🐺REIKA VANADEY 🐺
Hindi naman natumutol ang aking ina, alam kong nag aalala ito sa akin ngunit kaya ko naman ang aking sarili, hindi din naman ako magtatagal doon. Nais kong maligtas ang bata sa kanyang pagkakasakit, at nais ko ding subukan kung gaano ako katatag. Kung anong magagawa ng aking pag aaral ng ilang taong nakalipas.
"Wala na akong magagawa kung iyan ang nais mo. Basta babalik ka rito huh, naniniwala ako sa kakayahan mo." Saad niya sa akin, niyakap ko naman siya ng napaka higpit.
"Salamat sa pagtitiwala ina, babalik ako pangako. Pangako ko iyan sa iyo." Sabi ko sa kanya at kumalas sa pag kakayakap.
"Umalis kana, kailangan mo nang umalis." Sabi niya sa akin na ikina tango ko.
Agad naman akong sumakay sa aking walis, hindi ko kailangan mag paalan ng matagal. Dahil babalik pa naman ako, at sisiguruhin ko iyon.
Sa halip na matakot ay tila na e excite pa ako sa gagawin kong ito. Naka suot lamang ako ng simpling damit, kulat puti ito ngunit hindi isang bestida. Ginawa ito upang malaya kang magagalaw, lalo pa sa ganitong paglalakbay.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong may sumusunod sa aking isang nilalang at hindi ako nag kamali, sa agang iyon ang alaga kong ibon na nakakapag salita.
"Ano't naka sunod ka sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Ekkk- nag aalala ako sayo ekkk-' saad niya sa akin, kaya naman napa ngiti ako. Kulay puti ang ibon na ito at kung tatawagin ng mga taga lupa ay isa itong aguila.
"Sabi ko na ngaba at mahal mo ako ey." ngising saad ko sa kanya, napaka sarap ng hangin na dumadampi sa aking balat at ang mga tanawin na nasa aking baba.
"Ekkk-hindi kita mahal---ekkk wag kang hangal." tugon niya sa akin kaya naman napa irap na lamang ako sa sinaad niya. Walang hiyang ibon. Niliko ko naman ang aking walis at sa hindi kalayuan ay nakikita kona ang sinasabing mapanganip na kagubatan.
"Sigurado kabang nais mong sumama sa akin agang?" tanong ko uli sa kaibigan kong ibon. Alam kong iniisapan na ako nito sa kanyang loob looban. He was a boy by the way, hindi ko alam kung kelan ako naging malapit sa hangal na ito ngunit iniligtas ko ito sa tiyak na kamatayan kaya naman ay bilang kapalit daw magiging kaibigan niya ako. Parang kailangan ko naman ng kaibigang ibon, pero wala ey.
"Ekkk-ikaw ata ang takot ekk-" panunodyo niya sa akin, ngunit nginisihan ko lamang siya.
"Bakit naman ako matatakot? Isa ata akong mangkukulam." pag mamalaki ko sakanya. Hindi naman ito umimik at inunahab akong bumaba sa naturang kagubanat.
Sa isang tingin pa lamang nito ay masasabi mona na nakaka takot ito, tila pinalilibutan ito ng itim na usok. Alam kong pag papasok ako sa naturang kagubatan ay hindi ko alam kung makakabalik pa ako, ngunit kailangan ko itong gawin.
Agad naman akong sumunod kay agang na bumaba, binaba ko ang aking walis. Ligtas naman akong nakababa sa lupa, ngunit hindi ko alam kung ligtas na ba ako sa lupa. Napaka creepy pero feeling ko may tumitingin sa akin, hindi ko tuloy maiwasan ng ng balahibo ko sa katawan na mag sitaasan.
"Nais mo ba talagang pumasok riyan vanadey?" tanong sa akin ni agang, napa lunok naman ako ng sarili kong laway ng wala sa oras. Binitawan ko ang aking walis at isinandal iyon sa isang puno.
"Dito ka lang muna brona, tatawagin na lamang kita." Sabi ko sa aking walis. Tinignan ko naman si agang na nasa balikat kona ngayon naka tayo.
