webnovel

Undenial Love

Johanna17 · Realista
Classificações insuficientes
3 Chs

Episode 1

* * *

"Mommy V naman! Ayoko na ngang bumalik doon sa intsik na yun, sobrang baho ng bunganga parang imbornal" pagrereklamo ko sa Manager namin.

Sa totoo lang hindi ko naman ginustong maging "bar dancer". Wait! Hindi ito yung bar na naghuhubad sa harap ng mga lalaki okey. May mga saplot naman kami pero hindi kami naghuhubad at kunteng chika sa madadatong na customer and much talking na. NO TOUCH! NO KISS! JUST TALK! Yun lang!

"Ano bang inaarte-arte mo Sophia?  Matagal mo namang siyang customer ah. Ngayon ka lang nagreklamo!"

Galit na sighal ni Mommy V saakin.

Habang nagmamadali akong magbihis kasi tapos na ang duty ko pero hinahabol niya pa din ako ng sermon.

"Oo nga Mommy! Pero kasi sobra na ang hinihingi niya. Alamo ba hinihimas niya ang legs ko, hinayaan ko yun kasi himas lang naman. Pero tinataas niya na Mommy V! Hindi ko kaya yun!"

Nagpapatable ako para dagdag kita pero hindi ako pumapayag abusuhin ng mga manyakis na customer noh!

Kinuha ko ang bag ko. Tumigil naman si Mommy V sa kakasunod saakin.

"Out na'ko. Kita nalang tayo bukas!"

Paalam ko. Sabay labas sa back door ng club. Kinuha ko ang cellphone nagcheck ng mga messages.

Pero biglang tumawag ang bestfriend ko si

Elaine.

"Hi! Sophie dear, nasa trabaho ka ba?"

Mukhang lasing nanaman ang babaeng to. Panigurado iniwan nanaman to ng pasahero niyang foreigner.

"Kaka- out ko lang ei. Napatawag ka?"

"Andito ako sa resto bar ni Tito, hindi ko na kasi kayang magdrive ei. Pag drive mo'ko. Please!"

"Driver mo ba ako uh?"

"No, but you're my bestfriend and hinding-hindi mo'ko matitiis hihi"

Lasing nga. Tsk. Elaine is a flight attendant so baka napaisip kayo if paano kami naging magbestfriend ei isa lang akong dancer sa bar.

Ganito kasi yun. Dinala siya ng ex jowa niya sa bar namin. Ayun! May masamang balak pala ang hinayupak. Pinagsusuntok at sampal ko siya. In short, pinagtanggol ko siya sa manyakis na 2 days niya palang nakilala jowa niya na agad.

Kaya ayun. Lage niya na akong kinukulit sumama sa ganito, ganyan and all. Ewan ko ba kung yun ba ang bestfriend pero okey na rin yun kasi siya lang naman ang kaibigan ko na totoo saakin.

"Sige. Papunta na'ko"

* * *

Nakikita ko na sa malayo ang sosyalerang si Elaine.

"Oww! My sophie is here" sabay akbay niya saakin muntik na tuloy akong matisod.

"Huy! Bakit ba naglalasing ka nanaman. Nakakahiya ka Elaine"

"I'm sorry ma'friend kasi si Rusty nakita ko binigyan ng bouquet si KC yung bagong FA namin. Ang kapal ng mukha!"

Well. Ano bang bago? Kung hindi niya nahuli sa akto ei tinitext na lang siya na "it's not you Elaine, its me" HAHAHA

"Kuya yung bill niya?" Sabi ko sa bartender.

"Eto po ma'am."

Kinuha ko ang card niya sa pitaka.

"Eto po paswipe nalang. Thanks"

"Hali ka na nga! Iuuwi na kita!"

Inalalayan ko siya. Takteng babae to ang payat-payat pero sobrang bigat.

"Ma'am your card po"

"Salamat"

Isinakay ko na siya sa kotse.

