webnovel

Simula

Simula

Everything happens for a reason.

Iyan lagi ang sinasabi ni Mommy kapag magtatanong ako tungkol sa nangyari. Kung hindi niya man babanggitin sa una, magpapaliwanag muna siya at ang puno't dulo ng lahat ay 'yang kataga na yan. Na lahat ng bagay ay nangyayari para sa isang rason.

I was expected to be the bravest among my siblings. Na dapat ako ang nagsisilbi nilang lakas. Na dapat kayang- kaya ko ang lahat dahil walang maasahan sa amin. Even my Mother who was left by my Father.

Wala akong alam sa nangyari sa kanila. Kung bakit nagkaganito. Kung bakit nangyari ito. Pero lagi ko na lang iniisip na lahat ng ito ay nangyari dahil may rason. Just like what my Mother always told me when I was young.

"Nari," Mommy called.

Binaba ko ang hawak na libro at nilagyan ito ng bookmark bago isara. I carefully put it back on my table and went to my door to open it for my Mom. Ngumiti siya at nilahad sa akin ang extra money para sa buong weekend.

"You should pack now. Papunta na ang Daddy n'yo dito," she said like it's our routine every weekend. Tumango ako. Sinulyapan ni Mommy ang kwarto at bumuntong hininga.

"Do you need anything else?" tanong niya. Umiling ako. Wala naman akong kailangan sa school sa ngayon. Tumango siya at dumiretso na sa ibang kwarto para gisingin ang mga kapatid ko. Sinarado ko ang pinto at nagsimula na sa routine ko kapag weekend.

Nilagay ko ang binigay ni Mommy sa wallet ko bago pumasok sa banyo. I hurriedly took a bath so I could have more time arranging my things. Matapos maligo ay agad akong naghanap ng tshirt at shorts para makapagbihis. Tinapis ko lang ang buhok ko gamit ang tuwalya bago nagsimula sa pagayos ng gamit.

I packed things good for three days. Dalawang araw lang kami kina Daddy pero lagi akong nagpapasobra ng damit para kung may biglaang lakad ay may maisuot pa din ako. Naglagay din ako ng dalawang libro sa bag. Nang masigurong nalagay ko na ang lahat ay inayos ko na ang sarili.

I don't really put too much on my face. Di ko na kailangan dahil magmumukha na akong clown kapag naglagay pa. I just apply on lip balm and moisturizer to keep my face hydrated. Wala naman binilin si Daddy na pupuntahan namin ngayong weekend kaya hindi na ako nagabala pa.

"Achi..." tawag ng kapatid ko. Tumigil ako sa ginagawa at nilingon siya. She pursed her lips. Something's bothering her, I know. Tinapos ko ang paglagay ng moisturizer sa mukha bago tumayo at lumapit sa kanya.

I kissed her head and bend a little bit to level our gaze. Inayos ko ang buhok niya. She just stared at me. Alam ko kung anong ineexpect niyang gagawin ko. Ngumiti ako at hinila siya patungo sa kinauupuan ko kanina. Inangat ko siya at pinaupo 'ron.

Kinuha ko ang hairbrush at sinimulan nang suklayin ang buhok niya. She's fully dressed now. Naka-leggings, rubber shoes at longsleeve na galing sa isang kids clothing line. Hinati ko ang buhok niya sa dalawa bago hinila ang drawer at kumuha ng pantali.

Tahimik lamang siya nakatingin sa akin habang inaayusan ko siya. It's weird. She's usually the talkative one among us. Kanina, nang tinawag niya ako ay agad ko nang napansin na may bumabagabag sa kapatid ko. Paminsan minsan kong sinusulyapan ang repleksyon niya sa salamin sa harap. She would try to smile at me. Bumuntong hininga ako at inayos ang baby hair niya.

"Is there a problem?" mahinahon kong tanong.

Umiling agad siya. Like there's no problem at all. But her face says otherwise. I smiled at her. Tila gatilyo 'yon dahil agaran ang pagnguso niya. Inangat ko siya at kinarga. Agad niyang pinalupot ang kamay sa aking leeg. Hinaplos ko ang likod niya.

"What's wrong?" I gently tapped her back.

"Achi... nandoon ba si Tita Eurane ulit?" aniya.

Pumikit ako at hinaplos ang likod ng kapatid. Up until now, my sisters were not really in favor of Daddy's new family. I'm trying my best to make them understand our situation but they can't. Siguro dahil sobrang bata pa nila. Hinayaan ko na lamang at pinapaliwanagan.

"Tita Eurane will always be there, Nione." bulong ko.

"But why?" she said.