"Bakit natatakot kana ba agang?" panunudyo ko sa kanya, na ikina iling naman nito.
"Hindi." napa ismid na lamang ako sa sinaad niya. Wala nang atrasan ito, kailangan kong makapasok.
Binuksan ko naman ang bag ko na naka sabit ang strap sa aking balikat, agad ko naman hinanap sa loob nito ang larawan ng halaman na hahanapin ko. Naka guhit ito sa isang lumang kwaderno.
Nahanap ko naman agad ang aking hinahanap at agad na binukas ito. Napa tango tango naman ako sa aking nakita. Sana naman ay hindi ito mahirap hanapin upang makita ko agad at para maka uwi na agad ako.
Sabi nila upang makalabas ka raw ng buhay rito, huwag na huwag mong gigisingin ang natutulog na higanteng baboy ramo naninirahan rito sa kagubatan. Kaya naman hindi ko iyon gagawin, wala ang aking wand. Bakit koba kasi naiwan iyon? Sa lahat pa naman?! Hindi ko kasi palaging gamit iyon kaya naman naka lagay lang sa aking kwarto.
"Eekk papasok kapa ba o tutunganga lang dyan ekk" reklamo sa akin ni agang, inismiran ko lamang siya. Kung hindi ko lang naiwan wand ko ginamitan ko na ito ng majika.
"Ito na nga, mag lalakad na ako." tugon ko sa kanya.
Dahan dahan na akong pumasok sa loob ng kagubatan, hindi ko pinansin ang mga nakaka takot na tunog na aking naririnig sa palagid. Napaka dilim ng kagubatan marahil ay dahil din iyon sa natatabuban ng mamalaking puno ang araw. Iniliibot ko ang aking mga mata habang nag lalakad para mahanap ko ang naturang halamang gamot.
Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang may kung anong lumipad kaya naman napa talon ako sa gulat. Mga uwak lang pala, marahil ay nagising ko sila sa pag kakahimbing.
Napaka lakas ng tibok ng aking puso at nanayo ang aking mga balahibo.
Mahabaging bathala gabayan niyi po sana ako.
Tahimik na dasal ko.
"Ekk natatakot ka na ba vanadey? Ekk" ring kong saad ng ibon na nasa aking balikat, inirapan ko na lamang siya.
"Sino ba namang hindi? Puwede ba get out of my shoulder and help mo to find that herbs." pag masusungit ko kay agang.
"Ekk sigurado kaba? Hindi kaba natatakot na iwan kita? Ekk" tugon nito sa akin,
"Oo naman, baka ikaw nga takot siya kaya kung makakapit ka sa balikat ko wagas." reklamo ko sa kanya, tila naasaar ito sa sinaad ko at iniwagayway ang pakpak sa ere.
"Ekkk hindi ako takot, ekk baka ikaw. Tutulongan na kita ekk." Sabi nito at mabilis na umalis aa kanyang balikat. Sinundan ko kung saan ito pumunta pero hindi kona nakita dahil sa napapalibutan ng fogs ang paligid na mas lalong nakakakilabot sa buong kagubatan. Ngayon parang pinag sisisihan ko kung bakit pina lisan ko si agang.
Patuloy parin ako sa pag lalakad habang nag lalakad, hindi ko alam kung saan na ako o kung gaano na kahaba ang nilakad ko. Basta naka tatak sa isipan ko na kailangan kong mahanap ang halamang gamot sa lalong mabilis na panahon, kailangan na kailangan. Base sa sakit ni esha mag tatagal na lamang siya ng isa o dalawang araw pag hindi ito nalunasan. Ayokong biguin sila, ayoko.
Sa aking pag lalakad ay hindi ko namalayan na may isang palang pond sa gitna ng kagubatang ito, hindi ito kalakihan, ngunit hindi din kaliitan. Kung titignan ay malalim ito dahil sa kulay asul ng tubig nito. Nakikita niya ang kanyang sarili sa linaw ng tubig na iyon.
