webnovel

UNTIL THEN- One Nian POV's

So guys ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang ang mga organisasyon o mga tauhan ay nilikha ng malilikot kung pagiisip.

________________________________________________

After 5 years:

Nian Pov:

" Babe, tumakbo kana! Ikaw ang sadya nila rito! Makinig ka sa akin? Papatayin ka nila Lucien! Papatayin nila tayo".

Nagising ang isang binatang lalake dahil sa lakas ng pag katok ng kanilang katulong mula sa labas ng kaniyang kwarto at napahawak na lang ito sa kaniyang sentido ng nalaman niyang panaginip ang bumabagabag sa kaniya, ngunit sadyang buhay na buhay iyon sa kaniyang isipan dahil halos gabi-gabi itong dinadalaw ng bangunguot. "sino iyon at ano ang koneksyon nito sa akin."

" Iho? Gumising ka na po riyan? Dahil kanina pa naghihintay sina Don Rafael at si Ma'am sa hapag kainan? Gusto ka nilang kasabay kumain ngayon?" pagtawag ng katulong mula sa binata.

" Yaya? Sandali lang po, limang minuto muna bago ako baba riyan. Sabihin kila Papa at Mama na susunod na ako." pagsigaw ng binata sa kanilang katulong na siyang napabuntong hininga ito ng malaman niyang tanghali na pala kaya't agad agad itong dumeretso sa sarili nitong banyo upang linisin ang kaniyang katawan dahil kanina pa ito pinagpapawisan halos basang basa  sa sobrang init.

Agad naman itong tumalima ng makarating ito sa loob ng kaniyang banyo agad nitong binuksan ang faucet upang nakapaghilamos na ito ng maayos, ngunit ng itinuon  ang kaniyang atensyon mula sa salaming agad na tumulo ang mga luha nito na para bang may problemang kinikimkim na hindi niya  pwedeng sabihin sa kaniyang mga magulang.

Walang sinayang na oras ang binata dahil agad na lumabas mula sa banyo dahil alam niyang mababagot ang magulang nito kung tatagal pa siya sa loob. Pinunasan niya ang kaniyang mukha gamit ang twalya na nakasabit sa closet nito nag lagay ito ng kaunting kream sa bahagi ng kaniya mata, halata kasi ito sa mata niya na galing sa pagiyak ang binata.

Walang tatalo sa kaniyang kaputihan dahil nakuha niya sa kaniyang inang may lahing amerikana at ang mapupugay naman nitong mga mata ay nakuha niya ito sa kaniyang ama na may lahing kastila. Ngunit hindi alam ng kaniyang mga magulang na isa itong kabilang sa pangatlong kasarian o mas kilalang Lgbtq dahil simula pagkabinata nito. Dito lang niya nakita ang kaniyang potensiyal na ibang iba siya kaysa sa mga kalaro nitong mga lalake.

" Perfecto " usisa nito ng maiblend niyang maayos ang nilagay nitong cream sa ibaba ng bahagi ng kaniyang mata.

Agad na lumabas ang binata sa kaniyang kwarto upang magtungo sa kinaroroonan ng kaniyang magulang na kanina pa naghihintay  ito sa baba. Habang tinatahak niya ang hagdan nasisilayan niya ang kaniyang magulang na masayang nagkwentuhan.

Napatigil na lang ang dalawang matanda nang marinig nila ang kanilang anak na papunta sa kinaroroonan nila.

"Buenos dias, Papa?" nakangiti nitong pagbati kay Don Rafael.

"Buenos dias, Iho?" pagbati ng kaniyang ama na si Don Rafael sa kaniyang anak.

Napatingin naman ang binata sa kaniyang ina na kanina pa ito nakatingin sa kanilang dalawa habang naguusap. Nakakunot itong nakatingin sa kanila na mukhang nagmamaktol ito dahil sa kaniyang ekspresyon ng kaniyang mukha. Agad naman nitong napansin ni Nian kaya't agad niya itong hinalikan sa kaliwang pisngi nito upang mawala ang nakakunot nito noo.

