgette ang suot ko, "Sol, why so pogi?" mangiyak-ngiyak na sinabi ni Georgette.

"Hindi naman, Georgette, sakto lang." nakangiti kong sagot.

"Pahumble ka pa! Tara! Let's show them the new look of Sol!" saad ni Georgette at bumalik na kami sa kanina naming pwesto.

Ilang saglit lamang, paglabas ko mula sa fitting room, halos lahat ng mga babae at pati na rin mga lalake ay nakatingin sa akin. At pagkatapos ay bigla silang nagpapicture sa akin.

"Grabe... dito pa lang sa salon pinagkakaguluhan ka na, Sol. What more if lumabas na tayo?" saad ni Georgette.

"Mas marami pa ang may magagandang itsura kaysa sa akin, Georgette." saad ko.

"Hay nako! Pa-humble ka na naman! If titingnan nga kita, para kang isang God eh! I mean 'yung aura mo, parang very Godly! Ganoin!" saad ni Georgette.

Natawa na lamang ako since kung alam niya lang talaga na isa akong Diyos... Diyos ng araw. Pero siempre, hindi ko ito maaaring sabihin, dahil hindi siya maniniwala at magmumukha lang akong gumagawa ng kwento.

Wala ng naniniwala tungkol sa mga ganoon sa henerasyon na 'to hindi katulad noong unang panahon. Marami na rin ang nagbago sa kaugalian ng mga tao tungkol sa mga paniniwala nila at iyon ang masasabi ko.

"Thank you, Jimmy, for your wonderful service! Next time ibo-book ulit kita for a make-over!" nakangiting saad ni Georgette.

"Anytime, Georgette! Basta tawagan niyo lang ako at ica-cancel ko lahat ng appointments ko, kahit date namin ng daddy ko!" pabirong sinabi ni Jimmy, "Sige na, go! Ayaw ko na magkasala pa! Nahihirapan lang ako sa tuwing nakikita ko si Sol!"

At pagkalabas na pagkalabas nga namin, tama si Georgette, agad akong nilapitan ng mga tao para manghingi ng autograph at magpa-picture. Haha!

...

...

...

Pagkatapos namin sa salon ni Jimmy, since inabot kami ng gabi, hindi na kami nakabili ni Georgette ng pancake mix, ngunit sinabi ni Georgette na siya na lang daw ang bibili, at tumungo na kami sa venue kung saan gaganapin ang interview.

Pagkarating namin sa venue, sinalubong agad kami ng staff para samahan papunta sa studio kung saan gaganapin ang interview.

"Mauna ka na, Sol, may staff naman na maghahatid sayo. Bibili muna ako ng pancake mix mo since baka magsarado na mga groceries na malapit dito. Puntahan kita later." saad ni Georgette at umalis na siya.

"Hello po, Mr. Sol, dito po tayo." nakangiting saad sa akin ng isang staff habang dama ko na nahihiya siya sa akin

"Wag ka mahiya, Miss." saad ko sa kanya.

"Sige po! Na-starstruck lang po ako sa inyo masyado, Mr. Sol!" dagdag niya habang kinikilig.

Ilang saglit lamang ay tumigil na kami sa tapat ng elevator.

"Anong floor natin?" tanong ko sa staff na kasama ko.

"16th floor po tayo, Mr. Sol." nakangiting sagot niya.

Habang hinihintay namin bumaba ang elevator mula pa sa 5th floor, naririnig ko na may kausap ang staff na kasama ko sa parang earpiece na suot niya.

"Nandito na si Mr. Sol, kasama ko siya sa baba. Ha? Hindi pwede! Nakakahiya kung mag-isa ko lang siya papupuntahin sa studio..." saad ng staff na kasama ko at napagalaman ko habang nakikinig ako sa usapan niya ay inuutusan siya na bumili ng kape dahil walang ibang mauutusan.

Pagkatapos niya makipag-usap, tila nagdadalawang isip siya sa kung paano niya sasabihin sa akin na mauna na ako sa studio, kaya ako na ang nauna magsalita para hindi na siya mahirapan.

"Ako na lang ang didiretso sa studio." nakangiti kong saad sa kanya, "May mga pupuntahan din kasi ako. Alam ko naman kung nasaan ang studio." dagdag ko pa.

"Mr. Sol, nakakahiya po! Sorry po! Wala lang po talaga silang mauutusan bumili ng coffee!" mangiyak-ngiyak na sagot ng staff sa akin.

"Okay lang, sige na. Mauna ka na." saad ko.

"Maraming maraming thank you po, Mr. Sol. Hayaan mo, ililibre kita ng kape!" saad niya habang nagba-bow siya sa akin nang paulit-ulit.

"Hindi ako umiinom ng kape. Pero, okay na ako sa mineral water." nakangiti kong sagot.

"Sige po, Mr. Sol! Ako po ang bahala! Pasensya na po talaga ulit!" saad ng staff at tumakbo na siya nang mabilis, at ngayon ako na lang ang naiwan sa tapat ng elevator.

At habang nakatayo lang ako at tinitingnan ang display sa elevator, naramdaman ko na may tumayo sa tabi ko.

