webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · Urbano
Classificações insuficientes
107 Chs

Chapter 85- The Spy

May kumatok sa pinto.

"Come in," sabik ang tonong wika ni Ellah.

Nakangiti namang pumasok sa opisina ang lalaking hinihintay niya.

"Hi!"

"Mr. Tan, please have a sit," nakangiti rin niyang tugon.

Umupo ito sa kaharap na upuang swivel chair niya at sa pagitan nila ay ang kanyang mesa.

"How are you?" masiglang tanong ng lalaki.

"Well, I'm good lalo na at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko."

"Hmm, this is Ellah Lopez we're talking about. Sino ako para tumanggi?"

Natawa siya.

Napatitig naman si Raven sa kanya habang unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi.

Tumikhim siya at pumormal.

"So will you invest Mr. Tan?" malambing niyang tanong dito.

"Ofcourse Ms. Lopez. Name your price."

Napangiti ang dalaga.

"Nahihirapan ka sa tatlong bilyon kaya ikaw na ang mag presyo. Don't worry kahit magkano pa 'yan kasama ka na sa kumpanya.

Pasok ka na."

"Really?" namamanghang tanong pa nito.

"Yes, basta ba mag-invest ka lang."

"Nagtataka lang ako bakit pinag-uusapan si Acuesta rito?"

"Dahil sa laki ng investment niya bukod pa sa kamukha siya ng boyfriend ko."

Napayuko ang lalaki.

"Boyfriend, pero nasaan na nga ang boyfriend mo Ellah?" Umangat ang tingin nito at natahimik siya.

"Hindi na siya nagpaparamdam halos dalawang buwan na. Mabuti pa ang pinsan niyang si Acuesta nakapag-invest na?"

"Uh..."

Hindi siya makasagot.

Paano niya sasabihing naghihinala siyang si Acuesta si Villareal.

"Change topic please? Ayoko siyang pag-usapan."

"Does it mean kakalimutan mo na siya?"

Muling hindi nakakibo ang dalaga.

Kapag sinabi niyang oo iisipin nitong magkakaroon ng pag-asa sa kanya.

Kapag sinabi niyang hindi ibig sabihin umaasa pa rin siya.

"How much will you invest Mr. Tan?"

Tumiim ang tingin nito sa kanya bago bumaba sa kanyang mga kamay na nasa ibabaw ng mesa.

"Ellah."

Hinawakan nito ang kanang kamay niya na ikinaigtad ng dalaga, pero hindi niya magawang bawiin.

Kinilabutan siya.

Pinisil nito ang palad niya habang matiim na nakatingin sa kanyang mga mata.

"I will give everything I had, just to have you."

Umawang ang kanyang bibig sa narinig.

"Ah, Mr. Tan please, let's talk about business?" marahan niyang binawi ang kamay na hawak nito.

Lumamlam ang mga mata ng lalaki at halatang nasaktan sa kanyang inakto.

"Ayaw mo ba sa akin?"

Hindi makasagot si Ellah.

Kung tutuusin ano bang dapat tanggihan sa isang Raven Tan?

Bilyonaryo din ito, maimpluwensiya at makapangyarihan.

Isa pa gusto ito ng kanyang abuelo para sa kanya.

Wala ng hahanapin pa kapag may Raven Tan ka na.

Pero may hadlang dahil mahal niya si Gian.

"Tungkol sa bagay na pwede bang huwag natin dito pag-usapan sa opisina?"

Nagliwanag ang mukha ng lalaki.

"Does it mean will you want a dinner with me? Tonight?" umaasa ang mga tingin nito at natatakot siyang biguin.

"Pag-iisipan ko."

Muli nitong hinawakan ang kamay niya.

"Please Ellah, give a chance to court you please."

Natigilan ang dalaga.

'Pagbibigyan ko ba?'

Nasaan na ba kasi si Gian?

"Ms. Ellah!"

Napatingin sila ng sabay sa pinto kung nasaan si Jen.

Kunot ang noong nakatingin ito kay Raven.

"Sorry, akala ko kasi si Rage Acuesta ang nandito."

"Ha?" Napatayo siya at agad kumabog ang dibdib.

"Nandito raw kasi si Acuesta-"

"Nasaan na? Bakit hindi nagpunta sa akin?"

