webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · Urbano
Classificações insuficientes
107 Chs

Chapter 51 - The Evidence

CIUDAD MEDICAL...

Kausap ni Gian ang hepe nang kinabukasang bumisita ito sa kanya.

Humingi siya ng tauhang magbabantay kay don Jaime upang siguraduhin ang kaligtasan nito.

"Sige, magpapadala ako ng tao. Kung sakali ngang may kinalaman si don Jaime sa ginagawa ni Congressman ay hindi natin siya pwedeng palagpasin."

Huminga ng malalim ang binata.

Pinababantayan niya ang don para sa kaligtasan nito samantalang pinababantayan ng kanyang head upang dakpin ito kung sakali.

"Wala siyang kinalaman sir," matigas niyang wika.

"Malalaman natin 'yan kapag nahuli si Delavega. Ang batas ay batas Gian, walang utang na loob pagdating sa batas alam mo 'yan."

Malakas ang kutob ng binata na hindi gumagawa ng masama ang don kaya kampante siyang wala itong kinalaman.

"Isa pa may kasalanan siya sa pagkabaril mo. Pwede nga siyang kasuhan kung gusto mo lang. Frustrated murder 'yon."

"H-hindi naman sir, attempted lang 'yon."

"Gian, kung ikaw ang susundin mo wala itong kaso sa'yo. Pero kung batas ang susundin frustrated murder ang kaso."

Tumahimik na lamang siya dahil tama naman ito.

"Isa pa, muntik na kaming mawalan ng biggest asset dahil sa kanya. Magpagaling ka muna. Ako ng bahala kay don Jaime."

"Salamat sir."

Tumayo na ito at nagpaalam.

---

LOPEZ MANSION...

"Siguraduhin mong magtatagumpay tayo attorney Reyes," mariing wika ng don bago ibinaba ang cellphone.

Matapos makausap ang abogado at ibinigay ang mga ebidensiyang hawak ay huminga ng malalim ang don.

Mula ng mawala ang kumpanya ay tila nawala na rin ang lahat dito.

Hinahayaan na lang niya ang nangyayari sa kanya kagaya ng pagbabantay sa kanya ng kaibigan ng dating gwardiya nila na ipinalit sa kanya ng nag-iisang apo.

Tila ba nawalan na siya ng gana sa lahat.

Subalit hindi ngayong araw dahil sa ibinigay ni Ryan sa kanya.

Pinagmamasdan niya ang laman ng envelop na ibinigay sa kanya habang nakaupo sa loob ng library niya.

Naroon ang lahat ng ebidensiyang nagpapatunay kung sino ang may pakana ng lahat.

Salamat sa dating gwardiya na ngayon ay protektor na niya!

Ni hindi niya alam paano ito nagawa ni Gian.

Ngayon wala siyang mukha na ihaharap dito matapos ng kanyang ginawa. Gano'n pa man lubos ang pasasalamat niya sa binata.

Lumabas siya ng silid gamit ang tungkod ay tinungo ang kinaroroonan ni Ryan sa may terasa.

Nakatayo ito habang nagmamasid sa paligid.

"Ryan," marahan ngunit malamig niyang banggit sa pangalan nito na ikinalingon sa kanya.

"Ano 'yon?" pormal ang mukha ng kausap na para bang kaunting pagkakamali niya lang ay aangilan siya nito.

Sino ang tinatakot? Sa pamamahay niya mismo!

Tinigasan niya ang anyo.

Walang sinuman ang magpapasindak sa kanya!

"Sabihin mo kay Gian maraming salamat sa tulong niya."

Hindi naman ito kumibo.

"Dahil sa mga ebidensiya magagawa ko ng makabalik sa kumpanya. Inihanda ko na ang lahat bukas sisimulan ko ang pagbabalik."

"Napaka swerte niyo don Jaime, nakilala ninyo ang katulad ni Gian. Kung naibang tao lang siguradong ganti ang aabutin mo. Mantakin mong pinapatay mo siya pero heto at tinutulungan ka niya! Kung tutuusin frustrated murder ang kaso niyo! Pero tsk," pumalatak ito at hindi na itinuloy ang sasabihin pa.

"Patawarin niyo ako-"

"Doon kayo humingi ng tawad sa taong pinapatay ninyo!"

