webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · Urbano
Classificações insuficientes
107 Chs

Chapter 32 - The Delimma

ALAVAR SEAFOOD RESTAURANT...

Gabi.

Sinundan ni Gian ang lalaking kabababa lang ng kotse nito sa parking area sa isang restaurant.

Buong araw niyang inisip kung paano isasagawa ang plano.

Nang lumiko na ito papasok sa restaurant ay bigla niyang hiniklas ang kwelyo ng suot nitong polo.

"Ikaw ba ang may gawa? "

"S-sino ka! " gulat na gulat nitong tanong.

Humigpit ang pagkakapit niya at tila masasakal na ito.

"Sinabihan na kita!"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"

"Sino ang nagbigay ng larawan kay don Jaime?"

Umatras siya at tinutukan ito ng baril sa ulo.

"S-sandali lang, hindi ako ang may gawa noon Gian, maniwala ka, " nakataas ang mga kamay ng lalaki at halos mamutla sa takot.

Lumapit siya ng isang hakbang.

"Gian, maniwala ka hindi ako!"

"Kung gano'n sino ang gumawa?"

" H-hindi ko alam. "

"Sino!" Ikinasa niya ang baril at muling itinutok sa noo nito.

Nanlalamig ang lalaki at nanginig ang mga labi nito.

"Maniwala ka hindi ko talaga alam!" Lumuhod ito sa kanyang harapan.

" Sino!" Ipinutok niya ang baril na may silencer sa gilid ng lalaki.

" S-si Javier!"

Hindi na siya nagulat. Kinumpirma lang niya.

Ito ang lalaking idiniin niya noon sa restroom kasama ng isa pa. At ang mga ito ay tauhan ng taong binanggit nito.

Ibinaba niya ang baril.

"Bakit mo 'to ginagawa? Hindi ba amo mo si Javier? Sa ginagawa mo tinatraydor mo siya. Ikaw ang magsusumbong kay don Jaime sa mga paratang tungkol sa amin ni Ms. Ellah at ikaw din ang papalit sa kanya. "

Umilap ang mga mata nito.

" Hindi ba dapat ang manager ang magsasabi ng gano'n? Assistant ka lang. Kakampi ka ba niya o kalaban? Alin ka doon?"

Hindi nakakibo ang lalaki.

"Kung kakampi ka ako ang kalaban mo, kung kalaban ka may alas ako laban sa'yo. "

Napalunok ang kaharap.

"Ngayon sabihin mo bakit mo ito ginagawa?"

Hindi pa rin ito kumibo. Alam niyang hindi ito magsasalita dahil ang tingin nito sa kanya ay kalaban. Pinaputukan niya ito malapit sa paa.

" BAKIT!"

"L-lahat ng utos niya ako ang gumagawa. Taga utos lang siya, ang dapat na credit na para sa akin sa kanya napupunta.

At galit ako sa mga demonyong tulad niya. Ako ang nagpapakahirap ng lahat pero siya ang umaani ng pinaghihirapan ko."

Ngayon alam na niya ang dahilan.

" Ngayon sabihin mo ang totoo. Sino ang nagpadala ng mga larawan namin ni Ms. Ellah kay don Jaime?"

"Sinabi ko na si Javier. "

" Hindi kaya ipinasa mo lang ang kasalanan mo sa kanya?"

"Hindi ako gagawa ng gano'ng bagay lang. "

" At ano ang kaya mong gawin?"

Hindi ito umimik.

"Mamili ka ng kakalabanin mo, " malamig niyang wika dito saka tinalikuran ang lalaki.

Kahit ano gagawin niya matiyak lang niya ang kaligtasan ng dalaga. Poprotektahan niya ito sa abot ng kanyang makakaya.

Tumunog ang kanyang cellphone.

"Vince pare. "

"Gian pare, kilala na ang hitman na nagtangka sa'yo hinahanap na sa ngayon."

"Salamat pare. "

Napabuga siya ng hangin.

Dami naman yata niyang problema ngayon?

Pinagtangkaan ang buhay niya, pinaratangan siya at higit sa lahat may alam na si don Jaime tungkol sa nangyayari!

Napabuntong hininga ang binata. Ngayon kilala na niya kung sino ang may pakana mas dapat doble ang gagawin niyang pag-iingat sa kanyang amo.

Hindi baleng patong-patong ang problema niya ang importante ligtas ang dalaga.

Mayroon din naman siyang natuklasan. May traydor pala na nagtatraydor din sa amo nito.

