webnovel

When The Princess Meet The Gangster

May Love story kayang mabubuo sa dalawang tao, If they both hate each other?? If they both hate love? Find it out!

PsycheLove · Adolescente
Classificações insuficientes
7 Chs

Chapter 5

Chapter 5

ALMIRA

"A-aray..." mahina kong sabi habang hinihimas ang kamao ko.

Ang sakit ng kamay ko. Ang tigas kasi ng mukha ng lalaking 'yon.

Tumuloy na ako sa paglakad para hindi niya mahalata na masakit ang kamay ko.

Pero atleast! Nasuntok ko na siya ngayon na dapat noon ko pa ginawa.

He is known for bieng a playboy in this school. At kung inaakala niya na pati ako mahuhulog sa patibong niya. Pwes! Nagkakamali siya. He's very wrong to the highest level!

"Sige na... susubuan na kita."

"Ako na lang T-Tori. See? May kamay naman ako."

Napatingin ako sa bench kung saan kasalukuyang pinipilit subuan ni Tori si Jessy. Bigla ay natawa ako sa nakita ko.

"Pero-"

"Almira!" kaway ni Jessy sa'kin at saka tumayo. Nilapitan niya ako at bumulong "Ang tagal mo girl! Alam mo bang kanina pa ako naiinis sa babaeng 'yan Nakakadiri talaga!"

"Pasensya na, medyo natraffic lang sa daan." sabi ko habang ang isang kamay ko ay nakapatong sa kamao ko para itago ang pamumula niyon.

"What did you mean natraffic? Tsaka wait... ano 'yang tinatago mo?"

Hinablot niya ang kamay ko.

"OMG... Almira naman, alam kong minsan may problema ka talaga. Pero pati ba naman pader ng school na 'to sinuntok mo! Ngayon sino ang nasaktan? hindi ba ikaw lang?"

"Bopols ka ba? Ibang pader ang sinuntok ko."

"What did you mean?" kunot-noong tanong ni Jessy.

"I will tell you later. Punta muna tayo sa fangirl mo. Iba na kasi tingin sa'tin oh." sabi ko sa kanya at tinutukoy ko si Tori.

"Tss... Ang babaeng 'yan? May sayad na ata 'yan sa utak."

"Wag ka ngang ganyan." saway ko sa kanya.

Napairap na lang si Jessy saka napilitan maglakad papunta sa bench.

******

EVAN

"Woah!!" di parin talaga makapaniwalang hiyawan nina Kris at Darren. Lumapit sila sa'kin at tinulungan akong tumayo.

"Ayos din ang babaeng 'yon ah?" sabi ni Darren tapos nakipag appir pa kay Kris.

Hindi ko alam kung inaasar nila ako o ano. Pero dahil sa nangyari kanina may idea agad na pumasok sa utak ko that makes me smile.

"Mukhang pamilyar ang ngiti mong yan ah?" Kris said.

"Woah! Dude, 'wag mong sabihin na... "Darren said and looked at Kris.

"Yes! I have a plan for that girl." sabad ko sa sinasabi ni Darren.

Tsaka bumalik ako sa bench na inuupuan namin. Hinilot ko ang panga ko. Hindi naman masyadong malakas suntok niya pero naramdaman ko parin 'yong sakit.

Natawa na lang si Kris at Darren nang makuha ang ibig kong sabihin.

"Tsk! tsk! poor girl." Kris said.

*****

ALMIRA

"WHAT?" Sigaw ni Jessy at biglang nagpreno ng kotse niya.

"ANO BA! MAGPAPAKAMATAY KA NA BA? 'WAG MO NGA AKONG ISAMA PWEDE?" sigaw ko naman sa kanya.

Bigla-bigla na lang kasi nagpreno sa gitna ng daan matapos marinig yung sinabi ko. Buti na lang wala kaming kasunod na kotse at saka buti na lang nakaseatbelt kami.

Uwian na kasi at kay Jessy na ako sumabay.

Natawa si Jessy. "Sorry naman Girl, Medyo nabigla lang kasi ako sa narinig ko mula sayo."

In-start niya na 'yong engine ng kotse.