"Hindi ko alam Ms. Ellah, ang akala ko nga siya ang kausap mo."

Bumaling ang tingin niya kay Raven na seryoso ang anyo.

Tiningnan niya ang kaibigan na, sekretarya pa rin.

"Kapag nakita mo papuntahin mo rito sa opisina Jen."

"Yes, Ms. Ellah."

Muli siyang naupo at hinarap ang kausap.

"May usapan ba kayo ng Acuesta na 'yon?"

"Wala, hindi ko nga alam na pumunta rito."

"Kung gano' n sino ang pakay niya rito kung hindi ikaw?"

Umiling ang dalaga.

Wala rin siyang ideya dahil wala rito ang Chairman na si don Jaime kaya walang ibang pupuntahan ito kundi siya.

"Ikaw 'yon Ellah, at mukhang masaya ka na makita siya kaysa sa akin na nasa harap mo na."

Biglang sumeryoso ang kanyang anyo.

"Bakit mo naman nasabi 'yan? Masaya ako na nandito ka at kausap ko."

"Ibang saya Ellah, iba. Nakikita ko sa mga tingin at mga ngiti mo. Iba pagdating kay Acuesta."

---

"Anong kinalaman ni Isabel sa pagkamatay ng mga magulang ni Ellah?"

It agad ang ibinungad niya pagkapasok ni Vince sa kanyang tirahan.

Kadarating lang nito at may dalang brown envelope na sa tingin niya ay ebidensiya.

Magkaharap silang umupo sa sofang naroon nasa gitna ang lamesita.

"Ang kapatid ni Isabel." Iniabot ni Vince ang hawak ng envelope.

Kinuha niya 'yon at binuksan.

Tumambad ang isang larawan ng lalaking halos kaedaran niya lang.

Ang pangalan ay Francis Alvar.

"Ang kapatid niya ang pumatay sa mga magulang ni Ellah, " mariing tugon ng kaibigan.

"Kapatid?"

Tumalim ang kanyang tingin sa larawan bago sa kaibigan.

"Walong taon na nang sinadyang mangyari ang aksidente.

Sinadya ang pagkadisgrasya ng kotse at pagkamatay ng mga magulang ni Ellah dahil ang nagmamaneho ay ang kapatid ni Isabel sa utos ni Delavega."

Napaupo nang tuwid ang binata.

"Delavega na naman! Mga demonyo talaga ang mga hayop na 'yon!"

Sandaling tumahimik si Vince.

"Tauhan ni Delavega ang kapatid niya at ginawang espiya sa mga Lopez. Pero patay na ito ngayon."

"Kasama sa aksidente?"

"Hindi. Pinatay siya pagkatapos ng aksidente. Binaril siya at itinapon sa ilog."

Natahimik ang binata.

Kahit paano kalmado na siya bagama't mas tumitindi ang poot na nararamdaman.

"Sandali... hindi kaya tauhan din sila ni Delavega?" mulagat ang mga matang tanong ni Vince.

Umiling siya.

"Hindi sila tauhan. Dahil hindi kung tauhan sila dapat hindi nila ako iniligtas.

Dapat hindi sila nagpaplano kung paano pabagsakin ang amo nila."

"Hindi kaya pinaiikot ka lang ng mag-amang 'yon?

Baka tauhan sila at sa oras na makuha na nila ang kailangan sa' yo ay papatayin ka rin?"

"Malabo 'yan Vince. Hindi sila tauhan. Ako ang ginawa nilang panangga laban kay Delavega para pabagsakin ito dahil hindi sila makalapit.

Isa pa kung talagang tauhan sila sana matagal na tayong sinugod ng kalaban.

Kung alam ni Roman na ako si Gian matagal na akong pinapapatay ng mga 'yon. "

"Sana nga. Sana."

Tumayo siya pagkatapos ng narinig.

"Gian anong gagawin mo?"

"Puputulin ko ang anumang kaugnayan ko sa mag-amang 'yon."

Natahimik si Vince at natigilan.

"Paano ang plano ninyo?"

"Mula ngayon, ako na lang ang kikilos. Ako na lang."

"Sasabihin mo ba' to kay don Jaime?"

Natigilan ang binata.

Karapatang malaman ni don Jaime at ni Ellah ang tungkol dito.

Dapat alam nila.

