webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · Urbano
Classificações insuficientes
107 Chs

Chapter 33 - The Concede

MEDC OFFICE...

Masakit ang ulo at tila nahihilo dahil sa kakulangan sa tulog ngunit pinilit ni Ellah na pumasok sa trabaho.

Walang ibang maasahan ang chairman kundi siya.

Ayaw niya ring isipin nito na talagang dinibdib niya ang nangyari.

Subalit habang nagbabasa ng papeles ay halos wala naman siyang naiintindihan. Ginawaan na ng paraan ng sekretarya ang pagkakamali niya kahapon kaya babalik na siya ulit sa normal.

Gwardya lang naman ang nawala, hindi ang nag-iisang pamilya niya!

Ngunit kahit anong pilit niyang pagaanin ang pakiramdam maya-maya ay napapatingin siya sa cellphone umaasang biglang tatawag o mag te-text si Gian.

Kumusta na kaya ito?

Bumalik na kaya sa dating trabaho?

Iniwan na kaya siya nito ng tuluyan?

Gano'n na lang ba 'yon?

Ang bigat ng kanyang nararamdaman dahil wala na ang taong kaisa-isa niyang inaasahan. Maiisip pa lang niyang mag-isa niyang haharapin ang lahat ay nawawalan na siya ng lakas ng loob.

Kanino bang kasalanan ito?

Maninisi ba siya ng iba gayong kung tutuusin sumang-ayon siya?

Tila siya bastang paslit na nawawala sa tamang daan at napakaraming aso na naghihintay lang na tumakbo siya para habulin at lapain.

Kung nasa tabi niya ang protektor walang kakanti sa kanya. May lakas siya ng loob na lumaban o makipaglaban, dumepensa at umatake.

Pinili niya ang kumpanya, ang nag-iisang pamilya subalit walang nakakaunawa sa kanyang sitwasyon.

Ngayon magtitiis siya sa sakit!

Humulagpos ang natitirang pasensiya ng dalaga at pinagtatapon ang mga papeles sa mesa. Natabig ang tasa ng kape at nabasag dahilan kaya napasugod ang sekretarya.

"AH SHIT!"

"Ms. Ellah!"

Hinarap niya ang sekretarya. "Sabihin mo nga sa akin Jen, bakit nila ginagawa sa akin ang ganito?" desperado na niyang tanong nagbabakasakaling kaya nitong sagutin.

"Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit kahit walang kinalaman ay nadadamay!" Iwinasiwas niya ang mga kamay na para bang dahil doon mabibigyan siya ng sagot.

"M-Ms..."

Naghintay ang dalaga subalit walang salitang lumabas sa bibig ng sekretarya.

"Hindi mo rin masagot?" Namait ang kanyang panlasa at hindi na napigilan ang sarili.

"Mga hayop silang lahat!" Nagsisigaw na pinagsisipa niya ang mga nagkalat sa sahig na para bang sa pamamagitan noon ay gagaan ang kanyang nararamdaman.

"Tama na Ms. Ellah. " Sinugod siya ni Jen ng yakap sa tagiliran, tila maiiyak ito sa nakikitang kahinaan ng amo.

"Ms. tama na po, baka may makakita sa inyo sa ganyang kalagayan. Nakakatakot na may makakaalam at baka gamitin na naman ng inyong kalaban. "

Huminahon ang dalaga kumawala sa yapos at nanghihinang umupo.

Kahit gaano kasakit walang dapat makakaalam na nasasaktan siya sa nangyayari. Tama si Jen, gagamitin ng kalaban ang kanyang kahinaan.

Mas lalo siyang mapapabagsak.

"Pakiramdam ko wala akong silbi sa kumpanyang ito. "

"Hindi 'yan totoo Ms. Ellah, marami ang umaasa sa inyo. "

"Puro sila umaasa hindi ba nila alam na hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya! Mababaliw na ako!" Halos sabunutan niya ang sariling buhok.

"Ms. kaya niyo po 'yan, magpakatatag po kayo. "

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata ngunit mabilis na pinalis ang luhang papatak na. Pinipigilan niya ang umiyak. Hindi dapat makita ng kanyang tauhan ang kanyang kahinaan dahil umaasa ang mga ito sa kanya.