" Buenas dias, Mama?" pagbati ng binata sa kaniyang ina at hinalikan niya ito sa kaliwang pisngi.

" Good morning sweetie, umupo ka na riyan at ipinaghanda kita ng paborito mong pagkain." bati nito sa kaniyang anak na agad naman nitong sinunod.

"Manang Myrna! Ipunta mo nga rito yung iniluto kung agahan ni Nian." utos ng matanda sa kanilang katulong.

Agad namang tumalima ang matanda sa inuutos ng kaniyang amo, dahil kanina pa ito nakalagay sa loob ng microwave.

Abot sa tainga ang ngiti ng binata nang makita niya ang niluto ng kaniyang ina, isa lamang itong simpleng pagkain ngunit napakasarap. Halos makita na lahat ng ngipin nito ng matikman niya ang kalderetang niluto ng kaniyang ina.

" Mama? Cada vez que no olvide lo que Papa le enseñó." nakangiti nitong pagsagot sa kaniyang ina.

" Of course sweetie? I never forget what your papa teaches me?" sagot ng kaniyang ina na ikinangiti naman ni Don Rafael.

" Darling you are still? I know that you can cook a difference dish." pagsabat ni Don Rafael sa usapan ng mag-ina.

" Mama, Papa kakain na po tayo kanina pa naghihintay ang mga pagkain sa harap natin." usisa ng binata na ikatuwa naman nang mag-asawa.

Lumapit si Nian sa kaniyang magulang upang yakapin ito dahil sa kumpleto silang tatlo, isang beses kasi silang magsama-sama sa isang buwan. Dahil  busy  ang mag asawang Rafael at Brendy sa kanilang pinapatakbong kompanya na pinamana ni Don Claudio dahil hindi na niya kayang patakbuhin itong mag-isa dahil sa may edad na ito.

" Papa? Salamat at naisipan niyong bisitahin niyo ako rito sa mansyon?" tanong ng binata habang nakayakap ito sa mag asawang Rafael at Brendy.

"Syempre? Iho? Ayaw naming lalayo ang loob mo sa amin." paliwanag ni Don Rafael sa kaniyang anak at sabay gulo sa maayos na buhok ni Nian.

"Papa! Lagi niyo na lang pinagtritripan yang buhok ko! ang hirap kayang mag ayos nito." matampong sagot ng binata sa kaniyang ama na ikangiti naman ng kaniyang ama.

"Siya-siya! Itigil na iyan nasa harap pa naman tayo ng pagkain." pagsabat ng kaniyang ina.

" Ay! Brendy! Sabihin mo na lang kung naiingit ka sa amin ng anak mo!" sagot ni Don Rafael sa kaniyang asawa.

" Sinong naiingit! Rafael tinatama ko lang Rafael dahil totoo naman? Nasa harap tayo ng hapag kainan." paliwanag ni Brendy sa kaniyang asawa na agad naman sumang-ayon si Nian sa pahayag ng kaniyang ina.

" Papa? Tama naman po si Mama? Nasa hapag kainan talaga tayo? Atsaka para kayong aso't pusa dahil sa pinagdedebatehan niyo ako." pag singit ng binata sa usapan ng dalawa.

Bumalik sa kinapupuwesto nito nang tumigil ang mag-asawa sa pag debate nila. Hindi niya akalain na ganoon parin ang asal ng kaniyang mga magulang na tila isang mga bata ito.

" Pa? Ma? 'hindi na po kayo bata? Hindi na babalik ang panahon kung kailan mga binata't dalaga kayo. Look at the age of 35- 36 ganiyan pag rin kayo?" natatawang sagot ni Nian.

" Nian? Kahit anong sabihin mo sa amin hinding hindi magbabago ang pagtrato naming isa't isa." paliwanag ni Brendy sa kaniyang anak.

