webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Geral
Classificações insuficientes
45 Chs

Family Talk and Bonding

Louie's POV

Isang buwan na kaming mag-on ni MJ at so far wala namang naging problema sa relasyon namin.

Noong pasko nga binigyan niya ako ng pendant na music note yung design niya at nakaengraved doon ang salitang 'Love ni MJ'.

Yung binigay ko naman sakanya ay Stuffed toy, yung nakita niya isang araw sa mall kami nung nagdate kami. Aminin man niya o hindi, alam ko na gustong-gusto niya yun kaya pagkauwi niya, ay binalikan ko yun at binili. Coincidence lang siguro na natagalan bago ko naibigay sakanya kasi nakafocus ako dati sa panliligaw sakanya. Tuwang-tuwa nga siya nang ibigay ko sakanya yung stuffed toy.

Tumawag si Tita kagabi. Iniinvite niya kami nila mama at papa sa bahay nila. Kaya eto kami ngayon, papunta na doon.

"Anak, sigurado ka ba talagang di pa tayo late? Hindi ko din alam kung bakit ang tagal magbihis ng tatay mo kanina eh." Tanong ni mama na hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na bang tanong yan saakin.

"Ma naman. Kanina ko pa ho sinasabi sainyo na lunch time ang sabi ni Tita. At 10:30am palang oh. So hindi pa tayo late." Sagot ko kay Mama.

"Oh sabi sayo mahal eh. Kaya magrelax ka na nga pwede ba?" Sabi naman ni Papa. At di na nga ulit si mama nagtanong pa.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay nila MJ. Pinagbuksan kami ng kanilang maid at ipinark na ni papa ang kotse sa gilid ng kotse nila.

Pagkababa ko, napansin ko na may 2 mahahabang mesa sa may poolside. It is being covered by red and white table cloth.

Tinulungan ko si mama na bitbitin ang mga dinala naming ulam. Pork Humba, Valenciana at Fruit salad ito na ang sabi ni MJ ay favourite daw ni Tita. Nung ilalapag na namin yung ulam sa mesa na may mga nakahanda ng ulam, ay biglang lumabas si Tita sa bahay nila na may bitbit pang tray ng Cookies at brownies.

"Ivanna?" Tawag ni Mama kay Tita.

"Elisa?!" Tugon naman ni tita kay mama.

"Wait magkakilala kayo?" takang tanong ko sakanila

"Oo naman noh! Batchmates kami ng mama mo noong college kami! Kung hindi mo naitatanong, magaling kumanta yang nanay mo, kaya ka siguro magaling ring kumanta" Sabi ni tita habang nilalapag ang dalawang tray ng cookies at brownies.

"Nako, ikaw talaga Ivanna! Hindi naman noh! Tignan mo ikaw oh, ang sexy parin! Walang kupas ang Miss Engineering namin" Sabi naman ni Mama at nagtawanan sila. Pareho pala silang engineers.

"Ian?!" Rinig kong tawag ni Papa kay Tito.

"Oy John! Tignan mo nga naman, kaya pala namumukhaan ko tong si Louie eh! Anak mo pala!" Sabi ni Tito kay papa at nagbro fist sila.

Indeed, what a small world!

Nagkwe-kwentuhan na yung mga parents namin at ako andito lang na nakikinig sa kanila.

"Asan na ba yung anak niyo, Ian?" Tanong ni Papa kay Tito.

"Aba, hindi ko nga alam doon eh. Nagpapaganda pa siguro kasi andito si Louie. " Sabi nila at tumingin silang lahat saakin.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at lumabas ang pinakamagandang babae sa buhay ko na pangalawa kay mama. Tumayo ako at sinundo siya.

"Goodmorning, Love." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi niya.

"Good morning too. " Sabi niya. Nilahad ko siya hanggang sa maupo na kaming dalawa.

"Aba, ang gandang bata naman pala talaga tong si MJ, Ivanna! No wonder nahulog tong anak namin sakanya!" Sabi ni mama.