Pagkalingon ko sa taong tumabi sa akin para batiin sana, parehas nanlaki ang mga mata namin.

"Sol? Is that you?" gulat na saad ni Calix na tipong hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Siguro, nanibago siya dahil sa bago kong style at look.

Tumango lamang ako ng isang beses at nginitian ko si Calix.

"Tss! Freak!" saad niya at umiwas na siya ng tingin.

Hindi siguro nagustuhan ni Calix 'tong bago kong itsura... nakakalungkot naman.

Elevator chime - Ground Floor!

Pagbukas ng elevator...

"Una ka na, Calix." saad ko sa kanya.

"Wag mo ko kausapin! We are not even friends to begin with!" naiinis na saad ni Calix at dumiretso na siya sa loob ng elevator at tumayo sa pinakanan na dulo ng elevator.

At ganoon rin ako, pumasok na ako sa loob pero sa pinakagitnang harap ako tumayo dahil baka ayaw ni Calix na malapit ako sa kanya.

Tiningnan ko muna kung walang ibang sasakay bago ko sinara ang pinto ng elevator.

"Just close the damn elevator! Ayaw ko ng may iba pang kasabay! Cause of delay lang sila!" naiinis na saad ni Calix at doon ko na pinindot ang button para isara ang elevator.

"Anong floor mo, Calix?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"16th! Bagay sayo maging elevator boy! Tss!" saad niya sa akin at napailing na lamang ako.

"Sa 16th floor din ako and mukhang iisa lang ang pupuntahan natin na interview?" saad ko kay Calix at pinindot ko na ang 16th floor na button.

"Don't talk to me! I'm not even asking you!" naiinis niyang saad at bigla na lang siyang nag phone.

Elevator chime - 3rd floor!

Pagbukas ng elevator, maraming tao ang naghihintay  sa labas at mukhang nagulat sila sa namataan nila.

Ngunit, dahil mabilis magsara ang elevator nagsipasukan na ang mga tao.

At dahil dinumog na nila ang elevator, wala na akong nagawa kung hindi umatras at pumasok pa sa bandang loob ng elevator.

At sa hindi inaasahan, napalapit ako sa kinatatayuan ni Calix at ngayon ay magkatabi na kami at nasisiksik ko pa siya.

"Lumayo ka nga sa akin! Ayaw kong dumadampi 'yang katawan mo sa katawan ko!" naiinis na bulong sa akin ni Calix dahil magkaharapan na kaming dalawa ngayon at tila naiipit ko pa siya sa pinakadulo ng elevator, "Tsk! Bakit kasi hanggang dito sa elevator nagtatagpo tayo! Asar!" dagdag pa ni Calix.

Dahil biglang punuan na sa elevator, wala na rin kaming nagawang dalawa ni Calix kung hindi maglapit at magharapan. At dahil mas malaki ako sa kanya, para na siyang nakasandal sa dibdib ko.

"Si Sol tsaka si Calix nasa iisang elevator! Di ba may nangyari sa kanila noong isang araw na parang bangayan?" bulungan ng mga tao sa paligid na naririnig ko.

"Oo! Parang galit na galit pa nga daw si Calix kay Sol! Pero, tingnan mo ang Daddy mong Sol! My gosh! Nagchange-look! Kung hot na siya noon, mas hot pa siya ngayon!" narinig ko sa mga nagbubulungan at napailing na lamang ako.

"Oo! Gulat nga ko eh! Akala ko kung sinong hunk! Si Sol pala! Siguro may pinopormahan siya kaya nagpapagwapo! Ang tanong, sino kaya?" dagdag ng mga nagbubulungan.

"Haaaayy..." biglang saad ni Calix at napabuntong hininga na lamang siya.

At dahil magkalapit kami ng sobra na tipong nayayakap ko na siya dahil sa sobrang punuan at masikip ang loob ng elevator, hindi ko mapigilan na mabasa ang inisiip niya.

"Tss! Kala ng Sol na 'yan na kinagwapo niya 'yang bagong style niya?  Mas pogi pa rin ako sayo! Epal! Kung makangiti sa'kin kala mo close kami! Tusukin ko tiyan nitong kapre na 'to!" saad ni Calix sa isip niya, "Pero, sige, aaminin ko... bagay sa kanya 'yung new look niya. Mas cool siya tingnan at mas catchy, but mas gwapo ako, wala ng tatalo doon! Tsaka... *sniff* mabango siya to be honest. Pero mas mabango ako siyempre!" dagdag pa ni Calix sa isip niya.

At doon na lamang ako nangisi at pinipigilan kong tumawa.

"Problema mo? Baliw ka na ba? Bakit bigla kang tumatawa ng walang dahilan?" naiinis na tanong sa akin ni Calix habang nakatingala siya sa akin.

"Wala lang... may naalala lang ako." nakangiti kong sagot sa kanya.

"I would say, mabango din ang hininga ni Sol, I'll give that to him. Maganda rin ang mga ngipin niya... Pero mas mabango ang hininga ko at mas maganda ang set of teeth ko kaysa sa kanya!" nasa isip ni Calix.

