"Anong gagawin ko?," bulong ko sa sarili.
Last day na kasi ng simbang gabi ngayon at hindi pa ako napapansin no'ng sakristan.
Napag-alaman ko pa ngang Zacharias ang pangalan niya e. Masyadong banal.
"Oy Khristine sa likod nalang tayo!," gagad nitong kasama ko. Kaagad akong umiling. Paano ako makikita ni Zach kung nasa likod ako?
"Sa harap tayo. Last day nalang ngayon, nanamnamin ko yung misa," palusot ko na tinawanan niya.
Kaya ngayon heto kami, nasa harapan. Tiyempong katapat namin si Father at syempre, yung mga sakristan.
"In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit," panimula ng pari. Si crush naman, iyon sobrang serious habang katabi ng pari.
Nang umupo para unang pagbasa, inabangan kong sumulyap siya sa akin. Kaso natapos na lahat- lahat, wala pa rin.
"Titigan mo kasi para maconcious," bigla kong naalalang payo sa akin ng ate ko.
Habang naghohomily, tinitigan ko talaga. Nagtagumpay naman ako nang mapasulyap siya sa akin.
"I love you," I mouthed sabay kindat sa kanya. Halatang nagulat siya at nag-iwas ng tingin. Napahagikgik ako.
No'ng offertory, pumila ako at pumwesto malapit sa kanya.
"I love you," I mouthed again. Syempre pasimple lang iyon baka mahalata e. Nakita yata no'ng kasama niya kaya tinapik si crush.
No'ng patapos na ang misa at communion na, isa pala siya sa mga magbibigay. Pipila ako sa kanya!
"Dito nalang tayo sa kabila," yaya ni Bea. Akmang una siyang pipila kay crush, hinigit ko siya at ako ang umuna.
Ngumiti ako kay Zach. Siya naman, serious as usual.
"Body of Christ," sabi niya.
"Amen," sagot ko. Alabyu sana kaya lang syempre hindi naman tama iyon.
Pagkatapos ng misa, niyaya ko si Bea na magmano kay Father.
"Bless po, Father," magalang na sabi ko.
Ngumiti naman si Father sa akin at pinisil ang kamay ko.
"Ineng, iyang si Zach, magpapari iyan. Gusto niyang pagsilbihan ang Diyos," sabi sa akin ni Father.
Nahihiya akong tumango. Nagtawanan naman yung mga sakristan na nakarinig.
"Opo Father," namumulang sagot ko at kaagad na umalis. Bago makalabas, nasulyapan ko si Zach na nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
Ang lalaking iyon, sinumbong pa yata ako kay Father!
-----------
Update every saturdya