HATINGGABI nang magising ako sa kalabog na parang may bumagsak na mabigat na bagay sa sahig. Agad kong binuksan ang ilaw.
Nanlalaki ang matang nakita ko si Lorenzo na nakahiga sa sahig nakasuot pa rin ito ng tuxedo. Nilapitan ko ito.
"Lorenzo, are you okay? san ka ba nanggaling- " Napatigil ako ng mapatakip ako ng ilong. Nangangamoy alak ito.
"Lorenzo, bakit ka nag-inom? paano kung nakita ka ng parents natin?" Umungol lamang ito at maya-maya ay naghihilik na ito.
Nakatulog na nga ang loko.
Ano bang nangyari sa'yo Lorenzo?
Kinabukasan ay nagliligpit na ako ng mga gamit namin ni Lorenzo dahil lilipat na kami sa tutuluyan naming bahay.
"Lorenzo, wala ka na bang naiwan d'yan?" tanong ko. Nasa loob kasi ito ng banyo.
"Yes, wala na." Lumabas ito at binitbit ang mga gamit na kinuha nito sa CR.
Bahagya akong nagtaka, para kasing may mali kay Lorenzo. Simula kasi nag magising ito kanina ay tahimik lang ito. Pag hindi mo kinausap ay hindi ka rin nito kakausapin.
Nilapitan ko si Lorenzo na nag-aayos ng mga bagahe. "Lorenzo, may problema ba?"
Saglit ako nitong tinignan pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa. "Halika na, hinihintay na nila tayo sa baba." Kinuha nito ang dalawang maleta namin pagkatapos ay nauna nang lumabas ng pinto.
Hindi ko maiwasang masaktan sa inasal nito, kahapon lang ay maayos pa kaming dalawa. Anong nangyari?
Sumunod na rin ako dito. Naabutan ko si Lorenzo na hinihintay ako sa harap ng elevator. Nang makita niya ako ay sabay na kaming pumasok sa loob. Pinagmasadan ko si Lorenzo. Gustong-gusto ko siyang tanungin kung bakit ito naglasing kagabi, pero wala akong lakas ng loob. Lalo na't wala 'ata sa mood si Lorenzo.
Hanggang sa makababa kami ay hindi pa rin ito umiimik.
Nakita ko sila Mama at Papa kasama rin nila sila Tita Karen at Tito Kevin. Mali dapat pala masanay na akong tawagin ang mga itong Mom at Dad. Napangiti ako sa isipang iyon.
"Good morning!" Masayang bati ko sa kanilang lahat.
"Aba mukang good mood ang ating bagong Mrs. Villareal ah." Pang-aasar ni Maricar ng makalapit ito sakin.
Natawa ako dito. Nilingon ko si Lorenzo na kausap ang parents nito.
"Pero yung husband mo, parang wala sa mood, hindi mo siguro ginalingan." Sabi nito.
Nanlaki ang mata ko kay Maricar. "Hoy! ang bibig mo Maricar." Sita ko dito.
Natawa ito sa reaksyon ko. "Bakit naghoneymoon kayo kagabi di ba?"
Ang babaeng ito talaga, walang preno ang bibig.
Nahihiyang sumagot ako dito. " W-Wala naman nangyari sa'min."
Umawang ang bibig nito.
"Ha? anong wala?" Napangiwi ako sa gulat nitong reaksyon.
"Bakit wala?" Dagdag na tanong nito.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Maricar ang nangyari.
"Sa sobrang pagod naming dalawa sa kasal at reception, nakatulog na agad kami." Pagsisinungaling ko dito.
"So virgi- " Agad kong tinakpan ang bibig nito.
"Ang bibig mo! Maricar baka may makarinig."
Natatawang tinanggal nito ang kamay ko sa bibig niya.
Hindi na kami nakapagkwentuhan pa ng matagal ng tawagin ako ni Lorenzo.
"Kara, let's go." Nailagay na siguro nito ang mga gamit kaya tinawag na ako nito. Nagpaalam na ako kay Maricar.
Lumapit ako kila Mama at Papa.
"Ma alis na po kami." Niyakap ko ang mga ito.
"O sige, mag-iingat kayo, alagaan mo si Lorenzo Kara. Hindi ka na dalaga may asawa ka na." ani Mama.
Tumango ako at niyakap silang muli. " Pa, ikaw ng bahala ay mama. Don't worry bibisita po ako sa bahay."
Pagkatapos ay sumakay na ako sa sakyan ni Lorenzo. Nagpaalam lang ito saglit kila Mom and Dad pagkatapos ang pumasok na rin sa loob.
Hanggang sa byahe ay tahimik pa rin ito. Kaya pinagkasya ko na lang ang sarili sa pagtingin sa dinadaanan namin.
Maya-maya rin ay nakarating na kami.
Hindi ko mapigilang mamangha sa laki ng bahay. Oo malaki rin ang bahay namin ng parents ko, pero masasabi kong mas maganda ito. Napaka moderno ng disenyo nito.
"Ang ganda." Pagpasok ko ang unang bumungad sa'kin ay ang living room. Mayroon itong mahabang sofa na kulay blue na pinapatungan ng maliliit na square pillow na kuya gray. Sa harap naman ay ang TV.
Sa kaliwang bahagi ay ang hagdan papuntang second floor. Iniwan ko si Lorenzo at dumiretso ako sa Kitchen. Lalong nabusog ang mga mata ko. It has sinks for which is the washing area, cupboards for keeping utensils, shelves for keeping maybe spice counters and refrigerator. Nakakamangha dahil makikita mo ang garden sa tabi nito dahil sa clear glass wall nito.