"Obvious naman eh." sarcastic kong sagot.

"Pero omg pangalawang beses ka ng hinalikan ni Evan, hindi kaya may ibig sabihin na 'yon." Jessy said with the big eyes.

"Huh? What did you mean?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Almira, baka naman kasi... may gusto na nga siya sayo."

"What? lalaki na 'yon?" and then I snapped. "Well no wonder, halos lahat ng lalaki talagang nagkakagusto sakin pero sorry na lang sila... wala akong balak na magustuhan kahit isa man sa kanila."

"Ang brutal naman ng Puso mo! Imposible naman na wala kang hinahangaan o kaya may gusto sa Eslierville Academy na halos lahat na mga gwapo sa buong mundo ay nandoon na."

"Mapa-gwapo man o panget. Lahat sila sasaktan ka lang at iiwan. Just like my Father did to my Mom. Iniwan niya si Mommy at pinagpalit sa kabit niya.. Tss what a stupid father!" galit na sabi ko.

"'Yan kasi... akala mo kasi lahat ng love story sa mundo ay katulad ng love story ng Mommy at Daddy mo." pairap na sabi ni Jessy. "Maybe hindi nga sila para sa isa't isa pero 'wag mo din isipin na pati love life mo ay magiging ganoon din sa kanila."

"Tss... Naks! Ah? Mukhang may pinaghuhugutan ka sa sinasabi mong 'yan ah?" I said as I smirked.

"Hindi 'yon hugot 'noh, that's the reality."

Napangiwi ako.

"Kung makapagsalita ka diyan parang naranasan mo ng mainlove ah? Teka... 'Wag mong sabihing nahuhulog ka na fangirl mo." say ko sa kanya at saka kiniliti siya sa bewang.

"Eww! hindi ah? Kadiri ng babaeng 'yon!"

I chuckled.

"Joke lang!" sabi ko at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. "But I don't believe in an happy ending.. And thats because my Dad show me why." seryosong sabi ko.

Marami kasing beses na minsan hinahanap ko ang kalinga ni Daddy. 'Yong siya lang at ako. Pero wala eh. Hindi niya ako kilala. Hindi niya alam na may anak sila ni Mommy. Wala din akong lakas ng loob na sabihin 'yon sa kanya kasi bukod sa ayaw kong pangunahan si Mommy, ay baka kapag nagsabi ako na anak niya ako eh... hindi niya ako paniwalaan.

At ayokong makita 'yon sa mukha niya...

******

Next Day.

"Almira!" tawag ni Tori sa'kin mula sa parking lot. Kakadating ko palang kasi and 'yan. Wala akong kasama. I mean wala si Jessy, absent siya.

"Nasaan si Jason? " tanong niya sa'kin. Sabi na eh, sino pa nga ba ang hahanapin netoh.

"Ahm... nag-attend siya ng family reunion nila sa baguio kaya absent muna siya ngayon." sagot ko. Nagsimula kaming maglakad sa hallway papunta sa room namin.

"Ahhh... ganoon ba? Sayang naman... nagluto pa naman ako ng lunch para sa kanya." nagpu-pout niyang sabi. Halatang nanamlay siya dahil wala si Jessy.

"Siyanga pala... ahm, may itatanong lang ako sayo Almira ah?"

"Ano 'yon?" tanong ko kasabay ng pagkunot ng noo.

"Talaga bang magkaibigan lang kayo ni Jason?"

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" tanong ko kahit sa isip ko ay parang alam ko na kung ano ang ibig niya sabihin.

"I mean... kung may relasyon ba kayo other than bieng friends."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Oh? Bakit?" natanong niya dahil sa pagtawa ko.

"Tori, magkaibigan lang talaga kami ni Jason. Swear to God! Mamatay man si Jason." sabi ko. Paano naman maging kami eh pusong babae ang isang 'yon. Mas malambot pa puso 'non sa mamon.

"Ba't mo naman natanong ko?" sabi ko kasabay ng pagtaas ng kilay ko.

"Wala lang... natanong ko lang. Ang close niyo kasi sa isa't isa. Lagi kayong magkasama. Tapos minsan ang sweet niyo pa tingnan. Pero... Atleast ngayon nakahinga na ako ng maluwag. Hay!" she said and took a deep breath.

