webnovel

Chapter 4: In His House

Nagising ako mula sa pagkakayugyog sa akin at pagtawag ng aking pangalan habang nakasandig sa malambot na upuan ng kotse.

"Mi cielo, gising na! Nandito na tayo." napamulat na ng aking mga mata matapos marinig ang boses na iyon na nagmula sa boyfriend ng kakambal ko.

Napalinga sandali sa aking paligid at napagtanto kong hindi ito sa amin ang lugar at malamang sa bahay nila Greige ito.

Huminto na rin ang sasakyan pagkatapos bumababa na rin ang driver upang kunin yung mga dala namin at kaming dalawa naman ang naiwan sa loob.

"Bakit tayo nandito? Di ba dapat sa bahay ko na ako uuwi?" pinakitaan ko siya ng nakakalitong tingin subalit nginisian niya lang ako. Kainis!

"Nagpaalam na rin ako sa parents mo na dito ka muna sa bahay ko within three days." agad niyang sagot.

Hindi ako makagalaw sa pwesto dahil sa aking narinig.

"Don't worry, mi cielo pumayag naman ang mga magulang mo dahil sabi ko gusto kong magkaroon naman tayo ng bonding kahit sa loob lang ng bahay." tuloy-tuloy na paliwanag niya pero hindi ako nakapayag agad kaya kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan si Mom.

"Don't call them because they are already busy and you just disturbing." umiling siya pagkatapos.

"Sandali lang naman, ok? Just wait." at nagring na rin sa kabilang linya na agad namang may sumagot and it was my mom.

"Hello my precious daughter." malumanay at malambing na saad nito.

"Mom pumayag kayong matulog ako sa bahay nila Greige?" mabilis kong tanong to my mother.

Ilang segundo lumipas bago nakasagot si Mom at dinig ko ring abala siya sa pag-aasikaso ng mga documents.

"Yes Thaea. Is there any problem?"

"Ito ang problema, Mom." sabi ko sa kanya.

"Don't you remember that supposedly pretending to be your sister? So, do it clearly my precious." napatitig naman ako kay Greige na nasa harapan ko.

"Just act normal, ok? Baka mamaya niyan mabuking tayo? Paano na ang kumpanya natin? Kalma ka lang and continue what you are doing, Thaea." mahabang pahayag nito sa akin kaya hindi na nagawang magreklamo pa.

"Alright Mom." walang ganang ibinababa ang cellphone ko.

Napansin ko namang nakangiti ng nakakaloko si Greige.

Kumunot ang aking noo, "Anong nakakatawa ah?" sigaw ko sa kanya with pouting expression.

"Para kang bata na nagsusumbong sa nanay." sabay ngisi niya sa akin.

"Lalabas na ako bahala ka na diyan." pagtataray ko sa kanya.

Hindi ko kasi maintidihan ang lalaki na ito minsan at hindi ko akalain na ganito pala siya.

Ano kaya nagustuhan ng kakambal ko sa kolokoy na 'to?

Pagpasok ko ng mansion nila bigla na lamang ako sinalubong ng mga maids na naroon at nginitian.

Pagkatapos tumingala at tahimik na pinagmasdan ang bahay. Kakaiba ang designs nito at di karaniwan na makikita sa mga mansions hindi rin tulad ng sa amin.

"Pinaghanda ko na yung kwartong tutulogan mo mi cielo." pagkatapos hinila niya na ako palayo sa mga maids para pumunta sa silid na pansamantalang tutuluyan ko.

"This is your room. Do you like it?" tanong niya sa akin at tumango lang din ako bilang sagot.

"Pinaayos ko ito kay Yaya Celeste para maging mas comfortable ka." dagdag pa niya.

Ngumiti lang ako bilang tugon saka ginala ang paningin sa buong silid at naupo sa kama.

"Iwan muna kita para makapagpahinga ka muna." dinig kong sabi ni Greige saka narinig kong nagsara na rin ang pintuan.

Humiga na ako sa kama at kagaya ng dati tumingala nanaman ako sa ceilings ng kwarto. Kinse minutos na lumipas, napag-isipan ko munang matulog para makapahpahinga  na rin.

Hindi ko namalayang mahigit tatlong oras pala akong nakatulog kaya medyo napapikit pa ako. Pagkatapos umupo muna sa kama at inunat pa ang katawan.

Maya-maya pa sinuot ko na rin ang tsinelas at tumayo upang lumabas na ng kwarto.

Pagkababa galing sa aking silid,  nakita ko isang maid rito na abala sa pagpupunas ng sahig at medyo nagulat pa ito nang kanyang makita ako.

"Nakakagulat naman po kayo, Ma'am!" gulat na reaksyon niya tapos nginitian ko lang.

"Bakit naman?" aking tanong habang naiilang o nahihiya siyang tumititig sa akin.

