webnovel

What If? (Book 1 Of Questions Trilogy)

Jael_Balcoba · LGBT+
Classificações insuficientes
29 Chs

Chapter 1: Unforgettable Past

"PAST EXPERIENCES AND MEMORIES, WISHING ALL THOSE GONE, WISHING THAT DAY WILL COME, THAT'S ALL THAT I'VE BEEN WANTED SO BAD AND ALSO ME WISHING TO FORGOT"

*C1's POV*

(FRANCHESSCA'S CHAPTER🖤)

*Flashback:

"Oh, chessy wear this oh!" Ani mommy sabay kuha ng pinakamaikling dress na nakita't hinanap nya pa sa kadulu-duluhan ng wardrobe ko. Pinakatago-tago ko na nga sa kadiliman at kadulu-duluhan, nakita pa! Hays malas ka!

Napailing naman ako ngunit hindi iyon sa kadahilanang ayaw ko kundi iyon ay dahil sa kawalang magawa ko, kailangan kong suotin yun mapasaayaw man o gusto ko.

Hindi nya nakita ang bahagyang pagsimangot at pag-iling ko sapagkat busy sya sa katitingin sa bawat sulok ng napili nyang damit na kailangan kong suotin.

Nang makabalik ako sa huwisyo ay agad akong tipid na ngumiti at hindi ipinahalata sa kanyang hindi ko yon gusto. Totoong hindi iyon ang tipo ko, masyado iyong maikli at isa pa pambabae yon.

Kinuha ko ang dress na iyon kahit totoong napipilitan lang ako, sinuot ko yon kasabay ng biglaang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.

Si Ate, psh!

"Oh my!" Naitakip nya pa ang dalawang kamay nya sa bibig nya at nanlalaki ang mga matang tiningnan ang kabuuan ko.

Taka naman akong lumingon sa kanya at gaya nya ay pinasadahan ko rin ng tingin ang damit na suot ko.

O ano meron dito?

Magtatanong na sana ako sa biglaang pagbabago ng reaksyon nya ng sa hindi ko inaasahan ay biglaan syang lumapit sakin at hinawakan ang mga balikat ko at saka inalog-alog iyon habang nanatiling gulat na gulat ang kanyang reaksyon.

Ano bang nangayayari dito?

Muli na naman sana akong magsasalita ng sumabay na naman sya, mas nauna sya at sa ganoong kadahilanan kaya hindi nya nanaman narinig ang nais kong sabihin sa ka-mongoloydan ng reaksyon nya, psh!

"You look so gorgeous!" Sabi nya ng ngiting-ngiti kasabay ng pagbitiw nya sa mga balikat ko at biglaang pagyakap nya sakin na ikinabigla nanaman ng kabuuan ko, corney neto!

Kahit gulat ay mas pinili kong ngumiti parin sa kaniya dahil kahit papaano ay para sa kanya ang sinabi nya ay compliment. Well para sa akin ay insulto yun, psh!

Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko at saka nakakunot ang noong nag-isip.

Ano naman kayang meron sa damit nato? Bat nagiging ganito ang reaksyon ng buong sambayanan pag nakikita akong nakaganito? Samantalang ordinaryong mahabang t-shirt lang naman to na naka-fit sakin at ang tinatawag nilang skirt naman ang parang pang-ibaba nito. Sa madaling salita pati ang pang-ibaba ay naka-fit din sa balakang at kalahati ng hita ko. Iisang dress lang to, kung hindi nyo maipasok sa imahinasyon nyo ang itsura ng pesteng damit nato, ay bahala na kayo sa mga buhay nyo! Malalaki na kayo, psh!

"Mima, bat po ako naka-green?" Pilit ang ngiting tanong ko ng humiwalay sa pagkakayakap sa akin si ate.

Ang tinatawag kong ate ay pinsan ko. Sya si ate jessy, maganda sya at maporma. Magarbo ang mga dresses at gowns na sinusuot nya, and wait there's more! Ang lahat ng isinusuot nya mismo sa sarili nya ay ang mismong mga ginawang damit nya. Isa syang fashion designer. Sya ang gumagawa ng mga gowns at dresses naming lahat kapag may aatinang event. Bibihira nyang nagagawan ang mga lalaki ng mga pormal at disenteng mga kasuotan dahil mas trip nya ang paggawa ng sarili nyang kaartihan, which is pambabae. At dahil nga babae ako para sa kanila ay siya rin ang gumagawa ng mga nag-iikliang damit na kinababaduyan ko, basta para sakin baduy yun, di maganda pero para sa mga chiks na kagaya nila ay perpekto yun at pinagdidiinan nilang sakin ang pinakaperpektong kabuuan kapag pinagsusuot nila ako ng mga kagagahang ganon, psh! At dahil hindi nga nila alam ang mga totoong hinanaing ko ay ako tong si tangang nakikisabay nalang sa mga trip nilang malalaswa, mas malaswa pa nga to sa mga nakikita kong nag-iikliang suot ng mga chikas ko, badtrip!

Mabuti nalang at walang mga nakabantay at pakalat-kalat na nagagandahang mga nilalang sa paligid ng bahay namin, dahil pag nagkataon bawas pogi points yun mga chong! Mahirap pa namang maka-score sa panahon ngayon, psh!

Marami nang mga pahard-to-get na mga nagagandahan at mga nag-uunahang mag hugis bote ang pangangatawan na mga chikas ngayon, men. Hindi ako pwedeng mahuli sa pakikipagharutan, dahil ako ang kahihiyan at olats sa solid naming samahan kapag nagkataong mangyari yun, iluluwa ako ng mga kaigan ko, haha!

Hindi ko na naman maiwasang magulat ng biglang magsalita ang mima ko. Mima ang tawag ko sa kanya, para kahit maski sa ganitong paraan ko lamang malabas ang kamatonan ng pagkatao ko, psh!

"Ah yeah my pretty baby, that's mint green and that suits you really well, you look so pretty, baby so muchhh!! Even the word pretty can't describe that uniqueness of you, mmmhh baby mima is so proud of you, you're so pretty and a lovely daughter of ours at the same time! You're making me more proud of you each and everyday past, I can't see any flaws of you, you seem so quiet perfect, you're an intelligent too, and sooooo pretty! You're making every people around turns at you you're a head turner my dear, come on!" Mahabang speech ng mima ko kasabay ng pag taas nya ng dalawang kamay nya na akmang nag-aalok na lapitan ko sya at yakapin, at dahil nga masunurin ako ay sinunod ko na naman sya. Ngunit hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko pagkatapos nyang bitiwan ang mga salitang binitiwan nya ng may pagkaganda-gandang ngiti at maluha-luhang mga mata, i felt guilty at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay humihingi ako ng sorry sa kanya sa kaloob-looban ng isip ko. Hindi ko maiwasang malungkot at makaramdam ng onting galit sa sarili ko sa kadahilanang buong pamilya ko ang niloloko ko.

Kung alam nyo lang ma, kung alam nyo lang.

Pagtapos bitiwan ng isip ko ang ganoong mga salita na nanatiling naglalaro sa isipan ko ay biglang may kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Im sorry ma, I'm not as perfect as you can see outside of this mask, im stupidly imperfect inside mima, im so sorry.

Dahil sa tumakbong mga salitang yun sa utak ko ay muntik-muntikan nang tumulo ang mga luha kong pilit kong pinigilan at sa halip ay mas piniling gawaran ng napakagandang ngiti ang napakagandang babae sa mundo at buhay ko, ang mima ko.

Kasabay ng pagkalaki-laki ng ngiti ko ay ang pangingilid ng luha kong pilit kong pinipigilan ng makita ang emosyonal na itsura ng mima ko, ma im really sorry.

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang paulit-ulit na naglalaro sa  utak ko ngunit ayaw ko syang masaktan ng dahil lang sa katarantaduhang pinagagagawa ko, masyado kong mahal ang mima ko, na pati ang sarili ko ay nakakayanan kong lokohin at gawing maganda't seksing modelo sa harapan nya dahil sa ganoon ang tingin nya sa akin, ang anak nyang maganda't perpekto sa paningin nya, ang tiwala't paniniwala nyang hindi ko kayang sirain. Mahal na mahal kita, mima. Nakangiting sabi ko sa isip ko.

"I love you mima." Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang nakatingin sa walang pagbabagong itsura nya, emosyonal padin.

Matapos marinig ng mima ko ang mga salitang binitawan ko ay humigpit ang pagkakayakap nya sakin at kasabay non ang pagtulo ng mga luha ng mima ko at agad ko naman yong pinahid gamit ang dalawang hinlalaki ko marahan kong hinaplos ang pisngi ng mima ko at ngumiti ng perpekto, gaya ng tingin nya sa akin.

"I love you so much my dear!" Humahagulgol nang tugon nya't kasabay non ang malakas na palakpak ng nag-iisang taong nakatayo sa bukas na pintuan ng kwarto kong kabubukas lang kalaunan ni ate jes, psh! And now this is my daddy, ang malakas ang amats kong tatay!

"Enough of dramas my darling and my baby, come to papa my baby!" Malugod na paninimula ng tatay ko at wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa gusto nyang mangyari, tutal wala na rin naman akong magagawa e, sya ang padre de pamilya sa loob ng tahanan na to at patatalsikin ako dito kapag nilantad ko ang kahihiyang makasisira sa iniingatan na reputasyon ng tatay ko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong ilantad ang totoong ako. Masyadong marurumihan ang pangalan ng buong pamilya ko, masakit man pero ang tumatakbo sa utak ko ay once na malaman ng buong angkan ko ang totoong ako ay wala silang ibang pwedeng gawin kundi ang palayasin ako sa pamamahay nato, na pagmamay-ari ng karespe-respetong ama ko, mahirap rumihan ang malinis na pangalan na dinadala ko. Kaya mas mabuting wag akong gumawa ng sarili kong ikasisira't kahihiyan.

Pagkalapit ko sa tatay ko ay mabilis nya akong ginawaran ng tipid na yakap at hinalikan ang aking noo.