"G-ginagawa ko naman ang lahat ah? Ano pa ba ang kulang? Bakit hindi sila nakukuntento? Hanggang kailan ko ba papatunayan ang sarili ko?"

"Wala po kayong dapat patunayan Ms. Ellah dahil kayo ang nagmamay-ari ng kumpanya. At naniniwala kaming hindi sila magtatagumpay sa pagpapabagsak sa inyo. Kaya magpakatatag kayo Ms. Hindi namin kayo iiwan. Makakaasa kayong susuportahan namin kayo kahit anong mangyari. "

Ang bigat-bigat na ng kanyang nararamdaman at parang bibigay na siya.

Naninikip ang kanyang dibdib at hinayaang tumulo ang luha.

Kinabig siya ng sekretarya at muling niyakap.

Tuluyan na siyang napaiyak habang hinahagod nito ang kanyang likod.

"Lumaban kayo, marami ang umaasa sa inyo. Kapag bumigay po kayo marami ang mabibigo kaya pakiusap Ms. Ellah tatagan niyo ang sarili niyo. Iiyak niyo lang po ang sakit na nararamdaman ninyo nandito po ako Ms. nakahandang makinig at dumamay sa inyo."

Niyakap niya ang babae dahil pakiramdam niya nanghihina siya at kailangan ng makakapitan.

Subalit kailangan niyang magpapakatatag.

Hindi niya dapat kalimutan na sumang-ayon siya sa gustong mangyari ng kanyang abuelo kaya kung meron mang dapat sisihin sa nangyayari walang iba kundi ang kanyang sarili!

---

PHOENIX UNDERGROUND...

"Hmmmmppppp!" nagpupumiglas ang isang lalakeng halos ka edad niya habang may supot sa ulo at kinukuryente.

Nakatali ang mga kamay at paa nito sa upuang bakal.

Ito ang inabutan niya pagkapasok sa underground.

Halos punit na ang damit nito at maraming pasa sa mukha bukod pa sa nanginginig ito sa basa.

Hindi raw ito nagsasalita ayon kay Vince kahit umabot na sa halos hindi na ito makatayo.

Wala siyang pakialam, sa tindi ng nararamdaman niya ngayon kulang pa ang pumatay.

Ito ang taong nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan, kailangan kamatayan din ang katapat nito!

Nang malapit na itong mawalan ng hangin ay nagsalita siya.

"Give me a pistol Greg, " utos niya sa isang kasama.

Wala siyang panahong gaguhin ngayon dahil punong-puno na siya!

Bagamat nabigla ang inutusan ay tumalima ito at inalis ang supot sa ulo ng lalaki.

Inangat ng lalake ang tingin marahil ay naramdaman sila.

Napamulagat ang mga mata nito nang mag-abot ang mga tingin nila ngunit saglit lang agad ding yumuko.

Nang tahimik na maibigay ni Greg ang baril ay tinanggal niya ang mga bala nito at nagtira ng isa, inayos at pinaikot.

Itinaas niya ang hawak na baril, ikinasa at lumapit sa lalaki.

Pinagmasdan nilang lahat ang hawak niya sa pag-aakalang pupuntiryahin ang lalaki ngunit walang salitang itinutok niya ito sa kanyang sintido at walang kurap na kinalabit ang gatilyo.

Napatanga ang lalaki, ni walang nakahuma sa mga kasamahan niya, kahit hindi naman pumutok ang baril.

Subalit naalarma ang lalaki nang itinutok ng binata ang baril sa noo nito.

"Huwag!" kasabay ng sigaw nito ay ang pagkalabit sa gatilyo, hindi pumutok at nakahinga ito ng maluwag.

Itinutok niya ulit sa kanyang sintido.

Umilap ang mga tingin nito na para bang naghahanap ng paraan paano makakatakas sa kamatayang naghihintay.

Muli ay hindi pumutok.

Muli niyang itinutok sa noo ng lalaki ang baril at sa pagkakataong ito ay pumikit na lang ng mariin, muli ay hindi pumutok.

