webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Adolescente
Classificações insuficientes
69 Chs

SevenTEEN Dwarves (1)

"Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Stan na nakatayo pa din.

"Nasaan na yung Risa na sobrang makangiti? Pwede ba yun na lang kausapin ko?" loko niya habang nakangiti.

"Wala, umalis na," sabay talikod sa kanya at humarap na dun sa mesa, "Bumalik na sa realidad."

"Uhh," narinig kong sabi niya, "Hindi ba pwedeng sabihin mong bumalik muna siya at namimiss ko na siya ng bongga?"

Hindi ko na tuloy napigilan na ngumiti. Naramdaman ko na lang na tumabi na pala siya sa akin. Sinilip ko siya at nakatingin pala siya sa akin kaya nahuli tuloy ako. Yung ngiti niya lalong lumaki, "Yan, yan ang Risa na hinahanap ko."

Pinalo ko na lang yung braso niya ng pabiro at hinayaan ko ng lumabas ang ngiting kanina ko pa pinipigil.

"So best friends?" Tanong ni Stan.

"Best friends," sang-ayon ko sa kanya.

"Wala ng bawian yan ha."

"Duh. I'd rather suffer seeing you with that girlfriend of yours instead of ignoring you for the rest of my life," sagot ko sa kanya. Totoo yung sinabi ko. Pagkatapos nung nangyari kaninang umaga hindi ko na talaga matitiis na hindi siya kausapin, biruin, o makipagkulitan.

"Yan ang best friend ko," sabay akbay niya sa akin. "So okay lang sayo na dito kami kumain?"

Biglang naglaho ang mga ngiti ko sa labi. Muntik ko ng pagsisihan na nagkipagbati na ako sa kanya ng ayos. Mukhang napansin niya kasi lalo pa siyang lumapit.

"Please. Miss ko ng sumabay kumain sainyo at tsaka kasasabi mo lang."

Ugh. Hindi na ako makakatanggi. Gusto ko pero alam ko gagawin pa din naman niya kahit sabihin kong hindi. "Sige basta dun kayo sa dulo."

Buti na lang hindi bilog yung table. Mas safe yun kasi hindi ko masyado maririnig ang pinaguusapan nila at hindi ko kailangan tingnan sila.

"Pero-" tutol pa sana siya kaso inunahan ko na, "Wala. Best friends na uli tayo pero hindi ibig sabihin nun, kailangan kong pakitunguhan ng ayos yang girlfriend mo."

Itinulak ko siya ng palayo sa akin, "At tsaka ayaw mo nun, hindi magseselos ang girlfriend mo."

Nawala na ang ngiti niya. Mukhang medyo nagulat siya sa sinabi ko. Akala ko babawiin niya yung pagkain dito sa table namin pero hindi pala.

"Okay lang. At least ngayon makakapunta na uli ako sainyo at tsaka makakapagkwentuhan na uli tayo gaya ng dati," tumayo na siya para bumili ng pagkain.

"Wala akong balak makinig sa problema ng love life mo," pahabol ko sa kanya bago pa siya makalayo.

"Alam ko," sagot niya, "Kasabay nga pala natin kakain si Keith."

Sa gusto ko man humindi at umalis ng cafeteria para hindi makita si Keith, hindi ko nagawa. Tinanong pa nga ako nila Aya kung sure daw ba ako dito. Syempre hindi ang sagot ko pero alam ko na mangyayari din to nung tinanggap ko uli na best friends na kami ni Stan. Parte siya ng buhay ni Stan, hindi ko maalis yun at wala akong choice kundi tanggapin yun.

Torture ang buong lunch. Pilit kong sinasabi sa sarili ko, 'think of happy thoughts.' Syempre hindi ko din naiwasan hindi sila tingnan. Masakit pero masasanay din ako. Sasanayin ko na lang ang sarili ko dahil hindi ko kakayanin pag nawala na ng tuluyan sa akin si Stan. Siya na nga lang yung natitira. Okay na sa akin kahit may kahati ako. At kahit anong wish ko na sana magbreak sila alam ko naman na hindi mangyayari yun.

Buti na lang mabilis natapos ang klase nung hapon. Akala ko makakauwi na agad ako pero hindi pala. Isang malaking hindi pala. Napaubob na lang ako sa table ko at nagbuntong hininga ng nag-annouce yung huli naming teacher, "Guys, may meeting nga pala mamaya sa auditorium lahat ng third years tungkol sa presentation para sa graduation. Lahat kayo kailangan umattend dahil may attendance yun. Ang mahuli na hindi umattend ay sanction."

Padabog at malungkot akong pumunta sa auditorium.

"Risa, tigilan mo na yang pagdadabog mo at wala naman magagawa yan," sabi sa akin ni Aya habang pinapat yung likod ko.

Pagdating namin dun nandun na yung dalawang sections ng third year. Nakita agad ako ni Stan, "Risa! Dito na kayo maupo sa tabi namin."

Nagdalawang isip pa ako dahil ang katabi niya ay si Keith na nasa dulo. Ang itsura ng auditorium namin ay may maliit na stage sa baba at pataas ang mga upuan. Hindi naman ganun kalakihan dahil hindi kasya lahat ng studyante.

Pinalo ko si Stan pagkapunta namin dun sa inuupuan nila. Tiningnan lang niya ako at sinabi, "Ano na naman ang ginawa ko? Pinagreserve ko na nga kayo ng upuan."