"Silipin mo sila! Girl! Para silang magjowa dalawa dahil sa position nila! Bagay pala sila!" narinig ko na bulong ng isa sa mga katabi namin at naririnig ko rin ang pagtawa nila ng mahina.

"Oo! Bagay sila! Kaso masyadong playboy si Calix para magkagusto siya kay Sol. I think hindi siya pumapatol sa guys. But who knows? Hihi!" bulong ng isa pang tao.

Elevator chime - 10th floor!

Pagbukas muli ng elevator ay sabay-sabay na nagsilabasan ang mga tao at kami na lang muli ni Calix ang natira sa loob.

"Wag kang o.a., Sol, tayong dalawa na lang natira. Will you get off me?" naiinis na saad ni Calix dahil hindi ko namalayan na patuloy pa rin akong nakadiin at halos nakayakap sa katawan niya.

"Sorry! Hindi ko sinasadya." natatawa kong saad habang napapakamot ako ng ulo.

"Wag mo ko ngitian, Sol, naiinis ako sa ngiti mo!" naiinis na saad ni Calix.

At ilang saglit lamang ay biglang umalog ang elevator kaya nagtaka kami.

"What's happening?" gulat na tanong ni Calix at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Tech issue siguro." saad ko habang tumitingin ako sa paligid at tumigil bigla ang elevator.

"Don't tell me that I'll be stuck here in this elevator with you, Sol? Ugh!" naiinis na saad ni Calix at mukhang iritang-irita talaga siya sa akin.

Kaya naman pinindot ko na ang emergency button para ireport ang nangyari.

"Hello? Na-stuck kami sa elevator. Nasa 13th floor kami, I'm Sol and I'm with Calix right now." saad ko pagpindot ko sa emergency button.

"Right away, sir! Papunta na po kami! Stay calm and we'll fix this!" saad ng isang staff na sumagot sa emergency button.

"Pakibilis! I don't want to be with Sol for a very long time! Walang kwenta 'tong elevator niyo!" naiinis na saad ni Calix.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo sa pinakakaliwang dulo na parte ng elevator habang nakarahap lang sa pinto at naghihintay ng tutulong.

"Tsk! Everytime that I'm with you, puro kamalasan ang nangyayari sa akin! Alam mo 'yun?" saad ni Calix.

"Sorry, Calix." sagot ko sa kanya, at tama siya. Noon pa man, kamalasan din ang hatid ko sa aming dalawa, at magpasahanggang ngayon na siya ay nasa panibagong buhay na, patuloy ko pa rin dala ang kamalasan na ito.

Crash!

"Ano 'yun?" tanong ni Calix at bigla siyang lumapit sa akin at napakapit sa suot kong coat.

Napangisi na lamang ako at sinabing, "Wag ka mag-alala, nandito ako."

"Kadiri!" saad niya at napagtanto niya na nakahawak siya sa coat ko kaya agad niya itong tinanggal, "Bakit ba ko napahawak sayo! Di ko pa naman dala alcohol ko!"

At ilang saglit lang, may narinig kami na pumutok sa bandang itaas namin at namatay ang ilaw.

...

...

...

Doon na ako biglang ninerbyos at kinabahan. Kasabay noon ay napakapit ako nang mahigpit sa kamay ni Calix  at pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga nang nawala ang ilaw.

Hanggang ngayon pa rin ay takot ako sa dilim at hindi na ito mawawala pa sa akin, dahil may naririnig akong mga boses na tila gusto nila akong kuhain.

"Ha... ha... ha..." paghihingalo ko.

"Huy? Okay ka lang? Wag mo sabihing takot ka sa dilim? Ikaw pa nagsasabi na wag ako mag-alaala, tapos ikaw 'tong biglang nagpapanic?" natatawang saad ni Calix.

Hindi ako makapagsalita at patuloy lamang ako sa paghinga nang mabilis at takot na takot din ako dahil wala akong makitang liwanag.

"Ilaw! Pakiusap! Kailangan ko ng liwanag!" pagmamakaawa ko.

At ang tanging ginawa lamang ni Calix ay tinawanan ako.

"Hahaha! Laki-laki mong tao duwag ka pala sa dilim? Ano ka, may nyctophobia? Now I know kung ano ang kahinaan mo, Sol!" saad ni Calix at mukhang masaya pa siya sa sinasapit ko.

"Pakiusap... Ilaw..." saad ko at patuloy akong naghihingalo at ninenerbyos.

"Huy! Seryoso ka, Sol? Takot ka talaga sa dilim?" saad ni Calix at bigla siyang napahawak sa balikat ko.

At dahil takot na takot na ako dahil kadiliman lamang ang nakikita ko, at si Calix o Luna ang nasa tabi ko, hindi ko na inisip ang mga susunod na galaw ko...

Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit na tipong ayaw ko siyang pakawalan.

"Dito ka lang sa tabi ko... Pakiusap. Kailangan ko ng liwanag mo, Luna." bulong ko kay Calix.

"Liwanag ko? Luna?" tanong ni Calix sa akin, "Anong ibig mong sabihin, Sol?"

End of Chapter 3