webnovel

Tammi

Gabing-gabi na sila natapos sa kanilang assignments at group study. Hindi na nila namalayan na 11 PM na ng gabi. Tumingin si Stan sa labas, wala ng katao-tao. Lumabas naman mula sa banyo si Tammi. Dumiretso ito sa kusina para kumuha ng makakain. Paglabas nito ay may dala ng saging na nilaga at kamote. Iniabot ito sa kanya. Kumuha naman siya ng isang saging. Lumingon siya sa sala at nakita niyang tulog na si Blake sa sofa. Si Lyka naman ay sa sahig nakaupo at tulog na rin.

"May extra ka bang higaan Tam? aniya habang nakatingin kay Lyka, tumango naman ito

"Meron, may extra akong kutson dun." sagot nito, "Ubusin ko lang to" dagdag pa nito saka isinubo ng buo ang saging.

Muli itong pumasok sa kanyang silid at kinuha ang kutson at pinagtulungan nila itong ilatag. Nagtulong silang lagyan ng bedsheet, kumot at unan ang higaan. Pinuntahan niya si Blake at binuhat ito at inilapag sa higaan. Si Tammi naman sinubukang gisingin si Lyka para palipatin ito sa higaan pero himbing na ito sa pagtulog kaya binuhat na lang nito ang dalaga. Kinumutan nila ang dalawa.

"Dun ka na sa kwarto ko matulog." anito, natigilan siya

"Ha?" aniya

"Sabi ko dun ka na sa kwarto ko matulog." ulit nito "Maliligo lang ako." dagdag pa at saka pumasok ng banyo. Nagdadalawang isip man pumasok na din siya sa kwarto nito. Malinis naman ang kwarto ni Tammi considering na maton na maton ito. Nakatabi ng maayos ang mga sapatos nito. Ang mga libro at notebook ay maayos na nakahipid sa study table. Wala din itong mga nakasabit na damit sa silid nito gaya ng aasahan mo sa isang lalakeng maton. Siya siguro kung walang yaya baka makalat ang silid niya.

Malaki ang higaan ni Tammi. Kasya dalawang tao dito. Siguro kinonsider ng parents nito ang size ni Tammi. Naupo siya sa may study table nito at nakita niya doon ang litrato nila magkakaibigan. Siya naman pagbalik ni Tammi mula sa banyo nakatapis lang ito. Napalunok siya habang tinitingnan ang katawan ni Tammi. Intact na intact ang mga muscle nito at hubog na hubog ang fit na katawan. Tumuloy ito sa may cabinet at kumuha ng tuwalya

"Uhm" anito habang inaabot sa kanya ang tuwalya. Tumingin siya sa tuwalya at pabalik dito

"Ano?" tanong niya

"Di ka ba maghihilamos?" tanong nito, umiling siya

"Hindi na. Naligo na ako bago ako pumunta dito." aniya

"Okay" anito sabay ibinalik ang tuwalya sa loob ng cabinet, saka tinangal ang suot niyang tuwalya, napasighap siya ng makita ang kabuuan ni Tammi habang kumukuha ito ng pajama. Naramdaman niya ang pag init ng mukha niya at sobrang bilis ng kaba ng dibdib niya. Inalis niya ang tingin dito at tumingin sa litrato nila sa picture frame para pakalmahin ang sarili lalo na si Little Stan.

"Akala ko kasi gusto mo maghilamos muna bago matulog kasi medyo oily na mukha mo eh." anito habang papalapit sa kanya na topless at tanging pajama lang ang suot nito. Umupo ito sa higaan at inilapag ang isang nakatiklop na kumot. Inayos ang unan sa hihigaan niya at saka tumingin sa kanya "Tulog na tayo." anito at saka nahiga, mas lalo siyang kinabahan,

"Sige maghihilamos muna ako." sang-ayon niya saka dali daling pumunta sa banyo, tumango lang ito habang nakapikit.

Naghilamos nga siya doon. Pilit niyang kinakalma ang sarili lalo na si junior na gising na gising.