Muli niyang itinutok ang baril sa kanyang sintido at ngayon ay titig na titig ito na para bang naghihintay na humandusay siya, kinalabit ang gatilyo sa harap nito subalit hindi pumutok.

Ang dalawang lalaking kasamahan ng binata ay nanatiling tahimik sa gilid.

Kung binilang nito ang paglalaro malalaman nito kung laro pa rin ang kasunod nito.

Umatras siya at muling itinutok ang baril dito.

Napatuwid ito ng upo at napalunok sa takot.

"Si Galvez!" malakas nitong wika.

Saglit na nagulat ang binata.

Nagtagis ang mga bagang niya at tumalim ang tingin.

"Magaling ka magbilang ha?" Ani Ryan sabay tapik sa balikat ng lalaki na para bang ngayon lang kumalma.

"Siyempre, pang anim na rounds na, nakapwesto na ang bala!" si Greg ang tumugon.

"Kayo na ang bahala dito, " aniya at nagmamadaling lumabas.

"Sandali lang sir, delikado ang desisyon mo, " habol ni Greg.

"Wala akong pakialam!" bulyaw niya rito.

"Sir, huwag mo sanang ilagay ang batas sa iyong mga kamay. "

Napalingon siya rito.

"Alam ko ang nararamdaman mo, pero sana huwag kang gumawa ng isang bagay na hindi naaayon sa ating tungkulin. "

Hindi siya nakinig at tuloy-tuloy na lumabas.

Naaawa siya sa kanyang amo. Napakaraming traydor sa ilalim ng pamamahala nito!

Isa lang ang nasa utak ng binata.

Ang traydor ay walang lugar sa mundo niya!

Naiwan naman ang dalawang tauhan na nagbubulungan.

"Paano kaya nagawa ni Captain 'yon? Sinilip niya kaya ang cylinder kung saan nakapwesto ang bala?"

"Sira ka ba, nakita mo ba? Sinilip ba?" iritadong tugon ni Greg.

Napakamot ng ulo si Ryan at sinulyapan ang lalaking nakayuko saka malakas na nagsalita.

"Kaya walang makakapabagsak kay Captain kasi magkaibigan sila ni kamatayan!"

---

MEDC OFFICE...

Nakaupo ang dalaga sa kanyang swivel chair sa loob ng opisina.

Pero, nakaupo lang talaga siya at malayo ang tingin.

Ilang araw na siyang wala sa sarili at parang hindi niya kayang magtrabaho ng maayos.

"Ms. okay lang po ba kayo?"

Hindi pa rin natinag ang dalaga.

"Ms. Ellah!"

Napakislot ang dalaga at napatingin sa bumulyaw.

"What?" iritadong asik niya sa sekretarya.

"Pasensiya na po, pero marami na po tayong pending na mga reports at transactions Ms."

Huminga siya ng malalim, sumandal sa swivel chair at ipinikit ang mga mata.

"Ms. Ellah, hindi na po ba kami mahalaga sa inyo? Wala na po bang halaga sa inyo ang kumpanya?

Ms. hindi po kayo 'yan. Ang kilala kong amo namin ay matapang at matatag!"

Napakurap ang dalaga. Marahil tama ito. Noon pa man ang mundo niya ay umikot na sa kumpanya.

Kaya bakit siya nagkaganito?

Hindi ba walang lalaki na makakahadlang sa kanya? Nakalimutan na ba niya ang isang libong empleyado?

Karapat-dapat na ba si Gian para ipagpalit sa kanyang pinanindigan?

Napatingin siya sa sekretarya.

"Jen, please tell me, ano ba ang dapat kong gawin? Parang ayoko ng pumasok pa. Wala akong gana sa lahat. "

"Harapin niyo ang problema, huwag niyo takbuhan dahil hindi rin kayo matatahimik."

"Hindi ko kaya. "

"Tutulungan ko po kayo Ms. hindi pa huli ang lahat, makakaya niyo pang kausapin si sir Gian.

