webnovel

CHAPTER THREE

Panibagong araw na naman.Panibagong hamon para sa kinabukasan.Kailangan kumayod para sa hinaharap at para sa pamilya ko.Syempre kailangan kong mag-ipon para sa pag-aaral ko lalo na't malapit na ang pasukan.Nakakimutan ko rin palang sabihin kay Amara na uuwi ako ng brobinsya sa susunod na buwan.Pwede naman akong manghiram sa kanya ng cellphone para matawagan ang kapatid ni mama sa probinsya at sabihang dito na ako mag-aaral kaso maggusto ko na harap harapan magpaalam kasi sobrang miss ko narin ang pamilya ko.

Hays,hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng babaeng yun sinabi nyang may sakit ako kaya hindi kami makakapsok kahapon.Pwede nya naman sabihin ang totoo e nagsinungaling pa talaga sya.

Tsk,babaeng yun talaga nakaugalian na seguro ang pagsisinungaling.

*TOK*TOK*TOK*TOK*

Tsk,ayan na naman sya.

Mabuti naman at naisipan nya narin gumising ng maaga.Akala ko magpapagising na naman sya sa akin tulad ng nakaugalian nya.

"Gising kana ba Raphie?"Tanong nya.

"Oo,gising na po."Magalang na sagot ko na may halong sarcastic.

"Nagluto na ako ng agahan natin,bumangon kana jan para makakain na tayo.Hinatayin nalang kita sa baba."Dagdag nya pa bago tuloyang umalis.Bumangon narin ako,pumunta sa banyo at naligo.Pagkatapos ay bumaba na ako.Naabutan ko na syang kumakain napatingin naman sya sa gawi ko.

"Ang tagal mo kasi bumaba,nagutom ako kaya kumain nalang ako.Mabuti nalang at may natira pang ulam para sayo."Sabi nga habang may laman pa ang bibig.

Napakatakaw mo talaga,mabulunan ko sana.

(Cough)

"Tu...tubig...pahinging tubig."Dali dali naman akong kumapit sa kanya at nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay sa kanya.Pasimple naman akong tumawa.

Ang bilis naman ng karma.Sinabi ko lang nangyari na agad.Hanep.

"Oh ano ayos ka lang ba?"Tanong ko habang hinihimas ang likod nya.

"Ayos na, feeling ko may pumasok yata na kanin sa ilong ko."Seryosong sabi nya.

Yuck!

Wala talagang preno ang bunganga nito.Parang ayaw ko nalang tuloy kumain.Bleehhh.Pero dahil gutom na ako ay no choice ako kundi ang kumain nalang.Iniiwasan ko nalang maalala ang sinabi ni.Amara kanina,baka maluwa ko pa lahat ng kinain ko sayang ang pagkain mahal pa naman ang bilihin sa palengke.

"Sa susunod pala na Lingo ay uuwi ako sa probinsya namin para makapagpaalam kila mama tungkol sa plano kong mag-aral dito sa Manila."Sabi ko sa kanya habang nililigpit ang pinakainan namin.

"Oh talaga!"Lumapit sya sa akin na ang lawak ng ngiti at kumikinang ang mga mata.Ano naman kaya ang plano nito?"Pwede sumama?"Sabi nga habang nag papacute sa harap ko.Mukha namang inupuan ng elepante ang pagmumukha.

"At bakit ka naman sasama?"Nakapamewang kong tanong  sa kanya."Mababagot ka lang don sa amin."

"Syempre para makita ko kung anong meron doon sa lugar na pinanggalingan mo."Nakangiting sagot nya.

"Walang maganda doon sa lugar namin.Maraming sira ulo don baka pagtripan kapa,malalagot pa ako sa parents mo."Seryosong sabi ko at kinuha ang mga natitirang baso sa lamesa.

"Sege na naman oh,gusto ko lang talagang makapasyal don sa inyo.Pumayag kana kasi sumama ako,minsan lang naman ako makapunta doon e."Pagpapaawa nya,hayy naawa naman tuloy ako sa kanya.

"Sege!"

"Talaga? Payag kana isama ako."Halos magtatalon sya sa tuwa nong sabihin ko yun sa kanya.Tumango lang ako bilang sagot.

"Kung papayag ang magulang mo na sumama sa akin?"Nakabusangot naman sya.Swerte mo nalang kung payagan ka.

"Huwag kang mag-alala magpapaalam ako sa kanila.Segurado naman ako papayag sila,ikaw naman ang kasama ko e."Parang segurado talaga sya na papayagan sya.Hahaha tignan nalang natin.