Magaling mag-isip, 'pag nakuha nila pareho ang gusto, ilalaglag nito ang amo sa harapan mismo ni don Jaime!

---

LOPEZ MANSION...

Matapos makatulog ng dalaga ay nakabuo siya ng isang plano at nagpasyang bumaba. Kakausapin niya uli ang abuelo na hindi papairalin ang emosyon.

Inabutan niya itong nanonood ng balita.

Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib.

"Lolo, may gusto lang po akong itanong. "

" Ano 'yon? " tanong nito na hindi lumilingon sa kanya.

"Saan niyo nalaman ang balitang may relasyon kami ni Gian? "

Hindi nakaimik ang matanda.

" I am sure hindi galing sa kanya. "

"Hindi na mahalaga ang ganoong bagay. "

" Paano niyo po nalaman. Hindi po kayo maniniwala agad sa sabi-sabi lang kaya tiyak meron kayong basehan. "

"Huwag na natin pag-usapan ang ganyang bagay. "

" Mahalaga po sa akin na malaman, dahil kung wala kayong basehan wala ring basehan ang pag papaalis niyo sa bodyguard ko," mariin niyang tugon kaya nakuha ang atensyon ng don.

Tinitigan siya ng abuelo, sa pagkakataong ito lumaban siya ng titigan. Siya ang nasa katwiran ngayon.

May inilapag ang kanyang lolo na mga larawan sa ibabaw ng mesa.

" Iyan ang basehan ko. "

Nanlalaki ang kanyang mga mata sa nakita.

Mga larawan nila ni Gian na kung titingnan parang mayroon talagang kakaiba sa kanila.

Ang mga titig nito at ang mga tingin niya rito!

Kung gano'n tiyak niyang nakita na rin ito ni Gian.

"That is not true lolo. Wala kaming relasyon at kumakain lang kami. Sinong nagbigay nito sa inyo? "

Muli siyang pinagmasdan ng don.

Hindi kumibo ang matanda, alam niyang pinag-aaralan siya nito.

"Lolo, sasabihin niyo ang totoo sa akin dahil kung hindi, iisipin kong wala na kayong tiwala sa apo niyo. Ano pa ang silbi ko sa kumpanya, kung ibang tao ang pinagkakatiwalaan niyo? "

Huminga ng malalim ang don.

" Si Javier ang gumawa niyan. May tiwala ako sa'yo kaya huwag mo akong bibiguin. "

Napakurap ang dalaga. Sinasabi na nga ba niya!

"Makakaasa po kayo lolo."

Ngayong alam na niya kung sino ang kalaban napanatag siya.

"Gagawa ako ng paraan para mapatalsik ang Javier na 'yan."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Hindi niya naisip na magagawa ng abuelo ang bagay na 'yon. Malakas ang loob ng opisyal dahil kumakampi rito ang abuelo.

"T-talaga po?"

"Sa isang kundisyon."

Kabadong napalunok si Ellah. Gagawa ng pabor pero may kapalit.

"Ano po 'yon?"

"Layuan mo si Gian."

Tuluyang natahimik si Ellah.

"Wala siyang mabuting maidudulot sa'yo. Hanggat magkasama kayo palagi kang mapapahamak. Huwag kang makialam sa kung ano ang gagawin ko sa kanya."

Umangat ang kanyang tingin. Please huwag niyo po siyang saktan wala siyang kasalanan."

"Hindi ko gagawin 'yon kung magtino siya, at hanggat hindi ka mangingialam hindi siya masasaktan," mariing wika ng don.

Naipikit niya ang mga mata.

Ngayon malinaw na nga na wala ng pag-asang mahahawakan niya pa ang binata!

Subalit hindi siya makakapayag na sa ganito na lang hahantong ang lahat!

Maraming paraan para magkakalapit pa rin silang dalawa, sa pagkakataong ito ililihim na niya.

---

LOPEZ MANSION...

Maaga pa lang kinabukasan ay naghanda na si Gian para sunduin ang amo.

Palabas siya ng bahay at sumakay ng taxi papunta ng mansyon. Bago lang kasi siya nagpaalam sa kotseng ginamit niya noong pinagtangkaan siya, wala pang panibagong issue.

Nang dumating sila agad siyang nagbayad sa taxi at bumaba.

Magpapaliwanag na lang siya sa dalaga at sana maunawaan nito.

Lumapit siya sa gate at naghintay ng pagbubukas nito.

Ngunit nagtaka siya nang bigla siyang harangan ng mga gwardya ng mansyon.