"Im so proud of you franchessca, keep yourself always up, we're so proud of you." Tipid ang ngiting sabi sa akin ng aking ama kasabay noon ang paglapit nya sa aking mima at hindi man lang hinintay ang sarili kong makapagsalita at ang ibibigay ko sanang pasasalamat sa kanya, oo nga pala, masyadong mahal ang oras nya. Come on fred you're so stupid, psh!

Nang makalapit sya sa mima ko ay agad nyang hinawakan ang kamay nito at tipid ding nginitian, samantalang ang mima ko naman ay mamasa-masa pa rin ang mga mata bagaman natigil na sa paghagulgol.

Naagaw ng atensyon naming lahat ang pagsasalita ni ate jes na hindi namin namalayang hanggang ngayon ay nandito pa pala't pinapanood kami.

"Ahm tito, tita, chessy una na muna ako ha?" Nakangiting pagpapaalam ni ate jes bitbit ang kung anong hindi ko malamang laman ng malaking paperbag na bitbit-bitbit nya sa kanang kamay nya. Mukhang hindi naman yun mabigat dahil isang kamay lang ang nakahawak sa paper bag na dala dala nya, ngunit ang ipinagtataka ko ay kung para kanino yun.

Muntik-muntikan na akong mapahalakhak  ng biglaang pumasok sa isip ko ang taong maaaring paggamitan ng laman ng paper bag na yun, marahil damit yun dahil tatak ng shop ni ate jes ang nakasulat sa labas ng paper bag na dala-dala nyang yun.

Napangiti naman ako at saka tumango kay ate jes na nakangiti na ring sinulyapan ako matapos makipag-besuhan kay mima at makipagtanguhan kay dad.

"Mauuna na ho ako ako ha? Aayusan ko pa po kasi yung baduy na kapatid ko." Nakangiting sabi ni ate jes at kasabay noon ay ang hindi ko na napigilang pagtawa ko na nilingon ng lahat ng nasa loob kwarto ko.

Well wala namang masama sa pagtawa diba, kailangan ko lang ng dahilan para hindi halata, psh!

"Nu kaba te? E ang ganda-ganda nyang si selly e!" Patungkol ko sa kapatid nyang kagaya ko ang kasarian at nahihirapan ring maghanap ng tyempong sabihan ang buo nilang angkan. Maski ako ay muntikan nang masuka sa sinabi ko, kung nandito lang yun ay baka kinaltukan nako ng patago non, putsaa ka haha!

Napalitan naman ng nagbibirong ngiwi ang reaksyon ni ate ng sabihin ko ang mga salitang yun na ikinahalakhak nya rin kinalaunan.

"O sya sige na, sya na ang tunay na maganda haha! Una na ko ha?!" Humahalakhak paring sabi ni ate jes.

Muli nyang sinulyapan ang mga magulang ko at ngumiti ng napakaganda dito't tuluyan nang lumabas ng kwarto ko,

"Okay! Baby chessy please go downstairs na if you're done fixing yourself huh? We will go down there na and please pala before you go downstairs eh silipin mo muna ang kapatid mo at isabay mo na rin huh? See you two down there wag na kayong masyadong magtagal sa pag-aayos dahil you and you're sister have a natural beauty faces na, okay? Bye, i love you baby!" Mahaba na namang speech ni mima at muli pa akong hinalikan sa magkabila kong pisngi't kumaway pa sakin ng makalabas na si dad ng pintuan.

Oh kitams? Ganon lamang po ang role ng butihin kong tatay sa istoryang ito, psh!

Para naman kaming magkakahiwalay ni mima, kung makapag-emote at react eh kala mo kailanma'y hindi na kami magkikita!

Muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi ng mima ko. Ayos na kaya yung kapatid ko? Magandang-maganda na kaya yun? Bagaman hindi yun nag-me-make-up ay nakita ko isang araw yun eh naka-lip-tint ang gaga, malamang sa malamang nalaman ko yun dahil  mapula at may pagka-pink ang labi nyang hindi naman ganon ang natural na kulay! Natututo na ang gaga, well hindi nya kasi ako kauri. Nandidiri ako sa mga kolorete. Psh!

Matapos ng pagsusuklay ko ay agad din akong dumeretso sa kwarto ng kapatid ko. Magkatabi lang naman ang kwarto namin. Ngunit hindi ito parehong nakukulangan sa lawak at laki. Para na ngang isang bahay ang tig-isang kwarto namin eh! Ganon daw kami kamahal ng mga magulang namin! Psh!

Bahagya akong natigilan ng makita ang kaunting awang sa kanyang pintuan, mukhang kanina pa lamang eh may plano na syang buksan.

Mas lalo pa akong natigilan ng marinig syang humahalakhak mag-isa sa kwarto nya. Hoy mga chong! Baka isipin nyong may sayad tong kapatid kong to ah! Malamang sa malamang eh may kausap kaya natatawa ng ganiyan yan, wala yang sakit sa pag-iisip at biglaan na lamang magwawala't pagbabasagin ang mga gamit sa kwarto nya, ligtas naman ako dito mga chong don't worry aym mega-ultra-ober seyp, hehe!

Narinig ko ang bahagyang pag-uusap nila ng nasa kabilang linya. Mukhang malapit na sa pintuan ang kapatid ko't ako'y nanatiling naka-squat at nakikinig sa usapan ng hindi ko naman alam ang pangalan na kausap nya sa kanyang telepono.

"HAHAHA! Oh sige na hon, i have to go. I love you so much! Bye." Natatawa pa rin nyang pagtatapos sa usapan nila ng kausap nya. Jusko! Isusumbong ko nga to sa mga magulang ko! Kebata-bata pa eh may pa han-han na! Kung sakaling makita ko yang tinatawag nyang han eh pagbubuhulin ko sila at hindi lang yan ang maaaring idulot ng kaha-han-han nya! Sapagkat kapag nalaman ng buo naming angkan ang kanyang pakikipagrelasyon sa ganiyang edaran eh hindi ko na sya muli ditong madadatnan dahil sa kaha-han-han nya eh bigla na lamang syang mawawala ng tahanan! Psh! Ako nga eh walang lablayp at puro pakikipagharutan pa lamant ang nalalaman. Hanggang doon pa lamang ang maaaring kahantungan ng ganitong mga edaran. Kinse pa lamang ako mga kaigan! Mag didi-sais pa lamang ako sa oktubre sa taong ito. Oktubre disinuwebe para klaro't maging malinaw ang pagkakahayag ko ng kaarawan ko. Huwag ninyo makakalimutang magregalo.

Nawala sa utak ko ang pakikinig ko sa usapan ng humahalakhak na kapatid ko't tumama sa tenga ko ang door knob ng kanyang pinto. Mabuti't hindi pala ang mukha ko ang nakaharap sa pinto kundi eh magiging kamukha nako ng door knob nato, putsaang yan magkakapalit na kami ng mukha ng door knob na to kung nagkataon, thank god! Maraming salamat ama! Ngunit gayunpama'y hindi ko maiwasan ang mabigla't matamaan masakit ang pagkaka-atake sa tenga ko eh mabuti na't hindi to tutuli dahil kung nagkatao'y pasok ang buong tutule sa mala shrek ang laking tenga sa pakikinig sa paghalakhak ng malanding kapatid ko! Hay ang landi pala ng kapatid kono? Psh!

"A-aarayyyyy!" Napalakas ang singhal ko dahilan para mapayuko ang kapatid kong kalalabas lamang ng kanyang kwarto kasabay noon ang bahagyang panlalaki ng mga mata nya't pagkunot ng noo nyang parang nagtatanong kung anong ginagawa ko't kung kanina pa ba ako nandito.

Hindi nga ako nagkamali dahil ng makarekober ang isang to eh hindi na nakapagpigil pang magtanong. Aligaga't parang kinakabahan sa alam ko na ngayong dahilan, at ayun ay ang kanyang pakikipaglandian. Putsaa ka kapatid! Alam ko na ang pinagkaka-busy-han mo sa mga nakalipas na araw nato. Kaya ka pala hindi lumalabas ng bahay dahil panay ang pakikipag-facetime mo sa hindi ko kilalang tao. Siguraduhin mo lang na may ibubuga sa akin yan ah! Dadaan muna sya sa umaatikabong training na makakapag-paikot ng tumbong nya at kapag sumuko agad yang tarantadong yan eh, hindi yan ang tunay na sa iyo'y nakalaan.

Baka mga mas lalaki pa ko dyan, hahaha! Psh!

"A-a-anong ginagawa mo dyan, ha? A-ate kanina ka pa ba dyan? May narinig ka ba?" Pahina ng pahina at pahiya rin ng pahiya ang kaniyang kabuuan matapos bitiwan ang mga salitang yun.

Oo marami, sa sobrang dami eh narinig ko ang paghalakhak mo't uri ng pagkamalandutay na tinatago mo sa kaloob-looban ng iyong pagkatao. Anlakaaaass, lakaaaass ng halakhak mo't para ng buong lotto't may kasama pang bangko ang napanalunan mo, yari ka na agad-agaran kapatid.

Di kalauna'y nakarinig ako ng nakakabinging ingay...

*End of flashback

"Putsaaaaa kaaaaaaaa!" Malakas na singhal ko ng nakapikit pa ang mga mata't nanatiling nakahiga sa aking napakalaking-kama yakap yakap ang jimmy neutrong unan ko't nakatanday at ipit ko namang unang justice league sa gitna ng mga hita ko.

Nakarinig ako ng ingay na nangagaling sa tabi ko't agad ko namang hinawi yon kasabay ng siguro'y pagkahulog non at dahil kulang ang tulog ko'y sa sobrang pagka-irita ko sa bahagyang pang-istorbo ng kung ano mang bagay nato sa mahimbing na pagtulog ko ay siguro'y may nagawa akong hindi maganda sa bagay nato na hindi ko na pinakialaman pa dahil sa mga mata kong pakiramdam ko'y ilang segundo lang nahimbing at isa pa'y ang ingay-ingay ng putsaang bagay na yon! Kalauna'y wala na akong naririnig at bahagya naman akong napangiti sapagkat sa wakas eh, hihimbing na muli ang prinsipe, hehe!