"Oh! Dahan- dahan"

Habang nagmamaneho ako ei napaisip nalang ako. Siguro kung hindi namatay si Daddy, nakapagtapos siguro ako ng pag-aaral at hindi nagsasayaw sa bar. Inggit na inggit ako kay Elaine dahil nabibili niya lahat ng gusto niya, nakakapunta siya sa ibat-ibang lugar at hindi niya kailangang magbunot ng buto

para magkapera.

Inalalayan ko siya papasok ng condo unit niya.

"Malapit na tayo sa kama mo. Maglakad ka nga! Letse!"

Bigat na bigat na'ko ei.

Ayun, hinagis ko siya sa kama niya. Tinaggalan ko siya ng heels.

Kumuha ako ng tubig sa ref at pinainum sakanya. Naupo ako saglit para magpahinga at uuwi maya-maya.

Tatayo na sana ako ng biglang mag-ring ang phone ni Elaine.

Tinignan ko yung caller

"Russel Cardova Calling"

"Oh? Eto ba yung Rusty na nanloko sayo? Hoy! Elaine!"

"Y.. e..s. Awayin mo siya for me. Ipagtanggol mo ang bestfriend mo" walang malay niyang sabi niya.

Dahil masama ang loob ko kanina sa trabaho. Okey! Hindi naman ako kilala nito ei.

Sinagot ko yung answer button.

"Hi! Is this Elaine sorry for distur ————— "

"Hoy! Ang kapal ng mukha mong lokohin ang bestfriend ko. Anong akala no sakanya laruan huh? Gago kaba? Baka unggoy ka! Ungggoyyyyyy!"

Toot toot toot tooot

Ay! Pinatayan ako.

"Duwag pala ei! Naku! Elaine uwi na'ko. May tubig kana jan ah inumin mo pagka gising mo. Okey!"

"Wait! Open my luggage may binili ako sayong dress. Hihi. Bye bye!"

Advantage na may kaibigan kang nakakapagtravel sa ibat-ibang lugar may pasalubong ka lage.

"Thank you.Madami nanamang mag-aaway na lalaki sa bar dahil dito. Pahingi na din ng chocolates sa ref huh.Bye"

Sumakay na'ko mg taxi pauwi. Gabing gabi na kasi.

Nakatira kami sa apartment sa Paranaque matapos naming ipabili ang bahay namin ng mamatay si Daddy.

"Ma! Lindsey! Andito na'ko"

"Ateeee ! " Si Lindsey. May kapansanan ang kapatid ko. Bulag ang isa niyang mata. Kaya mahigpit ang pag-aalaga namin sakanya kaso napapa-English ako dito. Lumaki kasi sa America.

"Here! You have chocolate bigay ni Ate Elaine"

"Yehey! Send my hugs to her"

" Tumawag si Vina saakin. Anong eksena nanaman ang ginawa mo sa bar?"

Si Mommy V ang tinutukoy niya. Dahil kasi kay Mama kaya ako napasok sa bar.

"Nasabi niya naman siguro sayo ang rason Ma? Hindi ko na kailangan mag-explain"

"Naiintindihan ko Samantha. Alalahanin mo wala ka ng mapapasukang trabaho na ganyan kalaki ang sahod sa panahon na to"

Si mama lang ang tumatawag saaking "Samantha".

"Wag kang mag-alala mo. Bago ako aalis sa bar na yun ei may trabaho nakong marangal"

Ganito kami lage mag-usap ni Mama. Simula ng mamatay si Daddy umiba na ang trato niya saakin. Tinanggap ko nalang.

"Pahinga na'ko"

Pumasok ako ng kwarto. Hinubad ko ang damit at palda ko at nagpalit ng sando na abot hanggang legs. Ugali kong magunderwear lang habang natutulog. Sobrang init kasi.

Nakahilata na'ko at unti- unting dinalaw ng antok.

Ganito ang nangyayari sa buhay ko sa araw-araw. Sana bukas may bago nanaman.

* * *