webnovel

Way Back Then | Prelude to MVS 2: Maybe This Time

Kenneth and Sam were best friends. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, unti-unti na pala silang nagkakagusto sa isa't isa. Fate has other plans, though. Kenneth fell for Kristine, and Sam left, thinking na iyon na ang tadhanang nakaukit sa kanilang mga palad. Na hindi sila ang magkatadhana kailan pa man. But after 15 years, bumalik ng Pilipinas si Sam. Wala na si Kristine, at kahit na meron silang anak ni Kenneth ay hindi na ito makakahadlang pa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa pagitan nina Kenneth at Sam. Ito na nga ba ang magiging simula ng kanilang pag-iibigan na nag-ugat pa 15 years ago? Pero bago natin tunghayan ang kwento sa kasalukuyan, balikan muna natin ang kanilang naging kwento sa nakaraan. This is the primer to Moonville Series 2: Maybe This Time. Ito ang kwento kung paano nagkakilala sina Kenneth at Sam, kung paano sila naging magkaibigan, kung paanong nabago ang kanilang nararamdaman sa isa't sa, at kung paano sila nagkalayong dalawa. This is the story of how they were way back then.

joanfrias · Urbano
Classificações insuficientes
28 Chs

Chapter 7

Isang kapanapanabik na laban ang nasaksihan ng mga estudyante ng CPRU. For the first time in the university history, nagkaroon ng magandang laban ang kanilang team against another school na nasa top three ng standing ng buong district. Ang CPRU kasi ay nasa bottom three naman ng kanilang distrito.

Hindi binigo ni Kenneth ang kanyang mga teammates. Isa siya sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ngayon ang visiting team na talunin sila, at para ngang ito pa ang dehado kahit pa nga lamang ng tatlong puntos ang mga ito. Konting-konti na lang at mauungusan na sila ng CPRU team. At mukhang hindi na iyon malayong mangyari dahil sa three-point shot na naipasok ni Kenneth upang mag-tie ang laro bago matapos ang first half.

"Ang galing naman noong bagong player," komento ni Jared matapos tumunog ang hudyat sa pagtatapos ng first half ng game.

Natutuwa namang pinanood ni Sam si Kenneth habang naglalakad ito papunta sa bench nila upang magpahinga ng sampung minuto bago muling sumalang sa second half. Mukhang nadala nito sa court ang galing at talino nito sa klase. Impressive ang ipinakita nitong laro kanina, though Sam believes that she can easily counter his moves if she is given the chance to play with him.

May itinalagang mga classroom para sa bawat team para maging locker rooms nila, kaya pansamantalang lumabas muna ang mga ito ng court. Habang naghihintay sa kanilang pagbabalik ay nag-perfom naman ng isang routine ang CPRU college cheer dance troupe. Pagkatapos nito ay hinikayat nila ang ilang mga estudyante na sumali sa kanila pagtuntong nila sa college.

Ilang minuto pa at bumalik na sa court ang mga manlalaro. At nang magsimula ang second half, tuloy-tuloy nang umarangkada ang CPRU team at hindi na nabigyan pa ng pagkakataong lumamang ang kanilang kalaban. Umabot pa sa eight-point advantage ang CPRU. At nagtuloy-tuloy na ang ganda ng laro nila hanggang matapos ang third quarter ng laro.

Si Christian na siyang star player mula pa noong second year siya ay talagang dinala ang team hanggang sa huli. Dahil sa experience nito sa tatlong taong paglalaro at sa pamilyaridad sa kalaban, ito ang naging leader sa lahat bukod pa sa pagiging team captain talaga nito. Pero ang pinaka-nagpabilib sa lahat ay ang bagong protégé ni Coach Cesar – walang iba kundi si Kenneth Oliveros.

Sa pagtutulungan nila ni Christian ay natamo ng CPRU ang unang tagumpay sa loob ng tatlong taon. Sobrang tuwa ng lahat na parang magigiba na ang buong gym sa lakas ng cheer at hiyaw ng mga estudyanteng masaya at proud sa kanilang team.

Maging ang kanilang nakalabang team ay namangha sa ini-improve ng CPRU team. Maluwag sa dibdib nilang tinanggap ang pagkatalo, dahil na rin sa sila mismo ay humanga sa ipinakita ng team partikular na si Kenneth Oliveros.

"If ever we meet again in the division level, promise, paghahandaan kita," ang sabi pa noong star player ng nakalaban nilang team.

Round robin kasi ang laro sa district level para matukoy ang top three teams na maglalaro sa division level.

"Aasahan ko iyan," ang sabi naman ni Kenneth. Saka sila nagkamay nito.

Dahil sa nangyari ay nagsimula nang makilala si Kenneth Oliveros sa buong high school campus ng CPRU. Hindi lang dahil sa talino nito bilang isang scholar, kundi dahil na rin sa galing nito sa paglalaro ng basketball. Instant heartthrob ito bigla sa mga kababaihan, at cool guy naman na gusto mong maging tropa ang tingin ng mga kalalakihang mga estudyante.