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz, 1--2---3----4-----5------6-------7--------8---------9----------10-----------"

"HOY UTOL!" Malakas na pagkakasigaw ng kung sino mang siguro'y nasa tagiliran ko dahil kinalabit pa ako ng loko. Putsaa ano bang pakialam nila sa mahimbing na pagtulog ko, ngayon lang nila kaya ako inistorbo ng ganito, hello! Psh!

"TSK! Tulog mantika ka talaga, hoy wala pang itlog sa baba, binabati pa, ugok haha! Gusto mong itlog mo iprito ko? GISING NA'T PAPASOK KA NA'T AKO RIN PALAAA, hehe!" Malakas na sigaw nya dahilan para mapamulat ang isang mata ko at hindi nga ako nagkakamali sya nga ang badtrip na utol ko! Umagang-umaga eh anlakas mambulabog ng mga kalapit-kwarto nya. Ano nanaman kayang tumatakbo sa mala sponge-bob-squarepants na utak nito?

Panira na umaga ang putsaa, at nagawa pang magkwento ng pagbabati nya ng itlog sa harap ko. Pasalamat sya't hindi ako gaanong nadismaya sa kadahilanang sinabi nya'y pati itlog ko ay ibabati nya, haha! Nangangarap pa lang magkaitlog! Ugok! Pero ansarap palang pakinggan ng mismong kauri mo ng kasarian eh itinuturing kang kasosyo nya sa kanyang mga kabulastugan, putsaa parehong imahinasyon ng itlog nami'y kusang nag-iimahe sa utak ko sa kanyang mga pinagsasasabi, i also feel you utol, you know gustong-gusto magkaganitu.... tukoy ko ang imahe ng itlog kong tumatakbo sa utak ko.. nangangarap rin ang gaguu, once again ugok, i must say i feel youuu! Hehehe!

Tumagilid ako't tumaliwas sa direksyong ikinaroroonan nya't nagplanong muli ang mala-einstein kong utak ng biglaan syang lumapit ay isang umaatikabong traydor-ang mga ngitian ang gumuhit sa aking labi't saktong pagkaupo't pagkalapit nya sa aking kinaroroona'y agad rin akong umupo at nag-unat dahilan para saktong mukha nya ang matamaan. Bakit baa? Trip kong mangwasak sana ng bungo ng bagay man o taong umiistorbo sa pagkagwapo-gwapong pagkakapikit ng mata ko eh!

Nagtataka siguro kayo kung paano ko natamaan ang loko, ano? Pagkaupo nya't pagkalapit kasi saki'y tumunghay sya dahilan upang di man ako kanina nagpahalata eh sinadya kong umurong pataliwas sa kinaroroonan nya para hindi kami magkabungguan ng mukha, mahirap na, pag nagkapalit kami'y malas kaa! Sapagkat hindi hamak na mas gwapo ako sa kanya, haha!

Ang nangyari'y saktong pagkaurong ko eh sinadya kong isakto sa kinaroroonan ng mukha nya ang malaki't may kapayatan kong kamao dahilan ng paglalanding nito sa mismong mukha ng utol ko, haha! Sapul ka ano, loko?!

Nag-inat lang naman ako ngunit kailangang may kasamang pananadista para makumpleto ang araw ko. Hehe! Tsaka kaya rin ako napabangon kanina eh narinig ko ang mga salitang inilantad nya't hindi ko namalayang akin palang nakaligtaan. Putsaa ka, may pasok na! Hindi lamang yun yon, dahil 2nd year nako ng senior h.s ko. Putsaa, senior na! Seryoso ka? Gago, ba't ayaw mong maniwala? Dahil ba sa kakulangan ng utak ko? Mapang-insulto kayo mga loko! Ngunit sino nga bang nang-iinsulto sakin?

Nakuu kaa! Mukhang may sayad nako! Kailangan ng maliwanagan ng pakwan kong utak at dumeretso sa mga nagigitingang psychia-- (psychiatrist po yun hehe, pinaikli lang🤣🖤)

at baka sila na ang sagot sa mga katanungan kong wala namang nagsasabing ganon nga ang katauhan ko! Anlakiiii-laki talaga ng......itlo----

Este utak ko, hehe! Masyado na akong nagpa-agos ng tuluyan sa pangarap ko hehe, at hindi lang yun nagpalipad pa sa kanta ni angeline quinto na kung hindi mo nalalama'y tigilan mo na ang pagbabasa ng istoryang ito! Haha jk😅

Ngunit nagbago ang may kagwapuhang mood ko ng may maalala akong isang pangyayaring nangyari noong unang araw kong pumasok sa eskwelahang pinapasukan ko bilang pang-una o simula pa lamang ang baitang ngunit tinatawag ng nakatatanda ng mga nakababata which is senior. Junior ang nakababata, at senior kaming sa kanila'y 'mas' nakatatanda. O sya na naman ba? Kailangan ba talagang pati sa umaga, eh biglaan ka nalamang sa utak ko'y aarangkada? Eh pilit ka na ngang kinakalimutang putsaa ka!

Pinalis ko naman agad ang mga isiping iyong tiyak na makakapagpasira ng sira ko nang umaga, sa paninira ng isang taong muntikan ng bumaon ang mapayat at labas-ang buto't may kalakihan kong kamao sa mala-munggo nitong ulo, putsaa ka!

One thing about my niece utol is his head is so small, his head looks like a green peas hehe! Putsaa ka ulit ng pangalawa dahil english ang sinubukan kong ibalandra, mga kaigs! Maging-proud naman sana sakin maski kakaunti lamang na nagbabasa neto ha? Dahil ngayon pa lamang eh sinasabi ko nang nakakatamad nang ito talaga! Psh!

Kanina ko pa hindi napansin ang maaaring reaksyon ng utol ko'y bagaman sa ngayo'y bahagyang nakasimangot eh mukhang nagtatanong ng mga salitaang 'ano bang trip mo?' at bahagya na lamang umiling at sinapo ang sariling noo dahil doon pala sya napuruhan, hehe! Sensya ka, dahil ikaw ang bumulabog sa prinsipe! Pasalamat ka nalang dahil ganiyan lamang ang inabot mo, sapagkat maaari kitang ikulong kung kailan ko man gusto, hehe! Remember one thing prinsipe ako sa sariling bahay ng kapatid mo, hehe! Mabuti na lang at magiting rin si ate jes, at napag-desisyunang dito kami patirahin ng kapatid ko. At hindi lamang iyon ang pinagpapasalamat ko, dahil sa sarili nya ring pamamahay eh nagagawa ko ang LAHAT ng gusto ko, hehe! Dahil ngayon pa lamang kagigising ko eh mapapatunayan ko nang nagagawa ko nga ang aking gusto sapagkat nakasapak ako ng isang loko-loko, hehe! Isa pa muling pambubulabog utol may kasama nang tuhod ang pang-aatake ko sayo, nang tuluyan ng bumaon yang panget na pagmumukha mo sa napakigiting na kamao ko, victory! hehe biro lang dahil gwapo tong isang to ngunit listen, listen mga kaigan dahil muli kong sasabihin ang katotohana't mga birahan at salitaang may banatang ganito 'di hamak na mas gwapo ang isang fred Johnson na ngayo'y nagsasalaysay ng buhay sa inyo, pasalamat kayo't hindi ako tinatamad ngayong araw na to hehe, slight lang hehe ulit....

"Solid yun utol, putsaa ka level 50!" Sabi nya sabay kamot sa sintido nya't bahagya paring umiiling na nakatingin sakin.

Napangisi naman ako dahilan para mas lalong tumalim ang kanyang paningin sakin. Inangat ko naman ang hinlalaking daliri ko na naka-thumbs up na ngayon sa harapan ng nakasimangot nyang mukha.

"Dadu!" Ngingisi-ngisi nang sabi nya ngunit di kalauna'y natawa rin sa panggagago ko, haha dakilang tanga ang putsaa!

"Lika nga dito utol, lemme hug you, 'ikaw nalang ang syang kulang sa buhay kung etuuu'!"kinanta ko pa ang huling mga salitang binanatan ko pa ng umaalong tinig ko haha, tinig na mahihiya mismo ang ulan na bumuhos ngayon sa nagliliwanag na kalangitan. Natural, mahiya kang talaga ulan! Haha!

"Anong kala mo sakin, utu-utu? Super pakyuuu ka utul ku!" Sarkastiko man ang pagkakasabi nya sakin ngunit halatang pilit nalang yun dahil hindi naman talaga maiinitin ang ulo ng utol ko. Kahit nga palapa mo to sa mga tigre eh hahalakhak pa to, pustahan mga loko! Putsaa haha!

"Wuuuuu, "naghihintay na sayuu ang pinakamamahal muu'" sinadya ko na namang kantahin ang mga huling salitang aking binitawan sa tono ng kantang "dahan" ng december avenue ngunit mas aking natipuhan ang cover ni skusta'ng nag-viral sa puso't kaluluwa ng mga nakarinig ng mala dagat nyang tinig dahilan ng mukha ngayon ng utol kong nahiya ang mismong salitang "shooktening" putsaa!

Ang cute mo utol, nakakapanggigil kaaa! Sarap lapirutin ng namumula mong pisngi't mukhang nagkukumahog na, na buo mong pagkatao! Anong pakiramdam ng niloloko? Daduuu ka, ansarap ng victory'ng may kapares ng lasang tagumpay at katarungan, no? Haha! Ang gandaaaa-gandaa mong pagmasdan, haha babae na ang utol ko.

Mukhang hindi mapakali ang loko nang matapos kong bitiwan ang mga salitang sinadya kong pagmukhaing seryoso, nang deretso pang nakatingin sa mga mata nito kaya naman mukhang matatae ang loko sa di malamang pakiramdam ng nanloloko lang naman na ako, haha! Ang kaninang katanungan mo ay nasagot na ngayon sa pamamagitan ng napaka-cute mong reaksyon. Utol, dakilang talaga ang pagkauto-uto mo, loko! Ako na ang nagsasabi sayo! Tatlong nag-uunahang henyo ang nagkakarerahang pumapasok sa nag-iisang utak ko't alam nyo na yon mga madlang peps!