"Sir, pasensiya na pero hanggang dito lang kayo. "

"Anong sinasabi mo? Niloloko niyo ba ako? Ako ang bodyguard ni Ms. Ellah!" hindi makapaniwalang tanong ng binata.

"Utos ni don Jaime, hindi ka na raw papapasukin."

"Ano!" Nabaghan siya sa narinig. "Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap!"

"Pasensiya na sir pero hindi pwede ang mabuti pa umalis ka na!" bahagya siyang itinulak ng isa.

Nagpanting ang pandinig niya! At muntik ng magdilim ang kanyang paningin.

Itinulak niya ang humaharang sabay lapit sa gate.

"Don Jaime! Don Jaime! Kausapin niyo ako ano bang nagawa kong kasalanan? Don Jaime lumabas kayo diyan!" sigaw na ng binata.

"Ilayo niyo 'yan!" utos ng head security.

Hinawakan siya ng dalawang lalaki pero nagpumiglas siya kaya nabitiwan siya ng mga ito.

"Ano ba! Don Jaime! Kausapin niyo ako ng pormal hindi ganito!" sumisigaw pa rin ang binata.

"Wala siya diyan, umalis si don Jaime."

"Don Jaime! Ginagago niyo ba ako? Kayo ang nagpabalik sa akin!"

"Makakaalis kana at 'wag ka ng babalik!" Hinarap siya ng head security. "Ilabas 'yan!"

Hinawakan uli siya ng dalawa.

"Bitiwan niyo ako!"

Nagngangalit ang mga bagang na umalis ang binata.

Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa isang iglap wala na ang lahat?

Habang lulan ng taxi ay panay ang tawag niya sa dalaga.

Pero hindi ito sumasagot hanggang sa hindi na ito makontak.

Tinawagan niya ang telepono ng kumpanya.

"This is MEDC good morning how may I help you? " sagot ng babae sa kabilang linya.

" Yes please may I speak to Ms. Ellah Lopez? "

" Who's on the line sir, please ?"

Huminga siya ng malalim.

"Gian Villareal. "

"A moment sir, I'll connect you to Ms. Ellah's office. "

Pigil-hininga ang binata habang naghihintay.

Ilang sandali pa muling may nagsalita sa kabilang linya at gano'n na lang ang kanyang tuwa.

"Sir, I am sorry to tell you this but Ms. Ellah is in the meeting right now. "

Tila nawalan ng pag-asa ang binata

Huminga siya ng malalim matapos magpasalamat sa babae.

"Shit! Manong, sa MEDC tayo!"

"Yes sir!"

Habang nasa biyahe ay matalim ang kanyang tingin sa dinadaanan habang matamang nag-iisip.

'Walang pwedeng gumawa sa akin ng ganito! Hindi ako makakapayag! Trinato ko sila bilang tao kaya hindi pwedeng tratuhin nila akong hayop!'

---

MEDC OFFICE...

Nang makarating ng opisina ay agad siyang nagbayad at lumabas ng taxi tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob deretso sa opisina ng dalaga.

Ngunit hindi pa man siya nakakapasok ay biglang may humarang.

"Pasensiya na ho sir, pero hanggang dito na lang kayo. "

"Sino ba kayo?"

"Kami ang bagong bodyguard ni Ms. Ellah. "

Parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang narinig!

"Ms. Ellah, lumabas ka diyan!" kinakalabog niya ang babasaging pinto.

"Huwag kayong mag eskandalo dito, lumabas na kayo!" Hinawakan siya ng apat na lalaki at pinapaalis subalit hindi siya nagpatinag.

"Ms. Ellah ano ba? Alam kong nandiyan ka lumabas ka at kausapin mo ako! Lumabas ka diyan!" sigaw na niya.

"Ilabas 'yan!" matigas na utos ng isa pang gwardya.

"Ms. Ellah! Alam kong naririnig mo ako pakiusap lumabas ka at kausapin mo ako ng maayos!"

"Bitiwan niyo ako!" Malakas niyang hinablot ang braso.

Dahil sa mga sinabi ni Gian ay nagpasyang lumabas si Ellah, subalit hindi pa man nakarating sa pinto ay tumayo ang sekretarya.

"Ms. Pinagbabawalan po kayo ng Chairman."

Animo wala siyang narinig at tuloy-tuloy sa paghakbang, gusto niyang makausap ang binata ng maayos, o kahit makita man lang ito.

