FRANCHESSCA'S POV❤:
I love it when you just don't care
Ipinangunahan ni son ang marahang pag-plucking maging ang malumanay na pagkanta.
I love it when you dance like there's nobody there
Napangiti ako ng maalala na madalas niyang ikinakanta sa akin iyan noon.
So when it gets hard, don't be afraid
We don't care what them people say
Kusang nagbalik-tanaw ang mga alaala ng kantang ito, naalala ko noon
nung tumuntong kami ng highschool ay kapag nakagagawa ako ng kabulastugan at specially kapag may suliranin akong ikinakaharap, tutugtugin niya na lamang ang kantang iyan ng biglaan sa harapan ko.
I love it when you don't take no
I love it when you do what you want cause you just said so
Let them all go home, we out late
We don't care what them people say
Nang sumabay ako sa ikahuling stanza ng kanta ay nasilayan ko ang maloko niyang ngisi.
We don't have to be ordinary
Make your best mistakes
Bahagya akong natawa ng diinan niya ang lirikong 'mistakes' sa kanta. Makasalanan talaga 'tong hinayupakan na 'to eh no.
'Cause we don't have the time to be sorry
So baby be the life of the party
Madalas kaming nag-duduet noon at nakasanayan namin na ang pagkanta ng nagbe-blend ang aming mga boses, in short siya sa panlalaking boses tas papasukan ko yung kanta ng pambabae, para may pag-blend.
I'm telling you to take your shot it might be scary
Hearts are gonna break
'Cause we don't have the time to be sorry
So baby be the life of the party
Patuloy ang aming marahang pagkanta habang patuloy ang paglalakbay ng isipan ko sa nakaraan.
Together we can just let go
Pretend like there's no one else here that we know
Slow dance fall in love as the club track plays
We don't care what them people say
Muli kong naalala ang mga pangyayari noon hanggang ngayon.
Isa lamang ang maibibigay kong opinyon sa mga kaganapan sa ngayon at ito ay ang : pagulo ng pagulo.
Ang gulo na ng buhay namin ngayon.
Akalain mo nga naman na dati ay nagtatago lamang kami ng aming tunay na pagkatao samantalang ngayon, ang aming mga buhay ay tila ipinaglalaruan ng tadhana.
Animo'y isa itong gulong na na-flat at hindi na nakausad pa papunta sa paroroonan.
Napakagulo isipin, damdamin at tanggapin ang mga nangyayari.
Maging ang ngayon lamang naaksidente na kapatid ko ay nanatiling kataka-taka at napakahirap tanggapin at ipagsawalang-bahala na lamang.
Napabuntong-hininga ako atsaka naagaw ng atensyon ko ang iwinawagayway na kamay ni son sa harapan ko.
"Luh pearly shell ka, boi?" napahalakhak ito kasabay ng paggalaw niya upang isandal ang gitara sa pader na kasalukuyang nasa bandang likod namin.
"Malalim na naman ang iniisip mo." ikinunot nito ng todo ang noo na agad nakapagpa-ismid sa akin.
"Hindi ah." deny ko at iniwasan ang mapangkilatis niyang mga tinginan.
"Tingnan mo yung noo ko." pumalakpak pa ito ng dalawang beses upang sundin ko siya, baliw talaga amp.
"Oh ano meron dyan?" pinagmasdan ko ito at hindi naalis sa noo niya ang pagkakunot.
"Ganito, ganito yung noo mo." mas lalo niya pang ikinunot ang kaniyang noo na agad nakapagpangisi sa akin.
"Napaka-baho talaga ng mga tirada mo nuh!" agad ko siyang binatukan habang napalitan naman ng busangot ang kaniyang mukha na kaninang kinekeri the way ang pagpanggap sa aniya'y ekspresyon ko raw.
"Ano na naman ba iniisip mo ha?" inilapat nito ang likod niya sa couch na kasalukuyan naming inuupuan sa ngayon.
"Wala nga, teluk ka ba?" nakasimangot at pabalang kong tugon dito.
"Si alexis na naman ba yan, oh baka naman nagkabalikan na kayo? Congrats--"
"Di ka nakakatulong." tiningnan ko ito ng masama na agad nakapagpatahimik sa kaniya.
"Ano nga kasi yon ha, chessy?" muli itong bumalik sa kaniyang pwesto kanina, itinanggal ang pagkalapat ng likod niya atsaka ipinantayan ang pwesto ko, kasabay din nito ang pagkawit ng kaniyang kamay sa likod ng balikat ko.
"Naalala ko lang yung mga nangyayari ngayon." napabuntong-hininga na lamang ako sa pamimilit nito.
"Wag mo nang alalahanin para 'di ka magkaproblema!" malawak na ngisi ang iginawad nito sa akin at maging ang boses nito ay iginawa niya na namang pang-bata.
"Hunghang ka ba?" muli siyang napahalakhak sa sinabi ko.
"Mga salitaan mo talaga!" idinuro pa ako nito kasabay ng muling pagdagundong ng halakhak niya.
"Okay na? Biruan lang to ah." sarkastiko kong sambit kasabay ng pagkalabit ko pa sa kaniya.
Muli itong natawa na agad nakapagpagalaw ng mga kamay ko para hilutin ang sentido ko.
Ipinagmasdan ko ang loko na mamatay-matay na sa kakatawa sa mga sinabi ko.
Hindi ko alam na ang pagsasabi pala ng totoo sa panahon ngayon ay lubha ng makakapagpatawa at makakapag-pagaan ng sitwasyon.
UNKNOWN'S POV:
Sa wakas at kahit papaano ay bumuti na ang pakiramdam ko sa ngayon.
Ipinagmasdan ko ang nakaitim na babae na kasalukuyang nakatalikod sa akin.
May kausap ito sa telepono habang malapit ito sa bintana.
"She went there?" mariin at nagtataka ang boses nito.
Hindi ko man marinig ang sinasabi ng kausap niya ay dinig na dinig ko naman ang bawat mga salita niya.
"Oh really." she chuckled in a rough way, i guess she's being sarcastic.
"How many's down?" ang tono ng pananalita nito ay para bang nae-engganyo ito sa kausap.
"Good bruh."
Bahagya itong gumalaw at isinulyapan ako ng palihim.
Buti na lamang ay agad akong nakapag-iwas ng tingin na naging dahilan kung bakit hindi niya ako nahuli na nakikinig sa kaniya.
How many's down?
How many's down?
How many's down?
Paulit-ulit na nag-echo sa aking pandinig ang iilang mga salita na iyan.
What the heck?
~~~
A/N: Annyeong madlaaa! So ito na po ang simula ng mga kababalaghan na mangyayari sa book ko hahahaha! Umpisa pa lang yan, tutok lang kayo sa story and marami pang mangyayari dyan(wews). Ayun lang and happy 7.6k reads po! Ily'all!❤
I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