webnovel

Chapter 11(doubt)

Tapos na ang outing nila kung kaya balik sa trabaho na uli si arriane, bagamat hindi man niya naenjoy ang kanilang two days outing ay sinigurado niyang nag enjoy ang kanyang anak.

"Mam,.goodmorning po may naghahanap po sainyo."bumungad mula sa pintuan ng kanyang opisina ang kanyang waitress na si shie habang abala siya sa kanyang ginagawa dahil nga naiwan niya ang trabaho niya ng dalawang araw bagamat dapat ay rest day niya ang mga iyon.Napatingin siya sa dalaga na halos na nanatili paring nakatayo sa pintuan.

"sino daw?"nagtatakang tanong niya dahil wala naman na talaga siyang bisita dahil ang lagi lamang talaga nanggugulo sa kanya ay ang kanyang kapatid.

"Si Matt Dixon daw po."

Bigla siyang napatayo ng malaman kung sino ang bisita nila.Napapaisip tuloy siya bakit naririto ang binata gayung may pinagkakaabalahan din itong negosyo sa batangas.Ito pala kasi ang isa sa mga may ari ng resort na pinuntahan nila kung kaya madali silang nagkasundo dahil nga sa pareho ang kanilang mga pananaw sa buhay.Naekwento nga niya sa binata ang tungkol sa maliit niyang negosyo king kaya alam nito ang lugar niya.

"oh sige,pakisabi lalabas na ako.."pagdaka'y sabi niya ngunit binilinan niya ang waitress na bigyan ng makakain o maiinom ang binata na agad naman nitong sinunod.Tumingin lamang siya saglit sa salamin at nag retouch saka nilabas ang panauhin.

"Hi..tumayo ang binata saka iniabot sa kanya ang dalang bulaklak."Nagulat man siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata dahil nga masyado pang maaga kung nanliligaw man ito.

"Hi.. kumusta?"nakangiting wika niya saka pinaupo muli ang binata at maging siya.

"well Im good."nakangiting sagot nito.

"Mabuti naman at nakabisita ka sa restaurant ko."

"well, gaya ng naipangako ko noong nagkakwentuhan tayo, eh.. ito binisita kita."iwinasiwas pa nito ang mga kamay habang nagsasalita.

"Salamat naman kung ganun.

"ang ganda ng place mo huh"kumento nito saka iniikot ang paningin.

"salamat."Nasisiyahang wika niya dahil totoo naman talaga iyon dahil napakswerte niya sa nakuha niyang pwesto.Habang nag uusap at saka naman may dumating na bagong costumer.Hindi niya napansin ang mga ito dahil abala sila ni matt sa pag uusap at may mga tauhan naman siyang nag aasikaso sa mga ito kaya hindi niya napansin kung sino ang dumating.

Naupo sa malapit sa kanila ang dalawang costumer at nakatalikod siya sa mga ito kaya hindi niya nakita na si Nathaniel pala ang bagong dating nilang costumer.

Nakita niyang gumawa ng coffee ang bago niyang staff dahil iyon yata ang order ng costumer nila.Palibhasa trainee ito kung kaya ng dalhin nito ang coffee na order ay bigla na lamang itong nasagi sa kabilang table at natapon ang bagong gawang kape sa mismong harapan ng dalawa kung kaya nagulat siya ng bigla na lamang sumigaw ang costumer nilang babae.

Mabuti na lamang at wala pang masyadong costumer dahil kakabukas lamang nila.

"You!!Idiot!!"panggagalaiti nito na nag agaw ng kanilang pansin.Dinuduro duro nito ang kanyang bagong staff habang namumutla ito dahil sa sobrang takot..

"Napakatanga mo naman... hindi mo inaayos ang trabaho mo.. simpleng kape lang.!""

"eh mam,, sir. sorry po di ko naman po sinasadya."umiiyak na wika ng ng staff niya.

"No!!I dont want your sorry!!San ang manager mo at ng ma kick out ka sa lugar na ito..hindi ka bagay dito.. napakatanga mo.!" nanggagalaiting bulyaw nito sa umiiyak na dalaga.Kung kaya hindi na siya nakatiis at nilapitan na ang mga ito.

"Mam, excuse me.. tawag pansin niya sa babae.Hindi niya napansin ang isang bulto na nagulat ng makita siya.

"Yes!!bulyaw din nito sa kanya.

"are you the manager!"mataray na tanong nito sa kanya.

"yes mam."

"Mabuti naman at andito ka sa harapan ko.. itong staff mo masyadong tatanga tanga eh!"

"Im sorry mam,, ako na ho ang humihingi ng paumanhin sainyo.. nakita ko pong hindi naman ginusto ng staff ko na tumapon sa table niyo ang coffe at mabasa ang bag mo dahil napatid siya..kaya sana mam hindi na ito maging big deal pa."mahinang pakiusap niya.Dito siya nakapukos humarap kung kaya hindi niya napansin ang kasama nito na kanina pa pala nakatitig sa kanya.