"Haharapin ko muna ang mag-ama."

Tumayo rin si Vince.

"Kung gano'n balitaan mo ako kung anong-"

"Sasama ka sa akin."

Napatingin ito sa kanya kaya nag-abot ang kanilang mga mata.

"Ikaw ang aaresto sa mag-amang 'yon."

"Ano!" gulat si Vince sa narinig.

"Teka lang pare, sigurado ka ba diyan? Anong magiging kaso nila gayong kapatid naman ni Isabel ang may kasalanan?"

Humagkis ang matalim niyang tingin sa kawalan.

"Ang kapatid niya ang gumawa pero ang paglilihim at panggagamit sa akin..." nilingon niya ang kaibigan. "Iyon ang kasalanan nila."

Natahimik si Vince.

"Mas malaki ang kasalanan nila sa mga Lopez na dapat nilang pagbayaran, " mariin niyang pahayag.

"Sige, sasama ako."

Nang gabi ring 'yon ay bumiyahe si Gian patungong Pagadian kasama si Vince upang puntahan ang mag-amang kumupkop sa kanya.

Malaki ang utang na loob niya sa mga ito ngunit bayad na siya ngayong alam na niya ang totoo.

Ngayon niya napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng narinig na usapan ng mag-ama noon.

Walong taong inilihim ng mga ito ang kasalanang dapat ay matagal ng pinagbayaran.

Walong taong walang alam si Ellah sa kung ano ang totoong nangyari sa mga magulang nito subalit ngayon makakamtan na rin ng mga ito ang hustisya.

Ang hustisyang dapat ay noon pa.

Walang inaksayang panahon ang binata.

Halos walong oras ang byahe mula Zamboanga patungong Pagadian ngunit hindi inalintana 'yon ni Gian.

Halos paliparin niya ang sasakyan makarating lang agad.

Pagdating nila roon sa apartment na binili niya para sa mga ito ay agad siyang bumaba ng sasakyan at buong lakas na kumatok sa pinto.

"ISABEL! ISABEL BUKSAN MO 'TO!"

"Pare, kalma lang," mahinahong turan ni Vince ngunit hindi siya nakinig.

Bumalik si Vince sa kotse.

"ISABEL!" Sigaw na niya sabay tadyak sa pinto.

Saglit lang bumukas na ito.

Bumungad naman si Isabel na halatang nagising dahil alas tres na sila ng madaling araw nakarating.

"Gian bakit?"

Tumalim ang kanyang tingin sa babae at itinulak ito saka siya pumasok.

"Ang ama mo?"

"Bakit Gian?" si Mang Isko na nagtataka ang anyo.

Nanginig ang mga kamao ng binata sa matinding galit ngunit pilit niyang kumalma.

"Mang Isko totoo ba?" mapanganib ang tonong tanong niya.

"A-ang alin?" kabadong tanong ng matanda.

Hinarap niya ang mag-ama.

"Totoo bang ang anak ninyo ang pumatay sa mga magulang ni Ellah!"

Natahimik ang mga ito.

Kitang-kita niya ang pagkagitla ng mag-ama sa takot na halatang nasukol.

"H-ha? Anong pinagsasabi-"

"Magsisinungaling pa ba kayo? Hindi pa ba sapat ang walong taon ninyong pagsisinungaling at panloloko!"

Nagkatinginan ang mag-ama.

"G-Gian-"

"Ano bang nangyayari sa'yo Gian? Bakit kami ang pinagbibintangan mo?" kalmadong sita ng babae kaya ito ang binalingan niya.

"Huwag ka ng magmaang-maangan Isabel! Kung ayaw mong sa mga Lopez magbayad ng kasalanan umamin ka na!"

"Wala kaming alam sa pinagsasabi mo!" akmang aalis ito ngunit hinablot niya sa braso at buong higpit na hinawakan.

"Aray nasasaktan ako!"

"Bakit ninyo ako iniligtas?"

"Hindi ba sinabi na noon namin ikaw ang aming panangga-"

"Sinungaling! Ginawa ninyo 'yon para gamitin ako! Pero hindi na ngayon, dahil magbabayad kayo ng kasalanan ninyo."

"Gian ano ba? Hindi namin alam ang pinagsasabi mo!"