Buo na ang kanyang desisyon at mabilis na hinawakan ang door knob.

"Mapapahamak si Gian!"

Dahil sa sigaw ng sekretarya ay tila nabalik siya sa katotohanan.

Katotohanang kapag ginawa niya ang nais ay mapapahamak ang protektor.

Agad kumalma ang boses ng empleyada.

"Alam kong hindi ito tama, pero kilala niyo ang inyong lolo Ms. Kung ayaw ninyong mapahamak si sir Gian hindi niyo bubuksan ang pinto."

Mariin siyang napapikit habang nakahawak sa doorknob, ang kanina'y mahigpit niyang pagkakahawak ay unti-unting lumuwag hanggang tuluyan na niyang binitawan.

Hindi pa rin tumitinag si Gian sa labas. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

"ELLAH ANO BA! LUMABAS KA DIYAN!"

Wala pa ring lumalabas.

Napatingin siya sa mga lalaking gwardya na tila mga walang pakiramdam kaya nagpasya siyang sa basement maghintay.

Hindi maaaring tratuhin siya ng ganito!

Muli niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito nakokontak.

"Hindi niyo 'to pwedeng gawin sa akin ni don Jaime lalong lalo ka na Ellah!" Halos mabasag ang screen ng cellphone sa higpit ng pagkakakuyom ng kanyang kamay.

Maghihintay siya gaano man katagal lumabas ang apo ng isang don Jaime Lopez.

Parang napakabilis ng pangyayari.

Kahapon lang ay pinrotektahan pa niya ang amo, pinagtanggol subalit ngayon ay hindi na siya kinakausap.

Anong nangyari?

Lumipas ang dalawang oras at oras na ng tanghalian ngunit hindi niya ininda ang gutom, paano kung sa pag-alis niya ay lumabas ito?

Hindi siya makakapayag na ganito na lang magtatapos ang lahat.

Ang lahat ng paghihirap niya at pagsisikap ay mawawala na?

Halos hindi ginagalaw ni Ellah ang mga pagkaing nakahain sa kanyang lamesa.

Oras ng tanghalian subalit wala siyang gana.

Tila walang sigla sa lahat ng bagay.

Pinilit niyang isinubo ang kutsarang may pagkain sa bibig ngunit tila kay hirap lumunok.

Subalit kailangan niyang kumain mag-isa dahil sa takot na ma ospital ulit.

Kapag nagkasakit siya paano na ang kumpanya? Hindi pa magaling ang abuelo. Ngunit kaya pa nitong gampanan ang posisyon bilang chairman kaya hindi ito napapalitan. Walang maaaring pumalit dito kundi siya bilang nag-iisang tagapagmana.

Ginagawa niya ang lahat ng ito upang hindi madadamay ang taong nagpoprotekta sa kanya.

Para ito sa kaligtasan ng taong pinagkukunan niya ng lakas at tibay ng kalooban.

Ayaw niyang darating ang araw na ng dahil sa kanya magdurusa si Gian. Hindi niya kayang tanggapin ang gano'n.

'Para ito sa'yo Gian.'

Nang malamnan ng kaunti ang sikmura ay pinilit niya ang sarili na magtrabaho at balewalain ang nangyari.

Pinindot niya ang button ng intercom.

"Jen, may... may meeting ba ako?"

"Wala po sa ngayon Ms. Ellah. "

Hindi siya umimik.

"Ms. Ellah, ayos lang po ba kayo?"

Hindi siya sumagot dahilan at tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha.

Pinunasan niya ng kamay ang mga pisngi.

"M-magtrabaho na tayo Jen. "

"Ms. Ellah sa tingin ko po hindi niyo kaya, baka magkamali lang po kayo. "

"Hindi! Wala ito, huwag mo na lang akong pansinin, " matigas niyang wika.

"Okay po, Ms. Ellah 'yong purchasing request ay pinabibilisan ng Purchasing department. "

"Nasaan na?"

"Nasa table niyo. Pupunta ako diyan."

Matapos mag-usap ay kumatok saglit ang sekretarya.

Nagmadali siyang nag-ayos ng sarili at kumuha ng isang folder saka binuklat eksaktong pumasok na ito.

"Ms. Kaya niyo bang magtrabaho?"

"Kaya ko. Saan na ang pinapipirmahan mo?"

"Iyan hawak niyo."

Binasa niya ito at agad pinirmahan.

"Alin pa?"