Nilibot niya ang kanyang sarili at hindi ko at hindi ko akalaing may nga alitaptap sa paligid, marahil ito ay ang mga bantay sa kagubatang ito. Bakit bigla na lamang silang magising? At lumilipad sa paligid?
Ang unting sinag ng araw ay nadagdagan ng mga alitaptap sa paligid. Napaka ganda, hindi ko akalain. Wala sa sariling napa ngiti ako. Hindi ko akalain ito. Ngunit sandali lamang ang aking pagkahumaling sa mga nilalang na lumulipad na may ilaw sa kanilang katawan, at ang mas nakaka ganda ay iba iba pa ang kulay nito.
Nilibot ko ang buong paligid upang hanapin ang halaman na aking hinahanap, naka tingala ako habang hinahanap iyon, at sa aking paglingon sa harapan sa taas ng pond at nakakita ako ng isang mataas na lupa at naka kapit sa lupang iyon ang halaman na aking hinahanap. Napa kagat ako sa aking labi dahil sa mataas taas ang lupang iyon, at pag nahulog ka dederetso ka sa tubig siguradong mababasa ako, at hindi dapat ako padalos dalos hindi ko pa alam kung anong meron sa ilalim ng tubig.
Napa buntong hininga na lamang ako at sa hindi kadahilanan ay mabait sa akin ang kalangitan at nakita ko na may tulay na gawa din sa lupa na nasa gitna ng pond, napaka makamaka pangyarihan talaga ng kalikasan.
Sinubukan ko munang i apak ang isa sa aking paa at pinabigatan ito, naramdaman ko na matibay iyon dahil hindi ko man lang nagalaw ang lupa. Kaya naman dahan dahan ko na ding nilakad ang paa ko sa naturang tulay na gawa sa lupa. Hindi ito kalaparan, sakto lamang ito sa mga dalawang tao na mag tatagpo pag nag lalakad dito.
Dahan dahan parin akong nag lalakad, mahirap na kaya dapat mag ingat. Sa ilang hakbang ay narating kona ang kabilang dako ng maliit na lawa.
Tinangala ko ulit ang halaman na iyon na kulay puti, ngunit ayon sa aking dalang kalaaman ay magiging isa itong kukay pula pag nahawakan ng isang tao.
Nag buntong hininga muna ako bago ko simulang akyatin ang naturang mataas na lupa.
Kaya ko to.
Sabi ko sa aking sarili, humak naman ako sa isang bato na naka baon sa mataas na lupa, at pinatong ko din ang aking paa sa bato. Buti na lamang at may maliliit na nabato na naka baon sa lupa pero naka guho ang kalahi nito.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag akyat ko sa mataas na lupa, malapat ko nang maabot ang halamang gamot, malapit na unting akyat nalang. Pinatong ko uli ang paa ko sa bato at tinaas uli ang aking katawan, sinisugurado ko na maagan lamang ang katawan ko. Isang pag kakamali lamang ay mahuhulog ako dito, sana naman hindi.
Pigil hininga kong inaabot ang halamang gamot, malapit na unti na lang. Mas itinaas kopa ang katawan ko at sa wakas ay naabot kona ang halamang gamot at nang nahawakan ko ito ay bigla na lamang nag bago ang kulay nito.
Napa ngiti ako at pinag masdan ang halamang gamot na may bulaklak. Hindi ako makapaniwalang nasa kamay kona ito ngayon.
Malaki ang aking ngiti habang pinag masdan ito, tila nakalimutan kona na nasa taas pala ako.
Ano? Oo nga pala nasa taas ako,
ANO? NASA TAAS AKO?
Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang bumitaw ang lupang tinapakan ko pati narin ang batong hinawakan ko ay nabiyak.
"Ahhhhhh!" sigaw ko, habang nasa ere ang aking katawan. Nahulog ako at papunta sa lupa at wala na lamang akong magawa kundi ang pumikit, mahabaging bathala tulonhan niyo ako.
Napa pikit na lamang ako nang mariin. Mababasa ako, hindi maari. Hindi ako maaring mahulog.