Ilang beses ko nang sinabi yun, at nakakatamad na ulitin uli ang mga sinabi kong yun, ayaw ko nang paulit-ulit kaya naman nang muling bumalik sa reyalidad ang aking mala-henyong pag-uutak ay hindi na bumalik sa sarili nitong wisyo ang taong nakaupo ngayon sa harap ko.

Hindi mo malaman kung nais ba nitong tumayo, tumae, umihi, maligo, o ano pa mang mukhang taeng-tae nang gawin ng loko ngunit iisa ang nasisiguro kong gusto ngunit nahihiya nitong gawin ang tumayo! Hahaha!

Kaya naman sa sobrang lakas ng sapak ko sa utak eh napagdesisyunan kong sakyan ang kanyang katangahan. Antalino mo utol, grabe sobraaa! Kaya pala ayaw mong tumayo, eh para hindi siguro halata, ano? Ang gaaaling gaaa---ling naman talaga ng utol ko, ULTRA-MEGA-OVER-BRAVO.

Napangisi nanaman ako nang nakakaloko ngunit sa pagkakataong ito'y hindi nahalata ni gago, sa sobrang lalim ng pagdedesisyon eh nahihirapan ang hinayupak, ganyan ang ginawa mo sa simpleng paggising at pampaganda ng umaga ko, sinira't pinahirapan mo, gantihan lang tayo utol para naman patas at walang lamangan, ganyan ang barkadahan loko, mabuti'y wala kang balak na palayasin ako sa inyong tahanan no utol? Hehe! Isang umaatikabong pasasalamat ang dapat iginagawad sa isang katulad mong walang halo ng kasatana-san ang pag-uugali hehe, ang bait-bait mo sana sa paningin ko utol kundi ka lang di hamak na nangigising ng iyong kalapit-kwarto sayang ang thank you for the love na igagawad ko sana sa iyo, psh!

Imbes na magpasalamat sa utol ko eh mas pinili ko parin ang manloko, hehe pakee?!

At dahil nga maloko ako eh hindi nako nag-alinlangan pang linlangin ang namumulang lokong nanatili paring ganun ang posisyon at reaksyon dahilan ng muntikan ko ng paghalakhak.

Nalilito at nahihirapang pagdesisyunan ang bagay na bakas na bakas sa kanyang porselanang pagmumukha ang pamumula't kasabay nito ang pagdudutdot sa kung anong matamaan ng kanyang mga kamay!

Having a hard time ba utol? Hehe! Palakpakan ako ng putsaa kang pangatlo na, dahil muli na namang umarangkada ang pagiging kano ko, huwag kang panira pumalakpak ka!

Mamaya na ako hahalakhak kapag naloko ko na ng tuluyan, hehe!

Sa isiping iyon ay sinabayan ko na ng paggalaw ang aking katawan at kinuha ang katabi lamang na kama ko ang cellphone kong nasa mesa, ang mesa'y nasa gilid ng aking kama, hehe eto na utol, yari ka 100% na kanina siningkwenta mo lang e, loko nakakabitin ang pambibitin mo ng pagbibigay ng pursyento, ngayon ay masasabi mo na ang pakyuu ako ng umaatikabo w/ matching isandaang porsyento, haha ayaw ko ng risking putsaa, english na naman to ah? Well im just speaking english, if it's needed but definitely if it's not then i will stay with my foreign language, hehe! English yan apat nang putsaa, matuto kayong magbilang at kinakailangan itong sasabihan ko mga kaigan! Kailangang kapag nagbabasa ng istorya ay walang amnesia ha? Nang maintindihan nyo ng maigi ang magiging takbo ng istorya. Haha!

Sinadya kong pagpipipindutin ang telepono kong sumasabay sa pagpapapanggap ko, lahat nalang nagpapagamit sa akin ngayong umagang to eh no? Hehe!

'Sge magtanga-tangahan ka pa, sya nga ginamit ka eh, hindi ikaw ang tunay na may talento ng panggagamit sya yun okay? Sya at wala nang iba ha! Once again ay wag kang tanga!'

Uminit naman ang ulo ko sa sarili ko nanamang pag-iisip na sa sobrang dami ng literal na utak ng nagtatalinuhang tao sa mismong utak ko eh nagagawa nilang magtalo-talo! Putsaa ka! Mabuti nalang at hindi naka-focus sakin ang atensyon ni utol, hehe! Matalino rin ang isang to eh, may pagka-uto-uto lang talaga sya mga madlang pips, hehe ulit!

Sinadya ko talaga ang tawagan ang isa sa mga kaibigan kong mukhang natitipuhan ngayon ng lokong nasa tabi ko, hehe!

"Uy fred, no trip mo ng ganto kaaga? Napatawag ka? Wala ka namang kelangan no?" Dire-diretsong pagsasalita ng nasa kabilang linyang sinadya ko talagang kontakin hehe ulit!

Ni-loudspeak ko pa para di masyadong halata ang kagitingang pagpapanggap ko, haha naman! Puro hehe na eh, dat paiba-iba rin ng paghalakhak para di nakakasawa sa mga nagagandahan nyong mga mata hindi ba, madlang pips? Hehe!

"Sige na, kie wag nang magpanggap pa't di alam ang sarili mong sinadya at baka magulat ka nalang eh lamunin ka dyan ng lupa't hilahin pababa, baka kung saan ka mapunta yari ka, sige na pababa na sya!" Mabilis na tugon ko rito at mabilisan ko ring pinindot ang pagtatapos ng tawag na buti'y hindi nahalata ng isa pang tangang pahapyaw pa lamang itong pampagana sa aking umaga, hehe ulit!

"Oh utol narinig mo?" Baling ko sa katabi kong hanggang ngayon eh hindi parin mapakali. Nanatiling hindi pa rin mawari kung ano ba talaga ang nais gawin at kung sa paanong paraan hindi mahahalata ang kanyang pagkabalisa.

Ululin ka, yung mamumula-mula pa lamang na iyong mukha, ay putsa approve na!

"HUYYY!" Malakas na pambubulabog ko sa malalim nyang pag-iisip kanina pa kaya hindi na kataka-takang nagulat ang dakilang tanga, psh!

"O-oh? Anu yun?" Hindi sya mapakaling nakatitig sa akin ngunit nasisiguro kong lumilipad ang utak ng loko. Haha! Ang hirap no? Sa susunod kasi eh magtatangka ka palang na gawin ang makakasama sa nag-iisang prinsipeng kalapit kwarto mo pa eh pigilan mo na agad ang sarili mo't wag magpapadali sa kalokohan mo, tignan mo ngayon ang mukha mo! Ikaw na ang nabibisto! May gusto ka kay kie no? Aminin mo, ululin ka!

Sa isip-isip ko'y sasabog nako katatawa dahil ngayo'y literal na nanginginig na ang paa ng putsaa, haha! Napaka-husay kong mamamayan ng show sa abs-cbn na pinamamagatang "umagang kay ganda" sapagkat ang mukha ngayon ng utol ko'y hinding-hindi mo mawawari't gayunarin ang maipinta, haha!

"Nasa baba na si kie, sge na pumunta ka na, kanina pa ako binubulabog nung lokong yun sa mahimbing kong pagtulog utol, umalis ka na dito't baka pag-umpugin ko kayo! Pare-parehas kayong mga istorbo! Ansarap nyong ibaon pareho ng nakarata'y at humihinga sa simenteryo, mga putsaa kayo, labassss!" Malakas na singhal ko sa kanya na meron pang kasamang pagpapanggap na kunwari'y ako'y naiirita dahil siguradong pagkalabas netong mokong na green peas na to eh paniguradong sasabog nako sa katatawa, putsaa ka! ( A/N: Kasama kanang nagbabasa ng pinagpapatuloy ko pa ngayong istorya, haha! Onting pagpapasensya pa't matatapos ko na ang unang bahagi ng istorya, pasensya na kung masyadong mahaba, nag-eenjoy lamang ang walang magawang author ng istoryang inyo ngayong binabasa, hehe! 😂)

Napakamot pa sa ulo ang utol ko saka aligagang tiningnan na lamang ako at tumayo saka sakin ay tumango bago lisanin ang kanina'y taimtim na pinaghihimbingan ko, hehe! Putsaa ka kasi eh napilitan tuloy akong paikutin ka, haha! Bat ba kase uto-uto kang mokong ka?

Saka ako napahalakhak ng walang humpay ng marinig ko ang mga yabag nya pababa ng bahay nila. Putsaa ka talaga utol, level 100, hehe! Ni hindi mo nga alam kung saan sya pupuntahan eh, sinabi ko pa lang na nasa baba eh agad kang naging aligaga!

Hindi muna nagtanong kung saan banda, loko napakadali mo talagang mauto tanga! At napakadakila mo ring mapagmahal na nilalang na bibihira nalang sa ganitong kapanahunan, diba mga kaigan, sumang-ayon kayo't baka may magawa rin akong hindi kaakit-akit sa inyo, hehe biro lang wag nyo sabihing pati kayo'y uto-uto at nagpapikot rin sa mga ganitong mga salitaan ko, hehe't biro lamang ulit!

Napailing na lamang ako sa loko, at saka napagdesisyunang mag-ehersisyo't mag stretching pagtayo ko, hayyy dito nagsimula ang umaga ko, sa isang karanasang naburyong ngunit kalauna'y natuwa ako, nakakagaan rin ng pakiramdam ang tinutuluyan namin ng kapatid ko para na rin kasi naming  kapatid ang dalawang pinakamatalik naming pinsan. Kapatid ang turing nila samin, lalo na si ate jes na kahit lahat ng kasama nya sa sariling condo nya ay hindi nya kauri't pare-parehas na tagilid pa ang kasarian ay pinatuloy nya ng walang pag-aalinlangan sa kanyang tahanan, mabuti ang kalooban ng pinsan kong to at alam nya ang tamang gawin sa ganitong mga kalagayan namin. At ang nakakatawa pa'y pati ang rason naming tatlo'y magkakapareho na hindi inaasahan ng bawat isa sa amin ng mga loko-loko. Nakakalokong pati pala ang mokong na kapatid ko'y isa ring kauri ko, at hindi lamang iyan dahil mapagbiro naman talaga ang mundo ano? Dahil pare-pareho rin ang naging nangyaring kaganapan kung bakit kami ngayong tatlo'y nandito. Mahabang kwento ang mga pangyayaring, madali at sa maikling panahon lamang nangyari. Wala pang ni isang buwan ang paglipat namin ng tirahan ng kapatid ko, at mahaba ang rason nun kaya hindi ko muna sasabihin ngayon, tinatamad pa naman ako, hehe! Tignan nyo nga naman, nagagawa ko rin palang magseryoso eh no? Ngunit sinasabi ko sa inyong ngayon lang to, ang drama na tuloy ng buhay ko, putsaa kasi kayoo eh! Haha biro lamang ulit hehe☹️😂

Enough of dramas, tsk tsk tsk.