Hinawakan ko siya at pinaharap sa akin. The sides of her eyes are teary. I kissed her cheeks. Sobrang hirap nito para sakanila. I also felt this when I was at her age. Halos ayaw kong makita si Daddy dahil sa pagtatampo ko. But as I grow older, unti-unti ko din naintindihan ang lahat.

"Because she's Daddy's family now..." paliwanag ko.

"Paano tayo, Achi?"

"We're daughters of Daddy. We're his family too. You should love Daddy's family because they loves us too,"

One good thing about my Father's other family is that they're kind to us. They treat us like their own. Sa dalawang araw sa kada linggo na pagpunta namin sa kanila ay ni minsan hindi namin naramdaman na iba kami. And I'm really grateful of that. Hindi nga lang makaadjust ang mga kapatid ko dahil medyo naguguluhan pa sila ngayon.

"Mabait naman si Tita Eurane diba?"

"But! Inagaw niya si Daddy sa atin!"

"Shh... stop it-" saway ko.

"Kung wala siya edi dito pa nakatira si Daddy sa atin!" galit niyang sabi at tinakpan ang mukha niya.

I really pity my siblings. They don't deserve to feel this kind of misery but we have no choice. Ginagawa ko na lang ang lahat para maintindihan nila.

"Nione mali 'yan. You shouldn't think that way. That's not your Tita Eurane's intention..."

Inalo ko siya. "Mommy didn't raised you to be like that. You're better than that. You should thank Tita Eurane because she's always kind to us. Bakit mo naiisip 'yan?"

"Kasi wala dito si Daddy! Dapat sa atin nakatira si Daddy hindi sa kaniya!" sigaw niya sabay hikbi.

"Daddy has a new family now. But we're still his family. That's why he let us visit him during weekends to spend time and bond with them right?" tinanggal ko ang kamay niya at pinunasan ang mga luha.

Hindi siya nagsalita, but she pushed my hands away and hugged me instead. Sa sobrang lakas ay sigurado akong tumama ang ulo niya sa tuwalya. Mahigpit siyang yumakap sa leeg ko habang umiiyak.

"Daddy loves us very much Nione. Don't ever doubt that okay?"

Tumango siya pero patuloy pa din sa pagiyak.

"Stop crying. Daddy will be here anytime. Gusto mo ba makita ka niyang umiiyak?"

Umiling siya sa balikat ko. Pinunasan niya ang luha at niyakap muli ako. I'm not yet done drying my hair. Hinalikan ko ang ulo ng kapatid at nilapag siya sa kama. Kumuha ako ng chocolates sa mega box at binigyan siya. She accepted it but she's still not pleased. Mugto ang mata dahil sa pagiyak.

"Tatapusin ko lang 'to, okay? Pagkatapos lalabas na tayo. Stop crying baby, it's okay...." sabi ko at hinalikan muli ang ulo niya.

Inayos ko ang dapat ayusin habang tinitignan ang kapatid ko na kumakain. Medyo pagalit pa at nagtatampo. I smiled. I was once like her. Even my Mommy can't please me. Kaya iniintindi ko na lang si Nione. She will get through it someday.

I unplugged my hair dryer and kept it on my cabinet. Nilingon ko ang kapatid ko ngayon na ngumunguya at pinaglalaruan ang balat ng chocolate. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa ulo.

"Always respect your Tita Eurane. She's always kind to you," paalala ko muli sa kanya. Ngumuso siya pero sa huli ay tumango na lang. I pinched her cheeks. Everything will be alright.

Kinuha ko ang knapsack bag ko at hinila na ang kapatid para lumabas ng kwarto.

"Achi!" someone called. Sinarado ko ang pinto bago hinarap ang bunso namin.

"You did not tie my hair!" nagtatampo niyang sabi at humalukipkip sa harapan ko. Tumawa ako. Sinulyapan ko si Nione na nagtatampo pa 'rin. Lumapit sa kanya si Mommy at pinasuot ang bag. Inabot naman sa akin ni Mommy ang bag ni Nisacar.

Yumuko ako at hinalikan sa ulo ang kapatid. "Later, sa loob ng sasakyan..." bulong ko. Ngumuso siya at mukhang hindi pa din kuntento sa suhestiyon ko.

"Gusto ko ngayon, Achi! I want to look presentable in front of Daddy!" katwiran niya.

Ngumisi ako. Mommy held my shoulders. Nilingon ko siya at nakita kung gaano siya natatawa sa sinasabi ni Nisacar.

"Sige na, wala pa naman ang Daddy n'yo..." aniya at ngumisi. Tumango ako at nilingon si Nione tapos ay balik kay Mommy. She nodded like she already knew what I meant of that. Hinawakan ni Mommy ang pisngi ni Nione. Dumiretso naman ako kay Nisacar na blangkong nakatingin sa amin.