"Aba, oo naman! Kanino pa ba yan magmamana kundi saakin? " at nagtawanan sila.

"Wag mo namang kakalimutan na kung hindi dahil saakin, ay hindi tayo magkakaroon ng magandang anak, my!" Sabi naman ni Tito kay Tita.

"Hoy ano ka ba! Mahiya ka nga sa mga bata oh! Ikaw talaga!" saway ni tita pero halata sa boses niya na kinikilig siya.

"Ma, Pa!" Tawag sakanila ni MJ.

Tumawa lang sila at nagsimula na kaming kumain.

"Want some Pork Humba?" Tanong ko sakanya.

"Sure." Sabi niya at nginitian ako. Nilagyan niya rin ng Chicken Estofado, brownies at cookies, chicken wings yung plato ko.

Nagsisimula na kaming kumain ng biglang magsalita si mama.

"So, paano ka niligawan ng anak ko MJ?"

"Uhm, Tita napakasweet ng anak niyo po. Everyday hinahatid-sundo niya ako, kinakantahan niya po ako bago matulog, mini-make sure niya po na okay lang ako at ang pinakaimportante po ay niligawan niya rin po sila mama at papa." Sabi ni MJ at tinignan ako.

"Ohh, ang sweet naman ng anak ko! Buti na lang talaga nagmana ka saakin anak at hindi sa tatay mo na wala man lang kasweetan sa katawan!" kantyaw ni mama kay papa.

"Anong hindi sweet? Gusto mo bang malaman kung paano nabuo si lo---" Hindi na natuloy yung sasabihin sana ni Papa kasi sinubo siya ni mama ng pagkalaki-laking manok. Mga magulang ko talaga

"Kung ano-ano kasing lumalabas sa bibig mo! Yan, kumain ka na lang" Sabi ni Mama habang tumatawa.

"So malapit na yung graduation niyo diba? 3 months from now, graduation day niyo na. May mga plano na ba kayo after graduation?" Tanong ni Tita saamin.

"Magrereview po ako ma, for board exam. Kami po ni Louie." Sabi ni MJ. Tumango naman si Tita at pinagpatuloy na yung pagkain niya.

"Magboboard exam ka nak? Akala ko ba ---" Hindi natuloy yung sinabi ni mama kasi isinubo din siya ni papa ng pagkain.

"Ayan, patas na tayo mahal." Tinignan ako ni papa at nagwink lang saakin. Kinabahan ako doon. Nagbuntong hininga lang si mama at pinagpatuloy na yung pagkain niya.

So far masaya naman, no, nagenjoy kaming lahat. Kwentuhan, biruan at kainan.

"Are you happy?" MJ asked me.

"Of course! Ikaw ba?" I asked her back.

"Oo naman. Seeing our parents happy, masaya na ako doon. Kasi alam nating dalawa na okay yung relationship natin sakanila. Sana ganito lagi noh? Yung masaya tayo, pero alam ko namang walang perfect na relationship eh. " sabi niya. Bigla naman akong nalungkot.

"Ayos ka lang, love?" Tanong saakin ni MJ.

"Oo naman Love!" Pilit akong ngumiti sakanya.

Nakaupo kami ngayon sa may damuhan dito sa garden nila habang magkahawak yung mga kamay naming dalawa. Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami kila Tita, Tito at sa Mahal ko na si MJ.

Habang nasa kotse kami, tinanong ako ni Mama.

"When are you going to tell her?"

"I will tell her soon ma, but not now. Not this time." Sabi ko na lang at tumingin sa labas ng bintana.

I heard her sigh and tapped my back.

"Kung ano man yung magiging decision mo anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng papa mo na sinusuporta ka." Sabi niya.

"Thanks ma." I said and smiled at her.

Hindi ko pa kayang sabihin sayo, MJ. Not now. Hindi ko pa kayang makita kung anong magiging reaksyon mo sa oras na malaman mo ito.

You'll know it soon, but not this time.