"Stan." kausap niya sa sarili "Pigilan mo sarili mo. Kaibigan mo siya." pagpapa-alala niya sa sarili saka naghilamos ng paulit-ulit. Ng makaramdam na ng pagkalma lumabas na siya sa banyo at tumuloy sa kwarto ni Tammi. Sinara niya ang pinto. Patay na ang ilaw sa silid ni Tammi maliban sa maliit na ilaw sa may study table na hindi gaanong umaabot sa higaan ni Tammi.

Dahan-dahan siyang nahiga sa tabi nito. Nasamyo niya ang mabangong amoy ng katawan nito. Himbing na himbing na ito sa pagtulog at nakapaling ang mukha sa kanya. Pinagmasdan niya ito. Ang mga maninipis at mahaba nitong pilik-mata. Ilong at labing parang sadyang nililok sa ganda ng shape. Natural pink ang mga labi ni Tammi. Nilapit niya ang mukha niya ng bahagya dito, naamoy niya ang hininga nito, pumikit siya at pinakinggan ang tibok ng dibdib niya habang patuloy na nilalanghap ang hininga ni Tammi. Napangiti siya. Masaya siya. Masayang-masaya. sana hindi na ito matapos. Wish niya sa sarili. Saka muling dumilat at pinagmasdan si Tammi hanggang siya ay makatulog.

4AM

Nagising si Tammi sa tilaok ng manok ng Tatay niya sa labas. Tumingin siya sa paligid at natagpuan niya ang sarili na nakaunan sa braso ni Stan at nakayakap dito. Himbing na himbing naman ito na nakayakap pa ang kamay sa isa niyang braso. Pinagmasdan niya ang mukha ng binata. Ang gwapo talaga nito kahit tulog. Napakaganda ng ilong at labi nito. Makinis ang mukha at higit sa lahat ang bango-bango nito. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili.

"Ano ka ba Tammi. Kalalaki mong tao pinagnanasaan mo si Stan." saway niya sa sarili saka kumawala sa yakap niya kay Stan inalis ang ulo niya sa braso nito at lumipat sa sarili niyang unan. Ngunit pagkalipat na pagkalipat niya sa unan niya siya naman pagkilos ni Stan payakap sa kanya. Ito naman ang umunan sa dibdib niya at yumakap. Naramdaman niyang inamoy pa siya nito. Nasamyo din niya ang mabangong buhok nito. At naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyan dibdib. Nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi niya maintindihan. Kinakabahan siya. Pinakiramdaman niya si Stan, hindi ito gumalaw halatang himbing na himbing ito. Unti-unti niyang naramdaman ang paggising ng pagka-lalaki niya.

"Shit" naibulong niya sa sa sarili. Tumingin na lamang siya sa nakasarang bintana para ikalma ang sarili. "Siraulo ka Tammi." aniya sa sarili. Saka pumikit at paulit-ulit na kinalma ang sarili . Isinubsob niya ang mukha sa buhok ni Stan at inamoy iyon hanggang sa muling makatulog.

6AM

"Tammi!" tawag ng tao sa labas "Gising na. Si Blake at Lyka umuwi na at mag-aasikaso ng pagpasok." dagdag pa nito nagising naman si Stan at napatingin sa paligid. Maliwanag na nga. Narealize niya na nakaunan siya sa dibdib ni Tammi at nakayakap pa dito. At ang malupit, nakayakap din ito sa kanya at nakasubsub ang ulo nito sa buhok niya. Napabangon siya. Nagising naman ito sa ginawa niya, pupungas-pungas itong nagsalita

"Namanhid ata ang dibdib ko. Ang bigat mo Pre." anito, namula siya

"Sorry sanay kasi ako na may yakap na unan at sandayan kapag natutulog." palusot niya na hiyang-hiya

"Wala yon, Sige na may pasok pa tayo. Mag-almusal ka muna." alok nito. Umiling siya,

"Hindi na. Sa bahay na lang." aniya na hiyang-hiya pa din siya dito. Tumango ito at bumalik sa pag higa.