"Hindi ko sinasadyang ipabaril siya."

Aminado siyang dala ng galit kaya niya nagawa ang bagay na 'yon. Iyon ang pinakamalaking pagkakamali niya at pinagsisihan niya ' yon!

Ngayon niya napagtanto na hindi pala isang magaling na negosyante ang kailangan nila, kung hindi ay isang magaling na protektor. Proteksyon nila!

---

CIUDAD MEDICAL...

Kausap ni Gian ang tauhan sa cellphone.

"Ryan, anong balita?"

"Sir, malaki ang pasasalamat sa'yo ng matanda. Eh sa totoo lang gusto ko siyang barilin din eh!"

"Gago! Huwag mong gawin 'yan!"

"Oo alam ko. Pinag-aaralan na ni don Jaime ang mga ibinigay mo at kumuha na rin siya ng kilalang abogado para hindi makapagpiyansa ang mga salarin."

"Mabuti, salamat Ryan."

Iniunat niya ang braso nang makaramdam ng pangangalay.

Unti-unti ng bumabalik ang lakas at sigla ng binata makalipas ang ilang araw. Inuunat niya ang kanang braso nang mapansin ang mabilis na pagpasok ng kasintahan sa loob ng silid niya.

"Gian, ang daming mga lalaki  na nakabantay sa labas, may politician kaya na dinala dito?"

"Talaga? Saan?" kumunot ang kanyang noo sa pagtataka.

"Nagkalat sa buong hospital. "

Lumabas siya kasunod ang dalaga.

Sinalubong sila ng isang lalaki.

"Magandang umaga sir. "

"Magandang umaga rin. "

Napakunot ang noo ng dalaga.

"Si chief ba ang nagpadala sa inyo?"

"Opo. "

Napangiti ang binata, talagang tinupad ng kaibigan ang sinabi.

Hindi lang si don Jaime ang pinababantayan ng head nila maging siya.

Ang kaibahan lang, pinababantayan siya bilang proteksyon ni don Jaime para hulihin kung sakaling may kinalaman ito kay Delavega.

"Kung gano'n, nagpapasalamat ako sa inyo."

"Walang anuman po sir, trabaho po namin ang bantayan kayo. "

"Maraming salamat. "

Muli silang pumasok sa loob.

Hinampas siya ng dalaga.

Napalingon siya rito.

"Aray bakit ba?"

"Hindi mo agad sinabi! Ang pangit mo talaga!"

Napangiti ang binata.

"Malay ko bang pulitiko nga ang binabantayan nila. "

Umupo siya sa kama at tumabi ang kasintahan.

"Sandali lang, ano na pala ang nangyari?"

"Sa lolo mo? Nasa bahay ninyo at binabantayan ni Vince. Kumuha na rin ng abogado ang lolo mo para magdiin sa kaso."

"Salamat. Malala na pala ang kundisyon ng kumpanya wala man lang akong kaalam-alam. Ang tanga ko namang general manager!"

Kinabig niya ito ng braso at niyakap.

"Nakita mo na hindi ba? Talagang pinabagsak nila ang lolo mo, pero babawi tayo, sandali lang ang maliligayang araw nila."

Sumandal ang dalaga sa kanyang dibdib.

"Hindi ako makakapayag na darating ang araw na 'yon ng wala man lang kayong kalaban-laban. Hindi ko 'yon mapapayagan. "

"Salamat, pero natatakot ako para kay lolo. "

"Hindi siya makakalabas sa bahay ninyo hanggat hindi ko sinasabi. "

"Gano'n? Hindi ako makapaniwala na kaya mo ng hawakan ang lolo ko ngayon. "

"Naalala ko ang sinabi ni Vince, kaya ko raw hawakan at kontrolin ang mga mayayamang tao kaya sabi niya kaya ko rin daw kontrolin ang nararamdaman ko, dahil sabi nga niya pag-ibig lang daw ito madaling alisin. Pero ang pag-ibig na 'yon, ang kumokontrol sa akin. "

Nilingon siya ng dalaga.

"Sa totoo lang, napaka maalalahanin ni Vince, nakakatuwa na may kaibigan kang tulad niya. "

"Tama ka, kaya hindi ko naman pinagsisihang minsan ay itinaya ko ang buhay ko para sa kanya."