Tila bumagal ang ikot ng mundo, wala akong maganda kundi ang hayaan ang aking sarili mahulog. Wala akong magawa
Sana, sana may mag ligtas sa akin sa pagka hulog.
Sana
Sa pag pikit ng aking mata tila may naramdaman akong isang bisig na yumakap sa aking katawan. Inimulat ko ang aking mata at nakita ko na may sumalo sa akin na isang lalaki, naramdaman ko ang kamay niya sa aking balat at tila may naramdan akong kakaiba doon. He was carrying me like a bridal style, at wala akong magawa kundi ang ipalibot ang aking kamay sa kanyang leeg. Tinignan ko siya at hindi ko mapigilang hindi mamangha sa taglay nitong wangis. Napaka tangos ng ilong nito at napaka haba ng pilik mata, makapal din ang kilay at nararamdaman ko malapad nitong dibdib. Nais ko na lamang na nasa kanyang bisig habang buhay. Bigla itong tumingin sa akin at nag tama ang aming mga mata. Biglang kumabog ng napakalas ang aking puso. Ang kulay berde niyang mata na kasing berde ng kalikasan at naka tingin sa akin.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya, sino siya? Bakit napapatibok nito
ang natutulog kong puso?
Hindi ko na malayan na naka lapag na pala kami sa lupa at bigla na lamang ako nitong binitawan, at ang ending hindi nga ako nabasa ngunit napuruhan naman ang aking pang upo. Para akong nagising sa isang magandang panaginip sa ginawa niya.
"Aray!" daing ko, at tinignan ang lalaking naka tayo sa harapan ko. Kinunotan ko siya ng noo and throw some daggers look.
"Ikaw sino ka? Bakit ka nandirito sa kagubatan na pag mamay ari ko?" napa kunot noo ako sa sinaad niya. At nakita ko na tinignan niya ang halaman na hawak hawak ko. At nagulat na lamang ako nang kinuha niya iyon.
"At kinuha mo pa talaga ang pag mamay ari kong halaman?" galit na saad niya, tumayo naman ako ng dahan dahan habang hawak hawak ang pang upo ko.
"Una sa lahat, hindi mo ito pag mamay ari ang kagubatan. Ano ka? Diwata?! Pangalawa akin na iyang halaman ko." at kinuha ko sa kanya ang aking halaman ngunit iniwas niya iyon.
"Pag mamay ari kotong kagubatang ito, kaya naman ang lakas ng loob mong umapak dito, hindi mo ba nabalitaan na walang nakaka uwing buhay pag pumasok ka dito? At ang halaman na ito ay hindi mo kakukuha sa kamay ko." pinanglakihan ko naman siya ng mata, sa tanang buhay ko hindi pa ako naka tagpo ng ganito ka sama na lalaki. Halos mag dugtong ang kilay ko dahil sa pag kunoot noo ko, hindi ako makapaniwala.
"Sino kaba huh? Wala kang karapatan na angkinin ang kagubatan na ito at ang mga nabubuhay dito lalong lalo na ang halaman na iyan." at tinuro ko ang halamang nasa kamay niya. Nag sisimula ng kumulo ang dugo ko, at ang dahilan nito ang nilalang ito sa harapan ko.
Nag sisisi ako na pinuri ko pa siya sa aking isipan.
"Ako lang naman ang isa sa mga prinsipe ng emperyong aviana sa lupain ng wolverians. Ikaw sino ka?" prisipe siya? Ngunit bakit hindi siya umaaktong prinsipe? Hindi ba dapat ang isang prinsipe ay may pag galang sa kanyang nasasakopan. Naka taas noo ito sa akin, inaasahan niya siguro ang papuri at pag galang ko sa kanya. Pwes hindi niya iyon makukuha. .
"Prinsipe? Bakit hindi kita kilala? At wala akong paki alam ko prinsipe kapa. Hindi ko naman mapapakina bangan iyon." pakli ko. Oo sa wangis at hitsura nito ay sinisigaw na isa itong maharlika na dapat igalang ngunit isinisigaw nito ang pangit niya kaugalian. Basta basta pa naman ako ihulog sa lupa? Maari naman niya akong ilapag ng maayos.