"Pwes sa presinto ka magpaliwanag! Vince!" malakas niyang tawag sa kaibigan.

Agad itong pumasok dala ang dalawang posas.

Gimbal na napatingin ang mag-ama sa kaibigan niya.

"Arestuhin mo ang mag-amang 'yan."

"Mang Isko pasensiya na," hinging paumanhin ni Vince bago pinosasan ang mga kamay ng matanda sa likuran nito.

Hindi nakapalag si mang Isko ngunit nagwawala si Isabel.

"Ano ba! Ilegal 'to magsasampa ako ng reklamo!"

"Kilala mo ako Isabel hindi ako gumagawa ng isang bagay na hindi sigurado.

Pero ngayon sigurado ako na magbabayad kayo!"

"Walang hiya ka! Pagkatapos ka naming iligtas ganito ang igaganti mo!"

"Gian! Kahit ako na lang magbayad ng kasalanan huwag ang anak ko," halos magmakaawang wika ng ama nito.

"Tay!" nanlalaki ang mga matang singhal ni Isabel sa ama.

"Gian parang awa mo na! Walang kasalanan ang anak ko!"

"Bakit ninyo pinapatay ang mga magulang ni Ellah!"

"Hindi kami ang nag-utos Gian maniwala ka! Oo galit kami sa mga Lopez noon dahil ang sabi ni Delavega si don Jaime ang kumuha ng lupa namin pero hindi 'yon totoo.

Sa galit namin noon sa mga Lopez lumapit kami sa mga Delavega.

Ang anak ko ang naging espiya nila sa tahanan ng mga Lopez noon.

Pero hindi namin inisip na siya ang uutusan ni Delavega para patayin ang mga magulang ni Ellah.

Pero nalaman namin nitong huli lang na walang kasalanan ang mga Lopez."

"Gian itigil mo na 'to. Wala kaming kasalanan. Biktima lang din kami ng kasinungalingan ni Delavega!"

"At ako ang biktima ng kasinungalingan ninyo!"

"Natakot lang kami! Sasabihin din naman namin kapag natapos na ang misyon natin!

Hindi mo kami dapat iwan ng ganito Gian. Kung kailan malapit na tayong magtagumpay.

Isa pa nakapangalan sa akin ang mga ari-arian mo."

Dahil sa sinabi ni Isabel ay naalala niya ang mga biniling propiyedad.

Humagkis ang tingin niya sa babae.

"Ibalik mo sa akin ang lahat ng ari-arian kong nakapangalan sa'yo."

"Ibabalik ko kung pakakawalan mo kami!"

"You have no right to demand Ms. Alvar!" singhal niya sa mukha nito.

Natahimik ang babae.

Hinarap niya si mang Isko.

"Bayad na ako sa anumang utang na loob ko sa inyo."

"Sigurado ka?" tuya ng babae.

Nagtagis ang kanyang bagang.

"Alalahanin mo alam ko lahat ang pinaplano mo laban kay Delavega.

Huwag mong piliting sabihin ko sa kanila ang lahat ng binabalak mo!" taas noong wika ng babae sa kabila ng pagkakaposas ng mga kamay nito.

"Gawin mo! Sa palagay mo natatakot ako?

Ipapaalam ko sa mga Lopez ang kasalanan ninyo tingnan natin kung sino ang pupulutin sa kulungan!" singhal niya na ikinatahimik ng mag-ama.

Lumarawan ang galit sa mukha ng babae.

"Umamin na kayo. Aminin ninyo ang totoo!"

"Gian ako na lang! Ako ang parusahan mo maawa ka kay Isabel!"

"Tay ano ba! Wala tayong kasalanan! Hindi natin kasalanan kung may kinalaman si kuya sa pagkamatay ng mga magulang ni Ellah. Kasalanan niya 'yon kaya-"

"Na inilihim ninyo!" putol niya sa sinasabi ng babae.

Natahimik ang mag-ama.

Hinarap niya si mang Isko.

"Walong taon ninyong inilihim at wala kayong planong aminin ang nangyari dahil alam ninyong masasangkot kayo sa kasalanan ng inyong anak.

Hindi nga kayo ang pumatay pero alam ninyo at inilihim ninyo 'yon."

Nahagip ng kanyang mga mata ang pangingilid ng luha sa mata ng matanda.