Huminga ito ng malalim bago tumingin sa malayo.

"Hindi ko alam na may kakayanan ka palang komontrol ng mga bigating tao sa lipunan gaya ng lolo ko. "

"Ewan ko ba, hindi ko naman sinasadya. "

Muli itong napalingon sa kanya.

"Minsan napakayabang mo, pero minsan naman napaka mapagkumbaba mong tao. Kaya lalo tuloy akong nahuhulog sa'yo. Baka ikamatay ko na pag iniwan mo ako. "

Napangiti ang binata.

"Hindi mangyayari 'yon."

Huminga ng malalim ang dalaga.

"Makakabalik pa kaya si lolo?"

"Malapit na, hintayin mo lang. "

"Salamat Gian, kapag nangyari 'yon, ibibigay ko kahit ano pa ang hihilingin mo. "

Tinitigan niya ang dalaga.

"Huwag mong sabihin 'yan baka mapasubo ka. "

Tiningala siya nito.

"Bakit? Basta ba kaya ko eh bakit hindi. "

"Naalala ko, muntik mo na nga palang ibigay ano? Kung hindi lang tumawag si Vince eh. "

Namula ang dalaga!

"Hmp! Wala na bang iba bukod doon?"

Niyakap niya ang nobya.

"Wala naman na akong dapat hilingin pa dahil ikaw lang ay sapat na. Sana nga lang, matatanggap na tayo ng lolo mo para mawala na ang bigat sa dibdib ko. "

"Gagawa ako ng paraan, titiyakin kong matatanggap ka niya. Masakit ang mga sinabi ng lolo ko sa'yo ha. "

"Talaga ano naman?"

"Tinawag ka niyang kriminal. "

"Tama naman siya hindi ba? Nagmahal ka ng isang kriminal. "

"Hindi kriminal ang tingin ko sa'yo, dahil ang tingin ko sa'yo ay isang bayani. "

Natawa ang binata.

"Ginagawa mo lang ang trabaho mo para sa ikabubuti ng karamihan kaya hindi kita tatawaging kriminal. "

"Naiintindihan mo na ako ngayon."

"Siyempre mahal kita eh. "

---

MEDC OFFICE...

Abala ang mga tao sa loob ng kumpanya. Dalawang linggo ang lumipas at napakarami ng nagbago sa kumpanya.

May mga nakuhang mga bagong investors at bagong share holders.

May mga inaalisan ng posisyon at may pinapalit.

"I can guarantee you, you won't regret joining the MEDC Mr. Chang."

"Thank you President Han."

Nagpirmahan ang dalawang lalaki sa kontratang hawak nila.

"We are selling some stocks anyway."

"That's good, I will tell my business friends about that."

Ngumisi ang Presidente pagkatapos ng usapan.

Tinungo nito ang opisina ng Chairman.

"Sir, nakuha na po natin si Mr. Chang."

"Mabuti, maghanda tayo darating ngayon si boss, malinis na ba ang mga tao natin? Wala ng natirang hindi atin?"

"Malinis na po sir."

"Mabuti, mamaya darating siya."

"Wala pong problema Chairman, ngayong tayo na ang humahawak sa kumpanya wala ng sagabal pa. Magagawa na natin lahat ng gusto nating gawin."

Nagtawanan ang mga ito ngunit naudlot nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalaki.

"O, Gonzalo anong problema?"

"Chairman, may problema tayo paparating ang mga NBI!"

"Ano!"

Napatayo ang dalawang opisyal sa pagkabigla.

"May kaso tayong tax evasion!"

"Trabaho mo 'yan hindi mo magagawaan ng paraan?"

"Pasensiya na po pero hindi ko na hawak ito."

"Ako ng bahala, sunugin lahat ng ebidensiya!"

"Opo!"

Pag-alis ng tauhan ay tinawagan ng Chairman ang amo.

"Boss, may problema po tayo."

---

CIUDAD MEDICAL...

Kinabukasan.

" Vince pare, anong update? "

"Pare nanonood ka ba ng T.V?"

"Hindi pa."

"Manood kayo. Kumilos na si don Jaime.

Tiyak magkakagulo na ang kumpanya. 