"Aalis na ako." aniya, nag approve sign lang ito at bumalik sa pag tulog. Umalis na din siya. Paglabas niya ng silid nakita niya ang nanay ni Tammi na naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Magandang umaga po." aniya

"Magandang umaga, si Tammi? Tulog pa?" anito, napangiti siya

"Antok pa po ata." aniya "Uuwi na po muna ako baka malate po ako." aniya

"O sige mag-ingat ka." anito at saka siya umalis.

Nakayuko siyang naglakad pauwi. Hindi ito ang first time niya makitulog sa bahay nila Tammi. Hindi rin ito ang first time niya makatabi ito sa higaan. Pero ito ang unang beses na sila lang dalawa sa isang kwarto at magkayakap sa pagtulog. Hindi siya sanay. Tapos ang reaksyon pa nito na parang wala lang na magkayakap sila sa pagtulog ay lalong nagpahiya sa kanya. Napahinto siya at lumingon sa bahay nila Tammi.

"Pero masaya ako. Masaya ako kasi hindi ka nagalit." aniya saka nagtuloy-tuloy na sa paglakad pauwi.

4:30PM

Tapos na ang klase at nagliligpit na sila ng gamit. ang mga cleaners ay nag uumpisa na maglinis ng classroom. Habang si Stan at Lyka ay pinatawag na sa SGO ng Chairman para sa kanilang draft ng schedule of events. Si Tammi at Blake ay kasama sa cleaners kaya naman tumulong muna sila sa paglilinis ng classroom ng tumunog ang celphone ni Blake.

"Hello?" sagot niya

"Hello Blake." sagot sa kabilang linya "Pinapareport na tayo sa Theatre. Papunta na din ako." anito napalingon siya kay Tammi na tuloy tuloy ang pag aayos ng mga upuan.

"Sige after ko maglinis ng room. Cleaners kasi kami ngayon." aniya.

"Okay sige. 5PM pa naman ang meeting. Habol ka na lang okay?" anito

"Okay sige." aniya saka pinatay na ang tawag.

"Nagparamdam na si Direk?" tanong ni Tammi.

"Oo." sagot niya "May meeting daw ng 5PM." dagdag pa niya "Uhm Tammi" tawag niya

"Oh?" tanong nito

"Si Lyka. Ano tingin mo sa kanya?" tanong niya

"Si Lyka?" anito na tuloy-tuloy lang sa ginagawa " Si Lyka ay makulit. Maliit. Masayahin. Mapang-asar at higit sa lahat reklamador." sagot nito, natawa siya

"Grabe ka sa reklamador ah." aniya, napailing ito

"Uy hindi lang yun. Matapang yon. Nakikipag suntukan sa akin yun. Saka, ewan ko ba kapag magkasama kami lagi kami nag aaway." dagdag pa nito na tuloy-tuloy lang

"Teka bakit mo natanong?" tanong nito sa kanya, nagkibit balikat siya

"Wala lang. Curious lang ako." sagot niya "Kahapon kasi nung nakita namin kayo ni Stan." saglit siya tumigil at inisip kong sasabihin niya

"Ano?" tanong nito

"Wala." aniya

"Ano nga?" anito

"Bagay kasi kayo ni Lyka." aniya, medyo kinurot ang dibdib niya sa srili niyang salita, natawa ito at lumapit sa kanya at bahagya niting tinapik ang ulo niya at inayos ang bangs niya

"Lyka is like a sister to me." anito ng malumanay habang inaayos ang buhok niya "Kung meron man ako liligawan." anito saka tumitig sa kanya ng diretso "Ikaw yun." anito at ngumiti sa kanya sabay kindat saka bumalik na sa mga upuang inaayos. Bahagya siyang naasar.

"Sabihin mong joke yun." aniya

"Eh di joke." sagot nito

"Tammi." aniya natatawa itong nilingon siya

"Ano?" tanong nito

"Sabihin mong joke yun." utos niya

"Joke nga." anito na natatawa

"Nakakainis ka naman eh." aniya saka padabog na bumalik sa ginagawa niya.