Wala na talaga ngayong mangyayaring dramahan dahil wala na kami dyan.

Haysss, hindi ko na maintindihan ang nagiging takbo ng buhay ko, sunod-sunod ang mga pangyayaring hindi ko inaasahan na sa isang iglap ay ako pala  ang tuluyang hihilahing pababa't ang masaklap pa'y pati ang kapatid ko eh nadamay, nagpapaumanhin ako sa loko dahil ito'y nangyari sa sarili kong kapabayaan. Hayy patago akong nagpapaumanhin sa iyo, kapatid tsk!

Napagdesisyunan ko na sananf tuluyang bumaba nang sa hindi nanaman inaasahan'y paglakad ko eh biglang humapdi ang talampakan ko't pakiramdam ko'y may tumusok at bumaon na matulis na bagay doon.

Napangiwi naman ako sa sakit nun, ngunit hindi na iyon tuluyang pinansin at itinuon ang atensyon ko sa sahig ng kwartong tinutuluyan ko.

Bahagya akong nagulat ng makita ang mga maliliit na parang salaming nabasag ngunit kataka-takang may disenyo ang mga yon at mayroong mga numero sa bawat basag na akala ko'y kanina'y sa salamin nagmula. Ngunit kusang nag-flashback sakin ang malakas na pagsigaw ko kani-kanina lang at ang pagkalabog ng isang bagay na maingay.

Putsaa ka! Ngayo'y napag-alaman ko na kung ano ang bagay na itong talaga.

Eto ang nakakabinging alarm clock na ibinigay sa akin ng utol ko noong unang araw ng paglipat namin sa sariling bahay nila ng kapatid ko, nang maalala ang pangyayari't mga salitang binitawan nya ng kapanahunang iyon ay labis akong nanlumo't napailing sa aking nagawa't pinagsisihan agaran ang natamo ng alam kong isang bagay na may halaga't nagsisilbing mayroong memorya sa bagay na ito nya lamang namumukod-tanging naaalala.

*Flashback:

"Utol, tuloy kayoo! Bili!" Pagmamadali nya sa amin na inagaw at binuhat pa ang iilang gamit namin ng kapatid ko't pinasok sa condo ng kapatid nya.

Namangha naman ako sa laki ng condo ng kapatid nyang ito, grabe! Nag-iisa lang sya sa bahay na ito ngunit andaming guest room na hula ko'y mukhang may kalakihan rin kapag ika'y nakatungtong sa bandang iyon. Talagang nakakamangha ang kabuuan at disenyo ng bahay, parang architect din si ate jes, dahil sobrang galing nito sa pagdidisenyo't halatang sya lang ang nag-isip ng mga kakaibang mga palamuti't wallpaper sa dingding na pinaliligiran ng napakaganda nyang bahay na ito, grabe ganito pala ang isang fashion designer ano? Psh!

Naputol ang pag-iisip ko ng biglaang sumingit ang boses ng utol ko, saka lang bumalik sa reyalidad ang huwisyo ko.

Namalayan ko na lang na binubuksan nya na gamit ang susi ng isang kwarto na kani-kanina lang eh pinagmamasdan ko. Psh!

"Utol oh!" Malakas na sigaw nya dahilan para magulat ako't takang napatingin sa inaabot nya.

"Oh, ano meron dito?" Takang tanong ko sa kanya't nakita ko naman ang sarkastikong pag-iling at pagngisi nya bago muling magsalita.

"Malamang oras! Time is gold, utol! Huwag mong hahayaang matapos ang isang araw natong hindi mo kinukuha ang bagay na ibinibigay ko." Seryosong sabi nya na ikinakunot naman ng noo ko. Kunot-noong nagtatanong sa isip-isip ko at saka napakamot ng ulo ko.

"Ano ngang gagawin ko dito, utol!" Angil ko sa kanya ngunit hindi nawala ang kanina pang naunang maging reaksyon nya, sa madaling salita eh nanatili ang pagiging seryoso nya.

"Basagin mo sa harapan ko, gamit mukha mo, try mo bili! Nang malaman mo kung anong ginagawa sa isang ALAAARMM CLOOOCKKK utol,tsk!" Iiling-iling nang sabi nya't dahilang ng bahagyang pagtawa't pag-abot ko ng bagay na kanyang inaabot kanina pa, mukhang

nangangalay na ang loko't base sa kanyang itura'y dahil yun sa kanina pang katangahan ko't hindi muna kinuha ang inaabot nya bago nag-dadada, psh! Ang butihing utol kong mukhang stress ngayong araw nato, sapagkat ngayon ko lang ito nakita ng ganito kasungit at kaseryoso!

"Huwag mo akong tinatawantawan lang dyan at ingatan mo yan, iba ang sentimental value ng isang yan galing pa yan sa great grandmother ko, na ngayo'y lubusan nang nami-miss ko, utol nakikiusap ako sayong ingatan mo ang bagay na yan, at ipangakong hindi lang bagay na itinatapon at ibinabasag ang ituring mo dyan, ha?" Mahabang paliwanag nya na ikinabigla ko ngunit kalauna'y mas pinili ko nalang na tumango't ngumiti ng may pasasalamat, sa kanila. Ang mga taong tumulong sa amin ng kapatid ko, ang mga taong nagsilbing kaibigan at kapatid namin sa ganitong kami'y tuluyan ng nawalan sa isang iglap at ito'y naging lahatan. Maraming salamat sa inyo. Mas lalo kong naigawad ang sinserong ngiti ko ng pasasalamat sa pinsan kong ngayo'y may ibinibigay muli na panibago na namang bagay sa akin, napakabuti ng pamilya nyo, utol. Hayss!

"Salamat." Sinserong ngiti ang nakita ko sa utol kong mukhang nakainom ata sapagkat nakuhang magseryoso ng loko, hehe!

"Hinde." Iiling-ling kong tugon sa kanya't bahagya pang sinamahan ng simangot. Psh!

"Mali ka utol, sa inyong mga nagsilbing hindi lamang kaibigan ang itinuring sa amin ngunit mga nagigitingang kapamilya! Kayo ang dapat na pinasasalamatan, ha? Hindi mo dapat binabaligtad! Huwag kang maano dyan, psh! Basta ultra-mega-over ang pasasalamat namin sa inyong dalawa ng kapatid mo utol, labyu!" Nakangiting sinamahan ko pa ng pagbibiro ang mga sinabi ko sa kaniya.

"Tsk, sige pakyuu too!" Ngingisi-ngising aniya tsaka tuluyan na lamang na natawa. Kagaya ng ate nya, hayy magkapatid nga sila! psh ulit!

*End of flashback

Hayy! Napailing muli ako ng mapag-alamang nakagawa ako ng milagro sa isang bagay na sa tingin ko'y minahal nya na, kagaya ng pagmamahal nya sa great grandmother nya. Sapagkat ayun ang nagsisilbing tanda sa kanya ng sa tingin ko'y napakalapit sa puso nyang lola. Nagpapaumanhin ako sayo, utol ko, ka-putsaahan ko naman kasi talaga eh no? Sa sobrang himbing ng pagtulog ko eh kung ano-anong bagay ang napeperwisyo ko.

Ngunit bahagyang nagulat ang kabuuan ko ng may maramdaman akong taong ngayo'y nasa likuran ko't bahagyang nakakunot ang noo. Umiling-iling pato habang pinangingilidan ng luha.

T-teka, paano ba sya nakakapasok dito? Sa pagkakatanda ko eh, palagi ko namang ni-lo-lock ang pintuan ng kwartong ito. At naawa ako sa loko ng makita kong ang kaninang pangingilid  ng luha nito'y pinipilit pigilang tumulo, ngunit napakunot muli ang kanyang noo ng bahagyang itinuon at nakita ko mg malinaw ang paglingon ng kanyang ulo ng tumingin naman ito sa talampakan ko.

Sinundan ko ang tingin nya't gulat na napabaling sa talampakan kong may kalakihan gayunarin ang kalaliman ng sugat na patuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo, psh kaya pala mahapdi ang putsaa! Nabubog ako ng isang bagay na sobra-sobra ang halaga sa taong ngayon ay nasa likuran ko, at wala yung iba kundi ang utol ko. Badtrip talaga ang umagang to.

"U-u-utol, ayos ka lang ba?" Pinipigilan pa rin ang luhang tanong nya.

"Sorry talaga utol, ikaw ayos ka lang?" Umaasang tanong ko ngunit hindi na rin makangiti sa nakakahawa nyang kalungkutan, putsaang talaga ako eh!

"Ayos lang yan, lika nga dito gamutin natin yan." Iiling-iling na sabi nya ng makitang nagpapatuloy parin hanggang ngayon ang pagdurugo ng paanan ko, psh!

Utol ako na ang nagsasabi sayong wala tong lalim ng sugat ng putsaang paanan ko sa pagkawala ng bagay na importante't sobrang iniingatan mo, hayss paumanhin talaga utol ko, napakatanga ko kasi e, putsaa talaga!

Iiling-iling rin akong sumunod sa kanya sapagkat napagtanto ko ng matindi ang katangahan kong lubos ngayong kanyang ikinalulumo, hayysss!