"Ms. lahat po 'yan minamadali ng bawat departamento, kasi raw po sabi ng assistant manager ng marketing department kapag hindi na approved ay posibleng ma cancel ang transaction. "

"Akin na!" Mabilis niyang binasa at pinirmahan.

"Ms. hindi po kayo diyan dapat pumirma, sa approve po dapat, ang napirmahan niyo ay ang sa release. "

"Shit! Paano 'yan?" Bigla siyang nataranta.

"Sasabihin ko pong magpapagawa ng panibagong request. "

"Sige bilisan mo!"

"Opo!" umalis ang sekretarya.

Halos hindi na niya binabasa ang mga papeles at basta na lang pumipirma.

"Ms. sandali lang daw po at gagawa sila ng bago. "

Hindi siya umimik at patuloy lang sa pagpirma.

"M-Ms. Ellah, hindi naman sa kinukwestyon ko kayo, pero Ms. talaga bang aaprobahan niyo 'yong budget para sa buying ng materyales? Napakalaki ho niyan Ms? Mahigit sampung milyon po 'yan. Hindi ba dapat ay uusisain niyo muna kung bakit ganyan kalaki?"

"Shit! Shit!" Napatayo ang dalaga.

Tila maiiyak siya sa nangyayari.

Nnag dahil sa pag-alala niya at kakaisip sa gwardya ay halos wala na siya sa sarili.

Masakit na makitang nasasaktan si Gian pero kapag nakipag-ayos siya, ang kumpanya ang magigiba!

Hindi na niya napigilan ang sarili at ang paglipad ng kanyang kamay ay patungo sa mga papeles na nasa kanyang mesa.

"Shit! Bullshit! Bullshit silang lahat!"

Natigagal ang sektretarya nang makitang nilamukos ng amo ang mga papeles at pinagtatapon sa sahig.

Yumuko si Jen at sinimulang pulutin ang mga sirang dokumento.

Doon lang tila natauhan si Ellah.

Dinampot niya ang bag at deretsong lumabas ng opisina.

Nahihiya siya sa nagawa at gusto na lang makaalis agad.

Kasama ang apat na gwardya na sumunod sa kanya ay tuloy-tuloy siya sa basement.

Subalit natigilan siya nang masulyapan si Gian na nakatingin sa cellphone, nagpasya siyang hindi na ito lingunin pa at tuloy sa paghakbang.

Hindi niya naisip na naghihintay pa rin pala ito.

Papasok na siya ng sasakyan nang mapansin ang paglapit ni Gian.

"Ms. Ellah, ayos ka lang ba? Si don Jaime ayos lang ba siya?"

Mariing napapikit si Ellah. Hindi niya naisip na ito ang unang sasabihin ng taong binalewala nila. Sila pa ang inaalala kahit ito ang agrabyado.

Pinigilan niya ang sarili na magsalita at tuluyang pumasok.

"Sandali lang ano ba ang nangyayari?"

Tinangka siya nitong hawakan ngunit mabilis humarang ang mga bodyguard niya.

Tuluyang isinara ng driver ang pinto sa kanyang gawi.

Nang papaalis na sila ay biglang humarang ang binata sa daan.

"Ms. Ellah, kausapin mo ako, magpaliwanag kayo! Si Don Jaime ba ang may pakana nito? "

Gusto niyang magpaliwanag at palayuin na ito sa kanya ngunit kung makakausap niya ito ngayon malaki ang posibilidad na hindi niya kayang sundin ang kagustuhan ng abuelo.

Paano na ang kumpanya? Ang tiwala na ibinigay ng abuelo sa kanya? Hindi sila malapit sa isa't-isa ng kanyang nag-iisang pamilya at ngayong sa kanya na ito umaasa bibiguin ba niya?

"Ms. Aalis na po ba tayo?"

Ang tanong ng driver ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo.

"Aalis na tayo," malamig niyang tugon.

Umiwas ang sasakyan nila sa nakaharang na gwardya at tuloy sa paglabas.

"Ms. Ellah, huwag mo namang gawin sa akin 'to! Ano bang kasalanan ko sa inyo?"

Papalabas na ang sasakyan ngunit hinahabol pa rin sila nito.

"Ms. Ellah! Ms. Lopez! Ellah Lopez! Bakit mo ako ginaganito!"

Hanggang sa hindi na niya narinig ang mga sigaw.

Umasa siyang ito na ang huling pakikipagkita ng binata sa kanya.

Kung titigil na ang gwardya hindi ito mapapahamak.

Kaya niyang isakrpisyo ang lahat para sa kapakanan ni Gian.