"Bakit Blake? Ayaw mo ba sa akin?" tanong nito na nakangiti

"Ayaw." sagot niya

"Eh di wag." sagot nito "Bilisan mo na may training pa ako." anito

Nilagay niya na ang walis tambo sa lalagyan saka kinuha ang bag at sabay silang lumabas ni Tammi sa classroom para isara ito.

"Wag ka mag alala hindi kita liligawan." anito habang nila-lock ng padlock ang pinto "Magkaibigan tayo. I will never cross that line." dagdag pa at binigay sa kanya ang susi ng nakangiti.

"Bakit sa akin mo to ibibigay?" tanong niya,

"Dadaan ka sa main building papunta ng Theatre di ba. Iabot mo na lang kay Lyka." anito "Kasi Training na namin baka 8PM na ako makauwi." katwiran nito.

"Okay." aniya at kinuha ang susi.

"Mauna na ako." anito saka umalis papunta ng Gym na opposite ng daan papunta ng main building. Naglakad na din siya papunta sa direksyon naman ng Main Building.

Pagdating sa Gym ay agad na pumunta si Tammi sa locker room para ilagay ang gamit niya at magpalit ng sapatos. Habang nagpapalit ng sapatos naalala niya ang sinabi ni Blake. Pabiro lang naman niya sinabing liligawan niya ito pero malutong na "Ayaw" agad ang narinig niya mula dito. Napailing siya.

"Hindi pa man ako nag uumpisa manligaw basted na ako." aniya sa sarili. Saka sumandal sa locker at nag-isip. Nakaramdam siya ng lungkot. Medyo nasaktan siya sa sinabi ni Blake. Si Blake kasi ang ultimate crush niya since gradeschool. Never niya inattempt na mag-confess dito kasi ayaw niya umiwas ang dalaga. Saka isa pa, mukhang ang Papa niya gustong si Lyka ang ligawan niya. Panay kasi ang paalala nito sa kanya na laging ingatan at alagaan ang kinakapatid. Nasa ganoon siyang pag iisip ng maya-maya ay nagpasukan ang mga teammate niya. Kumustahan at nagsipagbihis na din ng uniform. Sabay-sabay sila pumunta sa court. Nag warm up sila habang nagsasalita ang coach nila. Maya-maya ay lumapit ang isa niyang teammate.

"Pare, pwede magtanong?" anito

"Ano yun" sagot niya habang nagwa-warm-up

"Itatanong ko sana kung may boyfriend ba si Lyka?" tanong nito, napakunot ang noo niya.

"Pangalawa ka na ngayong araw na nagtanong about kay Lyka." sagot niya

"Ha? Talaga?" nagulat na tanong nito "May gusto din bang manligaw sa kanya?" tanong nito, natawa siya at huminto sa ginagawa at tumingin sa kausap,

"May balak ka manligaw kay Lyka?" tanong niya

"Oo sana eh." sagot nito, tumango-tango siya at namewang

"Ikaw, kung kaya mo tibagin si Stan." aniya, napakunot ang noo nito, inakbayan niya ito at inakay palayo sa grupo,

"Alam mo kasi kahit magkakaibigan kami alam ko at ramdam ko na may gusto si Stan kay Lyka. He always keeps Her on His side. So, you know." aniya pa "Hindi naman sa dinidiscourage kita pero, Ikaw, try mo pa din." aniya

"Salamat ha." anito na iiling-iling " Salamat. Ang gwapo talaga ng kalaban ko." anito

"Tama" sang-ayon niya

"President pa ng SGO" dagdag pa

"Tama" sang ayon niya ulit

"Crush ng Campus." dagdag ulit

"Tama" sang-ayon niya ulit

"Panglaban ng school sa mga competitions" dagdag pa

"Tama" sang-ayon niya muli, yumuko ito at umiling-iling

Tinapik na lang niya ito sa balikat at inakbayan ulit.

"Hayaan mo na pre." aniya "Tatanda tayong single." dagdag niya "Mabuhay ang mga Single!" sigaw niya na nakataas ang isang kamay. Naglingunan naman ang mga teammate nila

"Mabuhay!" sagot ng mga ito at sabay na tumawa ng malakas. Binatukan naman siya ng kausap at nagtawanan sila.