Pagkatapos namin mag-usap ay nagtungo na kami ng trabaho.Dahil nga sa magandang reason ni Amara ay lahat sila tinatanong kung okay na ba ako,anong dahilan ng pagkakasakit ko,inaalagaan ko ba talaga ang sarili ko,at iba pa.Grabe naman sila maka care parang magulang lang ganon.Samantalang yung isang dinamay lang ako sa kalokohan ay patawa tawa lang sa tabi.Nagsinongaling nalang din tuloy ako para wala na silang magtanong pa.

Kainis!

"Oh,mabuti naman at magaling kana Raphie?"Bungad ni Boss na kakalabas lang ng office nya.Lihim naman akong napakamot ng batok at tumingin ng masama kay Amara.

"Ah...ehh...opo,kailangan po eh."Nahihiyang sagot ko.Sana lang ay hindi sya magtanong ng kahit ano.

"Aba! talaga naman dahil sinasahudan ko kayo para magtrabaho sakin."Seryosong saad nya.Bigla naman akong nakaramdam ng inis.Samantalang yung mga kasamahan naman namin ay nakatungo lang.Hindi nya naman kailangan ipaalala yun noh.Kaya nga pinagsisipagan namin ng maigi ang trabaho namin.Pasalamat ka at kailangan ko ng trabaho para sa pamilya ko kung hindi lang talaga matagal na ako naghanap ng ibang trabaho,nagtitimpi lang talaga ako sayong unggoy ka.

"Oh! Ano pang tinatayo tayo nyo jan? Baka gusto nyo ng simulan ang trabaho nyo."Sarkastikong sabi nya.Dali dali naman kaming kahat kumilos para simulan ang trabaho namin,baka ano pang masabi ng Boss naming magaling.

Hayyss,sa wakas uwiaan na.Plano kong magpaalam sa Boss ko na uuwi ako sa amin kaya hinintay ko muna na makauwi lahat ng kasama namin.At nong makaalis na sila ay nagtungo na kami ng office nya.

*TOK*TOK*TOK*TOK*

"Pasok."Kaya pumasok nalang din kaming dalawa.Naabutan namin syang nasusulat sa mesa nya,napatingin naman sya sa amin."Anong kailangan nyong dalawa."Seryosong tanong nya.

"Plano po sana naming humingi ng dalawang linggong pahinga."Malumanay na sabi ko.Napatigil naman sya sa pagsusulat at tumingin sa aming dalawa ng seryoso,kinabahan naman ako bigla.

"At bakit naman gusto nyong humingi ng leave?"Seryosong tanong nya.Magsadalita na sana ako ng magsalita sa ulit." Maayos naman ako magbigay ng sahod sa inyo diba? Huwag mong sabihin na maghahanap ka pa ng ibang trabaho! Sa totoo lang ay napaka swerte nyo nga dahil nakahanap pa kayo ng trabaho.Ang iba nga jan ay inaabot na ng isang taon o hingit pa wala paring nahahanap na trabaho hanggang ngayon."Mahabang litanya nya.Hindi ko alam kong anong pinagsasabi nito.Magpapaalam lang naman kami sana,kung anu-ano na ang pinagsasabi.Masyadong advance mag-isip,pasalamat ka nalang talaga at wala kaming balak na umalis dahil kailangan namin ng trabaho.

"Hayy nako Boss masyado ka naman advance mag-isip.Hindi naman kami maghahanap ng ibang trabaho.Uuwi lang kami saglit ng probinsya para magpaalam sa magulang ko na dito ko planong mag-aral."Mahinahong sagot ko.Napakamot nalang sya ng ulo nya kaya palihim kaming natawa ni Amara.Kung anu-ano kasi naiisip ayan tuloy napahiya ka.

"Ganon ba! Pero bakit dalawa ako? Sasama karin ba Tores?"Baling nga kay Amara.

"Ahh...ehh...hindi pa po ako segurado.Basta kong hindi nyo po ako makikita sa lunes ibigsabihin ay sumama nga ako sa kanya."Sagot ni Amara.

"Sege,basta dalawang linggo lang walang ng dagdag papayag ako.Bumalik kayo agad pagkatapos ng dalawang linggo dahil kailangan kayo dito,naiintindihan nyo bang dalawa."Tumango lang kami bilang sagot.Maayos naman pala kausap nang ungoy na to' minsan talaga ay sadyang tinutupak lang talaga at mainit ang ulo.Lumabas na kami ng office ni Boss pagkatapos naming mag-usap.