Biglang pumasok sa isipan ko yung pagtataray ni Athena sa mga maids kaya siya umaakto ng ganito sa akin. Kaso hindi ako katulad ng kakambal ko. Madali naman ata lusutan ito. Kung may makakapansin man sa nagiging kilos ko ngayon, wala sana mangyayaring hindi maganda.

"Baka, tarayan niyo nanaman po kasi ako katulad ng dati Ma'am?" sabi niya at medyo natawa ako sa kanyang sinabi. Mas naging seryoso ang itsura nito kaya napatigil ako.

"Hindi ko na gagawin sayo 'yon." malumanay kong sabi sa kanya hanggang sa naagaw ang aking atensyon sa mga litrato na nakadisplay sa di kalayuan.

"Sige po pupunta muna ako roon." sabay nguso ko sa mga pictures.

"Ipagpatuloy mo na lang po ang paglilinis." dugtong ko pa saka tumango siya bilang sagot at nagpatuloy lang ulit sa paglilinis.

Dahan-dahan ako tumungo sa mga naka-display roon at napatigil ako nang makita ng aking mata ang mga larawan ni Greige at ng kakambal kong si Thena.

Masasabi kong napakaseryoso rito ni Greige at napaka-clumsy naman kung titigan si Athena.

Naalala ko sa kanila si Zen kaya bigla akong nakaramdam ng pagkalungkot.

Sobrang missed ko na siya sa totoo lang. Hindi na kami gaano nagkakausap kahit sa text man lamang.

Hanggang kailan ako magpapanggap na ganito? Sana magising ka na, Thena nang sa gan'on makabalik na ako sa boyfriend ko.

Hindi naiwasan tumulo ang aking luha.  Pinunasan ko ito kaagad habang wala pang nakakapansin.

Huminga ako ng malalim para muling umayos ang aking pakiramdam.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang kusina kaya naabutan ko ang ilang maids na naroon na nagluluto at naghahanda na ng hapunan.

Nginitian ko lang sila habang patungo ako sa ref para kumuha ng maiinom.

"Hinahanap niyo po ba si Sir Greige, iha?" dinig kong tanong ng matanda na si Yaya Celeste raw ang pangalan.

Lumingon ako sa kanya pagkatapos ibalik ang pitsel ng tubik sa refrigerator "Hindi po." maikling sagot ko sa kanya.

Bakit ko naman hahanapin ang kolokoy na 'yon? Hays!

"Kung gusto mo makausap si Greige nandoon siya sa kanyang mini-office kausap ang mga clients niya." sabi sa akin ni Yaya Celeste.

Tumango lang ako bilang sagot saka naglakad papuntang sala at di ko inaasahan makakasalubong ko siya rito.

"Saan ka galing? Tinignan kita kanina sa kwarto mo wala ka?" agarang tanong niya sa akin nang may pag-alala.

"Sa kusina, uminom lang ng tubig." mabilis kong sagot.

"Halika." sabay hatak niya sa akin sa pag-upo sa sofa at binuksan niya ang T.V. pati na rin ang dvd player at sinalangan ng movie.

"Wala sila Mama at Papa ngayon kaya tiyak kong mae-enjoy natin ang tatlong araw." sabi niya habang may pinipindot sa remote.

"Nasa business trip sila ngayon sa Cavite at three weeks sila doon." sabi pa niya kasabay ng pagtitig sa akin.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya dahil wala rin kasi akong balak magsalita.

Kasalukuyang nanonood kami ng Taken 3 napanood ko na rin ito dati. Sa pagkakaalala ko isang detective story siya kaya ganun pa rin para napatutok naman ako sa aking pinapanood at ganoon rin siya.

"Tamang-tama Sir heto na po yung pinahanda mong pagkain." sabi ng isa sa mga maid na hindi ko alam ang pangalan na halos kaedad lang ni Yaya Celeste.

Sakto pagdating ng pagkain at nagugutom na rin ako, hindi ko maiwasan maki-crave sa fries.

Hindi na ako nahiyang kumuha dahil sa gutom na rin ako. Nakita kong napangisi nanaman si kolokoy sa aking kinikilos.

"Nagutom ah! Sige kumain ka lang hehe."

Tignan mo tinawanan pa talaga ako.

Sa sobrang tutok ko sa movie at sa pagkain ng fries hindi ko napansin nasa likod ko na pala ang braso niya at nakapatong ito sa bandang itaas ng sofa. Napalinga lang ako at pinagmasdan ko rin siya at bigla naman siyang napatitig sa akin kaya agad namang umiwas.

"Ahmm, kukuha lang muna ako ng maiinom natin." pag-iiba ko ng atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Tatayo na sana nang pinaupo niya ako ulit, "Tawagan ko na lang si Jinky para siya na lang kumuha at magdala ng iinomin natin."

"Jinky." malakas na sabi niya at sapat na para marinig iyon ng babae at nagmadaling pumarito sa amin.

"Pakikuha mo kami ng juice." maotoridad na sabi nito at nagmadaling naglakad ang babae patungong kusina.

Natapos na namin ang movie.