Nasa opisina na ang ebidensiya at hinuhuli na ngayon ang mga salarin."

"Salamat pare!"

"Sige."

Pagkarinig ay dali-daling binuksan ni Ellah ang telebisyon.

Bumungad sa kanila ang dalawang lalaki. Nakaposas ang General Manager at ang Presidente, dinumog ng medya ang mga ito.

"Sa wakas!" Hiyaw ni Ellah at umupo sa kanyang tabi sa naroong sofa.

Ngunit sandali lang ang ngiti nito nang makita ang sumunod na eksena.

"WALA AKONG KINALAMAN DITO! DAMAY LANG AKO!"

Sigaw ng lalaki kasunod ang iba pa habang hawak ng mga pulis.

Kitang-kita ni Gian ang pagkunot ng noo ng katabi.

"S-sandali pati ba ang presidente kasali!"

Hindi siya sumagot. Matagal na siyang naghihinala dito at napatunayan niya 'yon.

"Sandali, ang kinabitan mo ba ng camera ay silid ni Calvin Go?"

Tumango ang binata.

Silid ng dating Presidente ang pinasok niya noon.

Nakuha ng reporter ang atensyon nila.

"Nagkakagulo ngayon sa kumpanya ng Mining Energy Development Corporation o MEDC isa sa pinakamalaking mining company sa bansa dahil sa isang malaking eskandalong naganap.

Na 'di umano'y kinasasangkutan ng Direktor na si  Mr. Mark Javier, President William Han at Chairman Calvin Go at marami pang iba."

Natigagal si Ellah at nilingon si Gian.

" Si Calvin Go ang Chairman? "

Hindi sumagot ang binata at nanatili lang nakatingin sa telebisyon.

" Bandang alas singko ng hapon ng hulihin ang mga nabanggit ng mga pulis dahil sa matibay na ebidensiyang nagpapatunay sa 'di umano'y sabwatan ng mga ito sa pag mamaniobra ng kumpanya na naging dahilan ng pagpapatalsik ng dating chairman na si don Jaime Lopez. Sa ngayon ay..."

"Pati pala ang Calvin Go na 'yon kasabwat!"

"Hindi siya kasabwat, " wika niya.

"Kung gano' n bakit hinuli siya?"

Mataman niyang tiningnan ang dalaga.

Naaawa siya na wala itong kaalam-alam.

"Don't tell me siya ang... " nanlalaki ang mga matang sambit nito.

"Oh shit!"

Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Tama ka, siya ang utak ng lahat."

Nabaghan ang dalaga sa narinig.

"A-ano!"

Panahon na para malaman ng kasintahan ang katotohanang matagal na niyang alam.

"Noong una hindi ako naniwalang kasabwat siya dahil malinis ang kanyang trabaho.

Hindi natin siya nakitaan ng masamang motibo pero siya pala ang master mind.

Siya ang nagplano kung paano pabagsakin ang chairman.

Kasabwat niya ang dalawa sa pagmamaniobra.

Ang accountant naman ang taga proseso ng mga dokumento."

Nanghihinang napaupo si Ellah.

"A-ang akala ko kakampi namin siya."

"Hindi mo kilala ang mga tauhan ninyo. Matagal na nila itong ginagawa pero pa unti-unti.

Una ka nilang tinira para pabagsakin. Kaya kayo nagka reject sa inyong produkto.

Ang pagtaas ng twelve percent ng inyong supplier ay kagagawan din nila.

At ang pinakahuli ay ibinenta nila ang inyong stocks sa iba pero sila pa rin ang nagmamay-ari. "

Namula ang dalaga sa galit.

"Napakawalang hiya nila!"

"Nalusutan nila ang kasong tax evasion sa ngayon pero hindi magtatagal dadagdag 'yon sa kaso nila."

"My God!" Natampal nito ang noo.

"Tingan mo 'to."

Binuksan niya ang cellphone at may ipinakitang video.

"Ang presidente 'yan 'di ba?"

"Dating presidente, pakinggan mo ang usapan nila."

Pinanood ni Ellah ang video.

Pumasok ang dalawang lalaki, ang Marketing manager at ang direktor sa loob ng opisina ng Presidente.

"Mr. President, " umupo sa sofa ang direktor na si William Han.