Except for Ryan Arcilla. Dahil sa nangyari ay lalo siyang nainis kay Kenneth Oliveros. Naiinis siya na parang sa lahat ng gawin nito ay napakagaling nito. Iyong parang wala itong kahinaan maliban sa pagiging mahirap nito. Which does not matter anymore kasi iyong ibang mga estudyante na dati ay minamata si Kenneth sa pagiging mahirap, ngayon ay hanga na sa kanya at gusto pa nga siyang maging kaibigan.

And Ryan hates that. That is why from that moment on, he promised na lalo niyang gagawing miserable ang buhay ng isang Kenneth Oliveros sa CPRU.

**********************************************************************

"Parang ayaw ka talagang tigilan noong Ryan Arcilla na iyon, ah."

Napatingin si Kenneth sa janitor nilang si Mang Mario. Kasalukuyang nililinis ng forty-three years old na janitor ng CPRU ang mga kalat na iniwan nina Ryan at ng mga kabarkada nito sa may Science Garden. Doon kasi napiling kumain ng lunch ni Kenneth nang tanghaling iyon. At muli, ginulo na naman siya ni Ryan and company.

"Bakit ba parang galit na galit iyang Ryan na iyan sa iyo at lagi kang ginugulo?"

"Hindi ko nga po alam, Mang Mario," sagot ni Kenneth, kahit pa nga naisip niyang maaaring nagsimula ito noong nag-recite siya sa Math class nila at sagutin iyong hindi masagutang problem ni Ryan. Ganoon ba talaga ito napahiya kaya hindi siya nito tinitigilan?

"Eh paano na iyan ngayon? Lahat na lang yata ng lugar dito sa CPRU ay nakainan mo na. Pero lagi ka pa ring napupuntahan ni Ryan. Saan ka na tatambay ngayon tuwing lunch break mo?"

"Hindi ko nga rin po alam, eh," aniya. Sa pagkakataong iyon ay totoo na ang sagot niya.

"Kung gusto mo, doon ka na lang sa opisina namin kumain. Kaya lang, baka lalo kang tuksuhin noon. Sabihin pa noon na mukha kang janitor at doon ka talaga nababagay. Porke iskolar ka ginaganun ka na niya."

Na-touch naman siya sa mamang janitor. Lagi-lagi kasing si Mang Mario ang tinatawagan niya para linisin iyong mga kalat na iniwan nina Ryan sa pinagkakainan niya. Nagsimula iyon nang guluhin siya nito sa pagkain niya noon sa may basketball court.

"Ang mga mayayaman talaga. Iilan lang talaga sa kanila ang hindi matapobre. Porke nakakaangat sa buhay, akala mo sinong diyos na sila."

"Mukhang ang dami n'yo na pong masasamang karanasan sa mga mayayaman, ah," ani Kenneth.

"Iyong ibang estudyante kasi, napaka-walang galang. Oo, alam ko naman na janitor lang ako. Pero, hindi ba tama lang naman na igalang mo ang kapwa mo kahit ano pa man siya? Isa pa, di hamak na mas matanda naman ako sa kanila. Pero kung itrato nila ako, parang alipin ako dito. Nakakasama ng loob."

Talagang nalungkot siya sa narinig. "Pasensiya na po kayo."

"Alam mo, pansin ko rin. Minsan, kung sino pa iyong mga sobrang yaman, sila pa iyong mga mabubuti ang loob. Iyong iba na konti lang ang inangat sa buhay, sila pa iyong akala mo kung sino. Eh ordinaryong empleyado lang naman ang mga magulang. Nagkataon lang na maganda ang posisyon ng mga iyon sa kumpanyang pinagtatrabahuan nila. Pero kung umasta sila, akala mo sila ang anak ng may-ari ng kumpanya. Pero iyong mga mayayaman talaga, minsan sila pa iyong mabait. Katulad na lamang iyong batang si Sam."

Biglang naging interesado si Kenneth sa narinig.

"Iyong anak nung may-ari nung ospital. Sila noong barkada niya noon… Si Stan, iyong anak ng may-ari nitong CPRU. Iyong mga iyon, mababait sa akin, sa aming mga empleyado dito."

Sa totoo lang, tingin ni Kenneth ay may pagka-matapobre din si Sam. Iyong hindi siya approachable. Wala nga itong kaibigan sa mga kaklase nila. Siguro ay dahil sa sobrang yaman at sobrang talino nito kaya wala itong masakyan sa mga kaklase nila.

"Pero iyong Ryan na iyon, nako! Kita mo nga, kahit sino hindi sinasanto… Paano, tapos na ako dito."

"Salamat po, Mang Mario."

"Sa uulitin ulit?"

Ngumiti si Kenneth. "Sana po, huwag na."

"Sana nga. Sana ay matahimik na ang buhay mo dito sa CPRU."

"Sana nga po."

Sana nga ay tigilan na siya ni Ryan Arcilla. Bukod sa wala na siyang makainan at matambayan tuwing lunch break ay nahihiya na rin siya kay Mang Mario dahil ito lagi ang tinatawag niya upang hingan ng tulong sa mga ganoong pagkakataon.