Sunod kong pinutahan ang bedroom sa second floor, nadaanan ko pa si Lorenzo na ipinapasok sa loob ang mga gamit namin.
"Kara, be careful on stairs." Paalala nito kaya naman binagalan ko lang ang pag-akyat.
Pagbukas ko ng kwarto ay agad kong nilapitang ang kama. Hinaplos ko ito. Napakaganda. Sinukan ko itong upuan. Napakalambit rin nito.
Naihiga ko ang sarili.
Magkano kaya ang ginastos ni Lorenzo dito?
Excited na akong ayusin ang mga gamit namin, kaya lang dinadalaw na ako ng antok. Ang sarap naman kasi talaga nitong higaan. Siguro ay iiglip lang ako saglit pagkatapos ay mag-uumpisa na akong mag-ayos.
- - -
Nagising ako nang may marining na kaluskos na nagmumula sa sala. Napatingin ako sa bintana, gabi na na pala. Nagulat ako ng parang may nabasag.
Teka na saan si Lorenzo?
Sa takot na baka nalooban na kami ay agad akong tumayo at binuksan ng kaunti ang pinto upang silipin kung ano ang kaluskos na iyon.
Lumakas ang tunog ng sandaling buksan ko ang pinto ng aming kwarto. May narining ako ulit na kung anong nabasag doon.
Dali-dali akong naghanap ng bagay na pwede kong magamit na panangga kung sakaling masamang tao ang nasa sala.
May nakita akong flower vase kaya naman tinanggal ko ang bulaklak nito at dinala papuntang sala.
Nakakapanghinayang flower vase para gawing weapon.
Sa paglabas ko ay nakita ko ang anino ng isang lalaki. Mabuti na lang maliwanag ang buwan kaya madali kong nakita ito.
Akmang ihahagis ko na ang Vase ng makilala ko ang lalaki.
"L-Lorenzo.."
Nakasalampak ito ng upo sa tabi ng sofa at may hawak ng bote ng alak. Nagkalat din ang tatlo pang bote na wala ng laman.
Agad ko binitawan ang vase at pinatong ito sa mesa, nag-aalalang lumapit ako dito.
"Lorenzo... w-what happened?"
Sinuri ko ang bawat parte ng katawan nito kung may galos na maaring makuha sa mga nabasag kanina.
Thank God! wala siyang injury.
"She's gone.. she left me!" Sigaw nito.
"I told her that I can explain. That this marriage is just temporary.. p-pero she still left me."
Naaawa ako sa kalagayan nito. Namumugto ang mga mata, magulo ang buhok, gusot ang damit at parang batang umiiyak na nagsusumbong sa kanyang ina.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil maging ako ay nasasaktan para sa lalaki. Cristine is the first woman he ever courted or maybe the first one he love.
"Ang s-sakit sakit Kara.. ang makitang umiiyak siya ng dahil sa'kin." Tinungga nito ang hawak na alak.
"Nalaman niya ang tungkol sa kasal ng pumunta siya sa bahay para surpresahin ako."
Hindi ko magawang magsalita kaya pinakinggan ko na lang mang ito dahil iyon ang sa tingin kong kailangan ni Lorenzo.
"I even kneel for her.. b-because i want her to stay.." Bumuhos ang panibagong luha mula sa mga mata nito.
"Pero iniwan niya pa rin ako.."
Hindi ko na napigilang yakapin ito. "I'm sorry It's my fault.. I'm sorry Lorenzo." Unti-unting bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigil.
"I'm sorry.."
Walang tigil akong humingi ng sorry kay Lorenzo hanggang sa nakatulog na lang ito sa mga bisig ko. Hinaplos ko ang mukha nito.
"I'm sorry.. I wish you could forgive me."
Dinala ko si Lorenzo at pinahiga sa sofa. Nahirapan pa ako dahil mas mataas sakin si Lorenzo kay medyo mabigat ito. Lalo na't buong lakas nito ay sinasalo ko.
Pagkatapos ay niligpit ko ang mga nagkalat na bote sa sahig. Hindi ko alam na bumili pala ito ng alak. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit umuwi itong lasing kagabi sa hotel dahil nagkita pala sila ni Cristine. Kaya pala buong araw itong wala sa mood dahil nag-away ang mga ito at base sa kwento ni Lorenzo, mukang iniwan siya ni Cristine at hindi pinakinggan ang paliwanag niya.
May dalawang basag na bote kaya dahan-dahan ko itong winalis. Pagkatapos kong itapon ang basag na bote ay pumunta akong kusina para kumuha ng maliit na planggana at bimpo.
Dinala ko ito sa pwesto ni Lorenzo.
Pinagmasadan ko si Lorenzo. Mukha itong pagod na pagod. Nahirapan siguro itong itago ang tunay niyang nararamdaman.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha ko. Ayokong marinig nito ang pag-iyak ko.
Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo Lorenzo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa kisame para hindi na tumulo pa ang luha ko.
Nang sa palagay ko ay okay na ako. Inumpisahan ko ng punasan si Lorenzo ng basang bimpo. Tinanggal ko rin ang nakasuot pa rin pala nitong sapatos.
Pagkatapos ay umakyat ako sandali sa kwarto para kumuha ng unan at kumot. Nilagay ko ang unan sa ulo nito at kinumutan.
Bumuga ako ng hangin at tinitigan na lang si Lorenzo.