" Ang masakit kilala niyo ako pero ginamit niyo pa rin.

Sa kabila ng pagtulong ninyo sa akin ang kapalit ang inyong lihim.

Tabla na tayo mang Isko.

Mula ngayon puputulin ko na ang anumang kaugnayan ko sa inyo. "

" Gian, Gian patawarin mo ako, " lumuhod si mang Isko.

Napaatras siya.

Gimbal namang dinaluhong ni Isabel ang ama at itinayo.

" Tay! "

" Gian parang awa mo na, walang kinalaman si Isabel. Ako! Ako ang may alam sa nangyari.

Nalaman kong si Francis ang may gawa sa pagkamatay ng mga magulang ni Ellah noong pinatay na siya ni Delavega! Pero hindi ko alam ang plano ng anak ko maniwala ka Gian! "

Tumiim ang kanyang bagang sa narinig.

" Kung gano'n paano ninyo nalaman na ang anak ninyo ang pumatay? "

" Si Warren! Si Warren ang nagsabi sa akin! Tauhan siya ni Delavega ngayon pero kakampi namin siya. "

Kumunot ang kanyang noo.

"Maniwala ka, kasama siya ng anak ko na nagtatrabaho kay Delavega noon kaya sa kanya sinabi ng anak ko ang planong pagpatay sa mga magulang ni Ellah."

"Bakit siya pinapatay ni Delavega?"

"Natakot ang anak ko sa ginawa kaya balak daw nitong magsumbong sa mga pulis, iyon ang sabi ni Warren."

" Espiya ninyo sa mga Delavega?" paglilinaw niya.

Ito ba ang sinasabi ni Isabel noon na tauhan nila?

"Oo!" si Isabel ang sumagot.

"Kung wala kami mahihirapan ka! Kaya Gian palagpasin mo na lang 'to para sa plano natin.

Malapit na tayong magtagumpay. Hindi ka ba nanghihinayang?"

Bahagya siyang lumapit sa babaeng nakatayo sa tabi ng ama.

Matalim niya itong tinitigan.

"Hindi ka ba nakukonsensiya? O hindi ka ba nahihiya? Mahiya ka man lang sana galit ka kay Ellah pero ang pamilya ninyo ang pumatay sa mga magulang niya."

Natahimik ang babae.

"Kukunin ko ang lahat ng pagmamay-ari ko," diniinan niya ang pagbigkas sa salitang "lahat" upang ipaalam na wala siyang ititira kahit isa.

"Bukas na bukas din dapat nakapangalan na sa akin."

Tumalikod siya at humakbang palabas, sumunod si Vince.

"G-Gian, hindi na ba kami makukulong?" pahabol ni mang Isko.

Huminto siya ngunit hindi lumingon.

"Hindi kayo dapat magbayad ng kasalanan sa akin kundi kay don Jaime at kay Ellah. Kung may dapat mag desisyon tungkol diyan, sila 'yon."

Tuluyan na siyang lumabas.

Nagsisigaw naman si Isabel na pakawalan at huwag siyang magsumbong sa mga Lopez.

"Gian pare, anong pinaplano mo?" tanong ni Vince pagdating nila sa sasakyan.

"May espiya sila sa mga Delavega. Kapag ginalaw natin sila masisira ang plano."

"Ano palalagpasin mo ba 'to?"

Nilingon niya ang kaibigan.

"Kailangang makuha ko ang taong 'yon."

"Kung gano' n papakawalan mo na nga ito? Paano naman si Ellah?"

"Puputulin ko ang lahat ng kaugnayan ko sa mag-amang 'yon, pero hindi sa espiya nila."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangang makuha ko ang taong 'yon at ako ang magiging amo niya."

"Ano?" Rumehistro ang pag-aalala sa anyo ng kaibigan.

"Paano kung bumaligtad? Gian walang alam ang taong 'yon na ikaw ang mahigpit na kalaban ng mga Delavega!"

"Hindi niya' yon gagawin at hindi niya malalaman dahil si Roger ang direktang kukunin ko."

Dahil sa kanyang sinabi ay tumango si Vince.

Tumahimik siya.

Sa kabila ng poot niya sa mag-ama ay naawa siya kay mang Isko.

Matanda na ito at hindi na dapat makakahimas ng rehas.