"Eh ganun pa din iyon.. napakatanga talaga."mas mataray pang wika nito ngayon.

"ako na ho ang humihingi ng paumanhin sainyo,at kung may nasira man pong gamit saiyo dahil lang sa pagkatapon ng coffee sa gamit mo ako na ho,"ang bahalang magbayad.. ngunit kung mananatili ho kayong mag eskandalo at ipahiya ang staff ko.. ay ako na mismo ang masasampa ng reklamo sainyo dahil sa pamamahiya at panlalait mo sa staff ko."Taas noong wika niya na ikinagalit lalo ng dalaga.

"really?"anong klaseng restaurant ito at maging ang manager yata ay wala ring kwenta.."Sa Narinig ay parang nagpagting ang teynga niya.Hindi siya sanay makipag away sa mga ganitong klaseng babae dahil wala siyang panalo roon.

"gaya ng sabi ko mam, i will pay sa lahat ng nasira sa gamit mo."

"No!!maiigting nitong sigaw.

"hey!!kaith.. thats enough...lets leave here."singit ng lalake na hindi na yata nakatiis sa bunganga ng kasama nito.

Sumimangot lamang ito at saka lamang nabaling ang kanyang pansin sa kanina pang nakatitig na lalake sa kanya.Ngunit sa halip na pansinin ito ay inirapan niya lamang ang lalake at muli 'y binaling ang kanyang atensiyon sa matapang na babae.

"don't you know me?!taas kilay nitong tanong sa kanya.

"well mam, I know you very well then."saka siya nag isip kung saan niya ito nakita.

"yeah, I saw you many times sa mga magazines, pinasadahan niya ito ng tingin at saka nagpatuloy, ang ganda mo pa naman sa magazines bit I'd never expected na ganun pala kagaspang ang ugali mo in person."nag ngingitngit niyang sabi.Mas lalo pa ngang nadagdagan ang kanyang galit ng mapagtanto niya kung sino ang kasama nito.Masyado kasi siyang nalait ng lalake noong naroon sila sa resort sa batangas at maging ang nobya nito ay hindi niya akalaing kaugali din pala nito.

Nakita niya ang pag taas ng kanang kamay ng babae na akma siyang sasampalin ngunit mabilis itong naawat ni Nathaniel at hinawakan nito ang braso ng nobya at hinatak palabas.Kung ng sabagay alam din naman ng binata na may mali ang nobya nito dahil masyadong naging over acting sa nangyari kung kaya nag walk out na lamang ito.

Pero hindi na siya papatinag sa mga ito, mas mahal niya ang kanyang mga staff dahil ito ang tumutulong sa kanya upang mapanatiling maayos ang kanilang restaurant.Isa pa totoo naman ang sinabi niya sa babae, maganda nga sana ito, malaanghel ang mukha ngunit mala demonyo ang ugali.

"are you alright? saka lamang niya naalala na naroon pa pala si matt nang magsalita ito.

"yeah, Im sorry, nakita mo pa yata ang ugali ko".Pagbibiro niya rito."

"mas, humahanga pa nga ako saiyo eh, dahil ipinagtanggol mo ang staff mo kahit na pwede kang masira ng naging costumer mo."sa sinabi ng binata ay napaisip siya,pwede palang mangyari na siraan siya ng babae pero hindi siya natatakot.Alam naman kasi niya ang tama at mali.

Makalipas ang halos apat na oras ay natapos din ni arriane ang mga papers na dapat niyang permahan, halos hindi narin nagtagal si matt sa restaurant nila dahil sabi nito ay dumaan lamang daw talaga ito sandali sa restaurant niya dahil may pupuntahan din itong kaibigan na mas malapit sa sa kanila.

Naekwento narin naman niya ang tungkol sa nangyari kanina sa pagitan nila ng nobya ni Nathaniel ngunit hindi niya sinabi sa kapatid na nagkita na sila ng binata at baka bigla itong sumugod doon.Ayaw naman din niyang maging isyo pa ang tungkol sa anak niya dahil may nobya na ang lalake.Bagamat gusto niya man ipagsigawan kay nathaniel na may anak ito sa kanya at iyon nga ay si Ethan,ngunit hindi na maaari pa dahil nga napakababa nang tingin sa kanya ng lalake, at baka sabihin pa nitong baka kung kani kanino lamang iyon anak kagaya ng pag aakala nito sa kanya.Hindi niya napansin ang pagpatak ng kanyang mga luha kaya nabasa ang isa sa mga papel na kanyang pinipirmahan ngunit saka naman nagbukas ang kanyang pintuan,kasunod noon ang napakasiglang bati mg kanyang anak.