" Tama ang iyong mama? Kahit anong ipinapakita namin sa iyo, malang malisya kaya't bilisan nating kumain dahil mag bobonding tayo ngayon." nakangiting sagot ng kaniyang ama.

" Haytssss... Matanda nga naman? Kahit anong sabihin ko hindi umeepekto sa inyo?" nakakalokong sagot ni Nian.

" Ay! Nian! we are not too old son." sagot ng kaniyang ina.

Hindi na lang umimik si Nian dahil sa may respeto ito sa kaniyang magulang atsaka nasa harap pa rin siya ng hapag kainan. Kaya't agad naman itong sumandok ng kunting kain at kunting ulam atsaka niya ito sinubo. Habang tahimik itong kumakain, napatingin na lang si nian sa kaniyang ama dahil sa pagtawag nito.

" Malapit na pala ang pasukan? Nakapag-isip isip kana ba kung saang paaralan ka papasok sa taong ito anak?" tanong ni Don Rafael sa kaniyang anak.

" Ewan ko? Pa, kung saan ako mag eenroll hindi ko pa naman kasi alam kung saan nga ba ako. Kahit sa public school Pa? Okay na siguro sa akin." sagot ni Nian.

" No! Son sa laki ng bahay mo sa public school ka mag-aaral at mapapahamak ka lang doon anak?" ika nito sa kaniyang anak napatingin naman ang kaniyang ina dahil sa nabigla ito.

" Rafael? Hayaan mo na lang ang iyong anak kung saan siya sasaya?" pagsabay ng kaniyang ina.

"Hindi pwede? Brendy? ilalagay mo ba ang anak mo sa kapahamakan! hindi 'ko siya pinagbabawalan na maging normal ang buhay niya, ayaw ko lang na baka darating sa punto na matutulad siya sa kapatid ko?" wika ni Don Rafael na ikantulala naman ni Nian sa kaniyang narinig.

"Hinding hindi na iyon mangyayari Rafael magtiwala lang tayo sa anak natin, pagbigyan natin ang kaniyang kagustuhan. Baka malay mo mag-iba ang isip nito kung sakaling nakapag isip isip na ito." paliwang ni Brendy at agad namang sumang-ayon ang lalake.

Masayang kumakain ang pamilyang Argente sa hapag kainan, napatayo na lang si Nian ng nakita niyang papalapit rito ang kaniyang lolo.

" Apo? Lolo's here." usisa ng matanda habang papalapit ito sa dinning area. Na ikinangiti naman ni Nian.

" O Dad? Napadalaw kayo? Kailan pa kayo nakauwi rito." tanong ni Rafael sa kaniyang ama na si Don Claudio.

" Abuelito!" pagtawag ni Nian ng makalapit ito sa harapan ng matanda.

Nakatira si Don Claudio sa Spain para bantayan ang mga natirang ari-arian ng kaniyang yumaong anak. Simula nawala ang kaniyang bunsong anak lumipat na ito at doon na tumira  ng ilang taon.

At bumalik siya rito upang dalawin ang kaniyang yumaong anak, at para bisitahin ang kaniyang nagiisang apo. Agad naman niya itong niyakap si Nian na makalapit ang binata mula sa kaniya. Lumapit naman si Nian sa kinaroroonan ng matanda upang mag-mano ito dahil sa ilang taon na rin, hindi niya nakita simula noong lumipat sila rito sa pilipinas.

Halos hindi na makahinga ang binata dahil sa sobrang higpit ang pag kayakap ng kaniyang lolo. Hindi maitatago ang pagkamiss ng matanda sa nagiisa nitong apo dahil agad niya itong binuhat kahit mas matangkad si Nian sa kaniya. Kahit may edad na itong matanda na ito malakas pa rin, kahit anong ipabuhat mo sa kaniya dahil sa mga masusutansya ang kinakain nito mula sa hardin nila sa españa

" Dad? Ibaba niyo na si Nian? Baka mapaano ka pa? " nag aalalang sagot ni Brendy sa matanda.