Ngunit karapatan ding malaman ng mga Lopez ang totoo.

Paalis na sila nang may napagtanto siyang isang bagay.

Nilingon niya ang kaibigan.

"Nagtataka ako pare, bakit hindi nakilala ni don Jaime si mang Isko kung ang anak nito ang driver nila noon?"

Umiling si Vince.

"Dahil hindi totoong pangalan ang ginamit niya sa panahong naninilbihan sa mga Lopez.

Gano'n din kay Delavega."

---

"TALAGA BANG KUMAKAMPI NA KAYO SA ACUESTA NA 'YON DAD!"

Humagkis ang matalim na tingin ni senior Roman sa kadarating lang ng anak sa mansyon at umagang-umaga agad siyang sininghalan.

Kasalukuyan siyang umiinom ng wine nang bigla itong manigaw.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili kaya umayos sa pagkakaupo sa mahabang sofa.

Kapag walang transakyon ay nananatili siya sa mansyon.

Saka lang siya pumupunta sa rest house kapag may kargamento.

"Ikaw na ang nagsabi, Acuesta at hindi Villareal walang dahilan para tumanggi."

"Pero magkamag-anak sila! Paano kung pinasasakay lang tayo ng hayop na 'yon sa utos pa rin ni Villareal?"

Napailing ang senior.

Maging si Xander ay naniniwala ng magkaibang tao ang mga ito.

Magkaiba nga siguro.

"Magkamag-anak sila pero magkaiba ng mundo. Sa atin nababagay ang mundo ni Acuesta dahil iisa ang mundong ginagalawan namin.

Ang Villareal na 'yon kung hindi inutil, patay na!"

"Paano kung nasa paligid lang pala siya dad at pinagtatawanan tayo sa pang-uuto niya?

Paano kung nagkamali tayo?"

Tumigas ang kanyang anyo at tumingin sa kawalan.

"Hindi tayo magkakamali. Kahit ipasuri pa natin ulit ang ebidensiya."

Mariin itong umiling.

"Hindi ako naniniwalang magkaibang tao sila.

Sa tingin at galaw ng Acuesta na 'yon si Villareal talaga.

Kaya naisip kong paano kung naisahan tayo ng mga pulis?"

Kumunot ang kanyang noo sa narinig.

Hindi magsasalita ng ganito si Xander kung walang naiisip na dahilan.

O kung walang basehan.

Lumipad ang kanyang tingin dito.

"Anong ibig mong sabihin?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso ng inumin.

Tumiim ang tingin nito sa kanya.

"Paano kung hindi naman talaga kay Villareal ang posas na 'yon?"

Dahil sa narinig ay nakaramdam ng galit ang senior at kinabahan.

Posible nga 'yon lalo pa at hawak ni Jaime Lopez ang pulisya.

' Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na 'yon?'

"K-kung gano'n ibig sabihin nalinlang tayo? " kuminig ang kanyang boses sa pagpipigil ng galit.

Hindi nakakibo ang anak na mas lalo niyang ikinagalit.

Masyado siyang umasa at nagtiwala sa kakayahan nito gayong pumapalpak din.

Ang masama pa maging siya ay nalinlang ng kalaban!

Hindi na niya napigilan ang tumayo at hinarap ang anak.

"Sabihin mo nalinlang ba talaga tayo?" mapanganib na niyang tanong sa kaharap.

Hindi ito nakasagot.

Humulagpos ang kanyang pagtitimpi.

Nanginig ang kamay niyang nakahawak sa baso ng alak at buong lakas na ibinato sa pader sa likuran ni Xander.

Naglikha ng nakakangilong ingay ang pagkabasag ng mga bubog na bumagsak sa tiles ng sahig.

"SUMAGOT KA! NAUTO KA BA NG MGA PIPITSUGING PULIS NA 'YON HA XANDER!"

"D-dad..." napaatras si Xander at nakitaan niya ng takot.

Umakyat ang dugo sa kanyang ulo at hinablot ang kwelyo ng suot nitong jacket.

Nanlilisik ang mga matang tinitigan ng matanda ang anak.

"Alamin mo ang totoo. Siguraduhin mo kung ano ang totoo!

Sa oras na malaman kong nauto ka lang at nagkamali tayo tatanggalin kita sa posisyon naiintindihan mo! Wala kang kwenta!"