Tumayo si kolokoy at napatitig sa posisyon ko na nakaupo sa sofa.

"Maliligo muna ako at ikaw maligo ka na rin." sabi lang niya saka naglakad na papalayo sa akin at umakyat na ng hagdan patungo sa kanyang kwarto.

Napairap na lang ako sa kanya pagtalikot at tumayo na rin pagkatapos humakbang pabalik sa aking silid.

Humiga muna ako nang biglang pumasok sa aking isipan ang laptop ni Thena. Oo sa kanya nga ang ginagamit ko at iyong akin naman nasa bahay pati ang cellphone at nakatago. Ilang araw ko na rin hindi ginagamit 'yon dahil mga gamit ng kakambal ni Athena na ang madalas gamitin.

Marami kasi dito na impormasyong makakatulong sa akin sa pagpanggap ko dahil matagal na rin kami hindi nagkakasama at nagkakausap ng aking kakambal kaya wala akong alam na tungkol sa kanya lalong-lalo na tungkol sa estado ng  kanyang lovelife. Pero pagdating pa rin sa mga likes and dislikes niya ganoon pa rin at walang nabago pati sa mga hobbies niya.

Pagkatapos tignan ang laptop pinatay ko na rin pagkatapos kumuha na ng damit sa knapsack at naligo.

Pagkatapos kong maligo, aking hinablot ang cellphone sa ibabaw ng unan. Tinignan ko rin ito kung may notifs pero wala naman kaya napadako na lang ako sa facebook para ma-istalk si Zen, namimiss ko na kasi siya eh.

Ginamit ko pa rin account ni Thena at hindi ako pwede maglog-in ng account ko dito at baka ma-trace pa ni Greige.

Hayun! Nalulungkot ako kapag nakikita ko yung pictures naming dalawa magkasama sa Star City last year.

Nagpagulung-gulong ako sa kama dahil sa aking nararamdaman. Inexit ko na rin yung facebook pagkagamit. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwal nito si Greige na seryoso na naman ang itsura. Napaka-unpredictable talaga niya kaya hindi mo alam kung masaya ba siya o may dinaramdam.

"Ano nangyayari sayo?" bungad niyang tanong sa akin habang palinga-linga siya sa buong kwarto.

"Hindi ka man lang ba marunong kumatok noh? Paano kung nakahubad pala ako dito nakita mo na lahat?" panunuyaw ko sa kanya.

Walang good manners ang isang ito. Sarap kitisin hays.

"Kailangan pa ba? Saka ano naman ngayon kung makita ko ang lahat sayo?" nanlaki ang aking mga mata at napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang sabihin niya 'yon.

Aba! Hindi lang pala baliw at moody, may pagkamanyakis din pala.

"May kailangan ka ba kaya ka naparito?" naiirita ko na lang na tanong.

"Wala naman." sabay alis at talikod sa akin.

Wala naman pala eh, tzk.

Napag-isipan ko na ring pumunta ng garden para tignan ang mga bulaklak.

Biglang napalingon sa akin ang hardinero sa aking presensya.

Nginitian ko lamang siya saka na pinagmasdan ang mga halaman. Parehas kami ni Athena na mahilig sa mga halaman at bulaklak.

"Nandito ka pala Ma'm Thena!" dinig kong isang pamilyar na boses na nagmumula kay Yaya Celeste.

"Alam mo ba na-missed ka na ng mga bulaklak. Matagal mo na raw kasi hindi  dinadalaw rito." pagtukoy niya sa mga flowers na narito.

Oo ganoon kami magkapatid kinakausap namin ang mga halaman at bulaklak.  Ang weird nga lang haha.

Ngumiti lang ako saka nagsalita, "Busy po kasi eh." pagdadahilan ko na lang sa kanya dahil wala akong nalalaman sa mga nangyari bago naaksidente ang kakambal na si Athena at di pa nasasabi o nababanggit sa akin nila Mom and Dad tungkol doon.

"Ayos lang pero narito naman na ako eh." sabay pagtitig sa mga halaman. Ang tataba nga nila.

"Sige maiwan muna kita dito iha. Magluluto at maghahanda pa kasi ako ng gabihan natin." sabi niya saka na tumalikod at naglakad na palayo subalit tinawag ko siya.

"Tulungan ko na po kayo." sabi ko na ikinagulat niya.

"Magluto?" tumango ako kaagad.

Oo nga pala si Thena ayaw ang pagluluto dahil di siya marunong niyon. Malulusutan ko pa naman siguro ito saka gustung-gusto ko ang ganito.

"Opo, tutulong po ako sa inyo magluto."

"Hindi ba ayaw mo niyon saka hindi ka naman marunong?"

"Marunong na po ako Yaya Celestina habang nasa ibang bansa si Greige, nag-aral at nagsanay po ako magluto sa bahay at nagpaturo ako kay Yaya Helena." pagsisinungaling ko.

"Talaga ba? Oh sige, halika." tumalikod na rin siya at sumunod na rin ako patungong kusina.