" Huwag niyo na ako pagbawalan? Kaya ko naman itong sarili ko? Atsaka halos ilang taon na hindi ko kasama tong nagiisa kung apo?" usisa naman ng matanda na ikinangiti naman ng tatlo.

" Abuelito? Tamang tama po ang dating niyo. Nagluto po si Mama ng ulam. At alam ko po na hindi pa kayo nag aagahan? " tanong ni Nian sa kaniyang lolo.

" Bakit pa ba kayo bumalik rito, bakit pa kayo nagpakita sa akin 'hindi ba't kayo ang may kasalan kung bakit ganito ang buhay ko."

" Hindi niyo nalalaman na sa paligid ligid niyo lang ako ngunit may araw na magpapakita ako  o magparamdam, para maipakita ko sa inyo kung anu ang mga ginawa niyo sa amin ni Klien."

"Pagsisisihan niyo itong mangyayari! Dahil sinumpa ko na sisingilin ko kayo at ipaparamdam namin ang mga naudlot naming pag-iibigan."

" Ipaparamdam namin ang mga malulungkot naming alala na nagmula sa inyo."

" Ngunit 'hindi muna ngayon!"

Tapos na rin silang kumain at agad na pumasok ang binata sa kaniyang silid upang makaligo na itong nang maayos. Nang makarating ito sa loob ng banyo tila binagsakan ito ng ilang sakong bato dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Tumingin ito sa salamin napagtanto na lang niya naniningkit ang mga mata niyo na mukhang tutusukin ka niya dahil sa sobrang singkit nito.

" bakit? Ano ang ginagawa niya rito! Bakit siya naririto!" Napaluha na lang ito nang biglang pumasok sa kokote niya ang isang alalang hindi niya alam kung sino iyon at kung ano ang koneksyon niya ito sa kaniya.

Ilang minuto, bago ito lumabas mula sa loob ng kaniyang banyo at agad niyang tinungo ang kaniyang closet upang kumuha ito ng dalawang pares ng damit. Kinuha niya ang isang polong puti at kulay itim na pantalon na tinernohan niya ito ng kulay itim na sapatos na talagang babagay sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ito nang maayos niya ang kaniyang buhok. Talagang babagay sa kaniya ang gupit nito dahil napakalinis tignan lalakeng lalake kumbaga.

Ngumiti nang lang ito nang makita niya ang repleksyon nito sa harap ng salamin. Kitang-kita rito ang kabuuan ng kaniyang katawan.

Napabaling na lang ito ng may pumasok sa kaniyang silid na ikinagulat niya ito ng husto. Halos hindi na ito makahinga dahil sa sobrang gulat nito.

" Señorito, Nian? Kanina pa naghihintay sin Don Claudio at ang mga magulang niyo po. Kayo na kang po yata ang hinihintay nila. Pagpaumanhin po kung nagulat ko kayo inutusan lang po kasi ako ni Don Claudio." paliwanag ng pinakabatang katulong.

" Ate Lorena, akala ko kung ano na iyon? Ikaw huh.. Nang gugulat ka. Siya-siya sabihin niyo po kay abuelito na patapos na ako rito." sagot ni Nian napakamot na lang ang dalaga sa kaniyang batukan dahil sa narinig nito mula sa kaniyang señorito.

" Sige po't makakarating po ito sa iyong abuelito? Pasensiya na po talaga señorito Nian sa inaasta ko sainyo." pagsagot naman nito yumuko muna ito bago nilisan ang kaniyang amo mula sa loob.

Labis na ikinangiti ng dalaga dahil sa inaasta ng kaniyang amo, akala niya kasi rito na isang dakilang suplado ang kaniyang babantayan ngunit napakabait niya ito. Hindi tulad ng ibang binabantayan riyan na napaka suplado ibang iba si Nian sa mga ibang binata.

Tila nag tataka naman ang mga matanda dahil sa kinikilos nitong babae, napansin kasi nilang nakangiti ito hanggang abot sa kaniya tainga ang kasiyahan nito. Naging seryoso ang mukha nito ng tawagin siya ng kaniyang 'Ma'am Brendy.