I admire how my Mother understood things. Simpleng tingin mo pa lang ay alam niya na kung anong problema. Pati itong mga kapatid ko ay namana ata ang katangian na 'yon ni Mommy. Hindi nga lang medyo nakakaintindi ng mas malalim na sitwasyon pero sa edad nila ngayon ay marami na silang alam kumpara sa mga kabracket nila.

Nilagay ko ang dalang mga bag sa salas at naupo. Nanatili pa ring nakahalukipkip ang kapatid ko. I've been so occupied with Nione earlier that's why I forgot about her. Hinila ko ang kamay niya pero binawi niya 'yon.

"Si Mommy na lang ang magtatali sa akin, Achi!" suplada niyang saad sa akin. Imbes na magalit ay natawa na lamang ako sa kanya. My Mom did not raised a child like this! Hindi ko alam kung saan sila natutong magsuplada!

"Mommy's doing something. Ako na lang," sabi ko habang natatawa at hinila muli siya.

"Hihintayin ko siya,"

Aba't hindi talaga papayag ang batang 'to!

"Alright. Then you won't look presentable in front of Daddy..." bulong ko.

Kitang kita kung paano siya naalarma doon. Sinulyapan niya ako pero di pa 'rin nagpapatalo. Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko.

"Achi..." tawag niya makalipas ang ilang minuto.

"Hmm..."

Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakita kung paano siya lumapit sa akin. Umupo siya malapit sa hita ko para masimulan ko na siyang ayusan. Tumawa na lamang ako sa ginawa ng kapatid.

"But this is only because I want to look presentable!" depensa niya. Tumango na lamang ako kahit natatawa. Sinimulan ko nang ayusin ang buhok niya.

I was busy tying her hair when I heard a horn from a car. Binilisan kong ayusin ang buhok ni Nisacar. Namataan ko na si Mommy at Nione na pababa ng hagdan. Dali dali namang sinuot ni Nisacar ang bag niya.

"Ako na niyan," sabi ko dahil hindi niya kaya 'yon. Umiling siya at dirediretsong lumabas ng bahay para salubungin ang bagong dating. Nanatiling nakatayo si Nione malapit sa hagdan habang si Mommy naman ay may kinukuha sa kitchen.

"Nione..." tawag ko.

"Do you want me to carry your bag?" I calmly asked.

Umiling siya at nakatitig lamang sa pinto. That's when I turned my head to see my Dad. Wearing his usual white longsleeve and dark pants. Hawak ang susi ng sasakyan. Hinawakan ko ang likod ni Nione para ilapit siya kay Daddy.

"Good morning," bati ni Daddy.

Hindi gumalaw ang kapatid ko. Kinailangan ko pang hilahin siya at sabay kaming lumapit kay Daddy para humalik. Narinig ko na ang yapak ni Mommy sa likod.

"Hindi pa sila nagbebreakfast-" si Mommy.

"It's okay. Ako na ang bahala." agad na sinabi ni Daddy. Tumango si Mommy at sinulyapan ang hawak niyang tupperwares.

"Just... let them bring that," ani Daddy sabay turo sa hawak ni Mommy. "Ipapakain ko sa kanila sa byahe." dagdag niya. Tumango ang Mommy at inabot sa akin 'yon. Sabay na kaming lahat na lumabas.

"Mauuna na kami, Berzel." si Daddy nang maisakay si Nione. I can see from here that Nisacar is talking with someone inside the car. Hindi ko nga lang alam kung sino 'yon. Hindi naman sinasama ni Daddy si Tita Eurane pag sinusundo niya kami.

My Mom nodded and smiled. Kumaway siya sa dalawa na nasa loob na ng sasakyan bago ako hinarap.

"You take care okay? Ang mga kapatid mo. Kinausap ko na si Nione." bilin niya.

"Yes, Mommy. Magingat ka din po. I'll just text you." sabi ko at hinalikan siya. Tumango si Mommy. Pumasok na ako ng sasakyan. Saka ko pa lamang nakita kung sino ang kausap ni Nisacar.

"Good morning po, Ma'am." bati ng isang maid sa akin. Tipid akong ngumiti.

"Nariko na lang po..." sabi ko. Tinignan ko ang kapatid ko na abala na sa paguusap. Pinaguusapan nila ang pwedeng gawin namin ngayong araw.

"Nariko, transfer here." si Daddy. Nilapag ko lamang ang bag bago lumipat sa front seat. Naabutan ko pa ang pagbaba ni Daddy ng salamin para magpaalam kay Mommy.

"Ingat!" si Mommy. Inayos ko ang seatbelts ko. Tumango lamang si Daddy at bumusina bago kami tumulak.