"Teka Tori... 'wag mong sabihin... "

"Yeah! Sinasabi ko na. May gusto ako sa kaibigan mo kay Jason."

This time talagang napaubo na ako sa sinabi niya.

"Oh? Ok ka lang?" sabi niya at saka hinagod ako sa likod. Tumango lang ako. "Alam mo... the first time I saw him.. My beart beats so fast. Bigla akong namesmerize sa kagwapuhan niya. Siguro totoo nga talaga ang love at first sight. " she said na namumungay na ang mata .

"Alam mo nahihibang ka lang." I said habang pinipigilan huwag matawa sa pinagsasasabi niya.

Nakarating na kami sa room namin. Nang may biglang yumakap sa'kin na talaga naman ikinabigla ko.

"Hindi naman siguro... uh-oh..." Kahit si Tori napatigil sa nakita niya.

Taena! Sino naman 'tong bwisit na yumakap sakin ng basta-basta.

"Kanina pa kita hinihintay.Tagal mo naman." bulong niya sa tenga ko, na lalong kinabigla ko. That voice... naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko

Bigla ay nakaramdam ako ng inis nang marinig ko ang boses na iyon. Bago pa siya may gawin na masama sa'kin.

Tinulak ko siya nang malakas.

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya. Sasampalin na sana siya nang pinigilan niya ang wrist ko.

"Not in this place babe..." sabi niya with a smirk.

"What? Tama ba ang narinig ko? Huh! At Sino naman nagsabi sayo na girlfriend mo na ako?" mataray na sabi ko sa kanya. Girlfriend daw! Napakaambisyoso niya ah.

"Sino pa nga ba? edi ikaw." napasinghap ang lahat na mga classmate ko na nandoon sa room dahil sa sinabi niya. "'Diba hinalikan mo pa nga kahapon? Remember." painosente na pang sagot ni Evan

"What the f*ck! Ikaw ang -"

"GOOD MORNING CLASS !

Napatigil ako dahil pumasok na ang teacher namin. 'Yong strikto naming teacher si Mr. Gomez.

Lahat kami ay nagsipuntahan sa kanya-kanyang upuan. Bwisit na lalaki na 'to! May gana pang baliktarin 'yong nangyari kahapon?

At ako pa ! ? Ako pa talaga ang nanghalik sa kanya ah? What the heck!

"Ayos! Wala ka palang katabi." sabi niya at saka umupo sa kanang bahagi ko.

Si Tori naman nakitabi sa kaliwang bahagi ko.

"Sinabi ko bang umupo ka diyan?" taray kong tanong sa kanya.

"Hindi... pero pasalamat ka dapat kasi nakatabi mo ang gwapong si Evan Fernandez." tsaka nagwink pa siya sakin. Tapos ngpapogi sign pa siya. Tsss

Napangiwi ako.

"Spell MAYABANG." sabi ko saka humarap ako kay Tori.. He's such an annoying person.

"Aminin mo na kasi na ikaw ang humalik sa'kin kahapon. Baka kasi hindi mo magustuhan ang mangyayari mamaya, kapag hindi ka pa umamin." sabi niya.

Mangyayari mamaya?

Hindi na ako nakapagsalita pa. Dahil nasa harap ko na si Mr. Gomez at kasalukayan maghahalukat na ng laman sa bag ko..

'Diba nga kasi ayaw niya ng may dalang makeup ang mga girls. Kasi daw makakadistract lang 'yon sa lection niya.

Medyo kinabahan ako na baka may makuha sa bag ko. Meron kasing makeup doon.

Nakahinga ako nang maluwag nang wala siyang makuha pero lingid sa kaalaman ng lahat, meron akong secret pocket sa likod na bag ko. At nandoon ang mga pampaganda ko.

"I have something to tell you later, " bulong ni Tori sa'kin.. "Its about Evan... and 'yong gusto niyang i-mean ."

Medyo takot ang boses niya habang sinasabi niya iyon sa akin.

**********

Please let me know what's on your mind about the story. Thank you. ?

PsycheLovecreators' thoughts