Dahan-dahan nyang tinanggal ang may kalakihang piraso ng may orasang salamin sa paanan ko ng itaas ko ito't ipatong sa binti nyang ngayo'y may unan na't may dala na rin syang first aid kit. Ambilis nya talagang kumilos kapag seryoso't ngayo'y alam kong nasasaktan ang loko, sa isang hindi mapapantayan na napakagiting lamang na tangang ako, tsk tsk... tanga ko talaga putsaa! Hayyss ng maraming hindi ko na nabilang, may amnesia rin kasi ako eh pero tandaan nyo mga madlang peps, ako lang ang may karapatang makalimot sa sariling istorya ko. Hindi kayo't wag kayong muling maano dyan, psh!

Nabigla ako ng mapagtantong tapos na pala ang kanyang ginagawa at nakatitig na lamang sa akin at parang hinihintay na ibaba ang aking paa.

Nahiya naman ako sa lokong ngayon ko lang naramdaman sa kanya't naging dahilan ng mabilisan kong pagbaba ng aking paanan sa kanyang hitang may unan na alam ko'y kanina lamang bago lumipas ang isang minutong ginugol ng loko sa kagagamot ng sugat ko eh nilalagyan nya pa ng betadine at nilagyan ng benda ngunit maliit lamang iyon, tancha ko'y mga kalahati ng natural na sukat ng benda.

Napailing namang muli ito bago mukhang pahirapang nagbitaw ng unang salita sakin.

"Pasukan na, sabay tayo papasok ngayon ha?" Naniniguro ang kanyang tono ngunit bakas dito ang pagkadismaya sa nagawa kong pilit nyang hindi ipinapahalata. Ngunit sadyang malakas ang pakiramdam kong nagsisisi syang ibinigay nya pa sa akin ang bagay na mukhang matagal nang iniingatan nya, halatang luma na ang bagay na yon ngunit hindi nawala ang ganda non.

Nahihiya naman akong umiling sa kanya, sa kadahilanang hindi pa ako handa para sa unang araw ng eskwela.

Lahat na lang kasi ng posible namang mangyari ay ginawa kong imposible sa mga salita ng taong niloko lang naman ako at ang mas ikinasama ng resulta't kinalabasan nito ay hindi ko napaghandaan ang sarili ko, at lahat na lang ng nangyayari sa buong buhay na iginugol ko eh binibigla ang buong sistemang nakasanayan ko, putsaang buhay to! Sa sarili ko mismong karanasan ay aking napatunayan, talagang pinaglalaruan tayo ng mundo eh kahit sabihin mong nasa sayo ang desisyon kung magiging masaya ka man o ano pero binibilog tayo ng mundo gaya ng hugis nito, nakakapraning mag-isip lalo na't halos lahat ng nakakasalamuha mo'y hindi ka itinatanggap yung mga tinginan nilang ipanahihiwatig ang masasakit na mga katagang hindi ka katanggap-tanggap at walang taong tatanggap sayo.

Ngunit nang dumating ang lalaking nagsilbing buhay ko, pinatunayan nyang nasa sa akin ang mismong buhay  at sarili ko itong mundo. Na hindi ko kailangan ng anumang papuri't pagtanggap na magmumula sa bibig ng mga tao, dahil ani nya'y kung totoong mahal ko raw ang sarili ko, hindi ko hahayaang magpalugmok sa mga taong wala nang ginawa kundi husgahan ang buong kong pagkatao.

Ansakit-sakit nung mawala ang taong nagsilbing direksyon sa buhay ko.

Ang taong nagpasaya sa masalimuot kong pamumuhay na iniikutan ng mga taong puro pamimintas lamang ang nalalaman. At ngayo'y wala narin sya, ang taong mahal ko'y nawala't tinanggal ng mapagbirong tadhanang hindi ko alam kung hanggang saan pupunta ang putsaang biro nya, dahil hindi na iyon maganda't putsaa pa ulit dahil ang sakit-sakit na.

Bago pa man mangilid ang mga luha ko  sa katotohanang wala na maski ang mga taong tumayo't gumabay hanggang sa paglaki ko ay mabilis ko nanamang pinalis ang isiping lalo akong buhay na inililibing. Napakasakit na, hehe.

"E-eh utol pasensya na pero hindi pa ako handa eh." Malumanay na paliwanag ko ngunit nakuha naman ng matalino nyang utak ang nais na ipahiwatig ko. Hayy pasensya na utol, ganito ang buhay ng isang taong malapit sayo. Nakakabilib lang na halos pareho tayo, at triplets pa! Pati ang kapatid kong kala ko eh straight na ang pagkababae dahil nakita ko nang dalawang mata ko ang pamumula't ma-rosas-rosas na labi ng loko, eh tagilid rin pala ang kasarian? Putsaa, buhay ang mismong nakakaloko't nanloloko!

Huminga naman sya ng malalim at saka pilit akong nginitian at saka itinaas ang kamao nya na parang nag-aalok ng fist bump ang loko, tsk! Ganito na ba kaarte at drama ng buhay ko? Putsaa ka, napakahalata ko pala! Hayy eto naman ang katalinuhan ng utol ko, ang pagbabasa ng isip at nararamdaman ng isang tao't lagi namang tumatama dahil sa lakas ng pakiramdam na kala mo'y psycho ang darandado. (Psychologist po yun, pinaikli ko lang ule, hehe)

Nginitian ko muna sya ng nagpapaumanhing ngitian at saka nakipag-umpugan ng kamao sa kanya, hayy paumanhin talaga utol, hindi ko sinasadyang mabasag ang bagay na sayo'y napakahalaga, hayyss tanging pagsisisi't pagpapaumanhin na lamang ang magagawa ko sa aking sinayang na mukhang walang pantay ang halaga na nababasa ko mismo sa mukha mong ngayo'y puro lungkot at panghihinayang ang bumabakas dito mismo, hayyss ulit! Putsaa ka, akalain mo nga namang may talent rin pala ako sa pagdadrama, lupet rin naman ng mga nagigitingang talento ko eh no? Hindi lang sa pagpapagana ng utak kung hindi SA LAHAATT LAHAATT!! Putsaa napakagiting kong tunay mga madlang pipols, wuuuut! *salute* grabe! Hehe ng limanlibo, lalang gusto ko eh haha naman!

Bago tuluyang lisanin ang nagsisilbing kwarto ko sa condo nila ay nginitian muna ako ng ululin kong utol bago sinarado ng bahagya ang pinto. Hayyss, ano naman kayang gagawin ko?

Mukha kasi talagang hindi ko pa kayang pumasok eh, alam nyo na ang dahilan mga kaigan wag kayong maano dyan, tsk!

Kinuha ko ang gitara kong mga dalawang buwan ko ng inimbak sa gilid ng kama ng ngayo'y tinutuluyan ko.

Bakit ito nandito? Ayun ba ang ipinagtataka nyo? Malamang eh dinala ko ng pinalayas ako ng mga magulang ko't sinama pa ang kapatid ko. Magsama raw kami sabi ng magiting kong tatay, psh! Ngayon talaga'y literal na magkasama kami! Dahil bukod sa pareho mo kaming itinaboy sa 'mala-palasyo mong tahanan' eh magkasama kaming kinupkop sa iisa ring 'bahay' na may mas mabuting konsensya sa iyo, itay, tsk!

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pagpapatunog ng gitara ko't napag-alaman kong wala ito sa tono. Isa rin itong gitarang to sa mga bagay na nakakapagpagaan ng pahirapan sa loob-loob ng masakit at biyak-biyak nang pagkatao ko.

Napangiti ako sa bagay na to bago muling ipinagpatuloy ang pagtotono ko rito, malamang sa malamang eh ilang buwang nakaimbak ang bagay nato na idinala ko pa dito. Dahil isa ito sa mga mahahalaga't bumubuo sa sira-sira kong pagkatao. Psh! At ito ay ang napakagiting ring gitara ko! Oha? Dahil sa laging eto kasama ko sa mga kapanahunang alam nyo na ang hindi mawari kong kalagayan eh pati ang bagay nato'y sasama ko pag nagpa-psychia ako putsaa na naman kayo,

Big time yayamanin muna tayo, hehe.

Dahil ang mga gusto ng mga nagagandahang chikas sa panahon ngayon eh ang 'yayamanin' eh kailangan mo nga naman silang akitin ngunit dapat may 'kakaiba' pa ring galawang mala-romantiko ang banatan para mapasagot agad ang iyong natitipuhan at ganito ako mangharana mga loko-loko wag kayong manggugulo sapagkat masasampolan kayo ng magiting na kamao ko kapag 'masyado kayong makulet' putsaang kanta yun mga kaigan isa parin yun haha! At hindi ko na ito pahahabain pa sapagkat kating-kati na ang mga kamay kong muling pumitik sa bawat string ng gitara ko, putsaa kayo eto na 'pay attention' mga madlang peps! Ang kantang ito'y aking inaalay sa magandang binibi'y ngayo'y nasa aking harapan, mahiyain man ako'y pag sayo'y slight lang dahil gusto ko nang malaman mo ang aking nararamdaman, giliw ko. Ganyan ang banatan mga kaigan hehe! See? Igopskie yan kapag ganyan dahil pag sa mga babae'y iba ang dating nyan. Hehe ulit!

'Tenenewnt, tewn, tenenenentewnt, tenenewnt'

Intro palang yan mga madla dahil plocking ang trip ko ngayon eh, walang basagan ng trip, dahil baka mukha nyo basagin ko, haha biro lamang at huwag ninyong damdamin lalo na kung katulad nyo akong walang 'pandamdam' putsaa ka! Masyado akong honest no, hehe aminado lang mga chong, psh! Amin-amin din lalo na kung totoo, hehe mahirap itago ang katotohanan, dahil bubunyag at bubunyag yan halimbawa nalang ang nangyari sa napakamakulay kong buhay, psh ulit!

Kasabay ng pagtugtog ko sa gitara ko eh ang malawak na pagkakangisi ko,

Putsaang yan, ang cool ko talaga eh, no?!

Nang matapos ang kanta eh saka ako napangiti ng malawak at parang nawala ng panandalian ang napakaraming tumatakbo sa isip ko.