Itinulak niya ito at lumabas ng mansyon.

Kung hindi lang niya ito anak ay pinagbabaril na niya ito!

"Huwag kang mag-alala dad gagawa ako ng paraan. Hindi tayo maiisahan ng kalaban."

Narinig niya ang mahinang sinabi ni Xander ngunit hindi na niya 'yon pinansin.

Nahagip ng kanyang tingin ang kanang-kamay niyang nakatayo sa labas.

"Warren!"

Tumayo ito nang tuwid pagkakita sa kanya.

"Senior?"

"Samahan mo si Xander sa pulisya alamin ninyo ang totoo tungkol sa ebidensiya."

"Bakit senior may problema ba?"

"Nilinlang tayo ng mga walang hiyang pulis doon at binigyan ng maling ebidensiya. Ayusin ninyo at alamin ang totoo!"

"Opo senior!"

Nagtatagis ang mga bagang na tumingin sa kawalan si senior Roman.

Ang malamang nagkamali sila dahil sa maling ebidensiya ay hindi niya matanggap!

---

" Anong sinabi mo Gian! "

Napatayo si don Jaime mula sa pagkakaupo habang nagkakape sa hardin ng mansyon.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone habang kausap ang binata.

Tumawag ito at may sasabihin daw sa kanya.

Hindi niya inakalang uungkatin nito ang nangyaring pagkamatay ng kanyang anak walong taon na ang nakakaraan.

"Alam ko na ang totoong nangyari sa pagkamatay ng inyong anak don Jaime."

Kinabahan ang don sa narinig.

"Anong totoo? Naaksidente sila bumangga sa puno ang sinasakyan nilang kotse."

"Naaksidente pero sinadya don Jaime at alam ko kung sino ang salarin!"

Dumagundong ang dibdib ng don sa tindi ng kaba.

Halos naririnig na niya ang pintig nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sinadyang patayin ang inyong anak at ang pumatay ay pinatay rin pagkatapos gawin ang inutos sa kanya."

"Gian nasaan ka? Pumunta ka nga rito at mag-uusap tayo!"

"Hindi pa sa ngayon don Jaime, may aasikasuhin pa ako."

"Sabihin mo sino ang pumatay sa anak ko!"

Nakaramdam ng pananakit ng dibdib ang don kaya't nasapo niya ang dibdib at napahawak ng mahigpit sa sariling damit.

"Ah..." daing ng matanda.

"Don Jaime?" nasa tono ni Gian ang pagtataka.

Inayos ng don ang sarili.

"Sabihin mo sino ang pumatay sa anak ko! Nasaan ang demonyong pumatay!"

"Don Jaime, pupunta ako mamaya diyan at mag-uusap tayo ng personal."

"Hindi! Ngayon mo na sabihin Gian! Ngayon na!"

"Pasensiya na ho don Jaime may aasikasuhin muna ako."

Pinatay nito ang linya.

"Hello! Punyeta! Gian!" sigaw na niya sa kabilang linya ngunit wala ng sumasagot.

Gigil na muli niya itong tinawagan ngunit nakailang ring na hindi nito sinagot.

"GIAN! GIAN! ANG WALANG HIYA!" sigaw na niya.

Nang biglang may tila nabasag na kung ano sa hindi kalayuan.

Natuon ang atensiyon niya roon.

Agad niyang pinuntahan ang naturang lugar subalit walang inabutang kung ano maliban sa paso ng tanim na nabasag.

Napalingon si don Jaime sa buong paligid ngunit walang nakitang tao.

Naroon sa malayo ang kanyang mga gwardya at wala rin sa paligid ang kanang-kamay niya.

Sigurado siyang tao ang may gawa ng pagkahulog sa naturang paso dahil walang hayop sa kanyang mansyon.

Ngunit nasaan na ang taong 'yon?

'Natakot lang ba sa akin?'

Babalewalain na lang sana ng don ang nangyari nang biglang matigilan.

May sumagi sa kanyang isipan.

Nagsisigaw siya kanina habang kausap si Gian at panay pa ang banggit niya sa pangalan nito.

Nanindig ang balahibo ni don Jaime at nanlaki ang mga mata.

Ginapangan ng takot ang matanda sa naisip.

