webnovel

21

ILANG araw na nga bang nagkakampo si Joelle sa kwarto niya sa tuwing nasa bahay siya? Eskuwelahan at bahay na nga lang ang pinupuntahan niya sa mga nakalipas na araw dahil wala talaga siya sa mood na maglakwatsa. Panay pag-iisip sa lalaking iyon na lamang ang ginagawa niya at sumasakit na talaga ang ulo niya. Sawang sawa na rin siya sa pag-iyak at hindi naman niya ugaling umiyak kaya lalo lamang niyang kinaasaran ang sarili.

Ridge called countless of times ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang sinagot. Palagi rin siyang nakakatanggap ng text message mula rito na wala siyang binuksan kahit isa. Pati nga ang telepono nila sa bahay ay sinubukan na nito pero hindi niya sinasagot ang anumang tawag na magmumula rito kahit ano pang pakiusap ang gawin ng mga kapatid niya na kausapin naman daw niya iyong tao dahil naaawa na ang mga it okay Ridge. If they only knew what Ridge had done, malamang na ang mga ito pa ang kumatay sa lalaki.

But she never told them what really happened when she went to his pad. Basta nang umuwi siya ay dumireto siya sa kuwarto niya at hindi na kinausap ang mga ito kahit kinukulit siya ng mga ito.

Maging si Madeline ay kinukulit siyang lumabas naman ngunit lahat ng paanyaya nito ay tinanggihan niya. She wanted to be alone and she did so these past few days.

Bumangon siya sa kama at humarap sa salamin. Hindi na niya maintindihan ang itsura niya. Nanlalalim ang mga mata niya dahil sa ilang araw na pagpupuyat na minsan ay sinasabayan pa niya ng pag-iyak. Pansin pa niyang parang nangayayat na siya dahil daig pa niya ang nagda-diet nitong mga nakaraang araw. Palagi siyang walang ganang kumain pero kahit papano naman ay kumakain pa siya. Hindi naman siya suicidal, depressed lang. At lalo siyang nadedepress sa nakikita niyang repleksiyon niya sa salamin.

Ang pangit mo na, Joelle! Nasabi niya sa sarili. Bakit nga ba ganito na siya ngayon? Dati naman hindi siya apektado sa mga nangyayari sa paligid niya lalo na kung lalaki ang pinag-uusapan. She was always so tough at ilang lalaki na nga ba ang nakatikim ng kamao niya na nabahag ang buntot pagkatapos. Noon okay lang sa kanya na hindi babae ang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid niya pero bakit ngayon matinding sakit ang nararamdaman niya dahil lamang sa isang lalaki? Hindi tama ito!

She had to get to her senses. Ilang araw na siyang walang social life. Mukha na rin siyang itinakwil ng suklay dahil napaka-miserable na ng itsura niya. She have cried enough.

Kinuha niya ang cellphone niya sa drawer ng bedside table niya at nagpipindot doon. Ilang saglit lamang naman ay may kausap na siya sa kabilang linya.

"Hello, Maddy. Your date..." simula niya. "May kaibigan ba siyang lalaki?"