"hello po mama!"maligayang wika nito na agad naman sinabayan ng mahigpit ng yakap ng kanyang anak.

"mama,why are you crying?"nakatingin ito sa kanyang mukha kung kaya mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

"no baby, im not crying.. may nakadapo lang na insekto sa mata ni mama".nakangiting wika niya.Bagamat apat na taong gulang lamang ang kanyang anak ay hindi niya maikakailang napakatalino nito kung kaya tinititigan siya nito upang alamin kung talaga bang nagsasabi siya ng totoo.

"are you sure mama?"napakainosente nito samantalang mahirap pa yata sa butas ng karayom magsinungaling dito.

"yes anak, may lamok na nakapasok sa mata ko kanina, kung kaya masakit hanggang ngayon."aniya.

"really mama,? did the mosquito bite your eyes"?Muntik na siyang matawa sa itinatong ng kanyang anak at buti na lamang at pumasok si manang coreng dahil nagpaiwan pala ito sa labas ng kanyang opisina upang mag order ng makakain.Galing kasi ang mga ito sa eskwela kung saan malapit lang din naman sa kanyang restaurant kubg kaya doon niya na ito pinapaderitso araw araw upang makasama ang niya si ethan kahit nasa trabaho siya.

"eat na ethan."tawag nito sa bata kung kaya hindi na ito nagtanong pa ng tungkol sa pag iyak niya kanina.Nakisabay na din siya sa mga ito kumain at siya na rin ang sumusubo sa anak.At kahit papaano ay maramdaman man lamang niya na kumpleto ang kanyang pamilya.

Samantala,kahit nakauwi na ang magnobya ay hindi parin tumitigil si kaithleen panggagalaiti dahil sa nangyari kanina sa restaurant na kakainan sana nila

" lagot sa akin ang babaeng iyon,ang lakas ng loob na insultuhin ako.!!"nanggagalaiting wika nito.

"pwede ba sweetheart, that's enough.. kung tutuusin may mali ka din naman!"ipinahiya mo iyong staff ng restaurant eh natural na magagalit iyong manager doon dahil tauhan niya iyon." hindi na nakatiis na pahayag ni Nathaniel sa nobya.

"Isa ka pa!"instead na kampihan mo ako eh doon ka pa yata kumakampi sa babaeng iyon!" akala mo hindi ko alam na napakalagkit ng tingin mo kanina doon sa babaeng kumag na iyon."!

"Please!!kaith!!ang mahirap kasi sayo na kahit mali kana ay ipinapipilitan mo pa!!mali naman kasi talaga ang ginawa mo!!inilayo lang din kita doon kanina dahil mayroon nang pumapasok na mga costumer at ayukong maeskandalo ka!"napipikon na din wika ng binata.

"No!!kung gusto mong kampihan ang babaeng iyon.. pwes doon ka!"matigas nitong sabi.

"God!!"napabulalas na lamang niyang sabi dahil hindi niya talaga maawat ang nobya.Alam niyang may kamalditahan ito ngunit hindi niya akalaing ganun iyon katindi.

"enough!!"galit at matigas niyang wika upang matigil na ang babae.Ngunit sa halip na tumigil ito ay lalo lamang ito nagalit at saka nilayasan siya.

Napasalampak na lamang ng upo`si NaThaniel dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang nobya.Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa pinipigil na inis rito kanina, ngunit hindi niya lubos maisip na ganun talaga kabungangera ang babae.Sabagay sa tagal ba naman ng kanilang pinagsamahan ay hindi naman talaga niya ito araw araw na nakakasama kaya hindi niya masasabing ganun niya kakilala ang kanyang nobya.NArinig pa niya ang napakalakas na pagbagsak ng pintuan ng kanyang condo, talagang ipinapakita ng babae na galit ito sa kanya dahil sa pag aakalang kinakampihan niya si Arriane.

Yes, si arriane.. bakit ganun? bakit kaninang nakita niya ito ay hindi niya maikakailang nakukonsensya siya dahil sa mga nasabi niya rito noong nasa batangas na nakita niya doon ang babae.Bakit may isang bahagi ng kanyang utak na nagsasabing gusto niyang humingi ng tawad sa babae dahil sa hindi magandang nasabi niya rito.Kanina noong nagagalit ito kay kaithleen dahil sa panlalait ng nobya niya sa staff nito na hindi naman dapat ay saka lamang niya napagtanto na napakalaki ng ipinagbago nito doon sa batang arriane na nakilala niya five years ago.Napakasimple ng ayos nito kanina ngunit lumalabas parin ang taglay nitong ganda.Bagamat galit nga ang mukha nito habang nagsasalita ay hindi maitatagong napaka propisyonal nito tingnan, hindi gaya ng kanyang nobya.Napailing siya sa isiping ipinaghahambing niya si kaithleen rito gayung ibang iba ito sa nobya niya na ngayon ay nilayasan siya.!

"