" Lorena? Ayos ka lang ba iha?" tanong nito sa dalaga na siyang nag pagbalik sa ekspresyon ng pagmumukha ng dalaga.

" Ah eh.. Ma- ma'am a-ayos la-lang p-po a-ako." nauutal na sagot ng dalaga.

" Yung totoo iha? Ayos ka lang ba? Bakit ka nauutal riyan kung ayos ka lang?" deretchang tanong nito.

" Ah.. Ma'am a-ayos l-lang p-po talaga ako." pagpupumilit ng dalaga.

" Sabihin mo lang sa amin kung may iniinda kang sakit narito lang kami, para ipagamot kung may nararamdaman kang sakit iha. Kumusta ang iyong señorito sa loob ng kaniyang silid iha." wika pa nito na ikinalaki ng mata nito lalo nang marinig niya ang salitang " kumusta ang iyong señorito."

Nagdadalawang isip pa ito bago niya sinagot ang katanungan ng kaniyang Ma'am Brendy.

" Ah ma'am nag-aayos lang po ng kaniyang sarili." nakangiti nitong sagot.

"Oh iha? Bakit namumula ka riyan? May nakita ka ba nu'ng pumasok ka sa kaniyang silid iha. Nakita mo bang nakahubad ito kaya't ganyan ang mga kilos mo iha." usisa ni Brendy sa dalaga.

" Hindi po? Wala po akong nakita man lang nu'ng pag pasok ko mula sa loob ng kaniyang silid ma'am. Kung pinaghihinalaan niyo po ako, mas mabuti na lang po kung magresign na lang po ako." malungkot nito pagsagot.

" Iha? Hindi naman kita pinaghihinalaan, atsaka ano yang naririnig kung magresign eh halos ilang taon kana rito at pinagsisilbihan mo kami. Itinuring ka namin bilang isang anak, iha?" nakangiting sagot ng matanda.

Nahimasmasan naman ang dalaga ng marinig nito ang kumento ng kaniyang among babae. Habang kinakausap pa niya ang kaniyang amo agad naman napatingin sila sa bahagi ng hagdan at nakita nila rito ang isang napakaraming mukha at nagmumukhang babae ito dahil sa kapurihan ng kaniyang kutid na saktong sakto sa suot nitong polo at pantalon.

" kaya pala mabagal itong magbihis dahil sa pinaghandaan talaga ng maayos." usisa ng kaniyang ama na ikinangiti naman ni Don Claudio ito ng makita niya ang kaniyang apo na nakasuot ito ng disenteng damit.

" Talagang manang mana sa ama?". Nakakalokong pagsabat ng matanda.

Nang makalapit ang binata sa harapan ng kaniyang magulang agad itong humalik sa pisngi ng kaniyang ina at yumakap naman ito sa kaniyang ama at sa kaniyang lolo.

" So ano na ang ginagawa natin rito? Bilisan na natin, baka maabutan pa tayo ng trapiko. Alam niyo na weekend ngayon madaming sasakyan ngayon." paliwanag ng kaniyang ama.

" iha kayo na ang bahala rito pakibantayan na lang nang maayos yung bahay. " suhestiyon ni Brendy na ikina sangayon naman ng dalaga.

Tinungo nila ang isang garahe upang gamitin ang isa sa mga sikat na sasakyan ngayon sa buong bansa. Nang mabuksan nila ng maayos ang malaking garahe nakahilera rito ang mga limang sasakyan at dalawang sports car at isang big bike. Agad na binuksan ni Nian ang isa sa mga sports car na regalo pa nang kaniyang lolo nung kaarawan nito at binuksan din ni Don Rafael ang isang montero para gamitin ito.

Pinainit pa ni Nian ang makina ng sasakyan bago niya ito pinalarga, para maiwasan nila ang mag over hit sa kalagitnaan ng daan  ganun din ang kaniyang ama pinainit niya muna ang makina atsaka niya ito pinalarga. Sinusundan naman ni Nian ang kaniyang amang nasa harapan.