"Nagawa niyo ba ang pinagagawa ko?"

"Yes sir. Kunting panahon na lang mapapasa atin na ang kumpanya."

"Good. Ipagpatuloy niyo lang ang pagbebenta ng stocks. "

"Yes Mr. President."

"Dapat ako na ang mamumuno sa kumpanya at hindi ang apo ng matandang 'yon. "

"Dapat lang sir! Kayo ang naghihirap ng lahat tapos ipapasa lang sa kamag-anak?"

Nagsalita ang Marketing manager na si Mark Javier.

"Matinik din siya, nagawan niya ng paraan si Mr. Garcia."

"Dahil 'yon sa gwardya niya."

"Pati ang reject nabawi rin."

"Dahil pa rin sa gwardya niya."

"Pero hindi 'yon sapat para siya na ang hahawak sa atin."

"Tama. Malalaman ko rin kung bakit nagagawa ng Villareal na 'yon ang humadlang sa ginagawa natin."

"Paiimbestigahan mo sir?"

"Wala akong nakuhang impormasyon, pero hindi bale, wala naman silang magagawa dahil kontrolado na natin ang sitwasyon."

"Tama Mr. President. Ngayon pa na wala na ang apo kasunod na ang lolo!"

Hagalpak ng tawanan ang mga ito.

"Hindi ko alam na pag-ibig lang pala ang kahinaan ng apo at nagkusang mag resign hindi tuloy tayo masyadong nahirapan."

"Ang galing mo talaga Mr. President."

"Nakikita ko kasing hirap siya kapag wala ang kanyang gwardya."

"Pag-ibig lang pala ang katapat ng tigre na 'yon!" dagdag ni Javier.

"Go back to work marami pa tayong gagawin bago mapasa akin ang kumpanya."

"Hindi magtatagal kayo na ang magiging bagong Chairman!"

Kumuyom ang kamao ng dalaga matapos ang panonood.

"Napakahayop ng presidente na 'yon! Pinagkakatiwalaan siya ni lolo pero siya pa pala ang utak! Napakawalang hiya!

Dapat maparusahan talaga ang mga hayop na 'yon!"

"Hindi ko agad sinabi sa'yo dahil malaking tao ang babanggain niyo."

"Tauhan lang siya ni lolo!"

"Iba ang amo niya. Sigurado akong may nasa likod ng Chairman na 'yon na siyang totoong nagmamay-ari ng inyong kumpanya. "

Nilingon siya ni Ellah.

"May iba pa? Sino?"

"Iyon ang aalamin natin."

Tumalim ang tingin ng dalaga sa kawalan.

"Tama ka. Alam kong walang kakayahan ang isang Calvin Go na ariin ang kumpanya. Gian, alamin mo kung sino ang nagmamay-ari ng kumpanya namin."

Ibinalik niya ang cellphone sa bulsa.

"Gagawin ko, nakakaawa ang lolo mo na masadlak sa ganitong sitwasyon."

"Sandali paano mo nakuhanan ng video ang pag-uusap nila?"

"Malakas ang kutob kong may kinalaman ang presidente kaya nilagyan ko ng spy cam ang opisina niya.

Silang tatlo ang nilagyan ko at hindi nga ako nagkamali."

"Gian, ano na ang mangyayari sa mga 'yon?"

"Sa ngayon iimbestigahan sila at dahil matibay ang ebidensiya tiyak kulong silang lahat at tiniyak ko rin na hindi sila basta-basta makakapag piyansa."

"Parang nakahinga na ako ng maluwag."

Huminga ng malalim si Gian.

"Sana pumunta dito si don Jaime kapag pwede na siyang makalabas. "

"Oo, papupuntahin ko siya dito. "

"Hindi, huwag mong utusan ang lolo mo, hayaan mong siya mismo ang pumunta. "

"Pupunta kaya siya?"

"Nararamdaman ko. "

Tinawagan ng dalaga ang assistant manager.

Mula ng matatanggal si Jen ay ito na ang nakakausap niya.

"Myra, kumusta diyan?"

"Dinakip ho si Mr. Javier at President Han pati na si Chairman Go. Sila pala ang may pakana nito, Ms. matagal na akong may hinala na talagang hindi mapagkakatiwalaan 'yang si Mr. Javier. "

"Matagal ko na ring alam, binigyan ko na sila ng pagkakataon noon pero binalewala nila. "

"Ms. lumalabas na ngayon ang mga masasamang ginagawa nila."