Masaya kaming umuwi ng bahay dahil napapayag namin sya akala ko talaga ay pagagalitan nya kami katulad ng minsang ginagawa nya,mabuti nalang hindi.Tapos na ang problema ko ito nalang katabi ko ngayon na kasalukuyang kinakausap ang parents nya ngayon at nagpapaalam.

"Opo,dalawang linggo lang naman po kami doon babalik din kami agad."Sagot nya sa daddy nya sa kabilang linya.Naka loud speaker kasi ang phone nya kaya dinig na dinig.

Ang laki na talaga ng inunlad ng mundo dati liham pa ang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga taong nasa malayong lugar ngayon isang text mo lang sa cellphone nandon na agad.Kaya pati panliligaw dinadaan nalang din sa text,tawag at chat-chat online.Nababaon na sa limot ang mga nakaugalian gawin noong henirasyon.

"Sege na po mom,dad pumayag na po kayo.Pangako magpapakabait ako doon."Pagmamakaawa nga pa.Bilib din ako sa isang to' gagawin talaga lahat makuha lang ang gusto.Pasalamat sya at nag-iisa syang anak kaya walang kahati.

"Hayyss,sege na nga."Napipilitang sagot nya.Aboy tenga naman ang ngiti nitong katabi ko Halos magtatalon n a sa saya.Akala mo nanalo na sa loto."Basta yung pangako mo ay tuparin mo.Baka pagdating mo doon puro sakit ng ulo ang ibigay mo kay Raphie."Mahinahon pero seryoso ang pagkakasabi ni Mr.Gabriel  sa anak nya.

"Hindi po dad,pangako."Hindi parin mawala ang ngiti nya.Jusko ko lord,sana lang talaga hindi magdulot ng problema tong anak nyo.

"Paka usap nga muna ako kay Raphie."Singit naman ng mommy nya.Iniabot nya sakin ang cellphone nya kaya kinuha ko naman.

"Hello po tita?."

"Raphie okay lang ba talaga sayo na sumama yang si Amara sayo? Baka kasi makakaabala lang yan eh!"Napatawa naman ako ng mahina,kita mo pati nanay parang walang tiwala sa sarili nyang anak.Sa bagay ako din naman eh.

"Okay lang po.Wala naman po akong ibang gagawin doon."

"Talaga ba! Eh de sege.Basta mag-iingat kayo doon."Mahinahong sabi ni Tita Ann.

"Opo tita."Sabi ko at ibinalik na kay Amara ang cellphone.

"Sege po mom,kakain na po muna kami. Ingat po kayo jan,I love you."Pinatay nya na ang tawag saka tulongang magtatalon sa tuwa.

"Ohhhhh yes,ohhhhh yes,ohhhhh yes,Ahhhh huh,ohhhhh yes."Pakankanta pa sya habang tumatalon.Iba rin talaga ang trip ng isang ito.Ginawa pang parang beer house tong bahay.

"Buti pa imbis na magsasayaw ka jan,tulungan mo muna kaya akong maghain ng makakain natin dito dahil gutom na talaga ako."Sita ko sa kanya,napatigil naman sya sa kakasayaw.

"Tsk,kita mong nagsasaya pa yong tao eh.Kahit kailangan talaga napaka panira mo ng moment."Singhal nya.

"Hayyss bahala ka nga jan.Magsaya ka hanggat gusto mo basta ako kakain na ako dahil gusto ko nang magpahinga."Sabi ko habang inaayos ang hapagkainan.

"Tsk,ewan ko sayo.Badtrip ka."Padabog syang umalis at nagtungo ng kusina,pagbalik nya may dala na sya ulam.

"Oh bakit nakasimangot ka.Nasa harap tayo ng pagkain Senyorita."Sita ko naman sa kanya.Nginitian nga ako pero alam kong pilit.Hindi ko na sya pinasin at kumain nalang.

"Bukas pala ng hapon pagkagaling ng trabaho daan muna tayo palengke para may mabaon tayo sa byahe sa lingo."Saad ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Ilang araw ba byahe pauwe sa inyo?"Tanong nya.

"Dalawang araw lang naman."Sagot ko.Tumango naman sya at nagpatuloy nalang sa pagkain.Pagkatapos naming kumain ay sya na mismo ang nagsabing sya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin.Kaya pumayag nalang din ako.

"Mauna na akong matulog sayo, Good night."Paalam ko sa kanya.

"Okay,Tapusin ko nalang to'.Good night."Nakangiting sagot nya.

Umakyat na ako at tuloyang nagpangiha.