Naniniwala akong pakikinggan niya kayo, ipaliwanag ninyo ang mga nangyayari Ms. Ellah. "

"Hindi 'yon gano'n kadali, nangako ako kay lolo at dapat kong tuparin ang pangako ko. "

"Pero Ms. kayo ang mas nahihirapan dahil sa pangako niyo. Walang masamang harapin ninyo ang problema, maaayos man o hindi atleast hinarap niyo.

Sa ganoong paraan lang kayo matatahimik Ms. at hindi na bubulabugin ng inyong konsensiya."

Bumuntong-hininga ang dalaga.

"Ms. pakiusap harapin niyo at kausapin si sir Gian. Sa huling pagkakataon.

Wala pong masamang idudulot ang pakikipagharap niyo kung mananatili kayong kakapit sa inyong pangako. "

Tinitigan niya ang babae, nilimi ang mga sinabi nito. Bandang huli ay nagdesisyon siya.

"Tama ka Jen, kakausapin ko si Gian, sasabihin ko ang lahat at magpapaliwanag ako, alam kong pakikinggan niya ako. "

Napangiti si Jen.

"Ako na ho ang bahala sa mga bodyguard ninyo Ms. Ellah. "

"Salamat Jen, salamat. "

Mabilis siyang nag-ayos. Halos liparin niya ang basement makarating lang agad.

Inabutan niya ang kanyang apat na bodyguard na nakatayo palibot sa kotse.

"Kayong lahat, pumunta kayo sa sekretarya ko. "

"Pero walang maiiwan sa inyo Ms. Ellah, " sagot ng leader.

"Kailangan ninyong matuto sa mga rules and regulations bilang bodyguard ko. Naghihintay siya sa inyo. "

Walang kumilos.

Tumiim ang titig niya sa apat na gwardya.

"Inuutusan ko kayo!" may diin sa kanyang bawat pagbigkas ng mga katagang iyon.

Agad na tumalima ang apat at mabilis siyang pumasok sa kotse at ilang sandali pa tinatahak na niya ang palabas ng syudad.

Tinawagan niya ang binata pero tumutunog lang ito at hindi sinasagot.

Pangalawang tawag, pangatlo, pang-apat, panglima.

Wala pa rin.

Nag text siya rito.

Gian, please answer it.

Habang nagmamaneho ay paulit-ulit niyang binibigkas ang mga katagang magpapatatag sa kanya.

"Pangako hindi ako babalik sa'yo Gian, hindi kita pababalikin, makikipag-usap lang ako. Hindi na kita gagambalain pa, pangako."

Ilang sandali pa nakatanggap siya ng mensahe mula rito.

Halos tumalon siya tuwa nang makitang nag text ito.

Gian:

I am busy

Muli niya itong tinawagan.

Hinintay niyang sagutin nito.

"What?" malamig nitong tanong pero halos tumalon ang puso niya sa tuwa.

"G-Gian, can we talk?"

"Say what you want, I'll give you ten seconds now, " walang emosyon sa tinig ng binata.

"What?"

"Nine..."

"Ang kapal mo naman!"

"Eight..."

"Wow!"

"Seven..."

"Ibang klase ka!"

"Six..."

"Akala mo kung sino ka ah!"

"Five..."

"Ano bang ginagawa mo!"

"Four..."

"Hoy Villareal!"

"Three..."

Marahas siyang bumuntong hininga.

"Two..."

"Walang hiya!"

"One!"

"Magkitatayosadagatngayonna" mabilis niyang turan.

Sandaling hindi ito sumagot.

"Fine, I'll be there in twenty minutes, don't be late!" malamig nitong banta.

"T-thanks, " tugon niya.

Nawala na ito sa kabilang linya.

"Ano 'yon?" takang tanong niya sa sarili.

Binilangan pa siya at pinagbantaan.

Sisiguraduhin niyang wala pang dalawampung minuto ay nandoon siya!

Galit siya, pero nangingibabaw ang kanyang saya!

Kwalipikado na siyang bansagang baliw, may sayad, sira-ulo at iba pa.

Ah wala siyang pakialam, ang mahalaga makikipagkita sa kanya si Gian!

Sasabihin niya lahat-lahat, aamin na siya sa lahat baka sakaling ito ang paraan upang gumaan ang kanyang pakiramdam.