"Dapat iginagalang mo ako! Isa akong prinsipe, kaya galangin mo ako." sabi niya sa akin, ngumisi naman ako sa kanya.
"Galangin? Ibigay mo muna sa akin ang bulaklak na iyan at gagalangin kita." madiing saad ko sa kanya, nakita ko naman ang pag igting ng panga nito at tila nag titimpi. Kung isa itong prinsipe maaring isa itong asong lobo, ngunit kahit ganon ay hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot.
"Hindi ko ito ibibigay." sabi niya na may mapaglarong ngisi sa kanyang labi.
"Pwes pipilitin kita kamahalan." pag mamatigas ko, at pinilit kong kunin ang halamang gamot sa kanyang kamay. Wala akong paki alam kung isa itong prinsipe, sisiguradohin kong hindi na ako makikita nitong muli.
Dahan dahan kong hinahap sa aking bag ang potion powder na dala ko, nararapat sana ito sa baboy ramo ngunit mas baboy pa pala ang nakita ko. Nang naramdaman ko iyon ay agad ko itong kinuha at inihanda ko iyong isaboy sa kanya.
Binuksan ko ang tela at isiboy sa pag mumukha niya ang potion powder na daladala ko. Tinabunan ko ang aking ilong gamit ng aking kamay para hindi ko malanghap iyon. Nakita ko naman ang pag ubo nito, ibig sabihin nalanghap niya iyon.
Hindi dapat galitin ang isang mangkukulam kung ayaw mong makulam.
Nakita ko naman ang unti unting pang hihina ng kanyang katawan at ang pag pikiy ng kanyang mga mata. Tumatalab na ang potion powder, napa ngisi ako.
Lumapit naman ako sa kanya at kinuha sa ang aking halamang gamot na nasa kamay niyang naka baba na. Nag tagpo ang mga mata namin at masama ako nitong tinignan.
"Anong ginawa mo?" tanong niya sa akin, nginitian ko lamang siya.
"Isa lamang yang pampatulog, Mmm sapantaha ko matutulog ka ng dalawang araw. Ang saya diba? Huwag kang mag alala wala namang ibang epekto iyon sa katawan. At dahil sa niligtas mo naman ako, hindi ko na gaganti sa ginawa mong pag bagsak sa akin sa lupa ng walang pasabi. Hindi ko naman nais ito, ngunit tandaan mo masamang magalit ang nga puting mangkukulam. Kaya naman maiwan na kita at paalam at salamat na rin prinsipe." mahabang litana ko sa kanya, kung pag mamay ari niya itong kagubatan ay walang mangyayari sa kanya. Kung pag mamay ari niya ito, ngunit kung hindi baka mabalitaan na lamang na ang isang prinsipe ay kinain na ng isang malaking baboy ramo.
Nakita ko naman ang pag higa nito sa lupa, inirapan ko ito bago umalis. Ngunit nakaka ilang hakbang pa lamang ako ay bumalik ako sa kanya.
Kinuha ko ang aking dyaket at ipinatong ito sa katawan niya. Pasalamat siya at may natitira paring kabutihan sa akin. Kahit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang pag kirot ng aking pang upo. I roll my eyes again and for the last glace I decided to leave.
Hindi namab siguro siya mamatay, kung prinsipe siya malakas siya. Kaya naman baka isang araw lang sa kanya ang sinaboy ko.
Ang mahalaga ay maliligtas kona ang bata, ang mahalaga ay makaka uwi akong may dala dalang halamang gamot.
"Brona!" sigaw ko, at alam kong narinig iyon ng aking walis na lumilipad. Agad naman itong nasa harapan ko, ilang sandali pa ay nakita ko si agang na palipad sa akin palapit.
Kahit papaano ay mabait naman siguro ang nilalang na iyon, iniligtas niya ako mula sa pagka hulog at pag kalunod sa tubig. Hindi ko lamang tinanggap na hindi nga ako nahulog sa tubig, natikman ko naman ang mahulog at matigas na lupa.
Napaka sakit.
Not edited
Mystertiosgirl