Hayyy gitarang isa rin sa mga buhay ko, ang mga kantang hindi kailanman nawala ni isang araw mang magdaan sa napakalawak na sistemang aking nakasanayan, hayy musika ang buhay ko mga madla!

Nagulat ako nang may marinig na palakpak sa pintuan ng kwartong ito, at ayun ay si te jes, psh! Wala bang trabaho ito? Mukhang nakita nya ang pangiti-ngiti pang pagmumukha ko,

baka napagkamalan akong may sayad neto? Ano sa tingin nyo mga madlang pips?! Hayss wala naman akong makuhang sagot na nagmumula sa inyo eh! Hehe!

"Napakahusay mo, chessy!" Malugod na pambabati sa akin ni ate jes.

Ngunit nagtaas ako ng aking kamay at iniling ang hintuturo ko sa ere't inilingan ko si ate, bakit baa, trip ko eh! Magtigil-tigil kayo ng katututol dyan, mga kaigan, psh!

"Puro mali ka naman ng sinasabi te, eh!" Tatawa-tawang singhal ko sa kanya't dumeretso naman to sa loob ng kwartong ipinapagamit nya sa akin.

Nakakahiya dahil hindi man lang ako nakapaglinis, ang galiiing ko talaga! Tsk!

Kalauna'y natawa rin itong kanina'y nakangisi lamang. Ugali talaga nilang magkapatid yung ganito eh no? Bat di nalang kasi tumawa agad? Lakas ng sayad ng dalawang guardian namin eh no? Putsaang gurdian yan haha, magulang lang ang datingan? Putsaa ka, ginawa ko pang magulang ang mga pinsan kong wala pa nga maski ang mag-isip o pagplanuhan ang pagkakaroon ng mga karelasyon, haha husay ko talaga! Talagang dapat na 'palak-pakan' ang isang tulad ko eh, no? Haha putsaa!

"Napakagiting dapat te tsaka putsaa bat f-franchessca, di ako yun ah wag kang maano te, tsk!" Iiling-iling na singhal ko sa kanya ngunit nanatiling tumatawa-tawa. Hayy mabuti't may mga ganitong taong dumating sa buhay namin ng kapatid ko. Dahil kung walang mga ganito e literal ang mga katanungang 'saan kami pupulutin ng loko' psh! Kaya kong magbasurero kung ako lang e kahit nga kainin ko pa sa harapan nila ang sari-saring basura eh gagawin ko, mabuhay lang kaming dalawa ng loko, ganun kagiting ang pagkatao ko mga loko! Maniwala man kayo o hindi ay desisyon nyo na yun, wag nyo na akong idamay pa dahil hindi ko kailangan ng paniniwala nyo, ang kailangan ko'y paniwalaan ang taong nagsilbing buhay ko na may malalim syang rason kung bakit nya sa akin nagawa ang ganoon, hanggang ngayo'y nanatili akong naniniwala. Putsaa umabot na naman ako sa drama? Baka mahiya na sa akin mga koreana't koreano nito, ha? Psh! Mahiya talaga kayo!

Ngunit ikinabigla ko ang pagsimangot nya na parang may ipinahihiwatig sa kanyang ekspresyon, nanatili syang nakasimangot at nakaupo na sa tabi ko.

"Sige na, labas mo na kaya mo yan, ilabas mo lang!" nanatili syang nakasimangot ngunit unti-unti'y naging ngiti na ang mga yun.

Hayss ugaling-ugali talaga ng angkan nila yan, psh!

Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi at bigla na lamang akong nagulat sa mga salitang kanyang binitiwan ng may maisip na posibleng kanyang tinutukoy uko don. Literal na nanlaki ang mga mata ko habang sya nama'y humahalakhak sa naging reaksyon ko.

"A-anong ilabas ka dyan te a-a-anong ibig mong sabihin!" Natakpan ko ng dalawang kamay ko ang aking bibig habang nanatili paring gulat sa kanyang sinabi. Alam kong naiintindihan nyo ang nasa-isip ko mga madlang peps, nangangarap na kung nangangarap pero bawal, birhen pa po ako, psh!

"HAHAHAHA! Wag mo nang itago chessy, dahil kung sila naloloko mo, ibahin mo ako." Malumanay nyang pagpapaliwanag na nanatili paring nakangiti sa akin gunit di kalauna'y sumeryoso syang bigla, nakakakilabot ang angkan nila, psh!

"T-te." Nautal pa ako sa pagsasabi ng iisang salitang iyon sapagkat diretso syang nakatitig sakin. Parang akala mo'y alam nya ang lahat magsabi man ako ng totoo ni magsinunghaling. Magkaka-ugali talaga sila mga madla!

Ngunit ngumiti na naman sya at marahan akong niyakap saka tinapik ang aking mga balikat ngunit nanatili parin syang nakaupo.

"Kung sa inaakala mo'y wala akong nalalaman sa inyong tatlo, una palang nakahalata nako." Nanatili syang nakangiti't nakatitig na nagkukuwento sa akin.

Napapalunok naman ako sa bawat titig na iyon sapagkat hindi ganito ang nakilala kong ugali ni te jes. Never syang magseryoso, pramis kinikilabutan tuloy ako walang halong biro, psh!

Hindi ako makasagot sa kanya dahil parang ordinaryo lamang ang pagkukuwento nya. At nahihiya ako sa kanya, alalahanin nyong sya ang kumukop sa amin, ang banal nyang puso mga kaigan, tsk!

"At... dapat maaga pa lang inamin mo na yung tunay na nararamdaman mo, yung tunay ba na ikaw." Malumanay nya nanamang pagsasalita ang muling nangibabaw sa loob ng kwartong ipinagamit nya sa akin.

Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya. Kusang tumigil ang mga tauhan na nagsisipagtunggali sa utak ko ngayon mga kaigan, parang nalalaman ang LAHAT ni te jes, as in LAHAT, LAHAAAT!

"Nang hindi na umabot pa sa ganito... naiintindihan ko ang iniisip mo kaya hindi mo ipinaalam sa kanila yang pagkatao mo chessy pero may 'karapatan' silang malaman ang 'tunay' na ikaw, anak ka nila't matatanggap at matatanggap ka nila, maaaring hindi sa panahong inihayag mo ang katotohanan ngunit darating ang panahong maiintindihan nila yan, at di kalauna'y mamahalin kanila sino't ano ka pa man, chessy." Nanatili pa rin ang pagkamalumanay ng kanyang tinig na para akong inihehele sa sobraang lumanaaay non, mga kaigs! Grabe!

Ngunit unti-unti'y napatulala ako at naramdaman ko nalang ang mga luhang umaagos sa magkabilang pisngi ko, at kinalauna'y may kung anong kakaunting barang parang pumasok ang kusang lumabas sa parteng iyon ng dibdib ko, sa madaling salita, gumaan ang pakiramdam ko. Literal ang paggaan noon kasabay ng malumanay at ang sobrang gaang tinig na malalim ang pagpapakahuwatig na mga salitang iminungkawi ni ate jes, gusto ko nanaman muling magpasalamat sa kanya, andami nya nang kabutihang nagagawa sa amin, hindi ko na malaman kung paano ko pa ba yon susuklian.

"Salamat te." Sinsero't malumanay rin ang tinig ng pagkakabitiw ko sa kanya ng mga salitang iyon, dadalawa ngunit taos-puso iyong nanggaling mula sa aking puso.

Niyakap nya akong muli ngunit sa pagkakataong ito'y gayun na rin ang ginawa ko. Walang kasing sarap ang sarili mong mga kadugo ang makakaintindi sa iyo ng ganito, ansarap sa pakiramdam.

Tumayo na sya matapos akong yakapin at muling tinapik ang balikat ko.

"Mauna na ako ha? Gabi na't bukas ay pumasok kana, kaya mo yan wag mong ikulong yang sarili mo sa nakaraan, start your new life, change for the better chessy, that's one of the hard things that you should've done first, before anything else. Because starting yourself like there was a new journey 'again' in your life, gives you an unexpected hope that your life is not just as dark as you can see where you left it, but that's how bright it was when you learn how to start it 'again'." Nakangiti pa rin sya habang tuloy-tuloy ang pagpapaliwanag nya at ang ipinupunto nya sa bawat mga salitang binibitawan nya. Grabe! Akong ako yun e, yun ang isan-daang porsyentong nararamdaman ko sa panahong nawalan ako ng halos lahat sa buhay ko,  yung parang gusto ko nalang ring mawala sa buhay nila para naman may pakinabang ako, para naman kahit maski luha lang ay pag-e-effortan nilang ibigay sa akin, nakakapagod na kasi yung ganito eh lagi ka nalang nagpapanggap na kumpleto, kahit ang totoo wala na talaga, literal na walang-wala kana.

Dinampot kong muli ang gitarang kaninang pinatong ko lang sa tabi ko kung saan ako nakaupo sa kama na ibinigay sa akin para malinaw sa inyo, hayyss!

Nagpatuloy ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa mata ko habang nakayuko't nakatingin sa gitarang ngayon ay hawak ko na. Putsaang buhay yan ang hirap!

Ngunit ng mahimasmasan ay agad kong tinanggal ang mga luhang tumulo't mga balak na tumulo pa lamang at kumanta ng isang kantang paborito ko, sa ganitong paraan medyo gumagaan kasi ang pakiramdam ko. Tsk!

Agad kong ipinatunog ang gitara ko't ngumiti ng marinig ang nais na kantahin ko.

(A/N: It's better to read this with earphones, i guess. So for you to read it better, play this one: 'Mahal Pa Rin Kita- by: Rockstar.)

Tuluyan ko nang itinapos ang kanta dahil baka hindi ko pa magawa kapag ang taong yun na naman ang bumida, huwag na kayong magpanggap na animo'y hindi nyo pa alam, dahil mga madla, sya yun, putsaang sya yon.

Ang dahilan ng hindi ko pagpasok ng unang araw ng klase ko ngayon, andami kasi nyang ala-ala eh, at sa ganitong paraan ko lamang alam na mabura, ang di pagpapakita sa kanya ng napakadakila lamang na tangang alam nyong ako na. Nakakabadtrip ang ganitong pamumuhay, daig ko pa ang mga bilanggo, sila nahuli na bat putsaa ako nakakulong parin sa kanya? Putsaa ka nanaman dahil hugot na naman yun! Hayyysss, psh!