Walang taong mangangahas na pakinggan at manmanan ang kanyang galaw.

Wala maliban sa tauhan ng kalaban!

"PUNYETA!"

Ayaw tanggapin ng don na may traydor pa rin sa sariling pamamahay niya!

Agad niyang ipinatawag ang kanang kamay pagdating sa library room.

"Bakit ho don Jaime?"

"Ben kunin mo lahat ng CCTV footages ngayong araw lahat!"

"May problema ho ba?"

Nagtiim ang kanyang mga bagang at kumuyom ang kamay.

"May hinala akong may traydor pa rin sa bahay na ito."

Nanlaki ang mga mata ng kaharap.

"Sino?"

"Iyon ang aalamin ko.

Ipatawag mo lahat ng tao rito sa bahay at may sasabihin ako."

"Masusunod don Jaime." Tumalikod ang kanang-kamay niyang kapalit ni Alex.

Si Alex na traydor.

"Ben," tawag niya sa paalis na lalaki.

Isa ito sa pinakamatagal niyang tauhan.

Muli itong lumingon.

"Bakit ho don Jaime?"

"Inaasahan kong hindi ikaw ang traydor hindi ba Ben?" mapanganib niyang tanong.

Hinarap siya ng lalaki.

"Hindi po ako don Jaime," yumuko ito.

Nakahinga siya ng maluwag kahit paano.

"Mabuting hindi ikaw. Dahil kung sino man ang nagtatraydor pa rin sa akin ay ako mismo ang papatay!" Ibinagsak niya nag kamao sa mesa.

Napatayo nang tuwid ang tauhan.

"Makakaalis ka na."

Muli itong yumuko bago lumabas.

Tumingin sa kawalan ang don.

Sa isang iglap sunod-sunod ang kanyang kinakakatakutan.

Ilang sandali pa dumating na si Ben bibit ang isang Universal Serial Bus.

"Nandito na ho ang mga video don Jaime."

Alam niyang sa oras na papanoorin niya ito ay malalaman niya kung sino ang espiya!

Kinuha niya ang USB at ibinulsa.

"Nakahanda na ba ang mga tao?"

"Opo don Jaime, nasa sala silang lahat."

Tumayo siya at lumabas.

"Sumunod ka sa akin."

Tahimik silang naglalakad at ang tanging maririnig ay ang tunog ng kanyang tungkod na tumatama sa sahig na tiles.

Nang lumitaw siya sa sala ay tumayo nang tuwid ang limampung tauhang nakahilera pagkakakita sa kanya.

Kitang-kita ang takot sa mukha ng mga ito.

Sinenyasan niya si Ben na humilera rin.

Lahat ay pantay walang nakakalamang.

Lahat ay nandito, mula sa tagaluto, taga linis, labandera, guwardiya at hardinero.

Lahat!

"Magandang umaga don Jaime!" lakas-loob na bati ng mayordomang si Ising.

Hindi siya sumagot at nagsimulang maglibot sa mga ito.

"Ipinatawag ko kayo ay dahil nalaman kong may traydor pa rin sa pamamahay na ito!"

Nagimbal ang mga tauhan.

Inisa-isa niyang tinitigan ang bawat isa sa mga ito.

"Malalaman ko rin kung sino! Binibigyan ko ng pagkakataong umamin at magsalita ang sinumang espiya sa pamamahay ko!"

Tumahimik ang lahat at mas nadagdagan ng takot ang mga ito.

Humagkis ang kanyang matalim na tingin sa mga tauhan.

Kahit sino maaaring maging traydor. Walang basehan at walang patakaran!

Kahit gaano pa katagal sa paninilbihan!

Nagtatagis ang kanyang bagang na inihampas ang tungkod sa sahig.

"Umamin na bago ko pa malaman, dahil ako mismo ang papatay sa espiya ng kalaban!"

Mas natahimik ang mga ito.

Walang nangangahas mag-ingay sa takot sa kanya.

"UMAMIN KA BAGO KITA PATAYIN!"

Hello po,

Thank you sa inyong mga pag- alala sa akin.

Sana nga po ay gumaling na ako ng tuluyan.

Sana rin po ay magustuhan ninyo ang update na ito.

Thank you po sa comment, vote at review.

Enjoy reading!

Phinexxxcreators' thoughts