Habang nagmamaneho ito naisipan niyang magpa music  gamit ang stereo na nakakabit sa loob ng kaniyang sports car. Saktong sakto naman dahil isa sa paboritong awitin ni,Nian ang pinapatugtog ng isang sikat na fm radio sa buong bansa. Na bawat liriko nito ay sinasabayan niya sa pag awit.

I took the supermarket flowers from the windowsill

I threw the day old tea from the cup

Packed up the photo album Matthew had made.

Memories of a life that's been loved

Took the get well soon cards and stuffed animals

Poured the old ginger beer down the sink

Dad always told me, "don't you cry when you're down"

But mum, there's a tear every time that I blink.

Oh I'm in pieces, it's tearing me up, but I know

A heart that's broke is a heart that's been loved

So I'll sing Hallelujah

You were an angel in the shape of my mum

When I fell down you'd be there holding me up

Spread your wings as you go

And when God takes you back we'll say Hallelujah.

You're home.

I fluffed the pillows, made the beds, stacked the chairs up

Folded your nightgowns neatly in a case

John says he'd drive then put his hand on my cheek

And wiped a tear from the side of my face

I hope that I see the world as you did cause I know

A life with love is a life that's been lived

So I'll sing Hallelujah

You were an angel in the shape of my mum

When I fell down you'd be there holding me up

Spread your wings as you go

And when God takes you back we'll say Hallelujah

You're home

Hallelujah

You were an angel in the shape of my mum

You got to see the person that I have become

Spread your wing

And I know that when God took you back he said Hallelujah

You're home.

Pagsabay nito sa isang awitin na nilikha ng isang sikat na hollywood singer. Hindi naman sa sobrang kagandahan ang boses ni Nian sa pag awit ngunit saktong sakto lang ito sa kagaya niyang ordinaryong kumakanta. Natutunan lang naman niya ito nung naisapan ng kaniyang ama na ipasok ito sa isang music class na agad naman pinatos ng binata noon dahil sa gusto niya rin matutunan ang mga ibang instrumento. Kinuha niya ang kaniyang selpon sa bahagi ng kambyuhan ng sasakyan upang bisitahin ang kaniyang social media account sa facebook. Habang nagmamaneho ito naisipan niyang mag live sa facebook dahil kaugalian na niya ito kung nababagot ito sa kanilang bahay.

Inihinto niya muna ito sa gilid ng daan para mag tipa sa description ng kaniyang magiging live sa facebook. Nagisip muna saglit ito bago inilagay ang description ng kaniyang magiging live.  " buenos dias" ito ang inilagay niya sa description ng kaniyang live. Inaalagay niya ang kaniyang selpon sa harapan nito atsaka niya itinuloy ang pagmamaneho ilang segundo pa lang halos nasa 1k na ang viewers nito.

Hindi pa rin ito tumigil sa pag sabay sa music habang nagmamaneho ito walang tigil ang pag react ng tagapanood sa facebook live ni Nian dahil sa pag awit nito. Halos kabugin ns niya ang isang sikat na influencer sa youtube dahil sa nagraramihan nitong komento at reactor.

Natuwa naman ito dahil sa isang komento ng tagapanood nito halos kitang kita lahat ng ngipin nito dahil sa pagtawa nito.

" salamat sa mabuting kumento? Mr. Almar "  pagbigkas nito mula sa isang nag komento. Atsaka niya pinutol ang connection nito. Dahil 'hindi na niya makita ang sasakyan ng kaniyang ama, kahit anino nito ang hinding 'hindi na niya makita ka dahil tinitiyak niyang nakarating na sila sa destinasyon kung saan sila pupunta. Agad niyang dinial ang numero ng kaniyang ina upang tanungin ito kung nasaan na sila.

" Ma, nasaan na kayo? Nakarating na ba kayo?" pagtanong ng binata sa kaniyang ina.

