\
\\
...
Si Ana ay lumaki sa bahay-ampunan. Inampon siya ng mag-asawa na hindi magkaanak. Sa kasulukuyan, namayapa na ang ang mga umampon sa kanya. Siya na ngayon ang humahawak ng negosyo na iniwan nila. Pero, mahina na yung negosyong hinahawakan niya. Bukod pa sa kulang na yung pondo para sa kapital, baon pa siya sa utang.
Nakilala ni Ana si Richard. Binuhos niya ang buong pagmamahal niya kay Richard. Si Richard lang ang nagpapasaya sa kanya. Ngunit, naputol ang kanilang relasyon nang nakilala ni Richard si Emma, isang socialite at tagapagmana ng mga Sagrado.
Emma is aggressive and ambitious. Wala siyang palalampasin na opputunity para kunin ang anu mang naisin niya. Nagustuhan niya si Richard because he is smart and has good looks. Gaya ng inaasahan, naakit niya si Richard. Hindi lang si Richard ang nakuha niya kay Ana. Pati na rin ang negosyo na minana ni Ana sa mga magulang niya ay nabili na rin niya.
Isang araw, nakatangap si Ana ng sulat mula sa orphanage at pinapapunta siya ni Mother Superior. Tungkol ito sa kanyang buong pagkatao. Nang kinausap niya ito, sinabihan siya na ang kanyang mga tunay na ina ay miyembro ng isang prominentent pamilya, ang mga Sagrado. At ibinigay sa kanya ang mga dokyumento na nagpapatunay na siya ay isang Sagrado.
Pinuntahan ni Ana ang mansyon ng mga Sagrado at ipinakita sa kanila ang mga dokyumento na binigay sa kanya ng Mother Superior. At maluwag naman sa kalooban ni Dona Carmen na tangapin siya bilang kinikilalang apo. At sa wakas, nabawi na rin niya ang negosyo na binili ni Emma sa kanya.
Sa kabila naman ng lahat, hindi naging masaya si Richard kay Emma. Kumalas siya sa relasyon nila ni Emma at sinubukan niya makipagbalikan kay Ana. Pero, siya ay nabigo. Ito naman si Emma, sawi siya sa pag-ibig. Naging alcoholic siya at hangang sa nagkaroon siya ng nervous breakdown. Kay Richard lang kasi umiikot ang buhay niya. Sa bandang huli, kinitil niya ang kanyang sariling buhay dahil sa kasawian niya sa pag-ibig.
\
\\
...
-END-