Kinabahan siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Si Mr. Javier ang pasimuno ng pananabotahe sa purchasing at kasabwat ang supervisor."

"Ano? Paano nangyari 'yon?"

"Ms. doble ang presyo ng binibili nating produkto dahil ang twenty five percent ay napupunta sa kanilang bulsa. "

"Shit!" napamura ang dalaga.

Alam naman niyang may kabulastugang ginagawa ang hayop na' yon hindi lang talaga nila mahuli-huli kung ano 'yon, ngayon lang!

"Matagal na pala nilang niloloko ang kumpanya. Hindi lang nila nagalaw ang three percent Ms."

"Paano mo 'yan nalaman?"

"Mismong ang seller ang nagsumbong dahil bigla na lang daw ho siyang iniwan sa ere ni Mr. Javier kahit hindi pa tapos ang kontrata. "

"Baka pati ang planta na sinusuplayan natin ay minani obra din ng hayop na 'yon?"

"Inaalam na po namin Ms. kung gaano karami, sa ngayon kumpirmadong dalawang planta ang ginalaw."

"Bullshit!"

"Ms. magpakatatag kayo, lilipas din po ito, kaya magpakatatag po kayo. "

"Salamat Myra, mag-iingat ka. Alam kong wala na akong karapatang makialam dahil wala na ako sa kumpanya kaya maraming salamat sa pagtitiwala."

"Kayo pa rin ang G.M. Ms."

"Salamat. "

"Mag-iingat po kayo Ms. Ellah. "

"Mas mag-iingat ka diyan."

Nang matapos ang usapan, muli siyang bumalik sa sala kung saan nakaupo si Gian.

"Saan ka galing?"

"Tinawagan ko ang assistant manager. "

"Kumusta na?"

"May natuklasan silang kalokohan ng mga hayop na 'yon. Alam ko namang meron talaga ngayon ko lang nalaman kung ano ' yon!

Ang tanga ko naman!"

Sinabunutan ng dalaga ang sariling buhok.

"Stop it. "

"Minaniobra nila ang planta, pati purchasing! Bullshit wala na silang patawad!"

Nanghihinang napaupo ang dalaga sa sahig.

Bumaba ang binata at hinimas-himas ang likod ng dalaga.

"Lahat yata sa kumpanya ginalaw ng mga hayop na 'yon.

May palagay akong maging ang tunnel ay ginalaw din nila.

Lahat sila nagsasabwatan! Samantalang ako halos mamatay sa pag-iisip kung paano mapapaunlad ang kumpanya!"

Nagsisigaw na ang dalaga.

"Mga hayop sila! Mga walang hiya!"

Naaawang niyakap siya ng mahigpit ng nobyo at inakay paupo.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, sadya lang may mga taong halang ang bituka.

Lilinisin natin ang lahat ng bulok sa inyong kumpanya. Pangako ibabalik ko sa ayos ang lahat."

"Ngayon ko pinagsisihan ang pag-alis ko sa kumpanya. Tama ka Gian, sana hindi na lang ako umalis!

Kung alam ko lang matagal ko na silang pinalayas!"

Napaiyak na ang dalaga.

"Ang akala ko kilala ko ang mga tauhan namin, 'yon pala wala akong kilala kahit isa! Mga hayop sila!

Mga hayop sila!"

"Tama na, tama na, makakabawi rin tayo, huwag kang mag-alala malapit ng mawala ang mga traydor sa inyong kumpanya. "

Hinalik-halikan ng binata ang buhok ng dalaga.

Ubos na ubos na ang pagtitimpi ni Ellah kung pwede lang sanang pumatay o magpapatay ginawa na niya!

Ang ginawa ng mga kalaban ay hindi basta-bastang maayos, kahit pa makabalik sila, sasaluhin nila lahat ng problemang iniwan ng mga dating opisyal.

Hindi pa masyadong magaling ang kanyang lolo subalit ganito ang problemang masasangkutan nito.

Paanong sa isang iglap hindi na sila ang may hawak sa kumpanyang pinaghirapan?