Natapos na ang kanta pero ang mga luha ko nanamang nagbabadya ay parang walang katapusang gusto nanamang umagos sa mga pisngi ko, na nagtatagumpay naman sa kahihirit, animo'y hindi napapagod. Samantalang ako hindi lang pisikal kundi umabot hanggang sa emosyonal ang pananakit ng isang tao lang naman na hanggang ngayon ay inaasam-asam ko't ginugusto ko paring maniwala't umasa kahit sinabi't sinampal nya na mismo sa harap ko ang katotohanang hindi ko kailanman pinaniwalaan, katotohanang para sa akin ay kasinungalingan, at ang katotohanang may malalim na rason ang dahilan. Mahirap ka masyado, buhay! Napakagaling mong magpahirap ng isang tangang ako lamang, panalo kana nalinlang mo na ako, at sinaktan pa ang buong pagkatao ko yung mismong ako ba? Ansaya diba?

Nagsimula na ang malalim na paghinga't paglakas ng hikbi kong sya na naman ang natatanging dahilan ng aking paggaganito. Ang mga luhang tubig lamang noon ngayon ay pagsanjan falls na, tulo sya ng tulo, agos don agos dito, malaki't malakas ang impact ng pagbugso mapasimula't hanggang bumaba man, ang sakit na nya masyado sa puso, kaya ipinapangako kong ngayon na ang huling paglalabas ko neto. Dahil mukhang sya'y masaya na sa babaeng di ko inakalang lalandiin sya, grabe ang saya!

Ipinangako ko rin sa sarili kong simula ngayon ay hindi na ako magiging tanga, yung tipo bang babaguhin ko yung buong ako para sa kanya, yung tipong paiikutin ko yung mundo ko kasama sya kasi sa huli, ako lang pala ang kawawa't luluha ng luluha. Sana dugo nalang ang iniluluha ko, para naman naubusan na ako, kasi eto hindi maubos-ubos eh! Buti pa yung dugo, hayss malas ka! Papasok na rin pala ako bukas, change is coming madla, the epic comeback is here, come on let's taste the victory!

Hindi ko na pinigilan pa ang lahat ng makapagpapagaan ng loob ko, ultimong ngayo'y pati ang paghagulgol ko ay akin nang pinagpatuloy, ng isahan nalang at nang matapos na, masyado nang nakakasawa, psh haha! Tawa nalang para naman kahit sa istorya lamang nato ay maging masaya naman ako.

Itinakip ko sa pagmumukha ko ang jimmy neutron kong unan at doon lumuha ng lumuha. Shocks, sige lang hangga't kaya pa, pero hanggang ngayon na lang siguro kasi ang hirap na pala, hehe! Hawak ko parin ang gitara kong inipit ko gamit ang mga hita't ang unan ko. Nanatili pa rin syang nakapatong sa mga hita ko at nasa gitna sya ng hita at unan ko, ano na-gets nyo? Hayss basta yung dalawang siko ko ngayon eh tinuhod ko na sa gitara ko dahil itinapon ko nang panandalian ang kaninang unan na nakatakip sa luhaang mukha ko't muli na naman akong ngumiti ngunit sa ngayo'y may naririnig na akong mag munting pahikbi-hikbi.

🎶Tuluyan nang tapusin ang kantaaa!

Nang bitiwan ko ang mga lirikong iyon ay hindi ko nanaman napigilan ang mga luhang sunod-sunod ang pagpatak at pag-agos sa pisngi ko, ultimo tong hawak kong gitara eh nanlalabo na sa paningin ko, hayy buhayy!

Agad kong isinalampak papatayo ang gitara ko sa gilid ng kama ko't hindi ko na nilagay sa lalagyan nito, sa ganitong lagay ko ba sa tingin nyo eh maibabalik ko pa sa ayos to? Eh wala na nga sa ayos tong buong pagkatao ko eh!

Tsaka ko isinalampak ang buo kong katawan sa kama ko't dinampot ang unan na jimmy neutrong nadaganan ko. Ganito sya kaimportante sa buhay ko, pati sarili ko eh nawawala sa hulog kapag sya na ang laman ng buong pagkatao ko.

Sa ngayo'y iisa lang ang tumatakbo sa tuli-tuliro nang pag-iisip ko.... at ayun ay ang mga katagang hinihiling ko, oo tama kayo hanggang hiling na lang talaga ng nangangarap na ako ang mga katagang nanatiling nasa isip ko habang nakahiga't nananatili pa rin ang sunod-sunod na mga luhang halos sumabog na sa kabuuan ng mukha ko.

At ang iisang hiling kong yun ay....

"PAST EXPERIENCES AND MEMORIES, WISHING ALL THOSE GONE, WISHING THAT DAY WILL COME, THAT'S ALL THAT I'VE BEEN WANTED SO BAD AND ALSO ME WISHING TO FORGOT"

Ngunit hindi naiwasang maglakbay ng utak ko sa isang pangyayaring hanggang ngayon ay ikinalilito ko, at winiwindang ako ng todo.....

*Flashback

Nangibabaw ang malakas na pagtunog ng mga instrumento  na ngayo'y nasa harapan ko habang tumutungga ng wine ko.

Nakaupo ako sa isang mahabang mesa kasama ang mga tropa ko at nananatili akong komportable  kapag sila ang kasama ko.

Ngunit nangunot ang noo ko ng marinig ang kantang yun na pilit kong iniiwasan, ang kantang sana eh di na lang tumugtog pa, badtrip ang baduy!

'Di mo ba alam na may nagmamahal sayong tunay---'

Ako. Psh! Pinutol ko pa ang lirikong iyon sapagkat putsaa lang kasi relate na relate as in ewan..

'Di mo ba naririnig sinisigaw ng puso kong ito, pangalan mo'

Hayyss!

'At kahit na anong gawin, ibinigay ko nang bituwin, di pa rin napapansin ang puso ko...'

Putsaa kakanta na nga ako eto na, manhid naman kasi talaga sya eh, putsaa lang yung kabaduyan nung kanta!

'Kahit manhid ka---'

Manhid ka, walang pakiramdam. Kinanta ko ang mga lirikong yun sa isip ko ng nakatingin sa kanya, nasa bandang kanan sya ng mahabang mesa habang ako nama'y nasa bandang kaliwa parehas kaming nasa dulo,psh! Bakit ba tinamaan ako dito? Nakakabadtrip talaga, pero kapag ngumingiti sya kakaiba eh, putsaa! Tropa ko sya, ewan ko ba, nakakabobo na!

Ngunit ng sa hindi inaasahan eh napasulyap sya sa gawi ko kung nasaan nahuli lang naman nya yung mga pasimpleng pagtitig ko, dahilan para bahagyang magulat ako. Mesa lamang na may isang dipang layo ang espasyo namin kaya para kaming ewang nagtititigan dito, batrip! Nahuli pa, antanga ko!

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nya ng magkatitigan kami...

Kasabay nun ang unti-unting pagtibok ng puso ko.... Para ung drum na solemn ang kanta kaya marahan ang pagtibok nya....

'Shunga ka ba talaga, o manhid ka..!'

Nang sa hindi ko na naman inaasahan eh may biglang umakbay sa tagiliran ko....

Dumeretso iyon sa balikat ko, putsaa malamang sa malamang!

Ngunit hindi iyon ang napapansin ng nagwawala na sa ngayong puso ko... putsaa para siyang nakakarera tapos ito ung nagbibida-bida kasi putsaa, itong puso ko yung una!

Bahagya ring ngumiti ang katabi ko na ipinagtaka ko naman kung paano ko to naging katabi, dahil ang ayos ng mga upuan dito ay patalikod at ako'y nakatalikod, nakatagilid sa mahabang mesang nasa harapan namin habang tong isang dakilang loko naman eh nasa mismong tabi ko.. putsaa to? Lakas ng amats ni gago!

Nang mapatingin naman ako sa may kalapitan sa akin na mukha nya ay anlakas ng loob na magkiki-kindat pa tsaka ito ngumisi ng nakakaloko, psh!

Ngunit ito talaga ang ipinagtataka ko, nanginginig ang mga kamay at paa ko habang nilalamig ang buo kong pagkatao, kasabay ng mabilisang pagtibok ng sa ngayo'y leader sa karera kong puso....

Ngunit hindi nagtagal eh nag-iwas na sya ng tingin at wala nang nakatingin sakin maski isa sa kanila, masyadong natuon ang atensyon ko sa ngayo'y nasa tabi ko kaya hindi ko namalayang hindi na pala nakatingin sakin ang taong pinapangarap ko..... Pero putsaa ka! Bat ganito? Pakiramdam ko eh nasa langit ako... habang niyuyugyug ang buo kong pagkatao.... tapos.... tapos.....

Etong katabi ko....

ngayon ko lang naramdaman to....

putsaa kayo mga lokooo game cheated version, bat ako nagkakaganito?

Masyado na akong nalilito....

parang pakiramdam ko eh lumilipad ako....

tas ni hindi pa ako nanghihinayang simula nung makita ko kanina pa lang ang pag-iiwas ng tingin sa akin ng taong gustong-gusto ko...

habang ang isa namang to eh ang atensyon ay nasa harapan nang muli ngunit ang kamay ay nanatili sa balikat ko habang ganoon parin ang ewang putsaang reaksyon at kabuuan ko...

sanay nako dito...

lagi pa ngang ganito tong lokong to eh....

Pero bakit? Bakit? B-bakit ako nagkakaganito???!!!!

A/N:

HOPE YOU STILL ENJOY READING THIS STORY HANGGANG NGAYON HEHE! ANYWAYS THIS STORY IS STILL MADE BY J🖤❤️💚💜💛!!!

(11,429 words)

I will edit those errors soon. I'm Sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞

Mga kantaaa sa chapter na ito, bwehehez!🖤

*Huwag Na Lang Kaya- by: True Faith

*San Man Patungo- by: Parokya Ni Edgar

*Manhid Ka- by: Vice Ganda