" Bakit anak? Anong nangyari sayo!" nag aalala nitong tanong sa kabilang linya na ikinataranta naman ng kaniyang ama.

" O Brendy! Anong nangyari sa anak ko! Anong nangyari kay Nian." narinig ko mula sa kabilang linya.

" Bakit? Anong nangyari sa apo ko?" pag sabay naman ni Don Claudio.

" Ma! Ang OA niyo wala pong nangyaring masama sa akin? Tinatanong ko lang po kung nasaan na kayo?" paliwanag ni Nian sa kaniyang ina. Napabuntong na lang ang kaniyang ina nang marinig nito mula sa kaniyang anak.

" Put*ng ina! Kang bata ka pinag-aalala mo kami rito? Nasaan ka na ba?" natatawang sagot ng kaniyang ina.

"Haytsss... Kabataan nga naman ngayon mahilig silang manloko?" pag sabat ni Don Claudio.  Na ikinatuwa naman ni Don Rafael ang inaasta ng kaniyang asawa.

" Ma? chill lang ok? Walang mangyayaring 'hindi maganda sa akin ma? Tandaan mo iyan, tatlong sasakyan ang nasa harapan ko nasaan ba kayo." usisa ni Nian mula sa selpon.

" Aytssss... Kung may nangyare lang sa akin Nian? Ikaw ang una kung mumultuhin bata ka? Nasa daan pa kami iho." seryosong sabi nito sa kaniyang anak.

"Kayong dalawa huh! Pinagtripan niyo pa ako" pagsita nito sa dalawang kasama nito.

Agad na binaba ni Nian ang usapan ng dalawa dahil baka makita pa ito ng traffic enforcer at masisita pa kung sakali mahuli nga ito.

" Hinding hindi mangyayare sa akin iyon ma! Walang mangyayaring masama sa akin."

_________________________________________________

A/N: Oppss... Bitinin ko muna kayo! Dahil hindi pwedeng habaan ko pa itong chapter 1. Mahirap na pong mag isip.

By the way i'm you're author jamesRiagon at nagsasabing " kung hindi ka pa handa sa ganitong klase ng kwento pwede ka nang lumisan at iwanan itong kwentong ito dahil baka lalong makakasama sa karamdaman mo dahil  madaming bulgar ang bawat linyahan ng mga tauhan ko rito."

Huwag kalimutang mag iwan ng mabuting komento, ilike at iboto ang kabanatang ito.

Comment!!!!! 📝

I-like!!!!👍

Iboto....⭐

Muchas gracias por leerlo!!!!!!

Ang mga hiniram na salita mula sa salitang spanish!!!

- Buenos dias, Papa? it's means " Good morning Papa?"

- Buenos dias, Mama? it's means " Good morning Mama?"

- Buenos dias, iho? It's means " Good morning son?"

- Abuelito? It's means Lolo.

- Perfecto? It's means " perfect?"

- Mama? Cada vez que no olvide lo que Papa le enseñó. It's means " Anytime you did not forget what papa taught you."

Nariyan po ang hiniram na salita mula sa salitang spanish subaybayan niyo po ang susunod na mga lengwaheng  gagamitin ko.

Sana nagustuhan niyo ang aking pagsususulat at sa mga maling grammar sa pagsasalin sa salitang ingles, kahit nahihirapan ako sinusubukan ko ang the best ko para makapagsulat ng salitang ingles sa mga bawat linyahan ng mga tauhan ko.

At sana may magbigay po sa skin ng tips kung paano magsulat ng kwento, dahil hindi naman po ako gaanong magaling sa pagsususulat ng ganitong klaseng kwento? Hinahayaan ko pong nakabukas ang aking comment box para sa may gustong mag bigay ng kaunting impormasyon kung paano magsulat ng magagandang kwento. I repeat i'm you're author jamesRiagon at nagsasabing, magbasa ng tahimik dahil ito ang magandang paraan para maramdaman niyo ang kwentong ito.

Keep fighting!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!